Ito ang dahilan kung bakit hinijacked ni Augusto Lakandula ang eroplano

Kung sa tingin nyo ay puro taga ibang bansa ang mayroong kakayahan na gumawa ng isang malaking krimen, well nagkakamali kayo. Isang pinoy ang gumawa ng isang krimen na makikita mo lamang sa mga pelikula o hindi naman kadalasan sa amerika mo lamang naririnig ito. Ang pang hijacked ng isang eroplano.

Kilalanin natin si Agusto Lakandula. Ano nga ba ang kwento ng lalaking ito.

Philippine Airlines Hijacked:

Augusto Lakandula: The Guy Who Hijacked Philippine Airlines

Ayon sa Filipiknow.net, Kinilala ang isang Filipino na si Augusto Lakandula, di kalaunan ay kinilala bilang Reginald Chua. Ang lalaking ito ang siyang pinaniniwalaang nang hijacked ng Philippine Airlines jet noong May 25 taong 2000.

Ayon sa report, kinolekta nito ang mga pera at mga mamahaling gamit ng bawat pasahero at saka ito tumakas gamit ang isang parachute. Ayon sa report patungkol sa pangyayari na ito, ang eroplano na kanyang sinakyan na Philippine Airlines Flight 812 ay nag take off mula sa Francisco Bangoy International Airport sa Davao City. Sakay ang halos 278 na pasahero, tatlong piloto, siyam na flight attendants at dalawang cabin crew trainers at ang ito ay lalapag sa Ninoy Aquino International Airport sa Manila.

Kinilala ang tatlong piloto na sina Capt. Butch Generoso, navigator Capt. Edwin Nadurata at First Officer Caloy Neri. Noong ang eroplano ay lumipad na, doon lumabas ang isang lalaking nakasuot ng asul na maskara at nagdeklara ng hijacking. Ayon sa balita, dala nito ang isang tali, isang baril at may hawak pa itong isang granada.

Matapos nitong makuha ang kanyang gusto, nagpumilit itong pumasok sa mismong control room ng eroplano. Dahil ang mga piloto ay hindi kaagad pumayag sa kanyang nais, nagpaputok ito ng baril paitas at tumama sa bubong ng eroplano. Ayon sa kinilalang co-pilot ng flight 812 na si Carlor Neri. Dito ay inireport nito na nakausap nito si Lakandula na tigilan ang kanyang ginagawa, kung hindi ay lahat sila ay mapapahamak. Kinausap din ni Neri si Lakandula na kung ito ay mayroong problema, maari itong makatulong sa kaniya.

Noong malaman ni Neri na kailangan nito ng pera, agad itong naglabas ng pera sa kanyang bulsa at ibinigay kay Lakandula. Pumunta pa ito sa PA system at doon inutusan ang flight attendant na magsabi sa sa mga pasahero na magbigay ng tulong kung kanilang nanaisin.

Makikita nga sa plane ticket ang kanyang pangalan na Augusto Lakandula. Lumabas sa mga report na pinipilit niya ang mga piloto na ibalik sa Davao ang eroplano, ngunit ang mga ito ay hindi pumayag dahil ang gas ng eroplano ay malapit ng maubos.

Dahil sa kanyang hindi nasunod na plano, iniutos naman nito sa mga piloto na babaan ang lipad ng eroplano at ito ay i-depressurize upang mabuksan ang pintuan nito. Mula dito ay tatalon ang kriminal gamit ang isang parachute. Ayon kay Neri, alam ni Lakandula ang kanyang ginagawa. Ipinahayag ni Neri na noong una ay inutusan sila ni Lakandula na bumaba ng 10,000 feet at nag utos muli na sila ay mag level off sa taas na 7,000 feet. Bumaba sila hanggang 6,000 feet. Naniniwala si Neri na ang ginawa ni Lakandula ay planado at maging ang kanyang pagtalon ay planado din.

Pumayag ang mga piloto, ngunit bago pa man ito tumalon ng tuluyan, humingi pa ito ng tulong sa mga crew at nagtanong kung paano niya gagamitin ang isang nylon parachute na siya mismo ang gumawa. Ayon sa mga crew, ang parachute na kanyang dala ay walang ripcord dahilan upang ang isa sa mga piloto ay kumuha ng isang punit ng kurtina at ikinabit sa kanyang parachute.

Habang ang eroplano umiikot ikot sa himapapawid 13 miles away sa Manila, mula sa left rear door ng eroplano, tumalon ito sa taas na 6,000 feet. Inireport din na siya ay itinulak sa maling direksyon ng isang flight attendant, dahilan upang madala ito ng hangin sa maling direksyon.

Lumabas sa report na nahiwalay ito sa kanyang parachute at ang kanyang katawan ay natagpuan sa isang bundok sa Real,Quezon.K ahit na nga ang isang pinto ng eroplano ay nanatiling bukas, ito ay nakapaglanding ng maayos sa Ninoy Aquino International Airport.

The reason for Hijacking:

The Strange Tale Of Augusto Lakandula And Pal Flight 812

Ayon sa Noted Files, mayroong dalawang kwento at paniniwala kung bakit ang lalaking si Reginald Chua ay nagawa ang pang ha-hijaked ng isang eroplano. Ang una, ang kwento nga patungkol sa kanyang sarili pamilya. May bali balita na ang kanyang asawa ay sumama sa isang pulis.

Ang pangalawa naman ay kwento mula sa kanyang kapatid na kinilala namang si Rannie Chua. Ayon dito, ang dahilan sa ginawa ng kanyang kapatid ay ang pagkamatay ng kanilang ama. Ayon sa kwento, ang kanilang ama ay napatay noong 1993. Dahil sa kanyang kagustuhan na mailayo ang kanyang pamilya sa rehiyon kung saan napatay ang kanilang ama, ang pangha-hijacked ng eroplano ang siyang paraan upang ito ay makakuha ng pera.

Ikinuwento nga ng kapatid ni Lakandula ang pagkahilig nito sa pag skydive kung saan bumibili pa to ng libro upang matuto. Ngunit sa kasamaang palad, ito ay wala pang karanasan sa pagtalon sa tunay na eroplano o helicopter, dahilan nga na hindi nito alam ang kanyang gagawin noong ito ay tumalon sa eroplano.

What happen to Augusto Lakandula:

The Strange Tale Of Augusto Lakandula And Pal Flight 812

Noon ngang si Augusto Lakandula ay tumalon, tatlong araw bago makita ang katawan ng lalaking ito at halos nakalubog na sa putikan. Natagpuan ito ng mga lokal na mamayan sa Llabac Real, Quezon kung saan 70 kilometeers south ang layo sa Manila. Doon ay natagpuan ang kanyang bag at belt na pinaniniwalaang puno ng pera at mga alahas.

Ngunit noong dumating ang mga pulisya sa lugar ay bag na lamang ang kanilang natagpuan at ang patay na katawan ni Augusto. Ang kanyang ginamit na parachute naman ay natagpuan sa layo ng ilang kilometro mula sa kanyang pinag bagsakan.

D.B Cooper:

D.B. Cooper Hijacking — FBI

May kaparehas na pangyayari pero ito ay sa ibang bansa. Taong 1971, isang lalaki ang nagpakilalang Dan Brown na siyang kasama sa Northwest Airlines flight 305 mula Portland. Dahil sa pagkakamali ng media, mas nakilala ito bilang D.B Cooper.

Ayon sa report mula sa taong ito, siya ang pinaka kilalang airplane hijacker noong panahon na iiyon at nakilala pa din ito hangang ngayon. Ayon sa Citezen Sleuths.Com, noong ang eroplano na kanyang sinasakyan ay nagtake off na, saka niya inilabas ang kanyang brief case at inilabas ang bomba na kanyang dala dala.

Noong ang eroplano ay lumapag sa Seattle nanghingi ito ng 200K na pera, apat na parachute at maging pagkain bago pa man nito palabasin ang lahat ng crew at passenger. Nabigay naman ito at noong ang mga pasehero ay nakalabas na, tatlong piloto, at isang flight attendant na lamang ang natira sa eroplano, iniutos niyang paliparin muli ang eroplano.

Pinaniniwalaan na makalipas ang halos 45 minutes, pinapunta niya ang flight attendant sa cockpit o sa kontrol room ng eroplano. Doon ay isinuot niya ang parachute, ikinabit ng mabuti ang pera na kanyang nakuha at binukasan at ibinabaa nito ang rear stairs o ang ibabang hagdanan ng eroplano.

Tumalon si Cooper bandang norte ng Portland. Noong ang eroplano ay makalapag na sa lupa, nakita pa ng mga piloto at ng mga pulisya ang dalawang parachute na naiwan at sa mismong upuan ni Cooper ay natagpuan naman ang isang itim na tie.

Matapos ng insidente, nagsagawa kaagad ng paghahanap ang mga opisyal. Mula sa lupa at maging sa dagat. Halos isang libong troops ang silang nagsagawa ng mga pagtalon sa area kung saan ito ay tumalon upang magkaroon ng ideya kung saan ito maaring bumagsak o naglanding. Ngunit sa kasamaang palad ay walang D.B Cooper ang nakita ng mga ito.

Lumipas ang siyam na taon, isang batang lalaki ang nagpakilalang Brian Ingram mula sa North Portland sa Columbia River. Ayon sa kwento ng bata, ito ay naghuhukay ng lupa upang makagawa ng isang fire pit sa lugar ng Tena Bar. Sa kanyang paghuhukay, natagpuan niya ng tatlong bundle ng pera at ilang rubber bands na hindi man lang napuruhan.

Ayon sa report ng mga opisyal, halos 5800 dollars ang nakita ng bata at nakita din ang kaparehong serial number na nakuha ni Cooper sa bagay na nahukay. Dahil sa ito ang pinaka unang ebidensyang lumabas sa loob ng siyam na taon, agad na nagsagawa ng paghuhukay at paghahanap ng ilan pang kagamitan mula sa lugar. Maging ang mga dagat at mga ilog ay inimbestigahan din ng FBI, ngunit muli ay wala nang iba pang kagamitan ang kanilang nakita at maging katawan ang kanilang nadiskubre.

Magmula noon ay nakilala na ito mula sa libro,s a mga palabas at maging sa kwento at nagkaroon din ng iba’t ibang teorya kung ito ba ay nanatiling buhay o namatay mula sa kanyang pagtalon. Ayon sa mga proffesional skydivers, kung si Cooper ay mayroong experience sa paggamit ng parachute maaring ito ay buhay pa, ngunit kung ito ang kanyang unang beses, maaring ang lalaking ito ay namatay na.

Taong 2008 nga noong nabuksan muli ang kaso ni Cooper at nagsagawa muli ng paghahanap para sa kanya, ngunit makalipas ang tatlong taon ay walang nakita ang mga imbestigador.

Ang kwento nga ni Cooper at ni Lakandula ay naipagkumpara sa isa’t isa. Ngunit ang kaibahan nga lamang, ang katawan ni Cooper ay hindi na nakita at natagpuan at ito ay nag-iwan pa ng malaking misteryo para sa pamahalaan. Habang si Lakandula naman ay namatay mula sa kanyang unang talon sa pagiging skydiver.

So, kung sakaling maisipan mong mang hijacked ng eroplano, tandaan na dapat ay marunong ka munang gumamit ng parachute.J oke lang naman. Wag tayong gagawa ng masama lalo na sa himpapawid dahil hindi lamang ang buhay mo ang nasa bingit ng kamatayan, ngunit buhay din ng napakaraming tao na nakasakay dito.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/ksYA1W_gKSI

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang lindol na umatake ng gabi at kumitil ng maraming buhay sa pinas

Pilipinas Maharlika Nation