Ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang Merlion (Ultramar) ng Pinas

Kung tayo ay pupunta sa Singapore,makikita natin ang isang malaking monumento ng isang nilalang na kalahating leon at kalahating mermaid. Tinawag nga itong “Merlion”.

Ito nga ang ulo ng isang leon at katawan ng isang isda na siyang mascot at national personification ng Singapore. Ngunit marami ang hindi nakakaalam na minsan nang nagkaroon ng ganitong bagay ang Pilipinas at to be exact ay naitayo ito sa Manila.

Ano na nga ba ang nangyari sa Merlion ng Manila.

Ultramar:

The Ancient Archipelagic Ultramar: Symbol of Manila, the Presidency, and  the Philippines | Presidential Museum and Library

Noong March 20,1596, ang kinikilalang Distinguished and Ever Loyal City ng Manila ay nabigyan ni King Philip II ng Spain ng pinaka unang coat of arms. Makikita ang isang simbolo nito na isang sea-lion.

Inilarawan ito bilang kalahating leon at kalahating dolphin. Mayroon itong silver arm at langued gules at makikita din dito ang kulay pulang kuko at kulay pulang dila. Ang leon na ito ay may hawak na espada mula sa kanyang kamay at kasama ang isang guard at hilt.

March 30,1596 naman noong ang coat of arms na ito ay tinanggap ng Pilipinas at mula noon ay ginamit na itong bilang watawat ng siyudad. Bukod sa pagiging watawat, makikita din ito sa mga pendants at mga sheilds na kanilang ginagamit noong panahon na iyon.

Ang sea-lion na ito ay tinatawag namang “Ultramar” mula sa latin word na “Ultra” na ang ibig sabihin ay “From beyond” at ang “Mar” na ang ibig sabihin ay “Sea” o karagatan. Pinaniniwalaan nga na mula sa classical heraldy, ang leon ay nagrerepresena sa isang lugar na hawak ng espanya at ito ay makikita sa Atlantic at Pacific ocean.

Ang seal nga na ito na siyang isang kalahating leon at kalahiating dolphin ay makikita pa din sa ilang mga bagay na mula sa Pilipinas. Tulad na lamang sa isang lumang bote ng San Miguel Beer.

Isang may pakpak naman na sea lion, na mayroong suot na korona at mayroong hawak na espada ang makikita sa Legaspi at Urdaneta Monument sa Rizal Park. Sa tagal ng panahon, ang pinaka unang seal ng Manila ay dumaan na sa iba’t ibang pagbabago.

Pinaniniwalaan na habang nagagaganap ang second world war, isinagawa sa pagbabago ang coat of arms ng Pilipinas. Dito ay binago ang simbolo na mayroon ito sa Manila at ito ay nilagyan ng isang revolutionary symbols mula sa pinaka unang republika.

Ngunit ito ay hindi tinanngap at ibinalik ang Ultramar. Noon namang July 4,1946. Nagkaroon muli ng panibagong coat of arms na siyang nagpapakita ng pagsasama ng American at Spanish bilang simbolo ng Pilipinas. Ngunit doon ay makikita ang bald eagle na mula sa America at sinamhan ng lion rampant at inialis ang sea-lion sa imahe.

Ang pag-gawa ng coat of arms para sa presidente ng Pilipinas ang siyang naging dahilan upang ibalik ang sea-lion o Ultramar, para ipakilala at maging simbolo sa pangunguna sa bansa.

Ngunit kahit na ito ay dumaan sa maraming pagbabago, nanatili at kinikilala pa din ito bilang simbolo ng Manila. Ito ay kinuha din at ginamit na simbolo sa pagiging presidente at nang iba pang mga agency ng gobryeno ng Pilipinas na siyang kinikilala at nagpapakita ng “strength and determination”.

Noon ngang 1946 ay inaprubahan ni Manuel roxas ang seal para sa presidency ng Pilipinas at ito ay ipinakilat niya bilang isang medallic art para sa pagbibigay ng honor at decorasyon ng republika.

Noon namang 1947 ay itinuloy ng Quirino administration ang pag-gawa ng tinatawag na Order of Sikatuna. Ito ang nagbigay ng pagkakakilalan sa sea lion o Ultramar bilang simbolo ng executive authority.

Mula noon ay pinanatili ng Manila ang simbolo ng Sea lion at matapos ang pagkalaya ng mga Pilipino sa mga Americano, inalis na nila ang bald eagle at pinalitan ito ng isang korona. Isang civic crown na siyang nagpapakita at nagpapakilala ng malayang siyudad na siyang makikita sa itaas ng royal coat of arms.

Ngunit noong 1965, ang pangalawang mayor ng Manila na si Antonio Villegas ay ipinatanggal ang simbolo na ito at pinalitan ng panibagong simbolo. Dito ay pinalitan niya ito ng pagpapakita ng baybayin script na “K” at ang ukit ng San Agustin Cburch at sinamahan pa ng gate ng Fort Santiago at ang panibagong seal at natabunan na ang dating sea lion na makikita dito.

Ngunit muli na namang nagbalik ang sea lion sa coat of arms at ito ay dinisenyo ni Galo Ocampo na siyang ding nagdesinyo ng coat of arms ng presidential seal.

Ang sea lion nga ang siyang sumisimbolo sa pinagdaanan ng mga Pilipino at Pilipinas sa tagal ng panahon sa kamay ilang bansa na nagtangakang sumakop dito.

Merlion in Singapore:

Merlion Park: Meet the iconic statue - Visit Singapore Official Site

Malamang mayroon isa sa mga viewer ang makakaalala ng merliopn ng singapore, sila ba ay magkapareho? Well hindi. Ang Merlion ng Singapore ay lumabas lamang at nagawa noong 1964,at dinisenyo ito para ipakilala sa ibang bansa ang kanilang siyudad.

May ilang nagsasabi at nagtatanong kung ang Merlion ba ng SIngapore ay ginaya lamang ang sea-lion o Ultramar ng Pilipinas. Ang totoo, walang pang-gagaya na naganap. Ang Merlion ng Singapore ay mula sa traditional name ng siyudad na Temasek o “Sea Town” at Singpura na “Lion city”.

Ang merlion ng Singapore ay ang mismong sumisimbolo sa kagandahan at pagkakakilanlan ng kanilang lugar, habang ang sea lion naman ng Manila na ibinigay ng mga espanyol dahil ito ay kanilang hawak at nasa ilalim ang lugar noong panahon na iyon.

Di nagtagal ay ginamit na ito ng mga gobyerno upang maging simbolo ng autoridad at kalakasan ng kanilang pamumuno.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/XGUZSOSnCIs

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Sobrang saklap ng sinapit ng ekspedisyon na nagawa nilang kainin ang isat isa

Alam nyo ba ang iba’t ibang klase ng mangkukulam