Ito ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang Luneta Tower

Ayon sa mga historian, isang tower ang siyang plinanong itayo ng gobyerno ng Pilipinas ang kailanman ay hindi na na naituloy. Pinaniniwalaan na ang tower na ito ay katumbas ng Aiffel Tower na nasa Paris sa France.

Ngunit ano nga ba ang nangyari sa Tower na ito? Halina at ating alamin.

Centennial Tower :

The Controversial 2019 SEA GAMES “Kaldero”

Ang kinikilalang Centennial Tower o mas kilala bilang Luneta Tower ay isang proyekto na siyang dapat na itatayo sa Rizal park sa Manila. Ayon kay Manosa, ang Luneta ang siyang napili dahil nga sa historical value na mayroon ito at kilala na din ito ng mga turista sa tuwing sila ay bumibisita sa bansa. Isa pa, ang Luneta ay pinahahalagahan ng maraming tao. Dagdag pa nito, hindi nito matatapakan ang monumento ni Rizal dahil ang tower ay itatayo sa isang skating rink,o sa gitna ng isang Agrifina Circle.

Ngunit di kalaunan, ang proyekto na ito ay inilipat ng lugar at pinaniniwalaan na dapat nang itatayo sa Pasig dahil sa backlash na nangyari sa tunay na site nito.

Ang tower nga na ito ay plinano bilang isang memorial para sa ika 100th aniversary ng Philippine Independence. Sa pangunguna ng presidente noon na si Ramos, ang Luneta Tower ang kaniyang ipang tatapat sa Eiffel Tower na nasa Paris.

Ito ay dinisenyo na isang 100 story Luneta skycraper na pinaniniwalaang mas malaki ng 2.5 times mula sa Rufini Tower na makikita sa Makati noong 1998.

Mula sa ilang report patungkol sa tower na ito, ang Centennial Tower ay dinisenyo ng isang Filipino architect na si Francisco Manosa. Mula sa taas na 390 meters o 1,2280 feet na katumbas ng isang gusali na mayroong isang daang palapag.

Ang naging inspirasyon ni Manosa sa pagbuo ng disenyo ng tower ay isang sulo o isang bambo torch, upang maipakita sa mga tao ang pagpapakilala ng ating bansa at ang ugali na mayroon tayo. Pinaniniwalaan nga na ang diameter ng base ng tower ay 60 meters o 200 feet at gagawan din ito ng halos 250 square meter na restaurant. Halos two-thirds ng tower mula sa pinaka base nito ang siyang magiging restaurant.

Mula naman sa upper part nito ay mga government agencies at ilang mga private firms ang silang pinaniniwalaan na gagamit dito. Doon ay halos 18 firms ang nagsasabing bibili o uuphan ang mga opisina ng tower upang magamit sa telecommunications.

Mula sa report noong 1996, ang tower ay ipapagawa at popondohan ng isang German Firm na kinilalang Walter Bau-AG. Sa pag e-estimate ng kanilang magagastos, aabot ng halos 200 million dollars o halos 5.2 billion Pesos. Kung sakaling matuloy ang proyekto na ito. Ito ay papatakbuhin at hahawakan ng German sa loob ng 23 years, pagkatapos ay ipapasa naman ito sa gobyerno ng Pilipinas.

Noong panahon na iyon, ang Department of Transportation and Communications ang siyang nakatoka sa proyekto. Noong July ng 1996, binisita ng Walter Bau-AG ang lugar kung saan itatayo ang tower at ayon sa kanila ay dalawang taon lamang ang kanilang guguling upang mabuo ang proyekto.

Luneta Tower Site:

The Controversial "Luneta Tower" That Was Never Built

Tulad ng aking nasabi kanina, hindi lamang ang Rizal Park ang siyang napilng lugar upang mapagtayuan ng tower na ito. Nasa pagpipilian din ang ilang lugar, katulad nang Corregidor, Fort Bonifacio, Clark Freeport Zone, Cavite, Subic Bay Freeport Zone at Greenhills. Ang unang site na Corregidor kung saan nais itayo ang tower ay bawal pasukan ng mga local na mamayan. Ang lugar naman na siyang napili sa Fort Bonifacio at Cavite ay malapit sa paliparan ng mga eroplano.

Ang Clark at ang Subic ay napapaligiran naman ng laharland o isang uri ng makapal na putik at mga lupa. Ang ganitong lugar nga ay hindi kaaya-aya sa mga bisita na pupunta rito at ang Greenhills naman ay pinaniniwalaang over crwoded na lugar.

Dahil dito ang Rizal park ang napili dahil sa pagkakakilala nito sa publiko at sa magandang parte nito na malapit sa Manila Bay na siyang makikita ang napakagandang paglubog ng araw. Bukod pa nga dito, ito ang lugar kung saan napatay ang ating pambansang bayani na si Rizal.

Ngunit noong April 1996, ang National Centennial Commission ay nagdesisyon na ilipat ang site ng Tower mula sa isang lugar na pagmamay-ari ng Metro Manila Development Authority na siyang makikita sa gilid ng Julia Vargas and Meralco Avenues sa Pasig.

Ngunit kahit na napagdesisyunan na ang eksaktong lugar, ang tower ay hindi kailanman nasimulan.

Why it didn’t built:

The Controversial "Luneta Tower" That Was Never Built

Maganda man ang gusali na nais ipatayo ng presidente noon, maraming tumutol at tumaliwas dito. Pinaniniwalaan nga na dahil sa galit at inis ng tao, ang Tower ay kanilang tinawag na “tower of stupidity,” “tabako tower” na siyang pinaparating sa kanilang tingin sa pangulo noon na si Ramos. Tinatawag din nila itong “monument of vanity,” “bay-side monstrosity,” “Ramos Tower,” at “modern-day tower of Babel.”

Dahil ang desinyo ng tower ay inilabas sa mga diyaryo at mga pahayagan noon, ang ilan ay nagsasabing pangit ang desinyo na mayroon ito. Ayon nga sa isang newspaper columnist na si Conrado de Quiros, inilarawan niya ito bilang isang dirty finger na siyang nakaharap mismo sa mga mamayan.

Ayon din sa ilang mga opisyal, ang pagpapagawa dito ay masyadong mahal at maaring ito ang maging dahilan sa pagbaon sa utang ng Pilipinas. Ayon naman kay Imelda Marcos, ang mga tao ay wala nang makain at ang pinag-uusapan pa ng mga nasa itaas ay pagpapagawa ng isang mahal at malaking monumento.

Ayon naman sa isang political commentator na si Amando Doronila, ang lupa ng Luneta ay isang madulas na lugar at maaring ang Tower ay tumabingi at maaring matawag na “Leaning Tower of Manila.” Ngunit noon ngang bisitahin ang lugar ng mga German, kanilang sinigurado na hindi itong mangyayari. Kahit na ito ay kanila nang ininspaeksyon, hindi pa din natuloy ang kanilang proyekto.

Bandang huli ay inatakea ng presidente at nang isyung korupsyon ang DOTC at ito na ang naging dahilan upang hindi na matuloy ang Luneta Tower.

So, kung ikaw ang tatanungin. Ano nga ba ang mangyayari sa ating bansa kung sakaling ang tower na ito ay naituloy.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/w6qanKcplw4

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

The Gospel of Satan

Mayroong lost island ang pilipinas? Saan ito matatagpuan?