Isang butas ang patuloy na lumalaki sa siberia

Reading Time: 8 minutes

Sa bansang Siberia, natagpuan ng mga eksperto ang isang napakalaking butas na kanilang tinawag na “Gateway to Underworld”. Nito lamang 2017, ito ay mas naging usap-usapan dahil sa napapansing habang tumatagl ay lalong lumalaki ang butas at ito ay nakakapagpabahala sa mga eksperto.

Pinaniniwalaan na ang butas ay maaring makapagbigay ng problema sa buong mundo. Kilalanin natin ng mabuti ang malaking Crater na ito at alamin kung ano nga ba ang dahilan kung bakit ito patuloy na lumalaki.

The Big Crater in Siberia:

Solved: how mystery craters were formed in northern Siberia

Ang bayan ng Siberia ay makikitaan ng iba’t ibang permafrost o yung mga ilalim ng lupa na nanatiling yelo at mananatiling yelo sa ilan pang susunod na taon. Ngunit ayon din sa mga eksperto, hindi na lingid sa kaalaman ng iilan na ang mga permafrost sa Siberia ay maninipis na yelo lamang.

Ito ang dahilan nang biglaang pagsulpot ng malalaking butas sa ilang mga lugar. Dahil dito ay nababahala ang mga taong nakatira sa mga lugar na nanatiling yelo ang ilalim ng kanilang lupang tinitirahan, baka ito ay biglaang matunaw at gumuho na lamang.

Makikita ang Yakutsk na isang malayang republic sa eastern Russia at ito din ang pinaka malamig na rehiyon sa buong mundo at dito makikita ang pinakamalaking crater sa kanilang bansa.

Mayroong dalawang uri ng permafrost. Ang unang klase ay ang mga natirang yelo noong naganap ang huling ice age at ngayon ay nakabaon na lamang sa ilang lugar. Ang pangalawa nga ay ang kagaya ng nakitang crater sa Russia na mag-isa lamang nabuo ang yelo sa ilalim ng lupa nito at maaring tumagal hanggang dalawa o ilan pang taon. Kumbaga hindi na dahil sa ice age un.

Ito na ang tinatawag ng mga local na “doorway to the underworld”, tinatawag din itong Batagaika crater at tinatawag ng mga official bilang “Megaslump” o “Thermokarst”. Ito ay patuloy na lumalaki at ipinapakita ang mga nakabaong kagubatan, mga patay na hayop at ang mga record ng iba’t ibang klima noong lumipas ang dalawang daang libong taon.

Pinaniniwalaan ng mga eksperto na ang crater na ito ay nagsimulang lumabas noong nagputol ng maraming puno sa lugar noong 1960’s. Dahil sa kawalan ng puno at sa pagdating ng tag-init, ang mga yelo sa ilalim ng lupa ay nagsimulang matuyo at ito ang naging dahilan upang gumuho ang lupa na nasa taas nito. Dahil nga sa pagkawala ng puno na siyang nagsisilbing panangga sa init ng lupa, ang ilalim nito ay madali na lamang pasukan ng init at unti-unting natunaw ang yelo na nasa ilalim sa pagdaaan ng panahon.

Ito ay may laki na 0.6 miles at may haba na 86 meters o 282 feet. Hindi ito eksakto dahil nga patuloy ang paglaki at paglawak nito habang dumadaan ang panahon. Isang research ang lumabas noong 2016 mula kay Fran Gunther, mula sa Alfred Wegener Institute sa Germany.

Lumabas nga sa research na sa ilang dekada na paglipas ng taon, ang crater ay lumaki ng halos 10 meters o 33 feet. Ngunit tuwing dumadating ang panahon ng tag-init, ito ay nadadagdagan ng halos 30 metres o 98 feet. Pinaniniwalaan at inaasahan na nang mga eksperto na ang side wall ng crater ay maaring pang lumaki at maari ding umabot sa mga kalapit na lugar kung saan marami na ang naninirahan na tao dito.

Sa patuloy na pagbabago-bago ng temperatura sa mundo, ito ay hindi na posible at maaring mas maraming at mas malawak pang lupa ang maabot nito. Pinaniniwalaan din na ang naganap na malaking pagbaha noong 2008 ay may kinalaman din sa paglaki nito.

The Gas in the Crater:

Q&A: The First-Ever Expedition to Turkmenistan's "Door to Hell"

Hindi lamang ang paglaki nito ang ikina babahala ng mga eksperto ngunit ang maaring lumabas kung sa ilang bagay na nakabaon dito. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na maaring itong maglabas ng mataas na carbon na siyang nakabaon mula pa noong unang panahon. Ang estimation ng mga eksperto sa carbon na maaring lumabas dito ay maaring katulad ng carbon na mayroon ang ating atmosphere. Ayon sa report ng Siberian Times, ipinahayag ni anna Kurchatova ng Sub-Arctic Scientific Research Centre, na ang pinakamalaking gas field sa Yamal Peninsula na kalapit lugar lamang ng crater ay maaring may kinalaman din sa labis na paglaki ng butas.

Ayon sa kanilang report,10,000 years ago, ang buong rehiyon ay isa lamang karagatan. Sa pagtagal nga ng panahon, ang mga lupa, asin at maaring methane gas ay nakulong sa loob ng yelo habang nabubuo ang isang permafrost sa buong rehiyon. Dahil na din sa global warming kung bakit patuloy ang paglaki ng butas at pagtunaw ng yelo sa ilalim ng lupa.

Dahil dito ay maglalabas ito ng mga gas at dahil sa pressure ay maari itong sumabog na lamang. Kung tama ang pinaniniwalaan ni Anna, maari itong makaapekto sa iba pang gas line na mayroon ang ilang permafrost sa kanilang kalapit na lugar.

Ang arctic region ay nakakaranas ng pinaka mataas na pagtaas ng temperatura dahilan upang ang mga permafrost na mayroon dito ay patuloy na natutunaw.

Accidents:

Video: Mysterious Huge Hole In Siberia Turned Into Lake | Geoengineer.org

Wala pang naipapabalita nahulog sa crater na ito, ngunit ang labis nilang ikinababahala ay ang pagkalat ng gas sa lugar at sa posibilidad na ito ay sumabog. Ayon sa ilang report, nadagdagan muli ang laki ng crater at mula sa Siberia, halos 30 meters na lamang ang layo sa gas field sa Yamal Peninsula. Kung sakali man ngang umabot ang laki ng crater sa Yamal,maari itong mapunta sa isang malaking aksidente.

Ayon sa report ng mga researcher’s sa Stockholm University department of Enviromental Science, nasaksihan ng mga ekspeto ang pagpapalabas ng methane gas ng karagatan ng Arctic Ocean sa East Siberia. Mas mataas ng halos sampong beses ang methane level na nailabas nito kumpara sa background ng seawater.

Ayon pa sa NASA, ang labis na pagbabago sa Arctic region na tahanan ng mga malalaking resevoirs ng methane ay maaring maging problema kung ito ay aabot sa atmosphere. Kung sakali ngang umabot ito sa atmosphere ay maari itong dumadag sa global warming.

Ito ang kinatatakutan ng mga eksoerto at patuloy na pinag-aaralan hanggang nagyon. Patuloy na binabantayan ang mga Crater upang maobserbahan kung ano pa ba ang mga pagbabago na nangyayari dito at kung ano ba ang mga nailalabas nito.

Ang mundo ay patuloy na nagbabago sa pagdaan ng panahon.Ngunit napapadali ang pagbabago nito dahil sa mga ginagawa ng mga tao.Pagtapon ng basura sa karagantan,pagputol ng puno,pagsunog sa kagubatan at kung ano pa nakakasira sa ating kalikasan.Kung ito ay patuloy na gagawin at hindi makokontrol.maaring ang mundo ay hindi na umabot sa takdang oras nito at mas mapadali ang pagkamatay nito.

Habang may panahon pa ay alagaan natin ang ating kalikasan dahil tayo din naman ang nakikinabang sa tulong nito sa ating mundo.Huwag natin patayin ang mundo upang tayo ay mabuhay pa ng matagal sa loob nito.

Sources

Sources

  • https://youtu.be/I2Ol5MimRns

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang nawawalang kontinente – Lemuria

Ito ang taong mas mayaman pa kay Bill Gates at sa pinakamayamang tao sa mundo