Illuminati, makademonyo nga ba? Signs and Symbols (Dark)

Reading Time: 9 minutes

Kagaya ng freemasons, ang illuminati ay gustong gusto din ng simbolismo. Para sa kanila isa itong pasekretong komunikasyon na hindi nalalaman ng mga normal na maammayan. Ayon sa mga ibang paniniwala ang illuminati ay isang satanic organization at gusto nitong gumawa ng new world order. Karamihan sa mga illuminati signs ay nadecode na ng mga conspiracy theorist. At sa puntong ito, alam na natin ang kwento ng modern illuminati at bavarian illuminati. Sa part na ito mga boss ang ididiscuss ko ay mga conspiracy symbols dahil panigurado hindi rin naman kayo interesado sa mga simbulo nila base sa kanilang paniniwala. Kaya imbes na gawan ko ng video ang clean symbols kagaya ng freemasons, ililink ko na lang ang website nila para duon nyo na lang basahin ang bawat simbulo. Daming satsat, simulan na natin.

Monarch Butterfly:

Ang monarch butterfly ay kadalasang ginagamit sa entertainment industry. Posible na ito ay inspired mula sa MK ultra experiments na ginawa ng mga CIA between 1950 hangggang 1970. Ang Monarch programming ay pinaniniwalaang isang klase ng mental torture kung saan nakakontrol nito ang isip ng biktima. Ang mga experiemts o subjects ay tinatawag na alipin o slaves para madisassociate nila ang kanilang sarili sa realidad at mas maging submissive sa mga handlers nito na tinatawag nilang monarch.

Ang monarch mind control ay pwedeng matrigger anytime na gustuhin ng handler. Kaya madalas natin itong nakikita sa mga celebrity giving the hint na ang industry ay pagmamay-ari o pinasok na ng illuminati.

Obelisk:

Ang obelisk ay kadasan makiokita sa mga town squares, in fact dito sa atin meron din. Ang obelisk mga boss ay iniuugnay sa egyptian god na si Ra. Ayon sa mga conspiracy theorist, pag tiningnan ito mula sa tuktok, ang obelisk ay magiging bilog at mayroong tuldok sa gitna, na isa ring popular na simbulo ng illuminati. Ang mga obelisk kadalasang tinatayo para isimbulo ang kapangyarihan. Kay pinaniniwalaan na ang obelisk ang nagpapakita o nagsisimublo ng kapangyarihan ng mga illuminati.

Owl:

Ang owl ay isa sa mga nagsisimbulo ng kasamaan ng mga illuminati. Ang kuwago ay nagrerepresenta ng kanilang karunungan at pagkamsikreto. Kagaya ng isang kuwago, ang mga illuminati ay nakakakita sa dilim o nagttrabaho sa dilim. Para sa kanila ang kuwago ay nirerepresenta si Minerva, ang diyos ng kaalaman ng mga romano.

Ang simbolismo ng kuwago ay kadalasang nakikita sa mga lugar na mayroong hindi magandang nakaraan. Kagaya na lamang ng bohemian Grove. Ang Bohemian Grove mga boss ay isang 2,700 acres na sacrificial playground ng mga elite. Matatagpuan ito sa kagubatan ng mote Roo California.

Naging popular din ang kuwago dahil makikita ito sa dolyares. Ang mga ibang importanteng lugar ng washington DC ay mayroon ding mga simbolismo ng kuwago.

Enduring Goddess Flaming Torch:

Ang isang diyosa, lalo na ang may hawak ng sulu o ung torch, ay ginagamit para isimbulo ang mga “enlightened ones”. Be it Minerva, Venus, Isis Europa. Lahat ng mother goddess type incarmation ay symbolic ng Babylonian Queen na si Semiramis.

Para sa mga walang ideya, ang isang diyos na mayroong hawak na sulu ay maganda at wala namang mali o kakaiba dito, pero sa mga utak ng mga illuminati at ng mga conspiracy theorist, ito ay nagsisimbulo ng kanilang madilim na paniniwala.

Ang diyos na may hawak na sulu ay tinatawag na enduring goddess at ito ang nagrerepresenta ng female counterpart ni lucifer. Isang halimbawa dito ay ang olmpic torch, kung saan unang ginamit ito ng mga nazi nuong 1936 bilang isang seremonya kung ssaan ipapasa ito from pillar to pillar.

Ang mismong apoy naman ay nagsisimbulo ng enligtenment o panibagong kaalaman.Ang apoy ay nagsisimbulo ng pagkasira ng old world order kapag nagsimula na ang new world order. Isang grand conspiracy. Ang statue of liberty ay nagsisimbulo ng new world order. Ang mismong statue ay ang representation ni semiramis.

666 /Devils Horn:

Karaniwan natin napapansin ang mga celebrity at mga may matataas na posisyon na gumagawa ng mga kakaibang gestures. Para sa mga iba, wala lang to but then again, iba ang nasa isip ng mga illumanit at mga conspiracy. Ang 666 ay isang satanic sign, ito mga boss ung okay symbol. Kaya magingat kayo sa pagmumuwestra ng kamay nyo, hindi nyo alam satanic sign na pala yan. Pero kidding aside, ito mga boss ay conspiracy lamang, wala pa po itong patunay pero maraming mga relihiyoso at conspiracy theorist ang naninwala dito. Back to the topic.

We all know ang mga rocker sign o ung parang spiderman sign yes, un mga boss ay simbulo ng sungay ng dyablo. Pero para sa mga nasa music industry ang devil’s horn o rocker sign ay isa lamang harmless gesture, sumisimbulo lang ito ng heavy metal music. Sa katunayan mas lalo itong sumikat nuong kalakasan ng heavy metal, taong 70’s.

Sila obama at bush ay hindi naman die hard heavy metal fans, kaya naman ang kanilang devils horn sign ay sumisimbulo ng pagkaalyado nila sa hari ng kadiliman at sa illuminati. Habang ang okay sign naman ay isang communication gesture, pero kung wala ka namang sinasenyasan ng okay, at basta mo na lang tong ginawa, kagaya ng mga ibang celebrity ay nagsisimbulo rin ng prinsipe ng kadiliman. Para sa iba, isa itong senyales na ibinenta na ng nilalang na iyon ang kanyang kaluluwa kay taning at isa itong subtle gesture para ipakita sa iba pang mga kasamahan nito.

Pyramid/ All seeing eye:

Ang pyramid, kagaya ng freemason ay simbulo rin ng illuminati. Ang tatsulok ay kadalasan makikita natin saan man tayo naruruon, ito ang nagsisimbulo na ang mga illuminati ay nakapaligid sa atin. Ang pyramid din ay nagsisimbulo ng isang hierarchy kung saan ang pinakamataas ang namumuno kaya kadalasan natin itong makikita kasama ang eye of providence o all seeing eye. Ang kanilang kapangyarihan at impluwensya ay dumadaloy pababa ng pyramid, ito rin ang dahilan kung bakit ang mga obelisk ay patatsulok nag dulo.

Ang pyramid ang pinakapopular sa lahat ng simbulo kasama ang all seeing eye dahil pinapakita nito ang kanilang impluwensya. At kung magiging mapanuri, mapag matyag, matang lawin kayo, makikita nyo rin ang tatsulok sa iba’t ibang sangay ng gobyerno, palabas at iba’t ibang establishimento.

Ang eye of providence naman ay mula sa ancient egyptian god na si Horus. Para sa mga sinaunang ehipto, ang eye of horus ay isang napakaimportanteng simbulo kung saan para sa kanila, ito ay nagrerepresenta ng proteksyon at kapangyarihan. Nuong na adopt na ng kristianismo ang eye of providence, ito ay naging simbulo ng mata ng diyos na tumitingin sa ating lahat.

Ang all seeing eye ay naiuugnay din sa freemason pero mas maraming naniniwala na ang simbulo na ito ay naiuugnay sa illuminati. Kung saan tumataliwas ito sa relihiyon. Kagaya nga ng pagka-adopt ng kristianismo sa eye of providence, ang mga illuminati ay inassume ang kapangyarihan ng diyos kung saan sila na mismo ang tumitingin sa sangkatauhan. Maraming naniniwala na ang mata ay hindi sumisimbulo sa diyos, bagkus ang sinisimbulo nito ay si satanas.

Ito na lang muna sa ngayon mga boss, Sana ay may natutunan kayong bagong impormasyon sa video na ito.

Source 1

Source 2

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Apelyido or last Name

Ang pagkabuhay at pagkamatay ng Dinosaur – Dino extinction-