Iba’t iba ang mararanasa sa Near Death Experience base sa Relihiyon

Reading Time: 10 minutes

Tapos na tayo sa Theories at pag-aral patungkol sa NDE. Kagaya nga ng sinabi ko previously, ang NDE ay posibleng maranasan ng kahit sino, regardless of sex, age or religion. Pero sometimes it plays a vital part, lalo na sa magiging karanasan mo sa isang NDE. There are cases here and there na ibang iba but most of them ay pare pareho. Sa ngayon mga boss, let us look at NDE cases focusing on religion.

Hindu:

Ang kaunaunahang NDE na nalathala ay sinulat ng mga researcher na sina Karlis Osis at Erlendur Haraldsson nuong 1977 base sa kanilang pagaaral na ginawa. Mayroong 80% ng NDE ang tungkol sa mga kakaibang nilalang. Mga espiritu, anghel, demonyo o diyos.

Karaniwang iknikwento ng nakakaranas ng NDE ay ang diyos na si Yamraj, ang kanilang dyos ng kamtayan, nakakita rin ang mga ito ng yamdoots o ung mensahero ni yamraj at si Chitragupta kung saan kinukunsulta nito ang isang libro para malaman ang karma nito.

Ayon sa isang indiano na si Vasudev Pandey, hinihila daw sya ng 2 nilalang, papunta sa isang pigura na kulay itim at nakahubad. Nagalit daw ang itim na pigura at nagsalita. Ang inutos daw nito ay dalhin si Vasudev na isang hardinero dahil ang hardin ay natutuyo na pero ang dinala ng dalawa ay ang vasudev na estyudyante.

Bumalik ito sa kanyang katawan at nagising ito sa kanyang kama, napapaligiran ng kanyang mga kaibigan at kamag-anak at kasama dito ang hardinerong si vasudev na syang namatay ng sumunod na araw. Ayon kay pandey, ang itim na pigura na nakita nya ang si Yamraj, and dyos ng kamatayan sa hindu.

Meron ding report na isang lalaki ang naputulan ng paa at dinala sa waiting room pero sinubukan nyang tumakas. Nuon nalaman na wala ang pangalan nya sa listahan ng mga patay, sinabi sa kanyan na kuhanin nya ang kanyang paa at ikabit at saka bumalik.

Ayon sa pag-aaral na ginawa nina Dr. Satwant Pasricha at Dr. Ian Stevenson, Walang cases ng tunnel like experience at puro out of body ang nailathala nila.

Kung sa mga westerners at karamihan ng narereport na NDE ay nakakaranas ng life review, ang mga hindu ay hindi ganito, bagkus sila ay haharap sa isang tao na mayroong libro kung saan andun nakalagay ang ginawa nila nuong nabubuhay pa sila.

Jewish:

Ayon kay Jonathan Newmann ang talmud ay mayroong 2 magkaibang NDE accounts. Ang una ay ang lalaking nagngangalang R. Joseph kung saan ito ay namanatay at nabuhay muli. Nuong nabuhay ito, ikwinento nya na napunta sya sa mundo kung saan lahat ng estado ng buhay ay nabaliktad. Ang mga mahihirap naging mayaman, pero ang mga sages at mga martir ay ganun pa rin ang estado.

Ang pangalawang kwento ay tungkol kay R.Huna kung saan nagkasakit ito ng matindi at pinaghahandaan na ang kanyang kamatayan. Subalit napagaling ito at sinabing binawi ng diyos ang kanyang kamatayan.

Sa zohar text naman ng kabbalistic tradition, nailathala ang kwento ni R. Jose,  kung saan namatay ito at muling nabuhay. Sinabi nito na ang pagluluksa at pagiyak ng kanyang anak ay narinig ng diyos kaya binigyan pa ito ng 22 yaon para mabuhay.

Pumunta naman tayo sa modern reports. Isa orthodox jewish na babae na kilala lang sa tawag na E.L kung saan napanaginipan ng kanyang lalaking kapatid ang sasapitin nitong kamatayan. Dahil dito nagkaroon sya ng soul searching kung saan nalaman nito na kaya sya mamatay ay dahil hindi nito namaintain ang supreme feminine virtue of modesty.

Matapos ang isang linggo, nagkasakit ito at naniniwala sya na mamatay na sya. Nanatili sya sa bahay at kasabay ang asawa nito sa paggawa ng sabbath rituals. Ang angel of death ay hindi sya makuha dahil sa nasa loob sya ng bahay at ang kanilang ginagawa ay banal.

Subalit nuong pumunta ito sa kwarto, dito na sya napasakamay ng anghel ng kamatayan. Naramdaman nito na parang pinupunit ng anghel ang kanyang kaluluwa mula sa kanyang katawan. Pinagbubogbog din sya ng mga galit na anghel. Nakita nya ang isang kaluluwa na pumunta sa impyerno. Nagmakaawa ito ng nagmakaawa, sinabi nito na kailangan nyang bumalik para sa kanyang mga anak.

Mabuti na lamang at mayroong isang hasidic rabbi na kilala sya ang lumitaw sa kanyang spirit form at nakipagdiskusyon at kinukumbinsi na payagan syang makabalik sa mundo ng mga buhay at nakabalik nga ito.

Catholic:

Nuong 8th century, ang english monk na si Bede ay isinama ang isang NDE sa kanyang librong “The Ecclesiastical History of the English People”

Isang lalaki na nagngangalang Drythelm ang nagkasakit ng malubha at malapit ng mamatay. Sinamahn ito ng isang esperito papunta sa ibang mundo. Ang espeiritung ito ay mayroong nagliliwanag na mukha at maliwanag na kasuotan.

Dinila sya sa lugar kung saan pinaparusahan ang mga kaluluwa. Isang lugar kung saan puno ng yelo at ng apoy. Naligtas naman siya ng kanyang gabay.

Dinala sya sa bunganga ng impyerno kung saan nakita nya ang mga patay na nakakulong at may mga bolang apoy na umaangat at bumaba. Pinakita rin sa kanya ang rehiyon sa pagitan ng langit at impyerno kung saan ang mga ito ay naghihintay ng hatol ng maykapal.

Hindi naman namatay si drythelm. Pero dahil sa kanyang deathbed vision, pinamigay nito ang kanyang mga ari-arian sa kanyang mga kamaganak, pumunta sa isang monasteryo at duon inalay ang kanyang buhay sa dyos.

Si pope gregory the great din ay naglathala ng isang NDE sa kanyang libro. Isang matandang hukluban ang napunta sa impyerno at natorture ng mga demonyo. Pero kagaya ni drythelm, naligtas din ito ng isang anghel.

Ang isa naman ay ang sundalo, nakita nito ang isang patay na bussinessman na nakasabit sa isang tulay na hindi dito sa ating mundo. Ang mga demonyo ay pilit syang kinukuha at pilit dinadala sa tubig habang ang anghel naman ay hawak hawak ang kanyang kamay at pilit syang inaangat.

Ang mga accounts na ito ay gumawa ng religious narattives patungkol sa NDE na tumagal ng ilang dekada.

Islam:

Ayon sa islam, kapag ang tao ay namatay, papasok ang kaluluwa nito sa tinatawag na soul sleep o Barzakh. Mananatili sa estadong ito ang kaluluwa hanggang dumating ang resuruksyon at paghuhukom. Kung ano amgn nangyayari sa Barzakh ay hindi natin alam dahil ayon sa scriptures, ang mga patay ay hindi alam ang mga nangyayari sa mundo ng mga buhay at ang mga buhay naman ay hindi alam ang nangyayari sa estado ng mga patay.

Nag conduct ng survey ang psychologist na si Joel Ibrahim kreps matapos nitong mainspire sa testimony ng isang babae na nakilala nya sa ehipto kung saan ikwinento nito ang kanyang NDE. Ayon sa babae, nagkaroon sya ng car accident at matapos nito dinala sya sa langit kung saan nakita nya ang trono ng dyos. Sa tronong ito nakasulat ang mga salitang “(“There is no God but God, and Muhammad is His messenger”). Laillahah illalah, Muhamadan Rasussululah.

Isang muslim na babae naman na nagngangalang Suleman ang nakaranas ng multidimensional place of layered existence habang pinapahirapan ng sakit na acute necrotizing pancreatitis.  Ayon sa kanya, napunta sya sa 6th dimension kung saan malapit na ito sa tinatawag na “Absolute Reality of Divine Light”. Dito nya natagpuan ang mga taong nagliliwanag at nakita nya na ito ay sina mahatma gandhi at martin luther king jr.

Mayamaya pa mas nakakita sya ng maliliwanag na ilaw. Sa liwanag na ito nakita nya si noah nakaupo ng magisa, nakita nya rin si moses kasama si hesus, ang budha kasama naman si lord krishna. Habang si muhammad naman ay nakaupo kataba ng birheng mariya.  Subalit si Suleman ay isang ismaili muslim kung saan ang kanyang paniniwala ay posibleng nakaapekto sa kanyang naranasan.

Ayon sa isang teorya, ang mga muslim na nakakaranas ng NDE ay kadalasan hindi ito kinukwento dahil ang NDE ay kinocontradict ang orthodox teachings ng islam.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8
Source 9
Source 10

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Dalaketnon

Nakita nyo na ba ang Hatman?