Ibang dimension gamit ang Elevator game

Reading Time: 7 minutes

Mga boss alam nyo ba ung elevator game? Ayon sa mga nakapaglaro ng elevator game, posibleng maacess ang ibang dimension pero beware mga boss dahil kapag nagkamali ka, posibleng may sumama sayo sa paglabas mo or worst hindi ka na makalabas. Ang elevator game ay sumikat sa Korea at napunta ng reddit. Dahil alam naman natin ang network ng reddit, marami ng nakasubok ng larong ito at ilan sa kanila ay hindi nagustuhan ang kinalabasan.

Mga boss, ito ay kwento kwento lamang, please do not try this. Maganda makinig na lang pero wag nyo sanang itry. Yan ha meron na akong warning, pag kayo… makukulit. Balaha kayo.

Rules:

Para sa larong ito, kailangan ang isang gusali ay matroong at least 10 floors. At hindi ung maraming tao, kailangan kasi isa ka lang sa elevator. Bawal pumasok ang iba so make sure na walang ganong tao, kapag nasa condo, possibly pag madaling araw kung saan tulog na ang mga tao.

Kapag ang manlalaro ay pumasok sa elevator, kailangan walang tao sa loob at wala ding kasabay. Once makapasok na sa loob, kailangan pindutin ang floors eksakto sa order na ito, 4, 2, 6, 2, 10, 5, 1. At hindi sabay sabay pipindutin yan, kailangan isa isa, halimbawa pagpasok, pindutin ang 4th floor, pag dating sa 4th floor bubukas ang elevator, pindutin naman ang 2, and son and so forth.

Sa dulong dulo, kapag pinindot ang first floor, may dalawang posibleng resulta. Sympre nasa gitna ka, 5th floor. Pag press ng 1 at tumas ang elevator, successful ang ritual at ang elevator ay bubukas sa ibang portal.

Pero kapag ito ay bumaba sa first floor. Kailangan ang manlalaro ay lumabas agad ng elevator at wag ng lilingon pa.

Ayon sa mga naglaro ng Elevator Game, may mga pagkakataon na pagbukas ng elevator sa 5th floor, may isang babaeng papasok, hindi ito pwedeng tingnan ng manlalaro, kausapion o kahit iacknowledge ito.

May ilang manlalaro na tumingin sa nasabing bababae at ito ay napapanaginipan nila na papalapit ng papalapit sa kanila bawat gabi. MAy isang manlalaro naman na nagsabing naging mabait daw sa kanya ang babae at tinuro ang daan pauwi pero patuloy pa rin itong nagpapakita sa kanyang panaginip.

Bawal na bawal himatayin o makatulog ang player kapag nasa loob ng elevator. May ibang player na nagsasabing nagiusing na lang sila sa bahay nila, habang ang iba nagising daw sa ibang mundo at nahirapan makabalik.

Other Dimension:

Kapag naging okay ang ritual, ang elevator ay bubukas sa 10th floor at ito ay isang madilim na lugar na mayroong malamlam na liwanag ng kulay pula. Ayon sa mga ibang players, ang red glow daw ay mula sa isang cross like structure sa di kalayuan habang ang iba naman sinasabi na wala naman daw cross, kulay pulang liwanag lang daw.

Halos lahat ng players ay nagsasabing magisa lang sila. Habang ang ibang nakasama ang babae sa 5th floor ay hindi na lumabas p na parang ayaw nitong pumunta sa kung anong dimension iyon. Dagdag pa ng mga players, mabigay ang hangin na para bang ang hirap huminga.

Ang mga players na lumabas ng 10th floor para iexplore ang paligid ay naglalakad sa straight line, hindi sila pumapasok sa mga pinto na nakikita nila, kumbaga tinetesting muna nila. Pero nuong pabalik na, dito nila nalaman na hindi basta basta pwedeng bumalik dahil habang naglalakad sila pabalik ng elevator, palayo ito ng palayo.

Kapag pumasok ang isang player sa isang pintuan, kailangan tandaan nito ang daan pabalik. Dahil kung sakaling babalik na sila sa elevator, at nagkamali sila ng pinasukan, hindi na sila makakabalik pa sa totoong mundo. Para sa player, halos parehas lamang ang elevator, ang araw araw na nangyayri, pero magbibigay ito ng hint na wala ka sa totoong dimension. kagaya na lamang ng kakaibang amoy, at ang mga huni ng ibon ay iba rin.

Consequences:

Ayon sa ibang players, nakarinig sila ng mga kakaibang tunog matapos nilang laruin ang elevator game, habang ang iba ay nagkakaroon ng mga visions at ang iba ay nagkakaroon ng paranoia.

Isa sa mga player ay naniniwala na sinundan sya ng babae kaya nagpost sya sa reddit at nanghihingi ng tulong. Ang isang player naman hindi sya tinantatanan ng babae, lagi nyang nakikita ito sa mukha ng ibang mga tao at kahit sa panaginip sinusundan sya nito.

Elisa Lam:

Marami sa atin ang nakakilala kay Elisa Lam, Sa mga hindi pamilyar, Si Elisa Lam ay nanatili sa Los Angeles Hotel nuong February 13 at bigla na lamang itong nawala. Ang huling footage ay nasa elevator ito at medyo kakaiba ang kinikilos. Di nagtagal ay natagpuan si Lamm sa tanke ng tubig sa roof top ng hotel.

Naging palaisipan ang pagkamatay ni Lamm, madaming theorya ang nagkalat sa internet at isa na nga dito ay ang Elevator Game. Makikita sa footage na pinindot ni Lamm ang ibat ibang floor Pero hindi sumara ang elevator. Maya maya pa tinitingnan nya sa may hallway na para bang may hinahanap ito o inaabangan. Makikita rin na para bang may kinakausap ito sa camera.

Mahirap maaccess ang tanke ng tubig kung saan natagpuan si lam kaya’t naglalaro ang supernatural at paranormal pagdating sa kwento ni Lam. Again mga boss, wag nyo pong gagawin, hindi natin alam kung ito ba ay totoo o hindi, pero mas maganda ng sa safe side, meaning wag nyo ng subukan.

Source 1

Source 2

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Rattlesnake

The Deja vu Experience