Hinihypnotize natin ang ating sarili araw araw?

Reading Time: 20 minutes

Kapag sinabing hypnosis, ang unaqng papasok sa isip ng iba sa inyo ay isang lalaking mayroong hawak hawak na maliit na orasan at iniikot ikot ito.

Kapag na hypnotize na ang biktima, mawawalan na ito ng kontrol sa kanyang sarili at lahat ng sasabihin ng naghypnotize ay susundin nito, regardless kung ito ba ay masama o mabuti. Pero gaano nga ba ito katotoo?

Over the years, marami ng eksperto ang nag-aral tungkol dito, altho may mga parte na nananatili pa ring misteryo, may mga naitulong naman ang siyensya sa pagpapaliwanag ng ibang dahilan nito.

Tara mga boss, alamin natin ang hipnotismo.

Hypnosis:

First let’s discuss, ano ba ang hypnosis? Maraming mga indibidwal ang nagtatalo tungkol sa kung ano talaga ang hypnosis at ang siyensya ay hindi pa rin ito lubusang maipliwanag.

Nakikita natin ang isang tao na nasa hypnosis pero hindi pa rin klaro kung papaano nya ito ginagawa. Ang hypnosis ay parang isang maliit na puzzle piece sa ating utak dahil hanggang ngayon wala pa ring konkretong paliwanag kung papaanong gumagana ang ating utak at sa panahon natin ngayon mukhang malabo pang mapaliwanag ito.

Ang mga psychiatrist ay naiintindihan ang general characteristics ng hypnosis. Isa itong trans state kung saan napapalooban ito ng extreme suggestibility, relaxation at heightened imagination.

Contrary to the popular belief, ang taong nasa hypnosis ay may kontrol sa kanyang sarili sa katunayan ang pasyente ay alerto sa ilalim ng hypnosis. Mahahalintulad ang pakiramdam ng nasa hypnosis ng parang nanaginip ng gising. Concious ang isang pasyente pero ang mga stimuli ay naka tune out. Ang isang pasyente ay nakafocus lamang sa isang subject, halimbawa isang pangyayari sa buhay at tinatanggal nito ang mga ibang isip na nagproprocess sa utak ng pasyente.

Form:

Alam nyo ba mga boss na araw araw ay nakakaranas tayo ng hypnosis? Don’t believe me? well, halimbawa nagbabasa ka, at nagiging fully emerge ka dito, kasama na ang mga emosyon mo at imahinasyon, wala kang ibang nasa isip kundi ang binibasa mo, that mga boss is a form of hypnosis. Ito mga boss ang tinatawag na self  hypnosis.

Si Milton Erickson na isang premiere hypnotism expert nuong 20th century ay naniniwala na tayong mga tao ay hinihypnotize natin ang ating sarili on a daily basis. Habang ang mga psychiatrist naman ay nakafocus sa trans strate na gawa ng intentional relaxation at focus exercise, ito mga boss ay tiantawag na deep hypnosis. Ang deep hypnosis ay isang relaxed mental state sa pagitan ng gising at tulog na estado ng isang indibidwal.

Sa isang conventional Hypnosis, kadalasan ang hypnotist ang magsasabi ng mga mararamdaman ng isang pasyente o ung mga idea at para sa pasyente, ito ay realidad. Kapag sinabi ng hypnotist na ang dila nito ay namaga, ang pasyente ay mararamdaman ito at mahihirapang makapagsalita. Kapag ang hypnotist ay nagsabing umiinom ng kape ang pasyente, malalasahan nito ang pait at init ng kape. Kapag sinabi ng hypnotist na natatakot ang pasyente, makakaramdam ito ng takot at magsisimulang magpawis. Pero sa buong panahon na ngyayari ito, alam ng pasyente na ito ay imahinasyon lamang. In short, parang laro ng mga bata na kunwari mararamdaman mo ang inuutos ng kalaro mo, pero dito extreme level na.

Makakaramdam ka ng relaxed feeling kapag ikaw ay nasa isang hypnosis. Marahil ito ay dahil sa nawawala ang iniisip ng isang tao. Halos katulad ito kapag nanonood ka ng pelikula, lalo na’t nasa kalagitnaan na, nawawala ang iniisip mo kagaya ng kakainin mo mamaya, ang trabaho mo, papaano ka makakauwi, sinong katabi etc, lahat yan mawawala at ang isip mo ay nakafocus lamang sa screen.

Sa state na ito, ikaw ay magiging highly suggestible. From the word suggest mga boss, ibig sabihin kapag sinabi ng hypnotist ang isang idea, tatanggapin mo ito. Kaya kung makakapanood kay ng mga hypnotism sa youtube, minsan may makikita pa kayo ang mga normal na tao, ung mga matatanda, biglang mag-aasal manok dahil sinabi ng hypnotist, hindi sila binayaran, totoong nangyayari iyon mga boss. Sa mental state na ito, nawawala ang pagkamahiyain. Ang sense of safety at morality ay nareretain habang nasa ilalim ka ng hypnotismo. Pero mga boss, hindi ka pwedeng pilitin ng hypnotist kung ayaw mo itong gawin. Naalala nyo ba ung sa got talent ba yun, ung hypnotist, sinbukan nyang ihypnotize ang isa sa mga judges pero hindi sya nagtagumpay. Un mga boss ang primary example.

Concious and Subconcious:

Ang hypnosis ay isang paraan para maaccess ang subconcious mind directly. Sa isang normal na scenario, ang ating utak ay nagpprocess ng ating mga iniisip at ito ay pinaprocess ng ating concious mind. Conciously, iniisip natin ang mga problema na nasa harapan natin, conciously iniisip natin ang ating mga sasabihhin.

Habang tayo ay conciously na angiisip, ang ating subconcious mind ay nagttrabaho din. Behind the scenes, in access nito ang reservoir of information para maresolba ang ating problema o ang iniisip. Gumagawa ito ng plano at idea na syang pinapadala sa ating concious mind at ito ang ginagawa ntin. Kapag nagkaroon ka ng idea out of the blue, ito ay dahil naiprocess na ng unconcious mind ang impormasyon.

Ang subconcious mind ang gumagawa ng mga automatic stuff sa ating katawan. Ang paghinga mo bawat minuto diba unconciously gumagana yan, pero dahil sinabi ko ngayon, magiging concious na kayo sa paghinga nyo.

In short mga boss, ang subconcious mind natin ang totoong utak sa lahat ng ating mga ginagawa. Ito ang nagiisip at ito rin ang nagdedesisyon sa ating gagawin. Kapag tayo ay giising, ang ating concious mind ang nageevaluate ng mga iniisip natin at ang gumagawa ng aksyon. Pero kapag tayo ay tulog, ang subconcious mind ang nangingibabaw.

Ang mga psychiatrist ay bumuo ng theorya na ang deep relaxation t focusing exercise ng hipnotismo ay gumagana para ma pigilan ang concious mind at maging less active ito sa ating thingking process. Sa ganitong state of mind, alam natin ang mga pangyayari pero ang ating concious mind ay nag gigive way para sa ating subconcious mind. Sa pamamagitan nito, ang hypnotist ay maaccess ang ating subconcious mind kaya’t ginagawa natin ang sinasabi nito kung ito ay pahihintulutan natin.

Filter:

Ang theory na ang unconcious mind natin ang nagtatake over kapag tayo ay nasa hypnosis ay naging popular sa psychhhiatric community. Dahil nagbigay ito ng eksplenasyon sa tanong na bakit ginagawa ng mga tao ang inuutos ng hypnotist.

Ang Concious mind natin ang nagsisilbing filter. Habang ang ating unconcious mind ang nagsisilbing imagination at impulse. Kapag ang ating subconcious ang nasa kontrol, mas malaya ang ating imahinasyon at mas nagiging creative tayo. Wala na ang concious mind natin para ifilter ang mga impormasyon na ito.

Kaya naman ang mga nahyhypnotize na mga tao ay ginagawa ang mga kakaibang bagay dahil ayon sa theoryang ito ang ating concious mind ay hindi finifilter at nirerelay ang impormasyon na nakukuha nito.

Base dito ang hypnotist ay nagbibigay ng suhestiyon o idea at ito ay pinaprocess directly ng ating subconcious na para bang ang ideya ay galing sa ating subconcious imbes na galing sa hypnotist. Dahil dito, magrereact ang iyong katawan base sa mga idea ay suhestiyon ng hypnotist. Sympre dahil ang ating subconcious mind ay wala ng humaharang, free na itong makikipag communicate.

Ang ating subconcious ang nagreregulate ng ating bodily sensation kagaya ng panglasa, pakiramdam, paningin at kahit na ang mga emotional feelings. Kaya’t kapag ang pintuan ng ating subconcious ay bukas na, ang hypnotist ay malayang makakapasok dito at kaya nitong iparamdam sayo o ipakita ang sinasabi nito.

Hindi lang yan, kagaya nga ng sinabi ko kanina ang ating subconcious ay mayroong reservoir of information which means andito ang ating mga memorya. Kaya kapag nasa isang hypnosis, ang pasyente ay pwedeng maaccess ang mga nakaraan na nakalimutan na.

Ang mga psychiatrist ay ginagamit ang paraan na ito para ireminisce ang nakaraan at malaman ang sagot sa problema. Pero meron itong negative side, dahil nga ang utak natin ay nasa suggestible state kapag nasa hypnosis, ang hypnotist ay pwedeng gumawa ng pekeng memorya. Isa itong dahilan kung bakit hindi ito ginagamit sa mga criminal investigation.

Methods:

Simulan muna natin sa mga methods sa kung papaano nagaganap ang hypnosis. Mayroong 3 rules dito mga boss.

  1. Kailangan willing kang magpahypnotize
  2. Kailangan naniniwala ka sa hypnosis
  3. Kailangan relax ka at komportable.

Kapag ang isang subject ay natupad ana ang mga rules na ito, ang hypnosis ay ppwede ng magsimula at mayroong iba’t ibang tecnique sa pagsasagawa nito.

 

  1. Ang Fixed Gaze induction o eye fixation. Ito ang method na kadalasan nakikita natin sa mga movies kung saan ang hypnosis ay maglalabas ng isang relo, ung pocket watch ha, hindi ung wall clock. Ang pocket watch na ito ay itatapat ng hypnosis sa subject.

Ang main goal ay magfocus ang subject sa isang bagay, sa case ng hypnosis, ang pocket watch. Ito ang magpapatune out ng ibang stimuli. Habang ang subject ay unti unting nagfofocus, ang hypnotist ay marahan na magsasalita at irerelax nito ang subject. Ang method na ito ay popular sa mga 1 on 1 pero pag maramihan hindi ito ganun ka epektibo.

  1. Rapid. Ang method na ito ay ioverload ang isip ng subject sa mariing utos. Kapag ang hypnotist ay convincing sa mga utos nito, ang subject ay isusurrender ang kanyang concious control. Ang method na ito ay epektibo sa mga stage hypnotist dahil pinipwersa nito ang manonood sa dulo hanggang sa bumigay ito sa kanyang kagustuhan.

 

  1. Ang progressive relaxation and imagery ay ang klase ng hypnosis na kadalasan ginagamit ng mga psychiatrist. Ang psychiatrist ay magsasalita sa maluamnay at malambot nitong boses hanggang sa ang subject o pasyente ay marerelax at ito ay papasok na sa deep hypnosis. Ang self hypnosis training pati ang relaxation and meditation audio tapes ay gumagamit ng progressive relaxation method.

 

  1. Loss of balance, alam nyo ung inuuyog nyo ung duyan para makatulog ang baby? Yan un mga boss. Ang method na ito ay gumgawa ng pagkawala ng balanse sa pamamagitan ng mabagal pero may ritmo na pagyugyog.

Kapag na achieve na ng hypnosis ang isa sa mga methods na ito, usually magkakaroon muna sya ng test, ang willingness ng subject na mahypnotize. Kadalasan naririnig natin ang, irelax mo ang mga kamay mo at kasunod nito ang pagpasok ng mga idea sa subject na hindi normal, kagaya na lamang ng kunwari isa kang balahibo, magaan.

Depende sa metal state at personality ng suject, ang hypnotism ay pwedeng umabot ng ilang minuto hanggang kalahating oras.

Brain Waves:

Ilang beses ng pinag-aralan ang hypnotismo, pinagkumpara ang hynotic subects at sa hindi na hypnotize na tao. Base sa pag-aaral, walang pinagkaiba ang dalawa. Ang napansin ng mga eksperto ay ang pagbaba ng heart rate at respiration sa mga hypnotic subjects pero ito ay dahil sa relaxation ng kanilang katawan hindi dahil sa hhypnosis.

Ang isa pang nakita ng mga eksperto ay ang pagbabago sa utak ng subject. Ginamitan nila ng EEG para makuha ang electrical activity ng utak ng isang tao. Base sa Extensive EEG research, ang utak ay napproduce ng mga brain waves, mga rhytms of electrical voltage at ito ay depende sa mental state ng pasyente.

Ang deep sleep ay may ibang ritmo kumpara sa panaginip at ang pagiging alerto ay may ibang ritmo kumpara sa pagiging relax.

Base sa pag-aral ang ibang mga subjects na nasa hypnosis ay nagpakita ng boost sa lower frequency waves kung saan ito ay naiuugnay sa pagtulog at panaginip at ang pagbagsak naman ng high frequnecy waves ay naiuugnay sa paggising.

Hindi ito conclusive sa kung papaano gumagana ang ating utak pero ang pattern ay sumasang ayon sa hypotehesis na ang concious mind ay hindi gumagana habang basa hypnosis at ang subconcious ang nagiging aktibo.

Ang mga researchers ay pinagaralan din ang pattern ng cerebral cortex ng ating utak kapag nasa hypnosis. Base sa pag-aaral na ito, ang mga nasa hypnosis ay nagkaroon ng kakaunting activity sa left hemisphere ng celebral cortex habang ang rigth hemisphere naman ay kadalasang tumataas ang activity.

Naniniwala ang mga neurologist na ang left hemisphere ng ating cortex ay ang logical control center ng ating utak. Ito ang nagooperate ng reasoning at convection habang ang left hemisphere naman ay ang imagination at creativity.

Ang pagbaba ng ng activity sa left hemisphere muli ay sinusuportahan ang hypnosis hypothesis. Ang pag dami naman ng activity ng right hemisphere ay nagpapatunay na ang ating creative, subconcious mind ang nangingibabaw. Pero mga boss just to be clear, this is not conclusive, this is still a theory.

Habit control hypnotic treatment:

Kagaya nga ng sinasabi ko knaina, kadalasan ang hypnotism ay ginagamit para sa entertainment purposes. Nakakatuwa nga naman kasi ang makita mong isang seryosong tao tapos biglang mag aasal manok.

Pero ang demonstration na ito ay nasa surface pa lamang mga boss, mas malalim pa ang pwedeng gawin ng hypnotism kagaya ng pagcontrol ng isang habit ng tao. Ito mga boss ang tinatawag na habit control hypnotic treatment kung saan ang hypnotist ay inaaccess ang unconcious mind ng isang pasyente.

Dahil sa open na ang utak ng pasyente ang hypnotist ay pwedeng maglagay ng memorya o baguhin ang onciousness nito para mareverse ang behavior. Halimbawa na lang, ang hypnotist pwedeng itanim sa subconcious memory mo na kapag naninigarilyo ka o nakakaamoy ka ng usok ng sigarilyo ay nahihilo ka.

Kapag ito ay naging matagumpay, sa tuwing maioisip mong manigarilyo o mahihilo ka. Ppwede ring sabihin ng hypnotist sa iyong subconcious na ayaw mo ng sigarilyo.

Ang habit control hypnotism ay kadalasang ginagawa ng maramihan, kumbaga sa mga seminars o hindi naman kaya magpapatugtog ng mga audio para mapakinggan ng lahat. Dahil nga hindi ito one on one, kadalasan hindi ito ganuon ka effictive. At kapag umipekto man ang hypnosis, eventually marerelapse din ito at babalik muli sa dati.

Therapeutic hypnotic treatment:

Lastly we have the thereapeutic. Tinatawag din itong psychiatric hypnotherapy. Sa therapy session na ito, ang psychiatrist ay ihhypnotize ang kanyang subject para malaman ang igat ng problema nito.

Ang therapy na ito kadalasan ay sinisira ang mga negative patterns ng paguugali ng pasyente. Katulad na lang ng habit control treatment pero dito one on one lang kaya mas effective.

Ang treatment na ito ay mas effective sa mga phobia, mga takot sa mga sitwasyon o mga bgay. Isan pang klase ng psychiatric hypnotherapy ay ang pagdala ng underlying problems papunta sa concious level kung saan inaaccess nito ang takot, memorya at nakatagong mga emosyon para magbigay linaw sa isang problema o hindi naman kaya magbigay solusyon sa paulit ulit na problema.

Kagaya nga sinabi ko kanina hindi ginagamit ang hypnotism sa crime investigation or rather sa court of law. Pero may mga law enforcement na gumagamit nito para magbigay linaw sa krimen, ang posibilidad na magkaroon ng lead. Ito mga boss ang tinatawag na forensic hypnotism. Again, ito ay very controversial topic pagdating sa law enforcement dahil na din sa abilidad na maglagay ng false memories.

Bukod sa forensic hypnotism, meron pang isang controversial na medical hypnotherapy. Ang ibang mga doctor at mga spiritual leaders ay naniniwala na ang hynpnosis ay kayang pawalain ang sakit na nararamdaman ng isang tao at in some cases, pagalingin ang sakit nito.

Base sa ideyang ito, ang ating isip at katawan ay magkadugtong. Ibig sabihin kapag nagsuggest ang isang hypnotist sa subject na hindi na nito mararamdaman ang sakit, o di naman kaya hindi magkakasakit, ang subconcious ay posibleng iparamdam ito sa subject.

Proven ito mga boss. Ilang beses ng ginamit ang hypnosis bilang anestesia sa mga libo libong nangangakank at nakaramdam lang sila ng kakaunting sakit at pagkabalisa. Altho dito sa atin wala pa akong narinig na ganito so ang data na ito ay mostly US but nonetheless, it was proven via repeated use.

Hindi lang sa panganganak. Maraming cancer patients din ang nagsasabing nakatulong ang hypnosis nuong sila ay sumalang ng chemotherapy.

Placebo effect:

Maraming techniques ang hypnotismo at maraming sumubok na iexplain ito. Kahit iba iba ang techniques, iisa pa rin ang kalalabasan nito, ang mga subject ay pumapasok sa isang special state kung saan nagiging suggestible ang mga ito.

May mga ibang hindi naniniwala sa hypnosis. Ayon sa ibang skeptics, ang mga subject ay wala naman talaga sa trans state, iniisip lang ito ng subject. Ang social pressure at influence ng hypnotist ang kadalasang nagkukumbinsi sa subject na gawin ang gusto nito. Kaya naman kapag ginawa ng isang subject ang utos ng hypnotist, iniisip nito na nasa hypnotic trance na ang subject. Kumbaga pag sinabi nitong gagaling ka, mararamdaman mong gagaling ka.

In a general sense mga boss, ang phenomenon na ito ay tinatawag na placebo effect. Ilang beses na din itong pinag-aralan ng mga eksperto, kadalasan nagbibigay sila ng 2 gamot, ang isa wala naman talagang laman habang ang isa ay totoong gamot. Ibubuild up ng mga doctors na ang walang lamang gamot ay mapapagaling sila at ito nga ang nangyayari, mas nagiging epektibo ang pekeng gamot kesa sa totoong gamot base sa mga ests.

Base sa ideyang ito, alam natin na ang ating isip at katawan ay konektado dahil nagagawa nitong pagalingin ang isang sakit depende sa pagkokondisyon ng isa pang tao.

Kaya lang mayroong pinagkaiba ang dalawa, oo sabihin na natin ang nawawalang sakit can be attributed sa placebo pero ang placebo ay hindi kayang magtanim ng pekeng memorya.

 

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano nga ba ang dahilan ng St Elmos Fire?

Frau Perchta