Goodbye OPPY

Reading Time: 8 minutes

This past few days panigurado narinig nyo na ang balita tungkol kay oppy. Sa mga hindi updated, ito mga boss ang rover na pinadala sa mars. Quick video lang ito mga boss, we will just discuss kung ano ang contributions na nagawa ni oppy para sa discovery ng mars. We can do another video para dito kung well received ang magiging outcome ng video na ito but for now, kakaunting info lang muna.

I know isa lamang itong robot pero i dare you, i double dare you, panoorin nyo ang wall e. Ewan ko na lang kung hindi lumabas ang mga manly tears ninyo. Kung hindi kayo tinablan dun, well may kanya kanya tayong weakness. Anyway, i digress. Tara mga boss, alamin natin ang mga contributions ni Oppy.

Mars Rover:

Sa katunayan mayroong dalawang rover na pinadala sa red planet. Sila ay pinangalanang Oppurtunity at Spirit. Si spirit ay lumapag sa gusev crater nuong January 4 2004 habang si Oppurtunity naman ay sa kabilang side sa may meridiani Palum. Jan 24 2004, si oppy ay nakalapag sa mars at nakasurvive sa paglanding. Si Spirit ay natrap sa soft sand nuong 2009. Sinubukan itong irevive subalit hindi na ito makaalis pa kaya ang rover ay naabutan ng mga matitinding panahon at hindi na nakarecover pa. Ang huling komunikasyon nito sa ating mundo ay nuong 2019 at nitong 2011 dineklara na wala na ang spirit.

Long Lasting:

Ayon sa nasa, base sa kanilang kalkulasyon sa matinding temperature na rin sa mars, ang rover ay tatagal lamang ng ilang buwan. Subalit ito ay tumagal ng taon. Sa katunayan ito ay tumagal ng 15 years. Fun fact, Si oppy ang may hawak sa pinakamatagal na robot na nagoperate sa labas ng ating mundo. Simula January 2004 ng paglapag nito, bumigay na si oppy nuong June 2018 dahil sa matinding dust storm ng mars.

Ayon sa NASA, inexpect ng mga researcher na ang mga rover ay tatagal lamang ng buwan dahil na din sa alikabok na mamumuo sa bawat rover na syang pipigil sa pag galaw nito. MAbuti na lang at may mga malalakas na hangin na syang nagpapataboy ng mga alikabok sa rover. Ang battery rin ng rover ay high endurance, sa katunayan meron itong 5000 charge-discharge cycles at nuong nagpaalam na ito ay nasa 85 percent pa ang capacity ng battery.

Glitch:

Ayon sa NASA, ang oppurtunity rover ay nagkaroon ng glitch nuong nag landing ito ng 2004. Ang heater ng kamay nito ay nastuck sa on position. Kaya pinapatay ang rover pati narin ang survival heaters nito tuwing gabi para hindi maubos ang battery power. Kung hindi ito ginawa ng kanilang team, malamang ang oppurtunity rover ay hindi tatagal ng buwan. Nuong dumating ang planetary sand storm ng mars nuong 2018, posibleng ang orasan ng rover ay naagkaroon ng problema kaya hindi namatay ang system nito.

Achievements:

Ang oppurtunity ang unang nakadiskubre ng sedimentary rocks sa mars, nadiskubre rin nito ang tinatawag na martian blue berries, hindi ito pagkain mga boss. Ito ay ang mga tiny globules na mayaman sa hematite. Ang mga scientist ay pinangalanan itong blue berry dahil na din sa hugis at kulay nito. Nuong narating na nito ang Deavour crater, dito natagpuan ng rover ang mga whiteveins ng mineral gypsum, indikasyon na nagkaroon ng tubig nuong unang panahon.

Sobrang dami ng litrato na kinuha nito, sa katunayan nasa 217 thousand plus ang litrato ng martian surface. Hindi lang mga selfie ang mga litrato. Kasama dito ang mga panaromic view. Ang camera ng rover ay mayroong 13 colr filters na syang nagbibigay ng opurtunidad para sa mga siyentipiko na ienhance ang mga wavelenghts at mas mapagaralan ang features ng rock formation. Sa katunayan nakakuha ito ng 52 Martian rocks na mayroong minerals at pinadala ang data sa mundo para maanalisa.

Ito rin ang may hawak sa pinakamalayong drive na naitala sa ibang mundo. Sa katunayan umabot ito ng 45.16 KM. Mas malayo pa sa apollo 17 na 35.74 KM at sa lunkhod 2 ng USSR na umabot ng 39 KM. Hindi lang yan, matinding climber din ang oppurtunity, kaya nitong umakyat sa matataas na lugar kahit na 32 degrees slope pa at ayonn sa nasa isa itong off earth record.

Sa tagal ng nilakbay nito, nakadiskubre ito ng napakaraming crater sa mars. Sa katunayan humigit sa 100 impact crater ang nakita nito at iba’t ibang laki. Napag-aralan ito ng mga scientist kung papaano ang cycle ng mga craters sa mars pag tumagal ang panahon.

Ipinkaita nito sa atin ang pagbubuo ng martian clouds at ang opacity ng atmosphere ng mars. NAgbigay din ito ng data sa kung ano ang epekto ng init ng araw sa space probes. Dahil dito mas makakagawa na ang mga eksperto ng mas matibay na rover sa susunod na maexplore muli ang mars.

Goodbye:

Nuong May 2018 nakareceive ang nasa ng report na may namumuong malaking dust storm ilang daang milya lamang ang layo sa oppurtunity. Nuong June, lumaki ang dust storm at ito ang pinakamatinding dust storm na nakita ng nasa, sa katunayan ito ay planet wide dust storm. 3 buwan matapos nito ng mawala na ang sand storm, ang NASA sinubukang magpadala ng commands sa rover, paulit ulit silang nagpapadala ng commands nagbabakasakaling mabuhay pa ito.

Nito lamang february, bumigay na ang NASA matapos nilang magpadala ng 835 commands, hindi na sumagot si oppy. As a sign of respect ang nasa nagpadala ng mensahe mula sa billie holiday song “I’ll be seeing you”.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Saan Galing ang Voynich Manuscript?

Totoo ba na ang Rothschild ay hawak ang 80% ng mundo