Gawa lang ba ng ating utak ang Astral Projection?

Reading Time: 8 minutes

Sa naunang video, diniscuss natin ang types and models ng astral projection. Ngayon idiscuss naman natin ang paniniwala ng ibang mga relihiyon patungkol dito. Ang katoliko nadiscuss na natin previously, ang orthodox science hindi naniniwala dito pero ang esoteric science, spirituality at parapsychology, ang astral projection ay totoo. Though, i myself hindi ko pa to nararanasan, at ayaw kong maranasan. Napanood nyo naman siguro ung Insidious diba. Naku natatakot ako baka ganun mangyari sa akin.

Biblical:

Ayon kay Carrington, Muldoon, Peterson at williams, sa kanilang libro, binigyang diin nila na ang ating subtle body ay mayroong tinatawag na “silver cord” na nakakonekta sa ating physical na katawan. Ang talata ng ecclesiastes ang nagpapatunay dito ayon sa kanila.

Ecclesiastes 12:6

before the silver cord is snapped, and the golden bowl is broken, and the pitcher is broken at the fountain, and the wheel broken at the cistern.

Ayon naman kay Rabbi Nosson Scherman, ang context ng talatang ito ay isa lamang metaphor kung saan kinukumpara ang ating katawan sa isang makina at ang sinasabing silver chord ay ang ating spinal chord. Gayunpaman, meron pang isang talata na nagpapatunay ng astral realm. Naalala nyo ba ung sinabi kong third heaven?

2 Corinthians 12:2

I know a man in Christ who fourteen years ago was caught up to the third heaven. Whether it was in the body or out of the body I do not know—God knows.

Ang talatang ito ang nagbigay buhay sa apocalypse of paul, isang non canonical book. kung saan inilalarawan dito ang langit at impyerno. Ito rin ang naging daan para sa libro ni Dante algeri na divine comedy.

Buddhism:

Sa buddhism ang astral projection ay isang abildad o kapangyarihan kung saan ang mga nakakagawa lang nito ay ang nakarating sa 4th jhana. Alam ko jargon words ang jhana so letme explain, ang jhana mga boss ay ang estado ng ating conciousness kapag ang isang tao ay nasa matinding konsentrasyon. Mayroong 9 Jhanas. Delightful Sensations, Joy, Contentment at Utter peacefulness. Hanggang jan na lang muna para di humaba tong video. Tinatawag itong mind body sa buddhism.

Hinduism:

ANg ancient hindu scriptues kagaya ng YogaVashishta-Maharamayana of Valmiki. Teka, ang haba nun. Saglit lang…. Ayan nakarecover na ako. Ito mga boss ay ancient hindu writing. Dito makikita ang mga kaparehas na ideya katulad ng astral projection. Ang mga modern indians ay naniniwala sa astral projection dahil nakita nila ito sa pamamagitan ni Paramahansa Yogananda.

Kahit ang epic ng mahabharata ay may kwento dun ng astral projection kung saan si drona ay iniwan ang kanyang pisikal na katawan para makita kung buhay pa ang anak nito.

Other beliefs:

Ang mga amazon particularly ang mga yaskomo ng waiwai ay pinaniniwalaang kayang magsagawa ng tinatawag na soul flight. Ang soul flight ay maraming functions, pwede silang manggamot, lumipad sa langit para kunsultahin ang mga diyos o pumunta sa ilalim ng lupa para humingi ng tulong sa mga nakatira dito.

Habang sa japanese mythology naman tinatawag itong ikiryo. Ito ang manifestation ng paghihiwalay ng kaluluwa sa isang tao. Kapag ang isang tao ay mayroong sobrang galit, pinaniniwalaan na ang kanilang kaluluwa ay kayang umalis sa katawan nito at magpakita sa taong kinamumuhian nito para isumpa, takutin o saktan ito.

Scientific:

Kagaya ng sinabi ko hindi naniniwala ang siyensya dito. Until isang grupo ng scientist ang nakadiskubre kung papaanong nangyayari ang astral projection at epekto nito sa ating utak. Sa pag-aaral na ginawa ng grupo nila Andra M. Smith at Claude Messierwere, nakita ng kanilang subject ang sarili nito, habang paikot ikot ito sa hangin sa taas ng kanyang pisikal na katawan.

So ibig bang sabihin nito na totoo ang astral projection?

Well, hindi mga boss. Again we are talking about orthodox science hindi in general. Ayon sa pag-aaral na ginawa, nuong naglakbay ito sa astral realm, ang kanyang katawan ay nakasalang sa MRI at dito nakita nila na merong malakas na deactivation sa kanyang visual cortex at ang left side naman at iba pang mga areas na naiuugnay sa kinesthetic imagery ay nag activate kung saan kasama dito ang imahe ng paggalaw ng ating katawan. Ito mga boss ang dahilan kung bakit ang ating utak ay iniisip na nakakalabas tayo sa ating katawan when in fact hindi.

Ang out of body experiences ay pwedeng mangyari kapag ang isang tao ay nagkaroon ng brain trauma, sensory deprivation, near-death experiences, dissociative and psychedelic drugs, dehydration, sleep, at electrical stimulation of the brain. Pero ito ang unang pagkakataon na nadokumento na nagawa ang out of body experience at the subjects will.

Totoo ito, in a sense na nararamdaman talaga ng bawat tao na umaalis sila sa kanilang mga katawan. Pero hindi ibig sabihin na umaalis ang kaluluwa sa ating katawan. Ang ating utak ang gumagawa ng experience na ito. Ang mga eksperto ay naniniwala na ang out of body experience o astral projection ay isa lamang hallucination na nagttriber ng ating neurological mechanism at posible itong gawin with proper training.

Ang astral projection o oobe ay halos katulad ng synesthesia, isa ring neurological phenomenon, kung saan nakakakita ang mga tao ng kulay kapag binasa nila ang isang sulat o narinig ito, halimbawa sinabi kong red, sa utak nyo nagkakaroon na ng pagprocess at nakikita nyo ang kulay without actually seeing it.

Ito ang nakakatakot mga boss. Deny it or not, habang tumatagal ang panahon, mas nagiimprove ang siyensya at mas napapagaralan ang mga bagay bagay na nuon ay isang malaking tanong sa ating kaisipan. Nuong unang panahon inaakala na isa itong patunay na merong kaluluwa, pero ngayon sinasabi ng siyensya na ang isip lang natin ang naglalaro sa atin and it is backed up with research. Ang mga esperitwal na paniniwala ay unti unting napapagaralan ng siyensya.

Nakaklungkot isipin. That some day, we will die. And according to science, There will be no heaven nor hell. Just pure blackness until our conciousness fades away.

On the brighter side, malay nyo, one of these days or in the future madiskubre na ang quantum realm at kung papaano makapaglakbay dito. Hanggang dito na lang muna mga boss, sana ay may bago kayong natutunang impormasyon sa video na ito.

 

Sources

Sources

  • https://en.wikipedia.org/wiki/Astral_projection
  • https://paranormal.lovetoknow.com/clairvoyant-abilities/astral-projection-dream-travel
  • https://lifestyle.inquirer.net/72792/why-astral-projection-happens/
  • https://www.luciddreamsociety.com/is-astral-projection-real/
  • https://tvtropes.org/pmwiki/pmwiki.php/Main/AstralProjection
  • https://www.elitedaily.com/p/i-tried-astral-projection-experienced-a-higher-level-of-deep-meditation-13117149
  • https://www.world-of-lucid-dreaming.com/astral-projection.html
  • https://www.popsci.com/article/science/woman-who-can-will-herself-out-her-body/

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nga ba gustong gusto natin ng mga nakakatakot na pelikula?

Hindi nagkakavirus ang mac?