Gaano katotoo ang bigfoot?

Reading Time: 7 minutes

Maraming magsasabi na totoo ang bigfoot, sadyang hindi pa lang natin nakikita ito, or sa case natin, hindi pa nakikita ng mga kano. Well, i do believe in unexplainable things pero there are some out there na sobrang out of this world na. Yung iba nakikisakay, ung iba talagang naniniwala. Pero totoo nga ba ang bigfoot o isa lamang itong malaking staged hoax na hindi mamatay matay?

Food chain, Size and Breeding:

Ang bigfoot ay isang malaking nilalang, natural tatanungin natin, ano ang pagkain nito at kung ito nga ay totoo, papaano ang breeding ng nilalang na ito.

Ang bigfoot mga boss ay nasa 8-9 feet ang taas at may bingat na 500-800 pounds approximately. Well dito na papasok ang tanong sa pagkain, dahil sa laki nito, malaki din ang kanyang diet at pag malaki ang diet ng isang nilalang, nakakaapekto ito sa isang foodchain.

Halimbawa, ang mga usa, baboy ramo, oso at iba pa. Kung totoong merong bigfoot, unti unti silang mawawala dahil kinakain ito ng halimaw.

Ayon pa sa mga siyentipiko, kinakailangan ng tens of thousands calories sa loob ng isang taon at kung ibabase natin ito sa daily calaories, ito ay lampas 5000 calories worth of meat. Hindi ito ganun kalaki i know, pero considering na nasa wild ito at kumakain ito ng live meat then it will be evident na meron at merong magaganap na pagkaubos ng hayop.

In layman’s term, ang isang average na babae ay kumakain ng 2000 calories per day habang ang mga lalaki naman ay 2500 calories per day.

Kagaya nga ng sinabi ko, ang mga bigfoot ay malalaking nilalang, it is obvious na hindi ito basta basta makakapagtago, kahit na sabihin mong malawak ang kagubatan o makakapal ang mga puno nito. With that big size, kahit makapal pa ang kagubatan, makikita’t makikita ito. Another thing, maraming nadidiskubre na bagong species every year kahit nga sa dagat meron, kahit nga maliliit na nilalang nadidiskubre, what more ang malaking nialalng pa. Kung ang bigfoot ay totoo, we should’ve found them by now.

Then we go to the breeding part, kung totoo ang bigfoot. Then there should be a breeding o yung pagpapakalat ng lahi. Ang mga nakikita nating mga videos at pictures ay kadalasan isang bigfoot lang. Say totoo nga ang mga picture na ito, lets establish that. Then sila ang kahulihuling bigfoot and we all know, all will die, walang forever, kahit ang jowa mo ngayon hindi rin kayo magtatagal nyan. So what i am pointing at, kung totoo man ang mga sightings ng bigfoot nuon, they probably died down anyway.

Since nasa Fossil discussion na tayo, let us go to that part. Kapag namatay ang isang nilalang it will take only 5-8 years bago magcrubmle ang mga buto nito, unless napreserve ito, kagaya ng mga fossils ng mga dino’s. 3-5 years lang posible na itong mapreserve sa ilalim ng lupa dahil sa pagulan at pabago bagong landscape.

Photo / Physical evidence:

Isa sa mga ebidensya na ang bigfoot ay hindi talaga nageexist ay dahil sa mga photo and video evidence nito. Kadalasan ang mga nakukuhang picture ay mga blured o hindi naman kaya nahaharangan ng isang sanga o sobrang layo na hindi mo na talaga maidentify kung talagang bigfoot un o naglalaro lang ang imahinasyon.

Another question raise sa mga nagvivideo, considering na alam natin ang paguugali ng mga kano, kung saan pag may nakita silang kakaiba mas lalo pa nilang hinahabol at vinivideo ito, pero iba sa case ng bigfoot particularly ang Patterson–Gimlin film. Imbes na habulin vinediohan lang ito at hinayaang mawala.

Misidentification:

Nasa mga 80% na nirereport na sightings sa america ay mga hoax lamang. So anong nangyariu sa 20%? does it mean totoo ito?

Not really, karamihan kasi ng mga reports na bigfoot daw ang nakita nila ay mga ibang hayop lamang. Kagaya na lamang ng black bears. Ito ay may taas ng 7 feet at kayang maglaad ng diretso gamit ang 2 paa. Although malayo sila in terms of appearance, pag dating nito sa mga isip ng mga naniniwala sa bigfoot, kadalasan mawawala ang logical reasoning nito at ang makikita nila ay ang bigfoot imbes na black bears.

Since andito na tayo sa mga sightings, kung ang bigfoot ay totoo, then bakit walang sightings prior to 1950’s? Nuong 1958 pumutok ang bigfoot phenomena dahil mayroong nakitang mga higanting foot prints which was proven a hoax by the way. Tapos nitong kumalat sa main stream media, tsaka na dumalas ang mga bigfoot sightings. Some might argue, hindi pa kasi nareport nuon pero nuong nareport nalaman na nila ito ay isang bigfoot. Sure valid point, pero mga boss, ilang beses ng nagkaroon ng patong sa ulo ang bigfoot na yan. Kung sino mang makakahuli ay may reward na tumataginting na 1 million USD. Sa laki ng perang iyon, nakakapagtaka kung bakit wala pa ring nahuhuli o napapatay hanggang sa ngayon.

Mga boss these are my opinions regarding sa bigfoot. Hindi po ibig sabihin na dapat maging ganito na rin ang paniniwala ninyo, i am just stating my opinion based on how i look into it. Kung naniniwala kayo sa bigfoot, then good, kung hindi, then still good. Anyhow, hanggang dito na lang muna mga boss. Sana ay may bago kayong natutunang impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ang Anghel ng Pagwasak

Crystal skull