Frilled Shark

Reading Time: 5 minutes

Tinatawag din itong living fossil, isa itong deep sea creature. Kakaunti lamang ang impormasyon dito hanggang ngayon.

 

#1

Hindi katulad ng ibang mga pating kung saan meron silang nakahiwalay na hasang samantalang ang hasang ng frilled shark ay konektado sa kanyang lalamunan, bawat hasang ay nakalinya at sa dulo nito ay kulay pula.

#2

Nadiskubre ito nuong 19th century. Si Ludwig H.P Dorderlein na isang German Ichtyologist ang naka diskubre dito. Si Ludwig ay nagturo sa Tokyo University mula 1879 hanggang 1881 at nagdalawa ng dalwang frilled shark na nakuha nya sa tokyo boy papuntang vienna.

#3

Kung titingnan mo sa unang tingin para itong eel, pero dahil na din sa internal structure nito, kinategorize ito na pating.

#4

Nuong 19th Century hindi pa masyadong kilala ang frilled shark kaya naman klinassify ito as sea serpent.

#5

Ang bibig nito ay sadyang nakakatakot, meron itong 25 rows na ngipin na nakabaligtad at parang trident shape. Hindi lang yan, ito ay may 300 na ngipin.

#6

Ang ngipin nito ay maputi, ito rin ang ginagamit nyang pang pa-in sa kanyang magiging pagkain. Dahil na din sa kulay ng kanyang katawan na kayumangi,mas nangingibabaw ang kulay ng ngipin nito. Aakalain ng ibang mga isda na isa itong pagkain, kaya naman pag lapit nila, huli na ang lahat.

#7

Inakala ng mga scientist nuon na ang frilled shark ay parang eel kung lumangoy, pero ayon sa reef quest center for shark research, ang katawan nito ay mayroong malaking atay na myroon low density oils at hydrocarbons na syang nagpapalutang sa frilled shark.

#8

Wala pang nakakita kung pano ito maghunting. Pero ayon sa mga scientist, Para itong ahas kung saan kaya nyang lumunok ng pagkain na mas malaki pa sa kanya. Nuong inanalyze ang frilled shark, napagalaman ang kinakain nito ay 61 percent cephalopods o ung mga mollusk, squid at octupus, 11percent teleost fishes at ang iba naman ay pating.

#9

Ang frilled shark ay halos nasa buong mundo pero bihirang bihira itong makita. Karinawan itong nakatira sa lalim na 390 hanggang 4200 feet kaya naman hindi sila ganun kadalas makita pwera na lang kung nagdesisyon silang lumutang.

#10

Mas malaki ang babaeng frilled shark kumpara sa lalaki. Ang lalaki ay mayroong sukat na 3.2 hanggang 3.6 feet habang ang babae naman ay 4.4 hanggang 4.9 feet. Pero ang pinakamalaking natala na frilled shark ay 6.4 feet.

#11

Ang frilled shark ang may pinakamahabang gestation period, ang gestation ay ang pagdadala ng nanay sa kanilang anak hanggang sa lumaki sila. Ayon sa pagaaral, ang kanilang gestation period ay tumatagal ng 42 months o tatlo at kalahating taon bago humiwalay sa magulang. Paniwala ng mga scientist, dahil ito sa habitat ng frilled shark kung saan nasa pinaka ilalim sila ng dagat.

#12

Dati na itong nakikita ng mga tao, subalit wala pang nakakakita sa natural habitat ng frilled shark. hanggang sa dumating ang taong 2004. Ang NOAA scientist ang nakapagvideo ng frilled shark kung saan lumalangoy ito sa lalim na 2866 feet.

#13

Nuong January 2007, isang japanese fisherman ang nakavideo ng isang kakaibang eel like creature na mayroong matutulis na ngipin. Sinabihan nya agad ang staff ng awashima marine park na sya namang humuli sa nasabing nilalang at dinala sa seawater pool. Ayon sa kumuha, kaya ito lumutang sa itaas ng dagat dahil may sakit ito o nanghihina. Ang kanilang nahuling frilled shark ay isang babae, namatay din ito ilang oras matapos nilang mahuli.

#14

Ang mga pating ay mayroong nictate membrane para maprotektahan ang kanilang mga mata, ito yung translucent third eyelid ng mga pating. Ang frilled shark ay wala nito.

#15

Dahil an din sa ilalim sila ng dagat nakatira, ang mga nutrients na nakukuha nila ay kakaunti na lang. Dahil dito, ang frilled sharks ay mababa ang calcium.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit Malabong Maging tatay ni Hitler si Rizal

Pinakamalaking Caldera – Apo Laki