Freemasons part 3 – Papaanong nagsimula ang Freemason sa Pinas

Reading Time: 10 minutes

Dahil tapos na tayo sa ancient freemasons, pumunta naman tayo sa modern. Hindi na lingid sa atin na ang freemasons ay maraming mga conspiracy theorist. Andyan na ang new world order, na sila ay mga anti religion at kung ano ano pang mga conspiracy, pero yun nga ba ang totoo? Ang info sa video na ito mga boss ay mula sa website ng mga freemasons na available sa public. Kung meron man po akong maling nabanggit please correct me. Without further a do, let us start mga boss.

Modern Freemasonry:

Ang modern freemasonry ay nagsimula nuong 1717 ng maitatag ang 4 na freemason lodges sa pinagsamang london at england, at ito nga ang unang Grand lodge. Sila ang pinaka brain o ung pinakamataas sa lahat ng lodge sa bansang iyon. Matapos nito, sumunod ng ngtayo ang mga freemasons ng mga lodge sa Ireland, scotland at italy.

Nuong dumating ang 1730 ay napunta na rin ang mga to sa europa. Nuong 1723 ang scottish freemason na si Dr. James Anderson ang sumulat ng Constitutions of the freemasons, ang kaunaunahang batas at ritual ng grupo. May ibang naniniwala na ang mga ritual ng freemasons ay tungkol sa sekreto ng kalawakan at ito ay mula pa sa panginoon.

Brotherhood:

Ang mga freemasons ay tinatawag na brotherhood, altho sa tagalog, genderless ito kasi kapatiran, kumbaga babae or lalaki. Sa kanila literal na broterhood talaga dahil hindi pwedeng makasali ang mga babae dito.

Ang mga babaeng freemasons ay tinanggal sa grupo nuong 1700 dahil naniniwala ang mga ito na ang opposite sex ay makakadistract lamang sa mga lalaking miyembro at ito rin ag posibleng maging dahilan para isiwalat ng isang miyembro ang kanilang sikreto. Altho merong mga iilan ilan na babae ang nakapasok sa grupong ito. Isa na nga dito si Elizabeth Aldwoorth kung saan ito ay nahuling nakikinig sa meeting ng mga freemasons nuong 1700.

Nabago ang batas na ito nuong dumating ang 1800 kung saan pinayagan ang mga babae na makapasok sa masonic groups, isa na nga dito ang order of the eastern star nuog 1855. May mga masonic group na restricted to male lang or restricted to female ang kanilang memberships, kagaya ng  Ladies Oriental Shrine of North America, Daughters of the Nile, the Daughters of Mokanna, at the Social Order of Beauceant

American Freemasonry:

Nuong 1700 ang freemasons ay napunta na rin sa america. Nagtayo sila ng mga lodges sa boston at philadelphia. Nuong 1731, si Benjamin Franklin ay sumali sa Philadelphia lodge at naging Master sya sa lodge na ito matapos ang 3 taon. Si George Washington naman nuong 1752.

Nuong panahon na yon ay gustong kumawala ng amerika sa pamumuno ng british. Pinaghihinalaan na ang mga freemasons daw ang nagpasimula ng rebolusyon.

Ayon sa kwento, may mga freemasons na nagpanggap na native americans at sumakay sa 3 british ships sa boston harbor nuong december 16 1773 at itinapon ng mga ito ang daan daang tea sa tubig. Dito na nga nagsimula ang american revolution.

Matapos ang rebolusyon, ang mga american freemasons ay kumalas sa british freemasons although, ang dalawang freemasons ay nirerecognize pa rin ang bawat isa bilang mutual fraternities. Dahil nga sapagkakabiyak ng freemasons, nagkaroon ng 2 klase ng freemasonry at ito nga ang scottish rite kung saan sinusundan ang english traditions at ang isa naman ay York rite at ito naman ay ang french traditions.

Philippine Masonry:

Sympre, hindi mawawala ang pinas sa listahan na to. Nuong 1856 tinayo ang Primera Luz filipina ang kaunaunahang masonic lodge ng pinas na tinayo ni Jose Malcamp Monje. Subalit ang mga native Filipinos o ung mga indios ay hindi pinahihintulutang sumali sa samahan na ito.

Ang kinukunsidera na pinaka unang philippine masonry ay nuong 1889 kung saan si Graciano Lopez Jaena ay inorganisa ang Logia Revolucion. Ito ay nasa ilalim ng masonic ng espanya, ang  Grande Oriente Espanyol. Nuong May 15 1890 tinayo ang pangalawang lodge sa madrid, ang logia solidaridad na nasa ilalim pa rin ng grande oriente espanyol.

Dumating ang taong 1892 at tinayo na ang Masonic Lodged dito sa pinas at tianwag itong Nilad Lodge. Si Dr. Jose Rizal ang nappoint as Honrorary Worshipful Master ng Nilad Lodge. Dahil ito din ang kaunaunahang pinoy masonic lodge, tinawag din itong mother lodge. Simula nuon kumalat na ang masonic lodges, meron sa malabon, san fernando pampanga, bacolor pampanga, nueva ecija, tondo manila at marami pang iba.

Ang mga kilala nating mga bayani ay kasama rin sa samahang ito, kasama na nga dito sina Gregorio Aglipay, amilio Aguinaldo, andres bonifacio, Juan luna at marami pang iba.

Secrecy:

Often times ang Freemasons ay inuugnay sa secret society, pero totoo nga ba ito? Well mga boss, it depends how you view the word secret society. Ang kahit anong social group o business ay secret in a sense dahil ang mga bussiness or group meetings ay open lang sa mga members. Sa freemasonry naman, ang paraan para makapasok o makasali sa grupong ito ay hindi basta basta at ang mga miyembro ay pinapasumpa na hindi ididiscuss ang mga certain parts at ceremonies na kasama sa organisasyon.

Ang mga freemasons ay may sikretong handshakes, password at mga nakaugaliang gawin at ito ay sinesekreto. Hindi naman sa dahil masama o may tinatago ang mga freemasons kundi ito ay para makilala ng baway isa kung saang organisasyon ang kanilang kausap nakabase.

Nuong middle ages, hindi na iba ang secret handshakes at passwords. Sa katunayan madalas itong ginagamit para makakuha ng malaking discount sa mga trade, makakuha ng trabaho o tulong. Ang mga freemasons ay incorporate ang ganitong gawain.

We know freemasons at ang mga miyembro nito, hindi nila ito tinatago sa mundo so in a sense they are not secret society. Sure may mga rules and regulations sila which is katulad din naman sa ibang mga bussiness or organizations. Ang totoong secret society mga boss ay ang mga miyembro nito ay hindi pinapayagan na sabihin na sila ay kasapi ng organisasyong iyon.

Degrees and Lodges:

Ang Blue Lodge Freemasonry ay mayroon lamang 3 traditional defgrees at ang mga jurisdictions nito. Subalit sa sinauna at sa scottish rite ay mayroong 33 degrees. First off ano na ang lodges?

Kagaya ng term na lodge, ito mga boss ay isang gusali kung saan nagtitipon tipon ang mga miyembro. Pero hindi ka basta basta pwedeng magtayo ng gusali at sasabihin mong masonic lodge ito, dahil dumadaan ito sa proseso. Kagaya ng mga gusali natin, ang mga masonic lodge ay may mga types din. Meron silang Grand lodge, blue lodge, mother lodge, research lodge at iba pa. Bawat lodge ay may kanya kanyang specific use.

Pumunta naman tayo sa degrees. Ang degrees ay ang posisyon ng isang freemason. Parang tayo, hindi ba minsan tinatanong tayo, anong degree ang natapos mo? Doctor, engineering at iba pa. Ganun din ang mga freemasons. Kapag ang isang tao ay nakapasok sa organization na ito mayroong mga rules na dapat nyang sundin mga aral na dapat nyang isa puso. Isang halimbawa na lang ang 24 inch gaung, kung saan ang isang freemason ay kailangan nyang hatiin ang kanyang oras sa 3. 8 oras para psa pagseserbisyo sa panginoon, 8 oras para sa trabaho at walong oras para sa pagpapahinga.

Alam ninyo sa totoo lang mga boss, sobrang lalim nito at sa totoo lang hindi ko magets talaga ung iba. Kaya din siguro maraming nagsasabi na may tinatago sila o mga secret societies kasi talagang malawak ang organisasyon na ito. Nalilink ito sa iba’t ibang organization na pianghihinalaan ding may dark background kagaya ng bilderberg at illuminati. So mga boss, kung meron mang maling info akong nabanggit, please let me know and we will compile and pin it para mas madaling mabasa.

Ito muna sa ngayon mga boss. Sana ay may bago kayong natutunang impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ifrit

Sino ang pinakaunang bampira?