Freemason Part 2 – Ano ang Order of templars at ang masonic knights?

Natapos na tayo sa kwento ni Hiram abiff pumunta naman tayo sa isa pang nauugnay sa mga freemasons, ang Knights templar. Bakit nga ba sila naiuugnay dito? Alam nyo ba mga boss na maraming nagaakala na ang knights templar ay ang ugat ng mga free masons? Gaano ito katotoo? Tara mga boss. Tuklasin natin.

Knights Templar:

First off let us be clear mga boss, may 2 klase ng knights templar, order of the knights templar o ung medieval, ito ung nakikita nyo sa larong assassins creed kung pamilyar kayo dun. Ang order ay tiantawg ding Operative Freemasonary o di naman kaya ancient Masonary.

Ang pangalawang knights templar ay tinatawag na Masonic Templar knights. Ang Masonic templar knights at ang medieval templar knights ay walang direct link sa isa’t isa. Ang modern form ng masonic practice na ito ay tinatawag na speculative freemasonary.

So in a sense ang medieval knights ang tinatawag na original order at sila ang sinaunang templar knights

History:

Alam nyo ba mga boss kung bakit sila tinawag na knights templar?

Nuong 1118, 20 taon matapos ang pagtatag ng kingdom of jerusalem. Ang 9 na french knights sa ilalim ng pamamahala ni hugues de panys ay nakarating sa holy land at tinungo nila ang templo ni solomon. Dahil nga nagcamped ang mga ito sa templ ni solomon, at ang mga taong sumali sa kanilang organisasyon ay tinawag na knights of the temple, tempars, o order of the temple. Ang kanilang purpose ay protektahan ang mga pilgrims na bumibisita sa mga holy places parikular ang ruta kung saan naglilink ang jerusalem at st. jean d’acre.

Nuong mga panahong un, ang templar ay un unting nakikilala. Ilan sa mga may posisyon na tao katulad ni St. Bernard of Clarvaux, ang head ng cistercian order ay inambandona ang kanyang pamilya at karangyaan para sumama sa organisasyon. Si St, Bernard ay ang pinakamalapit at pinagtitiwalaan ni Pope Honorius the 2nd. Dahil din sa impluwensya ni St. Bernard, kinilala ng simbahan ang order of the temple.

Nagkaroon din sila ng judicial immunity. Meaning pwede silang maging hukom sa mga nasasakupan nila. NAging isa silang nakakatakot na pwersa sa europe at middle east at nagin marangya din ang mga ito.

Subalit nuong napasakamay ng mga muslims ang jerusalem nuong 1244 at pati na rin ang pagkatalo nila sa St. Jean D arce nuong 1291, ang mta knights templar ay umatras at bumalik ng pransya.

Pagbalik nila ng pransya, naenjoy naman nila ang kanilang pamumuhay ng ilang taon. Subalit ito ay natapos nuong si Philip the 4th, o philip the fair ay gumawa ng plano para mapasakamay nito ang mga kayamanan ng templars at dahil na din sa unti unti nitong pagbagsak. Gumawa sya ng paraan para madiscredit ang mga templars at mapwersa si Pope Clement the  5th na magbigay ng utos.

October 13th 1312, inutos ni philip na iransack ang mga templar strongholds at arestuhin ang mga templars na kanilang makikita. Sa loob ng 7 taon, nagkaroon ng paguusig sa mga templars at ang iba ay tinorture at pinaconfess lahat ng gusto nilang malaman.  Nuong April 3 1312, inannounced ng pope ang pag abolish sa order at nuong March 18th 1314 naman, matapos ang sunod sunod na harrasment at torture, ang 22nd grandmaster na si Jacques de Molay ay sinunog ng buhay.

Ang ibang mga temoplars ay nagtago habang ang iba ay nahuli at pinatay.

Absolution:

Nuong 2001 isang vatican document na tinatwag na Chinon Parchment ay nadiskubre ni Barbara Frale, isang italian. Ayon sa dokumento, nuong 1308, si pope clement the 5th ay inabsolved ang leadership ng mga knights templar kasama na nga dito ang kanilang leader. Pinaimbestiga ng pope ang mga templars base sa akusasyon na pinaratang sa kanila mula sa kastilyo ng chinon sa may france. Ang pinaratang sa kanila ay sodomy, pamababastos sa krus, specifically, dinuduraan ito, pagsamba sa mga diyos diyosan, pag denounce sa panginoon at ang mga hindi kanais nais na mga halikan.

Ayon sa mga cardinals na pinadala ng papa para mag imbestiga. Ang mga templars ay dinedenounce ang panginoon sa kanilang intiation. Ang ibang mga templars umamin dito habang ang iba naman ay hindi. Ayon sa theorya, ginagawa ito ng mga templars bilang paghahanda kung sakaling mahuli sila at torturin. Ayon pa sa dokumento, sinubukan ng mga templars na iligtas ang kanilang kapalaran sa france subalit si king philip ay nagresort sa madugong pakikipaglaban para makuha ang kanilang mga kayamana.

Ang kopya ng dokumentong ito ay nasa vatican at nuong 2007 ay pinadala kay pope bedict the 16th ang kopya.

Masonic Templar knights:

Nuong 1717 AD, kasabay ng paggawa sa Grand lodge of england, ang natitirang operative freemasonary o ancient masonary ay bumuo ng panibagong grupo at ito nga ang speculative masonary. Ang event na ito ay kinukunsidera bilang “Birth of Modern Freemasonry”.

Dahil dito, kahit na nagsimula ang templar nuong 15th century, ang majority ng mainstream modern freemasonary ay isang 18th century tradition thus ito ay hindi nauiuugnay sa knights templar.

Nuong 1782 AD, ang Masonic Congress of Wilhelmsbad sa germany ay kinumpirma na ang speculative masonary ay resulta ng modern thought at ito ay hindi connected sa templarism. Ang mga freemasons ay hindi rin successors ng mga templar knoiights.

Nuong  1914 AD, ang encyclopedia of Freemasonary ay idinokumenta at idineklara na ang Templar theory, kung saan ayon dito lahat ng freemasons ay mga templars at ang freemasonry ay ang successor ng nasabing ancient knighthood ay nirereject bilang undefendable at unsupported ng authentic history. Pero hindi mapapagkaila na kahit papaano mayroong koneksyon ang freemasons at ang templar knights at klinaro din yan ng encyclopedia of freemasonary. Ayon dito, ang natatanging koneksyon ng templars at freemasonary ay naganap matapos ang pagsunog o pagpatay kay jacque de molay kung saan ang mga natitirang mga templars ay nagtago at humingi ng seguridad sa masonic fraternity.

Although hindi freemasons ang nagtuloy ng legacy ng mga knight templars, merong isang sinaunang fraternities ang nagtayo ng bandera nito. Ito mga boss ang Independent United order of Mechanics. Ang order na ito ay natayo nuong 1757 sa Lanchashire, England, sa tulong ng british parliament. Nuong 1877 kumalat na ang samahan sa south america at nuong 1910 naman napunta na sa US. Just to be clear mga boss, hindi sila tinatawag na masons, bagkus ang tawag sa kanila ay mga mechanics.

Symbols:

Ang masonic knights templary ay daan daan ang simbulo. Bawat grandmaster ay may kanya kanyang seal. Although merong mga prominante o ung madalas makita na mga seals na ginagamit ng mga knioght templars, ito nga ay ang templar cross, lamb of god, 2 knights at dome of the rock. Kahit na ang relics ng mga sinaunang knights templar ay wala na, ang meaning ng mga simbulong ito ay patuloy pa ring nabubuhay.

Ang cross ay ang simbulo ng mga templar. Ang cross na kulay pula ay nagsisimbulo ng kanilang koneksyon sa simbahan at pati na rin ang kanilang banal na nission. Dahil ang mga templar ay binuo para protektahan ang mga holy lands, ang cross ay ang simbulo na kanilang pinanghahawakan para sa dagdag kalakasan.

Ang lamb of god o Agnus dei ay naglalarawan ng isang tupa kung saan meron itong halo sa ulo at meron ding cross sa background nito. Ang tupa ay symbolic ni jesus christ kung saan binawtismuhan ito ni John the baptist at sinabing “Behold the Lamb of God who takes away the sin of the world.”

Ang ideang two knights in a single horse ay mula sa sinumpaan ng mga templars patungkol sa kahirapan kung saan kaya lang nilang bumili ng isang kabayo para sa 2 tao. Gayunpaman, ang mga templar ay agad na nagkaroon ng malalakiung salapi at nabago ang batas na ito kung saan pinagbabawal ang 2 templar na magshare sa isang kabayo at pinapayagan silang magkaroon ng 3 pa bawat isa.

Ang dome of the rock ay ang dambana sa loob nh templo ng jerusalem. Ang mga templar ay nagsetup ng kanilang headquarters dito ay pinaniniwalaan na ito ang templo ni solomon. Ang dome ay pinaniniwalaan din ng mga kristiyano kung saan si kristo ay nilibing at muling nabuhay.

Grand Conclave of England:

Ang formation ng grand conclave ay nangyari nuong 1791 at si Thomas Dunckerley ang naging grand master nito. Ang order na ito ay pinorpomote ang konseto ng chivalry at christianity sa masonic framework. Ang mga nakakapasok lang sa grupo ay ang mga masons na naniniwala sa kristianismo altho hindi ka rin basta basta makakapasok hanggat hindi ka iniimbitahan ng isa pang member.

Ito na lang muna sa ngayon mga boss. sana ay may bago kayong natutunan sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Lilith

Ifrit