Frau Perchta

Reading Time: 7 minutes

#1

Su Frau Perchta ay mas kilala sa tawag na belly slitter at meron itong magandang dahilan. Ayon sa alamat, kapag ang isang tao ay hindi natapos ang kanilang trabaho dahil na din  sa pagkatamad o hindi naman kaya ay maraming nagawang masama sa loob ng isang taon. Gagamitin nya ang kanyang mahabang kutsilyo para hiwain ang tyan ng taong yun at kuhanin ang lamang loob nito.

Hindi alam kung anong ginagawa nya sa mga lamang loob na yon pero ito ay pinapalitan nya ng mga basura, tali o hindi naman kaya mga bato. Pinaniniwalaan din na gumagamit si Perchta ng isang basag na salamin para hiwain ang mga dila ng mga bata na nagsisinungaling.

#2

Ang isang grupo ng masasamang espiritu na nasa kontrol ni Perchta ay tinatawag na perchten. Habang lumilipad ito sa mga kabundukan ng Eastern Europe, isa isa nyang pinapalarga ang kanyang mga alagad para gumawa ito ng kasamaan.

Habang hinahayaan ni Perchta ang kanyang mga alagad na gawin ang gusto nito. Pero pinaniniwalaan din na pinuprotektahan din nito ang mga mababait na tao sa pamamagitan ng pagbibigay ng utos sa mga alagad nito na lubayan sila.

Ang mga sinaunang tao nuon ay nagsusuot ng mga maskera para mataboy ang mga masasamang nilalang na ito. Pinaniniwalaan din na ang mga alagad ni perchta ay ang mga bata o taong hindi nabawtismuhan bago pa sila mamatay at dahil dito hindi sila makapasok sa langit. Posible na ang ideyang ito ay itinanim ng mga kristiano para na rin may eksplenasyon kung bakit kasama ni Perchta ang mga bata na hindi nya naman anak.

#3

Pinaniniwalaan na ang pangalang Perchta ay mula sa German Word na ibig sabihin ay bright o shining at ang ibang mga kwento ay inilalarawan sya bilang isang magandang babae na nakasuot ng purong puti.

Minsan ang kanyang ilong ay mahaba at nakapaliko na para bang isang tuka ng ibon. Pinaniniwalaan din na isa syang shape shifter at kadalasan nakasuot ng damit na sira sira.

Ayon sa mga Researcher, ang pagbabagong anyo ni Perchta mula sa napakagandang dyosa papunta sa napakapangit na mangkukulam ay dahil sa pagsakop ng kristianismo at dahil na din gustong wasakin ang mga maling paniniwala ng mga ito.

#4

Si Perchta ay lumilitaw di umano 12 days sa pagitan ng christmas at Janauary 6. Ito ang celebrasyon ng mga kristiano kung saan inaalala ang pagkanganak ni Hesu Kristo.

Ayon sa alamat pag ang tao ay nagtrabaho ng mga araw na ito, si Perchta ay magagalit. Gusto kasi nito na sama sama ang pamilya at ienjoy ang masayang bonding.

Bago sya bumisita sa bahay, ang mga tao nuon ay nagiiwan ng lugaw bilang alay sa kanya. Kapag sya ay pumunta sa isang bahay at wala itong alay, magagalit si perchta at ang susunod na taon ay talaga namang magiging mahirap para sa taong yun.

#5

Si Jacob ng Brothers Grimm ay mahilig sa mga folk tales at dahil sa kanya, si Prechta ay mas naging popular.

Nuong 1835 si Jacob Grimm ay nag publish ng libro kung saan inexamine nito ang German Mythology at Folklore. Sa kanyang pagreresearch, napagalaman nya na si Perchta ay kilala na nuong 10th century pa lamang at kasing lakas ni Berchtold. Si Grimm nakita si Perchta bilang isang deity at isang goddess na kaperahas ng ibang mga babaeng dyosa na nasa german mythology.

Ang ibang mga scholar ay ipinagpatuloy ang research ni Grimm at dinagdagan ito ng elemento ng katatakutan at duon na nga nagsimula ang alamat ni Frau Prechta.

#6

Si Perchta ay hindi katulad ni Krampus na pinupuntahan lamang ang masasamang bata. Si Perchta ay parang pinagsamang Krampus at santa pero mas kakaunting kabutihan sympre.

Pinaniniwalaan na kapag naging mabait ka ng taon na yun bibigyan ka nya ng baryang pilak sa iyong sa patas.

#7

Si Perchta ay pinaniniwalaang nagmula sa Austria at Germany. Ang paniniwala ng tao kay perchta ay ang nagpaiba din ng itsura nito. Ang mga mamamayan ng Slovenia ay pinaniniwalaang si PErchta ay isang diyosa at sinecelebrate nila ito sa pamamgitan ng pagsusuot ng maskera at pagpaparada. Para sa kanila, si Perchta ay nakatira sa bundok malapit sa lawa at sya ang nagpapasnow kapag taglamig na.

#8

Si La Befana ay mula sa italian folklore na nagsimula nuong 1549 at pinaniniwalaan din na ang dyosang si Hecate. Kinukunsidera syang christmas witch ng italya at lumilitaw sa araw ng pasko daladala ang kanyang walis at pumapasok sa chimeneya kagaya ni santa. Nagiiwan sya ng regalo o hindi naman kaya uling para sa masasamang bata.

Maraming version ang kanyang pinagmulan. Si Perchta at Befana ay halos magkaparehas na taon at parehas na lumilitaw sa isang okasyon kaya naman maraming naniniwala na sila ay iisa lamang. Subalit kung si Befana ay naging magandang nilalang sa Italy, si Perchta naman ay naging katakot takot sa Germany.

#9

Ang paggawa ng maskara at pagcocostume bilang miyembro ng alagad ni Perchta ay naging tradisyon na ng 12 days of christmas.

Ang mga maskera ay yari sa Kahoy at dinesenyuhan ng mga sungay at nagsusuot din sila ng costume na nagsisilbing buhok ng kanilang katawan. Kadalasan, mas nagiging kamukha ito ni Krampus.

Ang ibang mga maskera ay walang mga tenga kaya naman hindi nila naririnig ang kanilang biktima kapag ito ay humihingi ng tulong.

Ang costume ay may bigat na 60 pounds. Ang mga residente ng Alpine ay naniniwala na ang pagsasaya, pagpaparada at ang iba pang performance ang magtataboy sa masamang espiritu ni Perchta at para gumanda rin ang susunod na taon para sa kanila. Subalit maraming mga turista ang talagang napapaktingin dito, kaya naman ang alamat ni Prechta ay talagang mananatili at lalawak pa.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Hinihypnotize natin ang ating sarili araw araw?

The Alpha Centauri