First Blackhole Image

Reading Time: 7 minutes

Ilan sa atin ay namamangha sa siyensya, sa mga stars, mga planeta at mga habitable planets na nadidiskubre ng mga eksperto. Isa ring malakaing tanong sa ating mga tao ang tinatawag na black hole, ayon sa science, wala daw liwanag ang makakatakas dito, therefore we cannot see it. Pero may mga pagkakataon na ang blackhole ay magbibigay ng presenya na para bang nagsasabing andito lang ako. April 10, isang napakaimportanteng araw para sa mga eksperto, dahil itong araw na ito ay ang unang pagkakataon na makikita natin ang isang black hole. As a fan of science, sympre hindi ko palalampasin ito. Kakaunti lang ang nakakalam ng extra juicy details kung papaano nagkaroon ng imahe, so now idiscuss natin yan.

Messier 87:

San ba ang black hole na yan, san sya sa ating galaxy sa universe? Well mga boss ang black hole na ito ay matatagpuan sa constellation ng virgo, ito ay nasa Messier 87. Ang messier 87 mga boss ay isang supergiant elliptical galaxy. Isa ito sa pinakamalaking galaxy sa ating universe. Mayroon itong malalaking globular clusters, pag sinabing globular cluster mga boss ito yun collection of stars. Sige para sa comparisson, ang ating milky way ay mayroon lamang 150-200 samantalang ang messier 87, guess what, meron itong 12,000 globular clusters. Sobrang laki nito.

Ang layo nito mula sa ating mundo ay 53-55 million light years.

Event Horizon Telescope:

Ang iba sa inyo alam na ang EHT o event horizon telescope, sa mga hindi pa nakakalam, ito ang may dahilan kung bakit mayroon na tayong closeup view ng isang napakalakaing black hole. Gaano kalaki? we’ll get to that later.

Ano nga ba ang eht at papaano ito nakuha ang napakalayong blackhole. Ang event horizon telescope ay grupo ng radio telescopes, to be exact 8 radio telescopes na nakastasyon sa limang kontinente kung saan nakatutok lang ito sa isang area ng space ng isang buong linggo ng april 2017.

Ang trabaho ng EHT ay obserbahan ang supermassive blackhole sa gitna ng milky way at ito nga ang Saggitarius A at pati na rin ang isa pang mas malaking black hole sa gitna ng messier 87. Sa sobrang laki ng black hole na ito, kailangan ng telescope na sinlaki ng mundo para lamang macapture ang kabuan ng blackhole. Kaya ang 8 satellites ay pwinesto sa iba’t ibang lugar para macover ang kabuuan ng black hole.

At take note mga boss, ito ay radio ha, meaning sound. Ha? eh di ibig sabihin hindi totoo ang nakita nating image ng blackhole? sabi na nga ba eh, pinagloloko tayo ng nasa eh! Wait lang, relaks mga boss, wag tayong tumalon agad sa konklusyon. Tama na ito ay sound sa katunayan ang data na nakuha ng mga radio satellites na ito ay naglalaman ng 5000 years of mp3 files guess what kung gaano ito kalaki, 4.5 petabytes mga boss. Imaginine nyo un. Sa sobrang laki nito hindi kinaya na matransfer over internet ang mga files at kinailangan pang ipaship. Lets go to the next slide bago pa maginit ang mga nasa conspiracist jan.

General Relativy:

Alam naman natin na sobrang tagal na ng theory ni einstein gayunpaman, lahat ng tests ay nalampasan nito, napatunayan na tama si einstein. Pero ang mga tests na ito ay dito lamang sa atin, or malapit lang sa mundo. Ngayon kaya? almost 100,000 times ang layo, malampasan na naman ng theorya ni einstein ang isa pang pagsubok?

Ayon sa general relativity, ang blackhole ay mayroong circular shadow, posibleng prolate or oblate nonetheless, closely circular ito. Guess what? Ang blackhole ng messier 87 ay circular. Isa na namang tests ang napagtagumpayan nito.

Color:

Teka bulalord, sabi mo waves un diba? eh bakit may kulay? hindi ba dapat kulay greyish yan o white at bakit walang lighting streak na papasok ng blackhole kagaya ng nakikita natin sa mga litrato? Ibig sabihin gawa gawa lang ito? Well ayan na naman tayo eh, not technically, kagaya nga sinabi ko waves,

Ang EHT ay nagassign ng mga colors sa visible spectrume o ung electromagnetic spectrum na nakikita ng ating mga mata. Ang telescope ay kayang kumuha ng maraming wavelenghts. Ang yellow ang mas may intense na emission, ang red less intense, ang black ay ang walang emission. Yes totoo na ito ay mga kulay na pinili lamang ng EHT para maipakita sa atin kung ano ang lakas ng emissions ng sides ng blackhole. Pero ayon kay Derek Fox, isang associate professor in the Department of Astronomy and Astrophysics sa Penn State University, ang kulay ng crescnet ng blackhole ay posibleng whitish glow.

At ang reason kung bakit mas malakas ang kulay ng nasa baba ay dahil sa nagrorotate it clock wise at ang liwanag sa itaas nito ay ang liwanag na nagfafade dahil pumapasok na sa blackhole.

Fun fact pala, alam nyo ba na 55 million years ago na ang litratong ito? yes mga boss, it is 100% true. For example ang sun natin, alam nyo ba ang liwanag nito bago nyo makita ay 8 minutes late na? ibig sabihin nagtravel ito ng 8 minutes mula sa galaxy papunta sa atin so kung ang araw ay biglang nawalan ng liwanag, makikita pa rin natin ito sa loob ng 8 minuto pagkatapos tsaka lang didilim. So with that being said, ang nakita nating image na kuha ng EHT ay sobrang tagal na. Ang waves sobrang tagal na nagttravel at ngayon lang nakarating sa mundo natin. I wonder ano na kaya ang itsura nito as i speak.

Ano mga boss ang bagong info na nakuha nyo sa video na ito? pacomment naman.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang kwento ng Pandoras box

Taong Aso – Cynocephali