Fermi Paradox

Reading Time: 13 minutes

Hindi ba kayo nagtataka, tayong mga tao gusto natin magexpand diba, kaya nga mayroong mga giyera laban sa mga lupa sa mga bansa dahil gusto ng bawat isa na mapasakamay ang mga ito, sa ngayon nga kahit mars ineexplore na rin natin at hindi malayong magkaroon ng panibagong buhay dito, hindi natin masasabi sa ngayon. Pero bakit nga ba wala pa ring umaatake sa atin, wala pa ring mga advance na technology na sumasakop.

Sure nakakakita tayo ng mga alien spaceship pero hanggang duon na lang. Wala pa rin tayong close encounter, may mga nagcclaim na nakakita ng napakalaking spaceship pero wala naman nangyayari, hanggang pakita lang.

So ang nakakatakot na tanong… Nasaan na sila? Tayo lang ba ang living organism sa mundo? Ito mga boss, ang Fermi Paradox.

Paradox:

First let us understand the meaning of a paradox. Para sa mga hindi nakakaalam pag shinabing paradox, hindi ito theory, ang paradox ibig sabihin parang hindi totoo o absurd kung iisipin mo, minsan contradicting ang statement subalit nuong ito ay inimbestigahan na, napag-alaman na ito ay posibleng totoo.

Okay para sa mga hindi pa rin masyadong nagets, example, Ayaw kong pumunta sa mall, laging madaming tao. Ayan mga boss ang example ng paradox, statement that contradicts itself but founded to be true. So bakit contradicting? Ano bang sinabi sa example, ayaw pumunta hindi ba? and yet halos karamihan sa atin kahit na punuan ang mall o ang isang lugar at alam natin, pumupunta pa rin tayo. Sa part ng true, self explanatory naman na pero as usual, explain ko pa din, “founded to be true” kasi nga marami talagang tao sa mga malls” Ayan boss ha, clear tayo sa paradox.

Origins:

Ano nga ba ang fermi paradox at kailan ito nabuo. Balik tayo boss ng 1950, isang kilalang physicist na si Enrico Fermi ang kumakain sa isang cafeteria sa Los Angeles Jer Propulsion Lab. Habang kumakain, si Enrico nagtitingin ng magazine. Habang kumakagat ng pagkain, napatingin si Fermi sa isang cartoon sa magazine. Ito ay mga aliens na nagtatapon ng basura na nakuha nila mula sa ney york city. Biglang nagtanong si Fermi, “Where is everybody”

Ayon sa kanyang mga kasama ang kanyang tanong ay hindi patungkol sa mundo kundi sa labas ng ating mundo dahil nuong mga panahong yon ay hindi pa tayo nakakaalis sa ating sariling mundo, ang moon landing mga boss ay nangyari ng 1969. Gayunpaman, nananatili itong lehitimong tanong magpasa hanggang ngayon kahit na nakalabas na at naexplore na natin ang mga kalapit na mundo.

Isang simpleng tanong lang ang sinabi ni Fermi at malaki ang naging impact nito sa ibang scientist. Sa katunayan ang tanong na ito ay nagpasalin salin sa mga iba’t ibang utak ng mga scientist. Nuong 1975, ang astronomer na si Michael Hart ang nagbigay ng alegasyon na kaya walang aliens ay dahil hindi naman sila nageexists. 2 taon naman matapos nito, nuong 1977, ang astrophysicist na si David G. Stephenson ang nagsabi na ang statement ni Michael Hart ang sagot sa katanungan ni Fermi at sya din ang nagbigay ng pangalang Fermi Paradox. Ang tanong na kung ang ating universe ay posibleng magkaroon ng billions of earth like planets na pwedeng pamuhayaan ng intelligent life, pero bakit hanggang ngayon wala pa rin tayong makita na isa pang sibilisasyon, asan na nga ba ang sila?

Drake Equation:

Kapag naiinvolve ang fermi paradox, kadalasan ang tinatawag na drake equation ay kasama nito. Ano nga ba ang drake equation? First let us discuss the origins as we usually do. Nuong 1960, isang american astronomer na nagngangalang frank drake ang nakaisip ng isang equation na makakatulong sa pagkalkula kung ilan ang alien civilzation sa ating galaxy. Ang resulta ay depende sa ilalagay mong numbers pero roughly meron tayong at least 2 billion habitable planets. Pag sinabing habitable mga boss ito yung tinatawag na goldilocks zone, ibig sabihin hindi malaki, hindi maliit, hindi malapit sa isang bituin at hindi rin malayo dito kumbaga eksaktong eksakto.

Sympre hindi naman porket sinabing habitable ay may nakatira na. Ibig lang sabihin na sa atin bilang earth dweller, ito ang mga habitable planets para sa atin. Kaya hindi pa rin natin alam kung meron bang mga life forms sa mga planetang ito.

Ang susunod na tanong jan ay kung sakali nga na merong mga life forms sa ibang planeta, gaano na sila ka advance, ano na ang kanilang level pag dating sa komunikasyon at paglalakbay? Sa katunayan mga boss isa pa rin itong mainit na diskusyon hanggang ngayon dahil wala pa rin tayong nakiktia na posiblilidad.

Pwede nating isipin na ang mga katulad nating mga tao ay uncommon pero hindi pa rin imposible na meron nga. Gayunpaman, kahit 1 percent lang ang chansa na merong life form still the question remains. Where is everybody?

The Great Filter

Para sa iba, alam na ang ating solar system ay nasa middle aged na. Importante ito mga boss kasi ibig sabihin, maraming solar system na mayroong goldilocks zone na mas matanda pa sa ating solar system at kung iisipin mo ito ng maigi, mapapagtanto mo na, kung ang ibang solar system na may habitable na planets, eh di ibig sabihin mas advance na sila kung tutuusin. Biruin mo, billions of years ang headstart nila bago magsimula ang ating solar system, sa 100 years nga lang andami ng nangyayari billions of years pa kaya. Pero gayunpaman, babalik pa rin tayo sa tanong na, asan na nga ba sila?

Isa sa mga kilalang eksplanasyon dito mga boss ay tinatawag na great filter. Ano ba ang great filter i hear you ask, in a nutshell mga boss ang great filter ang nagpapahinto sa paglago ng isang sibilasasyon, be it self destruction o hindi naman kaya mga pangyayari sa kalawakan.

Ang malaking katanungan dito ay kailan nangyayari ang great filter. At syempre ang tanong na, asan na tayo sa timeline na sinasabing great filter na ito. Sympre mga boss depende yan sa kung ano ba ang filter na ating tinutukoy. Kung sakali man na ang filter na ito ay isang auto destruct mechanism na kapag ang isang siblisasyon ay naabot na ang pinakamataas na technological development, then i guess, wala na tayong pag-asa pa.

Posible rin na ang filter na ito ay pangkalawakan katulad ng mga electromagetic explosions, black hole, solar flare at marami pang iba, kung saan bago pa makaangat ang sibilsasyon sa susunod na technoligical advancement, biglang mangyayari ang hindi inaasahan at ang buong life forms ay bigla na lamang mawawala.

Sa katunayan mga boss, altho malayo pa, eventually tayo ay mawawala din, ang ating mundo, ang ating galaxy. Ito ay ayon sa pag-aaral ng mga scientist. Ang tinutukoy ko mga boss ay ang andromeda-milkywa collision. Kung saan ayon sa pag-aaral ng mga siyentipiko, ang catastrophic event na ito ay mangyayari 3.75 billion years in the future dahil ang ating galaxy ay naglalakbay din sa loob ng buniverse. Sure, sobrang layo pa nito, pero kung sakali mang totoo ito mga boss, we are already doomed. Well who knows, maraming posibleng mangyari sa loob ng 3 billion years, malay natin makapagtravel na tayo o makapagtimewarp in the near future pero thinking about it right now, nakakatakot ito.

Then again, we still come to the point na baka nga tayo lang ang life form sa napakalawak na universe…. Nakakatakot isipin na tayo lang ang nagiisa sa walang katapusang kadiliman ng kalawakan.

Kardashev Scale

Akala nyo tapos na no? Ganda na sana ng ending speech nun. Anyway, pagpatuloy pa natin. Ano ba ang kardashev scale? In a nutshell mga boss ito ang type ng civilization. Meron tayong 3 types ayon sa scale na to. Pero before we go to that part, let us give credit sa origins nito.

Si Nicolai Kardasheve na isang Russian Astronomer ang naglathala ng ibat-ibang types ng civilizations. Ito ay nakakatalog sa kanilang power usage. Kayaga nga ng sinabi ko merong 3 types base sa scale na ito. Ang Type 1 civilization ay kayang iharness o gamitin ang enerhiya ng mismong planeta nito.

Ang type 2 civilization ay kayang kuhanin ang power ng katabi nitong mga stars kasama na nga dito ang araw, in a nutshell, ang lahat ng enerhiya ng araw ay kayang gamitin ng type 2 civilization.

Habang ang type 3 cvilization naman ay ang pinakamataas sa lahat, kaya na nitong iharness ang enerhiya ng buong galaxy na kinabibilangan ng kanilang planeta. At dahil dito ang kanilang mga teknolohiya ay masyadong advance at posibleng ang kanilang forms of communication ay ibang-iba kumpara sa atin kaya hindi rin natin madetect ang kanilang mga presensya.

Bulalord, saan tayo sa nasabi mong types of civilization, i hear you ask. Well mga boss, kahit na meron tayong 3 types, ang earthlings ay hindi pa nakakatungtong ng type 1 civilization. It is true we can harness some of the planets power kagaya ng ulan, solar energy, biofuel at hangin subalit nasa developing stage pa lang tayo, so in a sense, we are not yet on type 1 pero papunta na tayo duon.

Base din sa scale na ito, ito rin ang posibleng dahilan kung bakit wala pa tayong nakikitang life forms sa ibang galaxy dahil posibleng sa sobrang advance nila, nakadevelop na sila ng mga teknolohiya na matatago ang kanilang presensya o hindi naman kaya sadyang masyado pang mababa ang ating teknolohiya para madetect sila.

Undetectable:

Meron pang posibleng sagot sa katanungan ng fermi paradox at iyon nga ay andito na sila kasama natin, hindi lang natin narerealize. Kung talaga ngang merong sibilasasyon na mas advance pa sa atin at mga life forms na billions of years na nagsimula, posible nga na nakakagalaw sila ng hindi natin nadedetect o madetect man natin ay sobrang saglit lang.

Posible na hindi porket hindi sila kumaway o sumagot o nagpakilala sa atin, hindi ibig sabihin na tayo lang ang life form sa universe. Marahil kagaya natin, masyado tayong busy sa ating mga devices para pansinin ang iba pa. O hindi naman kaya, anjan lang sila, nagmamatyag at tinitingnan tayo.

Posible rin na minsan na silang bumisita sa atin at dahil nga hindi pa tayo ganon ka advance, tinalikuran nila tayo at paminsan minsan bumabalik para tingnan ang ating techological development.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Alam nyo ba kung saan nagsimula ang bigfoot?

Bakit blue ang rarest color sa mundo?