Empath, nagsimula bilang science fiction

Emapth, from the word empathy, meaning it deals mainly with feelings, ung tipong naiintindihan mo ang isang tao. Totoo na ang empathy develops as time goes on sa mga malalapit sayo yung tipong kahit ngumiginti sila alam mong deep inside may tinatago sila, hindi dahil gifted ka kundi nakilala mo na ang taong yon at naging open kayo sa isa’t isa kaya’t bawat kilos alam mo. Pero alam nyo ba mga boss may mga taong sobrang sensitive. Mga boss iklalakaro ko lang ha, iba po ang empathy sa compassion.

Ang empath ba ay totoong abilidad o isa lamang itong gawa gawa? Oo nga pala mga boss alam nyo bang nagmula ito bilang isang science fiction? hanggang ngayon ba isa pa rin itong science fiction o isang totoong abilidad na napatunayan ng siyensya?

Origins:

Let us start where it all began. Ang empath ay hindi pa kilala nuon or rather hindi pa naimbento ang salita. Kagaya ng salitang telepath, ang empath ay shorterned term ng empathy.

Ang salitang empahty ay unang nilathala ni J.T Mcintosh sa libro nyang The Empath na pinublish nuong 1956. Isa itong kwento tungkol sa mga indibidwal na mayroong empathetic abilities.

Pero mas sumikat ang salitang empath nuong 1968 sa palabas ng star trek. Kung saan isang babaeng bingi ang may abilidad na malaman ang nararamdaman ng isang nilalang at magamot din ang sugat nito.

Nuong dumating ang taong 1990 mula sa science fiction naging isa itong metaphrically statement. By the year 2000, ang mga popular na psychologist at spiritualist ay kinunsidera na isa itong totoong abilidad atnagkaroon din ng iba’t ibang klase ng empaths.

Science:

Tumalon na tayo agad sa siyensya, Sympre marami sa atin ang naniniwala dito, marami din ang skeptics. As it turns out mga boss, may 6 na posibleng eksplnasyon tungkol sa abilidad na ito. When i say posible, hindi pa 100% proven. Although may mga points hindi pa ito generally accepted.

Ito ay ang Sensory Processing Disorder, Overactive Mirror Neurons, Electromagnetism, Hormone And Chemical Sensitivities, Emotional Contagion, at Synesthesia.

Unahin natin ang Sensory Processing Disorder. Isa itong kondisyon na nakakaapekto sa utak ng isang tao kung saan nahihirapan itong iprocess ang mga information sa paligid nito. In a sense, magiging oversensitive ang isang tao, mula sa tunog, liwanag pati ang paghawak sa katawan nito. Ang simpleng pagdampi lang sa balat ay posibleng makaramdam ng sakit ang taong may sensory processing disorder. May mga pagkakataon din na mahihirapan tumayo ang isang tao o hindi naman kaya madaling mahilo.

So anong konek sa empath? Well ayon sa mga ibang eksperto, ang sobrang senstivity ay posibleng makaapekto sa emosyon ng mga tao. Mas magiging aware sila sa nararamdaman ng nasa paligid nila.

Pumunta naman tayo sa overactive mirror neurons, Ano ba ang mirror neurons? In simpliest term mga boss ito ang mga brain cells na nagbibigay sa atin ng compassion. Ito rin ang dahilan kaya’t nakakaramdam tayo ng compassion sa ibang mga bagay, halimbawa nakakita ka ng umiiyak, posibleng mapaiyak ka din o hindi naman kaya ang taong tumatawa, posibleng mapatawa ka din dahil dito.

Isa itong malakas na koneksyon na posible nga na merong mga taong empath. Ang mga eksperto ay nagconduct ng tests kung saan nagkaroon ng brain scans habang nakikiapagusap ang pasyente sa kanyang psychologist. Dito nila nakita na kapag ang isang tao ay nakakaranas ng emosyon ang mga mirror neurons ay nagiging aktibo kung saang parte ng utak ang emosyon na un.

Ibig sabihin mga boss, kapag mas sensetive ka sa mga nakapaligid sayo, posibleng mas mataas ang mirror neurons mo.

Next is electromagnetism. Isang pagaaral ang ginawa ng HeartMath institute kung saan nlaman nila ang impluwensiya ng magnetic field sa atin. 

Ayon sa pag-aaral, ang ating  puso at isip ay mayroong unique magnetic fields at ang fields na ito ang nagpapacommunicate sa atin sa nararamdaman ng iba. Ibig sabihin mga boss, ang mga empath ay mayroong malakas na sensitivity sa electromagnetic fields kaya’t nalalaman nila ang emosyon ng taong nakapaligid sa kanila.

Ang problema lang, kapag sbrang sensitive ng isang empath,mas nagiging mahirap ito para sa kanya dahil ito ay emotionally at physically draining. Ikaw ba naman maramdaman mong hindi ka talaga mahal ng jowa mo, physically at emotionally draining talaga yan.

May ibang eksperto naman na nagsasabi na ang pagiging empath ay dahil sa ating hormone at chemical senitivities. Isang culprit dito ay ang dopamine. Isa itong neurotransmitter kung saan ito ang nagrerespond sa pleasure at sensation na atin nararamdaman. Pero kailangan pa ng further research dito, who knows kung gusto mong maging empath baka in the near future meron ng vitamins o gamot para jan.

Ang mga emotions ay nakakahawa and that is proven and documented. Sa katunayan maoobserve mo ito at kahit bata pa napatunayan na nakakahawa ang emosyon, kapag ang isang sanggol ay nakarinig ng iyak, malaking posibilidad na ang sanggol na yon ay iiyak din. Siguro ang iba sa inyo naranasan na to, ung tipong isa sa mga barkada mo down na down tapos ramdam ng buong barkada.

Sympre this includes positive ang mga emotions, ayon sa pag-aaral ang random acts of kindness ng isang tao ay mas nagiging compassionate ang mga ito kapag sila ang nakakatanggap nito, at ang mga taong nakapaligid naman ay naaabsorbed din ang emotions.

Ayon sa eksplanasyon na ito, ang mga empath’s ay biologically o psychologically nakakaabsorbed ng emotional contagions. Pero ang eksaktong mekanismo o dahilan ay hindi pa rin natutuklasan at kailangan pa ng masusing pag-aaral patungkol dito.

Lastly we have synesthesia. Honestly mga boss nuong nabasa ko to ang unang pumasok sa isip ko ung mga piano sa youtube.

Ang Synesthesia mga boss ay isang neurological trait na naglilink sa dalawang magkaibang senses natin na hindi naman normal na maglink ang mga ito. Nagets nyo ba mga boss? Halimbawa vision and taste, malayo maglink ang dalawa, pero may mga tao na kapag nakakita sila ng certain colors like orange for example, nalalasahan nila ang maaasim. Ang iba naman pagnakakita ng numbers makakaalala o makakarinig sila ng specific na tunog na nagpplay sa kanilang isip o di naman kaya nakaamoy ng certain kind of smell kapag naririnig nilang tumutugtug ang isang partikular na kanta.

Sa kaso naman ng mga empaths, ang ibang mga researcher ay nagkaroon ng theory tungkol sa tinatawag na mirror touch synesthesia. Ang kondisyon na ito ay nararamdaman ng isang empath na para bang sila ang nakakaramdam ng nararamdaman ng iba at hindi ito mula sa ibang tao. Pero again, these are only hypothesis at theory lamang. So bulalord does it mean na science fiction lang ang empath?

Well mga boss. Empath’s exists.

Possible Direct Proof:

Ayon sa mga scientific studies, it is possible na meron talagang mga taong highly sensitive pero halos lahat ng ito ay mga indirect evidence. Katulad na lamang ng nabanggit ko kanina ung electromagnetic field, isang example ng proof pero still indirect.

Ang neuroscientist at psychologist na si Abigail Marsh ay naglathala ng malakas na ebidensya sa kanyang librong the Fear Factor 2017. Sa pag-aral na ginawa ni Marsh, nagrecruit sya ng mga taong may mataas na compassion, ito mga boss ung mga taong nagdonate ng kanilang kidney willingly sa mga taong hindi naman nila kakilala at ang isang grupo naman ay ang mga taong hindi nagdonate ng kidney.

Nagpakita si Marsh ng mga litratong may mukha ng ibang tao at meron itong iba’t ibang reakson. Ang mga taong hindi nagdonate ng kidney ay sensitive sa mga fearful facial expressions. Nuong nakita nila ang mga fearful facial expressions sa mga litrato, nagkaroon ng heightened activity sa amygdala ng kanilang mga utak.

Tinawag ni Marsh ang mga ito na Altruists. From the word altruism mga boss, ibig sabihin mga boss mas concern sila sa ikabubuti ng ibang tao kahit na ikasama pa nila. Ayon sa pag-aaral ni Marsh, ang mga altruistic person ay mga highly empathetic din o mga empaths.

Ang pangalawang pag-aaral ni Marsh ang may malakas na ebidensya na ang mga empaths ay totoong abilidad at ito ay tinawag nya na anti psychopaths. Si Marsh ay pinag-aralan din ang brain activity ng mga psychopath at ito ay exact opposite ng mga altruists. Ang mga psychopaths ay hindi narerecognize ang takot sa mukha ng ibang tao at mas less responsive sila dito. Ang amygdala din ng mga psychopaths ay 18 percent smaller kumpara sa normal.

In other words mga boss ang mga altruists at mga pyschopaths ay may abnormal brains kung ang paguusapan ay ang kanilang response sa takot. Ayon sa pag-aaral na ginawa ni Marsh ang Altruists at psychopaths ay nasa magkabilang dulo ng spectrum pag empahty ang pinaguusapan. Ang mga psychopaths ay hindi nakakaramdam ng takot ng ibang tao unless, unless mga boss ha, meron silang ibang motive, ibig sabihin pwede nilang pekein. Habang ang mga altruists naman o empaths ay mabilis ang response dito na parang sila mismo ang nakaramdam nito first hand.

That being said, we have a possible solid proof that empath’s are real, ito ay base sa pag-aaral ni Marsh, we only say possible dahil bago to maging accepted sa scientific community kailangan iba’t ibang doctor o eksperto ang makapag-aral dito at ma establish na ito nga ay totoo. Hindi porket nagpublish ang isang eksperto ng kanyang findings, tatanggapin na ito, yan kasi pagkakaintindi ng iba. Hindi po ganun, it will be subjected to tests and further analysis ng iba pang mga eksperto, at kapag same result ang nangyari sa mga iba’t ibang pag-aaral then it will be accepted. Nonetheless, accepted or not, marami sa atin ang naniniwala na totoo ang empath. In fact, ang iba sa inyo kaya nagclick sa video na ito ay gustong malaman ang tungkol sa empath. 3 topics lang pero medyo napahaba na itong discussion natin. 

Source 1

Source 2

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

UFO Part 2

Sirena