Dunkleosteus

Reading Time: 9 minutes

Megalodon? Killer whale? Ano pa mga boss ang alam ninyong mabangis? Mosasaurus? Lahat yan walang sinabi. I present to you mga boss, ang isda mula sa bangungot, ang dunkleosteus. Sa totoo lang kung ang diyos naghulog ng badtrip, parang sinalo na lahat nitong isdang to, parang laging galit kung titingnan mo ang itsura nya. Pero sympre, andito tayo para tuklasin ang impormasyon patungkol sa species na ito.

Discovery

Ang dunkleosteus ay nabuhay 358-382 million years ago. pero nadiskubre ito nuong late 19th century at nabigyan lang ng pangalan nnuong dumating ang taong 1956. Ang pangalan nito ay mula sa green na osteus na ibig sabihin bone at ang dunle naman ay mula kay david dunckle ng cleaveland museum of natural history.

Teeth

Kung titingnan mo ang Dunkleosteus, unang tingin masasabi mong may matutulis itong ngipin, pero hindi mga boss, sa katunayan wala ito kahit isang ngipin. Ang kanyang ulo ay nababalutan ng bony plates na nagsisilbing armor nito at ang dalawang matalim na mukhang ngipin ay parte ng nasabing bony plates. Of course mga boss, nagsisilbi itong ngipin na talaga namang may matinding bite force.

Hindi lang yan, ang nilalang na ito ay mas lumalaki habang tumatagal. Pinaniniwalaan ng mga eksperto na dahil ito sa mga kinakain ng mga mga Dunkleosteus. Habang ang mga batang dunkleosteus ay kumakain ng mga malalambot na isda, ang mga matatandang isda naman ay kayang sagpangin ang matitigas na sea creatures. Sa katunayan ganito rin ang ginagawa ng mga great white sharks, nagsisimula sila sa maliliit na isda hanggang sa palaki ng palaki ang kanilang kinakain.

Dahil nga mga armored plates ang nagsisilbing ngipin, hindi lang matulis kundi matitigas din ito. Nakita nyo naman siguro ang paghahasa ng mga matador sa palengke, ung tipong kinaskas nila ang kutsilyo sa sharpening rod. Well ganun din ang paraan ng mga dunkleosteus pero hindi ung sa sharpening rod mga boss ha, ang ibig kong sabihin ung way ng pagpapatalas nila ng ngipin. Kapag binuksan nila ang kanilang bibig at sinara, ang edges ng mga bony fangs ay nagkakaskasan at dahil dito mas lalo itong tumutulis. Kaya naman kahit na matigas na shell ay kaya nitong basagin.

Now i hear you say, eh di ninipis ng ninipis ang bony fang at mapuputol. Well you are correct mga boss, pero hindi yan problema sa mga nilalang na ito dahil kapag ito ay nabali ang buto ay tutubo muli.

Ngayon pumunta naman tayo sa bite force mga boss, Sa itsura palang alam na natin matindi ang bite force nito. Ayon sa pag-aaral ng Field Museum sa chicago, ang bite force ng isang fully grown dunkleosteus ay mayroong 8000 pounds of bite force per square inch. Sympre numbers na naman. Kaya lets compare ang bite force nito sa ibang hayop, of course wala itong sinabi sa megalodon pero on PAR o halos kapantay ito ng bite force ng isang TREX. Icompare natin ito sa bite force ng kilala nating hayop sa ngayon, hindi si trillanes ha, ang pinpunto ko ay ang mga buwaya…. Well…. Parang parehas… Anyway moving on… baka san pa to mapunta…. Ang bite force ng isang buwaya ay mayroong 3,700 pounds per square inch habang ang great white shark naman ay 4000 per square inch.

Diet:

Ang mga dunkleosteus ay mga fearsome preadtor, lahat ng pwede nilang makain kakainin nila. Hindi sila choosy at dahil na din sa bite force nito, kahit ang mga armored sea creatures kagaya ng mollusks, turles at ammonites ay wala ring ligars dito. In fact kahit mga pating kinakain nito. Pero keep in mind mga boss na ang mga pating nuong panahon ng dunkleosteus ay mga maliliit kumpara sa pating ngayon. Sa katunayan ang mga shark species ay nag evolve lang matapos ang extinction ng dunkleosteus.

Ayon sa isang simulation at pagaaral ng mga eksperto. Kapag naglaban ang great white shark at dunkleosteus, ang dunkleosteus ang magwawagi.

Hindi rin sila friendly, kahit kapwa nila sinasagpang at kinakain nila. Napatunayan ito ng maexamine ng mga scientist ang mga bungo ng ibag dunkleosteus at nakita nila na meron itong mga gasgas at mga butas papasok sa buto at ang nilalang na kayang gumawa lamang nito ay ang kapwa nila dunkleosteus. Hindi pa rin conclusive sa kung anong dahilan ang mga atake sa kapwa nito. Pinaniwalaan din na isa itong labanan ng dalawang isda dahil sa teritoryo o hindi namna kaya sa babae.

Ang mga scientist ay nakadiskobre ng mga fossils na mayroong fish boluses. Ang fish bolus ay ang mga pagkain na nginuya at saka nilunok. Ang mga fish boluses na natagpuan ay partly digested, indicating na nginuya ito at saka dinura imbes na lunukin.

Vacuum:

Hindi lang biting force ang kakayahan ng mga halimaw na ito. Sila ay may kakayahan din higupin ang mga isda papalapit sa kanila at sabay idedeliver ang killing blow. Ang abilidad na ito ay dahil sa sobrang bilis ng pagbuka ng kanilang bibig. Sa katunayan ang pagbuka ng kanilang bibig ay umaabot ng 1/50th of a second. Dahil sa bilis nito, nagkakaruon ng vacuum na syang humihigop sa mga nasa paligid nito papalapit sa kanyang bibig.

Dahil na din sa kanilang structure, hindi sila mga fast swimmer. Pero sa lagay ng mga dunkleosteus, hindi nila kailangan maging fast swimmer dahil once na makalapit sila sa pagkain, bubuka lang nila ang bibig nila ng mabilis at mahihirapan na itong lumangoy papalayo at worst case, mahihigop pa ito.

Size:

ang dunkleosteus ay isang prehistoric na isda na mayroong malahalimaw na laki. Sa katunayan kaya nitong lumaki ng 9 meters o 30 feet. Numbers na naman, as usual kuha tayo ng comparison. Ang great white shark, Ito ay may laki lamang ng 6 meters o 20 ft mula ulong hanggang buntot nito. So ayan mga boss, mas may idea na tayo sa laki.

Isa rin itong heavyweight na isda dahil ito ay may timbang na umaabot ng 3 tons na mas mabigat pa sa isang killer whale. Kung kukuha muli tayo ng comparison, ang bigat nito ay halos kaparehas ng malaking hippopotamus.

Extinction:

Obviously, sa built nito, alam natin na magtthrive ito sa dagat. Ang dunkleosteus ay ang isdana ayaw mong makasalubong sa gitna ng karagatan. Ang mga fossils ng dunkleosteus ay matatagpuan sa ibat ibang parte ng mundo, indikasyon na sila ay naging matagumpay sa pagpaparami. Pero bakit nga ba sila nawala ng bigla? Wala pang matibay na eksplenasyon pero ayon sa mga eksperto ito ay dahil sa hangenberg event kung saa ang oxygen levels ay unti unting bumagsak. Ang pagbaba ng oxygen ay delikado para sa ibang isda, pero sa kaso ng halimaw nato, hindi lang delikado kundi nakakamatay ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang pinaka malalang paraan kung paano namatay si Hishashi Ouchi

Anong Silbi ng bukol sa mga kable?