Dracorex

Reading Time: 6 minutes

Who would’ve thought na merong dinosaur na pang harry potter ang labanan. Maaaring ang iba sa inyo narinig na ito, ang iba hindi pa. ITo ay ang dracorex hogwartsia. Yes mga boss you heard me right. Straight out of harry potter talaga ang pangalan nito. Tara mga boss, tuklasin natin ang dragon king.

Discovery:

Ang mga fossils ng dracorex ay nadiskubre sa Hell Creek Formation sa south dakota. 3 amateur paleontologist ang nakadiskubre dito, to ay sina Brian Buckmeer, Steve at Pat Saulsbury. Ang nadiskubre nila ay isang complete skull at 4 na cervical vertebrae. Ang bungo ng dino ay dinonate sa children’s museum of indianapolis para pag-aralan nuong 2004. Nuong una akala ng mga paleontologist na ang dracorex ay hindi deserve ng isa pang specie. Hindi nila dinedeny ang existance nito bagkus inakala nila na ang dracorex ay related lang sa pachycephalosaurus na kasabay ding nabuhay nito. Subalit kungitingnan ninyo ang bungo ng dalawa, m,alaki ang pinagkaiba nila, ang isa ay dome shape habang ang isa naman ay may mga sungay. Ayon sa mga eksperto, posibleng ang dracorex ang batang version ng pachycephalosaurus at habang tumatandaito nagbabago  ang shape ng bungo which is not really impossible considering the freaking world of nature. Subalit walang sapat na ebidensya para maback upan ito. Isa pa, ang pagbabago ay nangyayari sa development stage habang malambot pa ang mga buto. Kaya binigyan ito ng genus na dracorex.

Clasification:

Ang dracorex ay kasama sa grupo ng onithischian dinosaur, para sa mga hindi pamilyar ito ay ang mga grupo ng mga herbivore dinosaurs kagaya ng trieceratops na mas naiuugnay sa ibon. Sa katunayan ang meaning nito ay bird hipped. Habang ang family nman nito ay ang mga pachycephalosaurus o ung mga bone headed dinosaurs. Sila ung merong mga dome head dino’s. Ang mga ito ay nabuhay sa asia at north america nuong late cretaceous period, 95 to 65 million years ago.

Ang dracorex ay isang bagong addition sa paleontological record ng pachycephalosaurus dahil ito ang kauna unahang flat headed na nadiskubre. Ang mga ibang eksperto naniniwala na ang dracorex ay isang ebolusyon mula sa pachycephalosaurus habang ang iba naman ay naniniwala na ito ay isang juvenile o hindi naman kaya isang babaeng specie ng pachycephalosaurus.

Ang dracorex ay may haba na 8 meters o 26 feet habang ang laki naman nito ay 1.2 meters o 3 feet.

Although ang mga eksperto ay kinukunsidera ito na herbivore dahil na din sa pamilya ng pachycephalosaurus, Ang mga ngipin nito says otherwise. Nakita ng mga eksperto na ang panga nito ay may serrated incisors, suggesting na ang nilalang na to ay hindi fully herbivore kung hindi omnivore. Pero hindi pa rin ito proven, it ay speculation pa lang ng mga ibang eksperto base sa maliit na ebidensya.

Naming:

Ayon kay Robert Bakker, Siya at ang team ng mga scientist mula sa children’s museum of indianapolis ang nagbigay ng pangalan sa fossil na ito at lahat naman sila nag agree sa pangalan na ito. Ang pangalan nito ay hango sa latin Dracorex na ibig sabihin ay dragon king at ang hogwartsia naman ay sa harry potter book. Kaya kapag pinagsama mo ito ang pangalan nito ay “Dragon King of Hogwarts”. Dagdag pa nito sya ang nagbigay ng hogwartsia na pangalan sa species na ito. Si Robert Bakker ay isa ding fan ng Harry Potter kaya naman habang ineexamine nya ang bungo ng dracorex, ito ang nag pop up sa utak nya. Dagdag pa nito, ang pagbibigay ng karangalan na maipangalan ang isang specie sa author ay bihirang bihira at dapat itong gawin palagi.

Skull:

Unique ang skull ng dracorex. Hindi ito kagaya ng mga ibang matatandang dinosaur ng prehistoric period dahil ito ay mayroong flat skull na may habang 18 inches. Dahil din sa mga spikes nito sa bungo, na halos katulad ng isang dragon, posibleng ang dracorex ang kauna-unahang real life dragon na natagpuan.

Pinaniniwalaan din ng mga eksperto na ang pachycephalosaurus ay ginagamit ang kanilang dome head para sa pakikipaglaban kung saan binubungo ng mga ito ang matigas nilang bungo  sa kalaban. Subalit ito ay speculation palamang dahil wala pang kumpletong neck bones ng pachycephalosaurus ang natagpuan kaya hindi pa ganuon ka conclusive kung ginagamit nga ito pang headbut.

Pero ito ay nakumpirma sa dracorex dahil ang fossil na natagpuan ay mayroong neck vertebrae kung saan meron itong anti twist joints at malalaking muscle attachments na nagpapatunay na ang dracorex ay nageengage sa mga headbutting contest.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bkt naniniwala Tayo Sa Mga Maligno?

ANU ANG SKY CREMATION?