DNA Ancestry Conspiracy

Reading Time: 13 minutes

Topics

Kung babalikan ang topic natin patungkol sa DNA, malalaman natin na ito ay isang mahalagang bagay para sa buhay ng tao.Well para sa para sa identity ng isang tao, halimbawa na lamang nawala ka at hinanap ka ng mag magulang mo , o di naman inampon ka at hinanap mo ang mga tunay mong magulang yung bang mga nangyayari sa mga movies.

Ayon sa pag-aaral , totoo ito.Kung wala kangh DNA , hindi mo malalaman kung saan ka nagmula ,sino magulang mo kung galing ka ba sa unggoy , sa kahit ano man nabubuhay na nilalang sa mundo.

Gamit ang DNA , mapapatunayan mong ikaw mismo ang sarili mo.( Gets mo ba? )

Ayon sa isang pag-aaral , gamit DNA ng isang tao maari netong malaman kung kaago kalakas , katalino at kabilis ang isang tao.Gamit ang pagtingin sa DNA ng isang tao , malalaman kung ano ang maaring kainin upang maging malusog ito at maging malakas .Ang ganitong pagtingin sa DNA madalas na ginagawa sa mga atleta.

DNA Ancestry:

So may mga paniniwala din na gamit ang DNA , malalaman mo ano ba talaga ang pinagmulan mo.What i mean pinagmulan mo , hindi lamang sa mga magulang mo.Ibig sabihin ay gamit ang DNA , malalaman mo ang pinagmulan ng mga ninuno mo.( Well yun ang paniniwala ng iba) Kung nahihiwagaan ka man kung ano pa ang lahi na mayroon ka ay mari mo itong subukan.

How does it work ? ayon sa Geonealogy o ang mga taong nag-aaral sa patungkol sa kanilang pinagmulan.Mula sa pinag mulan ng kanilang lolo at lola at ang lolo at lola ng mga ito.Magagawa ang bagay na ito sa pamamagitan ng pagkuha ng sample ng iyong DNA mismo.

Ayon sa mga nag-aral patungkol dito , mag-kaiba ang paghahanap ng Ancestral ng DNA ng babae at lalake.Ang mtDNA o Mitochondrial DNA ay para lamang sa babae well pareho na mayroong ganito ang babae at lalaki na makukuha sa kanilang ina.Ngunit ang lalake lamang ang pwedeng makaalam patungkol sa paternal haplogroup neto.Ngunit ang lalake ay hindi makakapagpasa ng mtDNA sa kanilang mga anak, gamit ang mtDNA malalaman ang maternal line.

Kung kukunin ang mtDNA , makikita lamang ang history mula sa kababaihan hindi nito makikita ang line ng kalalakihan na kanilang ninuno.Kumpara sa lalaki , malalaman naman nila ang pinagmulan nila gamit ang Y chromosome.Ayon sa pag-aaral , ang babae ay walang Y chromosome dahil dito ay hindi nila malalaman ang paternal line.So gamit nag Y chromosome, malalaman mo kung sino ang tatay ng lolo mo ,at hanggang sa pinagmulan neto.

Ang lalake ay maaring magpasa ng Y chromosome sa kanilang anak ngunit dahil sa layo at agwat ay nagkakaroon ito ng paunti-unting pagbabago.

Ang Autosomal DNA o atDNA ay nakukuha ng isang anak sa parehas na magulang, so hati.50 sa nanay , 50 sa tatay.Ang DNA chromosome ay makikita sa cell nucleus, ayon sa pag-aaral ang tao ay mayroong dalawampu’t dalawang pares ng automosal chromosome at isang pair nang sex chromosome (X at Y).Ang mga pares ng chromosome kasama na ang pinagsamang DNA mula sa magulang na mula din sa mga magulang nila.

Ang X chromosome na makikita sa lalake ay nanggaling sa kanyang ina , samantalang ang X chromosome ng isang babae ayu nakuha niya sa kanyang ama at ina.Ang mga Short tandem repeat o STR na makikita sa X chromosome ay ang ginagamit ng mga forensic sa mga kasong ang mga sanggol na napagpapalit sa isang hospital.

So kapag nakuha na ang isang DNA ay maari na niyang malaman ang kanyang Haplogroup.So ano ang haplogroup ? ito ay isang bagay kung saan malalaman mo na kamag anak mo pala ang isang tao dahil ang isang tao sa ninuno ninyo ay iisa lamang.

Malalaman mo ito kahit na ang pinagmulan pa ng taong ito ay mula pa noong lumipas ang 10,000 hanggang 150,000 na taon.Pinaniniwalaan din na ang lumipas na taon na ito ay ang tagal din magmula noong ang mga tao mula sa africa ay lumipat mula sa iba’t ibang parte ng mundo.

Ayon sa mga eksperto , gamit ang test na eto ay malalaman mo kung may lahi ka bang European , Asian. Magmula noong 1989 , ang mga researcher ay ginagawa na ang genetic testing upang malaman ang kulang na inpormayon sa kanilang pagkatao o di kaya sa kanilang pamilya.Ayon sa mga tao na gumagawa neto ay , nais nilang mahanap ang kanilang mga kamag-anak na hindi nila kakilala.Ang iba naman ay gustong malaman kung ang isa sa kanilang pamilya na mayroong malalang sakit, dahil nga maaring makapagmana ng sakit mula sa isang kamag-anak.Ito ang concern ng iba kaya gusto nilang malaman ang history ng kanilang mga ninuno.

DNA to define your Race:

So race , hindi ito isang karera ng kabayo o ano pa.Ang race ay ang masasabi nating lahi, halimbawa na lamang Africans , Asians , Native Americans, Caucasians.If we say RACE , ayon sa pag-aaral at sa pag reresearch , ito ay ang itsura ng isang tao base sa kanyang pinagmulan.
Ayon sa ilang pag-aaral ng isang organization na binubuo ng mga scientist at tinatawag na American Association of Physical Anthropologists.Ang grupong ito ay mabuting nag-aaral patungkol sa adaptation , biological variation at human evolution kasama na din ang iba pang kamag-anak ng mga tao.

Ayon sa pag-aaral , ang paghahati-hati sa mga tao ay magmula pa noong matagl na panahon.Ayon sa Greek philosopher na si Aristotle, ang ibang tao ay nabuhay upang maging hari at ang iba naman ay nabuhay upang maging taga silbi.Alam mo naman siguro ang word na “Racism” , ito a pagtingin sa kulay ng isang tao , sa kanyang itsura na hindi tanggap ng ilan.Halimbawa na lamang sa mga Africans, americans-africans o kahit ano basta may lahi ng mga African.Ang mga ito ay tinitignan bilang isang “biologically inferior ” ng mga Caucasians kung kaya hindi maayos ang pagtrato sa kanila mula pa noong Slave trade.

Ayon sa pag-aaral , ang paghahati-hati sa mga tao ay magmula pa noong matagal na panahon.Ayon sa Greek philosopher na si Aristotle, ang ibang tao ay nabuhay upang maging hari at ang iba naman ay nabuhay upang maging taga silbi.

Ayon sa grupong ito, ang Biological variation ay maaring magamit upang makilala ang isang tao.Ayon din sa mga ito ,”Race does not capture these histories or the patterns of human biological variation that have emerged as a result. Nor does it provide a clear picture of genetic ancestry.”

Ayon sa mga research , ang pag-aaral ng biology ng isang tao ay hindi paraan upang malaman kung ano ang lahi neto.

Ayon sa Director ng European Molecular Biology Laboratory (EMBL’S) European Bioinformatics Institute na si Professor Ewan Birney, “Our collective genetic history is messier, richer and more complex than concepts of race; race itself is more a cultural phenomenon and less genetics than most people realize.”

May paniniwala na ang mga Pakistani at Indian ay kalahi ng mga Asiano, ngunit ayon sa pag-aaral sa level ng kanilang DNA may pagkakatulad ito sa mga Europeans kumpara sa mga East Asian.Ang pagtingin sa lahi ng isnag tao ay walang Genetic or scientific basis at ayon pa sa mg aGenetic reasercher , karamihan ng nabubuhay sa mundo ay African.

Ayon sa mga Professional scientific skeptics , ang mga lumalabas na resulta patungkol sa test na ginagawa ay hindi reliable.Ngunit ayon din sa ibang eksperto , hindi lamang sila nababahala patungkol sa mga lumalabas na resulta.Dahil nga ang DNA ay naglalaman ng isang bagay na wala ang ibang tao , kung ibibigay mo ito ng basta basta sa iba ay parang binigyan mo sila ng pagkakataon na pag-aralan ng mabuti ang iyong DNA.

Kahit na ipinapangako ng mga kompanya na gumagawa ng test patungkol sa ancestral DNA, na ang DNA ng kanilang client ay nasa mabuting kalagayan ay pinaniniwalaan na hindi dapat ito basta basta ibinibigay.

Ayon kay Jennifer King , ang director of Consumer privacy sa Stanford Law School’s Center for Internet and Society

“The key thing about your genetic data … it is uniquely yours. It identifies you, so if you are going to entrust it to a company, you should try to understand what the consequences are,”

.So kung isa ka sa mga taong gustong ibigay ang DNA sa isang kompanya , narito ang mga posibleng mangyari.

Kahit na sabihin ng mga kompanya na:

“Protecting customer data remains Ancestry’s highest priority, We have invested heavily in building strong data security, and we make ongoing investments to continuously strengthen our security measures.” 

Hindi makakaila na ito ay hindi safe sa mga gustong kumuha ng inpormasyon ng iba.Maaring ma hack ang system na naglalaman ng bawat personal information ng mga tao at mapunta ito sa kamay ng iba.

Ayon pa sa mga eksperto, ang DNA mo na ibinigay ng isang tao kompanya ay maaring kumalat sa iba pang kompanya.Ayon sa mga kompanya na nag papatakbo ng ganitong gawain , ang kanilang client ay may choice kung gusto nilang ishare sa iba ang kanilang DNA. “If customers don’t consent, none of their data is shared, ” Ayon sa spokeswoman ng isang komopaya.

Ayon sa mga taong nangangamba para sa DNA ng ibang tao , kung ang kompanya na kanilang pinili ay may layunin na tumulong para magamot ang isang sakit.Maaring pag-aralan ang DNA ng bawat tao upang makahanap ng posibleng gamot mula dito.Ayon kaya Jennifer ,

“But if your DNA helps develop a drug for a pharmaceutical company, there is nothing governing what they do. It could be a drug they sell at a high profit but doesn’t help the world become a better place.”

Ayon naman sa mga kompanya , wala silang layunin na pasukin ang mundo ng paggawa ng gamot gamit ang DNA .Ngunit paalala ni Jennifer sa mga tao , na ang pagbibigay ng information sa mga malalaking tao ay hindi madali , once na ibinigay mo ito ay wala nang bawian at hindi mo na ito makukuha pa muli.

Ayon pa sa isang research patungkol kay Jennifer King , Ang mga taong nakausap nito ay tumingin sa mga negative effect na kanyang tinutukoy.Ayon kay Jennifer kahit na magbigay ng isang kasunduan ang mga kompanya na hindi nila ilalabas at pag-aaralan ang DNA na iyong ibinigay ay maati pa rin nila itong gawin ng hindi mo alam.

“There are no limits on what these companies can do; they just have to state it in their privacy policies, which they can change at any time (though you may have to consent to it again)” ayon pa kay Jennifer.

Kung titignan , mahirap at delikado talaga ang pagbibigay ng DNA sa mga hindi kilalang tao , dahil lamang sa kagustuhan na makilala ang mga pinagmulan mo.Mabuting pag isipan muna ang mga bagay na ibibigay sa ibang tao.

Source 1

Source 2

Source 3

Source 4

Source 5

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

11 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ano nga ba ang bucegi mountain?

Bucegi Mountain – Part 3