Dito nagsimula ang Lion Head sa Baguio

Isa sa pinaka kilala at hindi pinapalampas ng mga turista na silang pumupunta sa Baguio ay ang malaking ulo ng leon na kanilang nadadaanan. Ngunit marami man ang nagpapakuha ng litrato sa malaking bagay na ito, kakaunti lamang ang nakakaalam kung ano ba ang kasaysayan nito.

Kung ating kikilalanin ang isang leon, iisang simbolo lamang ang ating maiisip. Ang pagiging hari, matapang at pagiging malakas nito. Ngunit ano nga ba para sa mga taga baguio ang talagang sinisimbolo ng leon na ito.

Halina at alamin natin kung paano nga ba naitayo ang malaking leon na ito sa Baguio.

The Kennon Road:

Kennon Road, a hazardous road in the Philippines

Ang Baguio nga ang siyang pinaka kilalang summer capital ng Pilipinas. Dahil tuwing summer ay mainit, kailangan ng tao ang malamig na lugar at ang pinaka magandang puntahan ay ang Baguio. Bukod sa magagandang tanawin na mayroon ang lugar na ito, isa sa pinaka kilalang bagay na hindi pinapalagpas ng mga turista ay ang malaking ulo ng leon na madadaanan sa Kennon Road.

Bago natin alamin kung paano ba nagawa ang malaking ulo ng leon na ito, alamin muna natin kung paano ba nagawa ang lugar na pinaglalagyan nito na kennon road.

Noong ang mga amerikano ay sinakop ang Cordillera highland noong 1900’s, sila ay nahirapang akyatin ang bundok ng Benguet. Ang pag-gawa ng mga maiikaing daan mula sa bundok na ito ay pinaniniwalaan ngang labis na makakatulong sa ekonomiya ng mga local na mamayan sa lugar. Dahil dito, ang gobyerno ng America sa lugar na ito ay nagpatupad ng isang proyekto na labis nilang pinagka gastusan at pinaniniwalaang naging dahilan ng pagkadisaya ng mga politicians sa Washington D.C.

Lumabas sa record na kahit maraming batikos ang nakuha ng proyekto na ito, pinagpatuloy pa rin ang paggawa. Taong 1905 noong ito ay nakumpleto at natapos mula sa pamumuno ng American government commissioner na si Major Lyman W. Kennon. Matapos noon ay nagpasa ng isang executive order ang governor general na si Leonard Wood na ipangalan kay Lyman W.Kennon ang daan na ito.

Dahil sa gastos sa kanilang proyekto na naipatupad, ang Kennon Road o kinikilala ding Benguet Road ang siyang pinaka mahal na proyekto noong panahon na iyon. Ang inilaan lang naman ng gobyerno ng America upang magawa ito ay halos 2.7 million dollars.

The Baguio Lion Club:

Lion's Head | Baguio City Guide is Your Insiders Guide in Baguio City

Ayon sa Baguio city host lion club, ang malaking ulo ng leon na ito ay naisip ng mga leon na nasa baguio noong 1960’s. Pero hindi totoong leon ngunit samahan ito ng mga tao na kinikilalang lion’s club. Mabalik tayo. Ipinakilala naman ito sa publiko noong 1972 sa pangunguna ng isang miyembro ng lion’s club at Mayor din noon na si Luis Lardizabal, District governor na si Robert John Webber at ang chief of police ng Baguio city noon na si Pedro Z. Claravall.

Dito ay sinimulang gawin ang halos 40 feet sculpture na siyang inukit mula sa isang napakalaki at natural na limestone ng isang Cordilleran artist na si Reynaldo Lopez Nanyac.

Pinaniniwalaan na nais ng lions club na makagawa ng isang simbolo na silang makakapag-pakilala sa kanilang grupo mula sa lugar na ito. Ang lions club ay isang service organization na naglalayon na “meet the needs of communities on a local and global scale.” Kinilala si Melvin Jones bilang founder ng samahan noong 1917 at pinaniniwalaan na halos 1.35 million na ang kanilang miyembro sa buong mundo.

Ayon sa report, ang Lion’s Head ay pinondohan at halos ginastusan ng Baguio Lions Club members. Mula noong 1950’s hanggang 1960s ay nakilala ang Lions club at bukod sa kanilang pagpaparami ng miyembro, ang mga ito ay nanguna din sa fund raising activities ng ilang organization tulad na lamang ng Philippine National Red Cross at maging Baguio Police Department.

Ngunit pinaniniwalaan na ang pinaka dahilan kung bakit nakilala ang Baguio Lion’s club ay ang kanilang mga building at monument projects tulad na lamang Melvin Jones Memorial Grandstand na makikita sa Burnham Park, ang Baguio Lions Clubhouse sa Governor Pack Road at ang Baguio War Memorial Monument.

Ayon sa paniniwala, ang paggawa sa napakalaking leon na ito ay binuo ng iba’t ibang pwersam, mapatao at kalikasan. Dahil sa pagtutulungan ay nabuo at naukit ang napakalaking ulo ng leon mula sa isang napakalaking bato. Ito nga ang daan upang makilala kung gaano ka creative ang utak ng mga pioneer ng lions club memebers, mula sa pagdedesenyo mismo ng kanilang simbolo.

Sa pagtutulungan ng mga miners at mga engineer at sa pag-uukit ng bato na isinagwa ng isang Ifugao artist at woodcarver na si Reynal Lopez Nanyac. Noong nagawa ang lions head, pinaniniwalaan na dumaan pa ito sa iba’t ibang pagbabago mula sa kulay nito na kung minsan ay kulay kayumanggi at minsan naman ay kulay dilaw. Ngunit mas pinili na lamang na ibalik ito sa tradisyunal na kulay na ginto at kulay itim.

Magmula noon ay binisita na ito ng mga tao at madalas nang nagiging center of attraction ng mga turista na umaakayat sa Baguio. Ayon nga sa mga local na mamayan, hindi buo ang pag-akyat o pagbabaksyon sa Baguio kung hindi makakapag pakuha ng litrato ang isang turista sa malaking ulo na ito.

Sa kasamaang palad ay tinamaan ng malakas na lindol ang lugar dahilan upang ang malaking munmento na ito ay magkaroon ng bitak at sira. Noong July 16 1990, naganap ang intensity 7 na lindol sa Luzon. Pinaniniwalaan na ang siyudad ng baguio ay labis na napinsala, lalo na ang malaking monumento na ito.

Ang lindol ang dahilan upang ang monumento ay galawin at iligtas mula sa pagkakasira nito. Dito ay pinangunahan naman ng mga presidente ng lions club na sina ALfredo de los Santos at Gloria A. Vergara. Ginawa nilang project coordinator ang noong 3rd president ng Baguio City (Host) Lions Club na si Peter Go.

Nabago na nang tuluyan ang malaking ulo na ito mula sa laki, itsura at kulay na mayroon ito. Kung minsan may mga nagsasabing ito ay mukha nang isang ape kesa sa mukha ng isang leon. Ngunit ang ganitong kritisismo ay hindi na pinagtutuunan ng pansin ng mga taong nagpupunta sa Baguio.

Kung mayroon ngang malaki leon, mabibili din sa Baguio ang maliit na stucture ng ulo ng leon na malaki ang tulong sa mamamayan na nagbebebta dito. Ang maliit na structure na ito ay mabenta sa mga turista na pumupunta at umaakayat sa Baguio.

Noong 2014 ay nag propose ng 50 million pesos ang Regional Technical Working Group upang mabigyan ng panibagong pag-aayos ang mukha at istruktura ng leon. Kasama na din dito ang pagpapaganda sa ilang parke at gusali na makikita sa Baguio. Dito ay papagandahin din ang mga murals na makikita ang kasaysayan ng Baguio at paglipat ng mga souvenir stalls sa isang malaking building.

Ang Baguio Lions Club ay patuloy na lumalaki at dumadami at mas lalo pang nakikilala hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit maging sa ibang parte ng bansa. Ang mga ito ay pinaniniwalaang tumutulong din sa pag-aalaga sa mga kabataan at maging sa kalikasan.

Nalaman na natin kung bakit nagkaroon ng malaking ulo ng leon na siyang nakatayo sa daanan ng Kennon Road. Ang malaking monumento nga na ito ay patuloy na pinapaganda at inaayos ng mga lokoal na pamahalaan upang mas maging maganda pa sa mata ng mga turistang bumisita sa kanilang lugar.

 

Sources

Sources

  • https://youtu.be/397_LXGkrms

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ang dahilan kung bakit tumatalon ang mga aso sa tulay

Mga sikretong lagusan sa ilalim ng pinas?