Disassociative disorder identity

Reading Time: 7 minutes

Alam nyo ba ang dissociative identity disorder mga boss? Ito ung nagkakaroon ng multiple personalities ang isang tao. Para sa mga hindi masyadong pamilyar panoorin ninyo ang Split movie, napakganda ng movie na un.

Anyway, simulan na natin mga boss.

Schizophrenia:

Madalas naiuugnay ang schizophrenia sa disassociative identity disorder. May iba na inaakalang parehas lang ito o di naman kaya connected ang dalawa pero maykaibang mag kaiba sila mga boss.

Pero papaano nga ba sila nalilink? Ano ba ang pagkakaparehas ng dalawa? Well parehas silang mayroong anxiety, social withdrawal, pagkalito at pagbabago sa tono ng pananlita.

Ang pinagkaiba naman ng dalawa ay ang schizophrenia ay walang multiple personalities at ang disassociative identity disorder ay hindi nagkakaroon ng hallucinations.

So to put it simply. Halluncinations, schizophrenia yan. Multiple personality, disassociative identity disorder yan.

2%:

Kagaya ng binanggit ko kanina, kung napanood ninyo ang Split na pelikula, iisipin ninyong, nakakatakot pala ang magkaroon ng multiple personalities.

Pero sa totoong buhay mga boss hindi laging ganyan. Kapag ang isang tao ay nagkaroon ng isa pang personalidad, usually kakaunti lamang ang nagbabago dito, kagaya ng way ng pagsasalita ng tao, ang kanyang boses, ang mga ginagawa nya kagaya ng pagupo, minsan nakabukaka o nakadekwatro, those little things.

Kapag ang isang tao na may dissociative identity disorder at nagkaroon ng switching of personalities, ang taong un ay malilito, magiging balisa at makakalimutin. Hindi kagaya ng pinapakita ng media sa atin.

Meron din tayong idea na ang disorder na ito ay very rare. Dahil karamihan sa atin wala pang nakakasalumhang ganitong tao. Pero hindi ito rare kagaya ng iniisip na tin.

Ayon sa pagreresearch, mayroong 2% ng populasyon ang nakakaranas ng disassociative identity disorder. Mukhang maliit diba, pero lets factor in the numbers, sabihin na nating merong 7.5 billion tapos 2% nyan ay nasa 150 million. Kakaunti lang diba?

Target:

Alam natin na ang disassociative identity disorder ay nakakaapekto regardless sa lahi nito o sa ethnicity. Ang interesting part dito ay kung sino ang most vulnerable sa disorder na ito.

Mostly ang disassociative identity disorder ay nararanasan ng mga taong nakaranas ng trauma especially nuong bata sila, when i say bata, 9 years old and below.

Ang 2nd mostly affected dito ay ang mga babae, dahil sila ang karaniwang nakakaranas ng child abuse at ito ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng disassociative identity disorder.

Ang mga taong mayroong disassociative identity disorder ay kadalasang merong anxiety at depression na syang nagiging dahilan para magkaroon ng suicidal thoughts at suicidal attempts.

Ilan sa mga kaso, ang isang pasyente na mayroong alternate personalities ay mayroong repeated numbers of suicide attempts. Ibig sabihin mga boss, ang specific personality na un sinubukang magpakamatay ng ilang beses pero ito ang nakakamangha o nakakapagtaka dito dahil hindi alam ng taong un o ng ibang personalidad nito na sinbukan nyang magpakamatay. It’s like entirely different brain.

Cases:

Imaginine ninyo, papaanong pinag-aralan ang unang kaso ng disorder na ito. Malamang unang papasok sa isip ng tao ay baliw ito.

1791, ito ang taon na unang narecord at pinagaralan ang disassociative identitydisorder. Habang may ibang sources naman na nagsasabing 1646 ito.

Ang kaso nuong 1791 ay tungkol sa isang 20 gulang na matandang babae. Mayroon itong dalawang personalidad.

Ang unang personalidad nito ay isang german habang ang pangalawa ay isang french. Kapag ito ay nagsalita ng french, very fluent ito at umaasta sya na parang isa talagang french aristocrat. Ang kanyang french personality ay alam ang german personality nito pero ang german personality ay walang idea sa pagkakaroon nito ng french personality.

Ngayon pumunta naman tayo sa may pinakamaraming personalities. Si Kim Boble ay mayroong 100 personality at ito ang pinakamadaming personalidad na naitala.

Kaya nyang ipakita at mapag-aralan ang kanyang iba’t ibang personalidad sa tulong ng Art. Ang kanyang personalidad ay nagkakaroon ng unique styles nito pag dating sa art. Si Kim ay nagpapalit ng personalidad 3 hanggang 4 na beses sa isang araw.

Cure/Diagnosis:

Kapag sinabing diagnosis, either physical o mental illness pa, ang unang papasok sa ating isipan ay saglit lang ito, sympre ididiagnos pa lang naman.

Pero alam nyo ba mga boss na ibang-iba ang disassociative identity disorder pagdating sa diagnosis? Dahil ito ay umaabot ng taon, in fact 7 taon.

Pero bakit nga ba ganun katagal ang pagdidiagnose?

Isa kasi itong kumplekadong kondisyon. Kadalasan dahil sa trauma o ibang mental disorders. Ang masaklap nito, nagkakaroon na ng lead ang doktor tapos makakausap nya ang isang personalidad na itataliwas ito sa totoong pangyayari hence mas matagal ang diagnosis ng ganitong disorder.

Kapag ang isang pasyente ay dinadiagnose, usually nasa mental hospital ito.

Gayunpaman, ang Disorder na ito ay walang gamot para kahit papaano mapigilan ang pagsswitch ng personalities. Ang tanging effective way of treatment lamang para dito ay ang therapy although hindi ito 100% proven, may iba na nagiging matagumpay, may iba na hindi.

Hanggang dito na lang muna mga boss, sana ay may bago kayong natutunan sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mga paniniwala sa reinkarnasyon

Taal Volcano