Devils frog

Reading Time: 7 minutes

For sure narinig nyo naman na ang devils bible hindi ba? Nasa linya na rin natin ang princes of hell pero ngayon ito muna ang idiscuss natin para talagang complete circle na. Ang devils frog, bakit nga ba ito tinawag na devils frog? Sa unang tingin mukha naman itong normal na karag.

Para sa atin pag sinabing palaka ang unang papasok sa isip natin kundi ung bukol bukol sa likod nito, ung mga madudulas na palaka at pag sinabing laki ang unang papasok sa ating isipan ay kasing laki lamang ng ating kamay kadalasan mas maliit pa. Pero ibahin mo ang devils frog dahil ito ay kasing laki ng isang beach ball.

Naming:

Ito ay tinatawag na Devil’s frog, killer bean, devil toad o hindi naman kaya frog from hell pero mas kilala ito sa tawag na devils frog. For sure kilala nyo naman si beelzebub hindi ba? Well ito rin ang pinaganalan sa palakang ito, alam naman natin na ang beelzebub ibig sabihin lord of the flies, ang pangalan nman ng palakang ito ay beelzebufo ampinga, beelzebufo na ang iubig sabihin ay Devil toad at ang ampinga naman ibig sabihin shield. Ito ay reference sa kanyang mga armor plates sa likod nito.

Discovery:

Nuong 1993 nagkaroon ng discovery ang mga eksperto sa isang nilalang na posibleng kumakaiun ng dinosaurs. Ang mga fossil hunter nuon na pinapangunahan ng paleontologist na si David Krause ay ineexplore ang Madagascar. Dito nadiskubre nila ang mga fragments o piraso ng mga buto na mula sa higanteng 70 million year old na amphibian.  Ayon kay David, alam nilang ang mga buto na kanilang nadiskubre ay mula sa palaka pero hindi sila makapaniwala sa laki nito. Pero nito lamang 2008 nakumpleto ang mga fragments ng fossils at nagkaroon ng formal description sa palakang ito.

Description:

Ang palakang ito ay may sukat na 16 inches mula sa kanyang ilong hanggang sa pwetan. Ang kanyang bigay ay umaabot ng 9-10 pounds. Kung icocompare natin ito sa buhay na palaka ngayon, ang pinakamalaki ay ang goliath frog ng west africa na may laki lamang ng 12 inches at may bigat na umaabot ng 7 pounds. Dahil sa laki nito binansagan din itong King of Frogs.

Hindi sila kagaya ng ibang palaka kung saan tumatalon talon ito sa mga lily pads at malalapit sa mga dagat. Ayon sa mga siyentipiko, ang mga devils frog ay karaniwang nagaabang ng kanilang makakain sa lupa kadalsan nakacamouflage at biglang sasagpangin ang mapapadaan dito. Kagaya ng ginagawa ng mga african bullfrog.

Ang palakang ito ay mayroong bilugang katawan, malaking bibig, maliliit na paa sa likod at matutulis na ngipin. Meron din itong mga matutulis na balat sa likod nito, possibly for defense. Ayon sa mga eksperto, ang katawan ng devils frog ay nag adapt sa dry environment para makahukay ito sa ilalim ng lupa kung saan pwede itong magpacool down.

Close Relative:

Ang devils frog ay closely related sa tinatawag na pacman frogs o Ceratophyrys frogs. Meron itong malalaking bilugang katawan at malalaking bibig. Mga bugnutin ang mga nilalang na ito kadalasan naghihintay ng kanilang biktima. Ang scientific reports ay nagpublished ng article nuong 2017 kung saan ang mouth structure ng devils frog ay katulad ng mga horned frogs. Nakakatawa man ang kanilang mga reaksyon sa internet, ang mga horned frogs o pacman frogs ay may kakaibang talento, sila ay mayroong makakalakas na kagat kumpara sa mga kapwa nito palaka at mga salamanders. At karamihan sa mga palaka at salamanders ay bihirang kumagat kahit na self dense pa, pero itong mga pacman frogs ay talagang kakagat self defense man o hindi.

Dahil na din sa merong close relative ang mga devil frogs mas nagkaroon ng interest ang mga eksperto sa pacman frog. Naisip nila na pwede nilang masukat ang biteforce ng isang devils frog kung icocompare nila ito sa bite force ng mga pacman frogs.

Bite Force:

Para masukan ang biteforce ng mga ito, gumawa ang mga eksperto ng gamit na tinatawag na electric force transducer kung saan para itong clamp na kapag kinagat ay masusukat ang pwersa ng kumagat dito. Ang maliit na palaka na may sukat lamang na 1.8 inches ay mayroong 30 newtons worth of force. I know numbers at newtons ang sukat natin, pero imagine this, isang 3 liters na tubig, 3 liters mga boss ha. Then itaas nyo ito gamit ang isang daliri lamang. Yan ang lakas ng biteforce ng 1.8 inches na skull ng isang palaka. Now lets compare it sa devils frog. Ayon sa mga eksperto, mayroon itong 4 inches at base sa calculations aabot ito ng 51 liters.

FYI pala mga boss ang mga nakikita nyo sa youtube na horned frogs ay mga maliliit lamang, ang mga horned frogs na mga matatanda ay mayroong bite force na kaparehas ng isang pagong o other predatory mammals.

So if we compare it sa mga hayop na kilala natin, mas malakas ang bite force ng devils frog kumpara sa wolf at halos kapantay lang ang sagpang ng isang babaeng tigre. Kaya ang mga baby dinos at mga ibang dinos na maliliit ay walang kawala sa devils frog.

Ito mga boss ang impormasyon patungkol sa devils frog, sana ay may bago kayong natutunang impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Papaanong nadikubre ang Bucegi mountain?

DNA Ancestry Conspiracy