Depression……

Reading Time: 14 minutes

Sinasabi sa isang pag aaral na halos 800,000 ang namamatay kada taon dahil sa suicide, kada 40 seconds ay may nag cocommit ng suicide o nag aatempt.Ang pagsusucide ay isang global phenomenon na maari nating maisip sa buhay natin.Sinasabi na sa kada matatandang namamatay sa suicide ay mayroong 20 na nag aattempt ng suicide.

Bakit nagsusucide ang isang tao ? Depression ang sinisisi ng mga eksperto at mg adoctor kung bakit naiisipan ng tao na tapusin ang kanyang buhay.Ayon sa World Health Organization ( WHO) na halos 300 million mula sa iba’t ibang edad ang nagsusuffer mula sa depression.

Ang depression ay isang mood disorder na kung saan nakakaramdam ang isang tao ng labis na pagkalungkot at kawalan ng interes sa mga bagay na ginagawa niya.Hindi lamang ito isa sa mga mood fluctuation o ang ating mood swings kung saan nararasan natin sa araw-araw.

Tinatawag din itong Major Ddepressive disorder o clinical depression kung saan naapektuhan ang ating pag-iisip , pakiramdam , at ating pagkilos.Ang sakit na ito ay nagagamot ngunit  nangangailangan  ng matagalan na gamutan,hindi ito nagagamot ng basta-basta.

Sa pag-aaral , ang mga babae ay mas prone sa sakit na ito kesa sa mga kalalakihan.Walang malinaw na sagot kung bakit mas lapitin ang kababaihan.Mayroon  ginawang observasyon kung saan naipapakita at  naipapaliwanag ang maraming pagkakaiba ng babae at lalaki at sinasabing ito ay maaring dahilan kung bakit mas madling tamaan nag mga babae.

Hormonal differences o ang mga pagkakaiba ng hormones ng babae at lalaki.Kumpara sa mga lalaki , ang mga kababaihan ay nakakaranas madalas ng fluctution na ang level ng hormones nila ay kasama sa isang sintomas ng depression.Isama na din ang premenstrual dysphoric disoreder , at ang 15% na nakakaranas ng Postpatum Depression o ang nararamddaman ng isang babae pagkatapos netong manganak.Ang babae ay mas nakakaranas din ng Hypothyroidism o ang hindi sapat na pagbibigay ng thyroid gland ng thyroid hormone para sa paggalaw o pagkilos  ng katawan ng normal , na kung saan sinasabing sintomas ng din ng depression.Sinasabi din na mas  magulo ang babae pagdating sa isang personal relationship.Ang mga kasal o maybahay  ng babae ay nagkakarron ng dagdag gawain at nahihirapan na pagsabayin ang trabaho ang responsibiladad sa pamilya.Ginawa sa 30 countries ang isang major europhean study na lumabas sa resulta na halos 514 million ang nagsabing ang depression sa mga middle-aged women ay nadodoble kapag tumuntong sa sila sa edad na 40 dail sa pressure na kanilang nararamdaman.

Sa edad na 25-40 sa kababaihan ay mas mataas ng tatlong beses na tamaan ng depression kesa sa mga lalaki.

Ang pagkakaroong ng depression ay mayroong ilang episodes, sa bawat episode na ito mararanasan ang mga sintomas na mararamdaman araw-araw.Nariyan ang pagkaramdam ng sadness,tearfulness,emptiness o hopeless kung saan sobrang lungkot ng iyong nararamdaman at gusto mo na lamang umiyak.Ang sobrangg pagkagalit , irritability o frustration sa mga maliliit na bagay.Ang pagkawala ng interes sa mga bagay ay isa din sintomas ng depression.Minsan  ay nakikita sn ang sintomas base sa pagtulog ng tao , kung nakakaranas ito ng insomia o pagkahirap sa pagtulog at maari din kung labis ang pagtulog neto.Mabilis na pagkapagod sa maliit na ginawang bagay.Naapektuhan din ng depression ang ating pagkain,nakikitang sintomas ang pagkawala ng gana sa pagakain at pagbaba ng timbang at minsan ay labis namang pagkain at pagdagdag ng timbang.Pagbagal ng pagsasalita , pagkilos at  pag function ng utak o hirap sa pag intindi sa madaling bagay.Kung ang isang tao ay nakakaramdam  ng pagkaworthless neto o sinasabing wala siyang kwenta , ang pag self-blamed neto kung saan hindi ito makalimot o hindi maka move-on sa mga nakaraang pagkakamali sa buhay na kanyang nagawa.Ang taong may depression ay nahihirapan din sa pag gawa ng sariling desisyon , at pag-alala sa mga bagay bagay o pagiging makalimutin, nariyan din ang biglaang pagsakit ng katawan at ng ulo.Ang pinaka malalang sintomas ay ang pagkakaroon ng thoughts of death , suicidal thoughts , suicide attempts ng pasyente.

Hindi nangangailang ng laboratory test para ma diagnose ang depression , nanngangailangan lamang ng ilang test o isang mental health assesment para masabing mayroon ka ng sakit na ito.Ang pagkuha ng dugo ay isa sa test para malaman ng doktor ang iba pang dahilan ng pagbabago ng iyong mood o pakiramdam.Magkakaroon din ng interview kung saan karaniwang ang mga tanong ay patungkol sa mood , behavior , at kung ano-ano ang ginagawa mo sa pang araw-araw.Trabaho, personal relation , at kung mayoon paggamit ng drugs , labis na pag inom ng alak.Kasama na din ang pag check sa iyong Family psychological history at ang pagkuha ng feedback sa mga kapamilya at sa mga taong nakakasama ng pasyente.Mahalagang malaman kung gaano kataas ang posobiladad na saktan ng pasyente ang sarili o mas malala ay magpakamatay ito.

Ginagamit ang Beck Depression Inventory (BDI) ,Hamilton Depression Rating Scale (HDRS) at ang Zung self-rating scale for Depression.Isa sa tatlong ito ang maring gamitin upang malaman kung ano ang klase ng depression mayroong ang isang tao  o kung gaano na ito kalala.

Narito ang ilan sa pinaka kilalang depression.

Major Depression o persistent depressive disorder,ito ang dalas na pagkaramdam ng sintomas na tumatagal ng linggo , buwan at taon.Postpartum Depression na kung saan ito ang madalas nararamdaman ng mga babaeng bagong panganak.Seasonal affective Disorder o (SAD), nararamdaman lamang ito kapag taglamig o kapag tag-ulan.Karamamihan sa mga taong may SAD ay bumubuti ang pakiramdam pagdating ng spring at summer.

Psychotic Depression, isa sa dahilan ng pagkawala sa katinuan ng isang tao,at ang Bipolar Disorder,na kung saan tinatawag din manic depression.Nagkakaroon ng ilang episodes ng mania o ilng episode ng pagkawala sa sarili na maaring makapanakit.

Sa dami ng pag-aaral ay walang eksantong dahilan kung paano nagkakaroon ng depression ang isang tao, ngunit may ilang paliwanag kung paano ito nagsisimula.Nariyan ang kapag ang isang tao ay dumanas o dumaan sa isang seryosong medical illness, pagbabago ng buhay tulad ng paghihiwalay ng magulang , pagkamatay ng isa sa mahal sa buhay.Kapag ang tao ay nakaranas ng abuse , phisycal , emotional , sexual abuse ay maaring pagsimulan ng sakit.Minsan ay nakukuha din ito sa mga gamot na iniinom o ginagamit.Minsan ay nagsisimula sa hindi pagkakaintindihan ng pamilya o kaibigan.Genetics , sinasabi na maaring mamana ang sakit na depresyon kung mayroon ang isa sa mga kamag-anak o magulang mismo.Pagkakaroon ng isang major event sa buhay tulad ng pagkakaroon ng trabaho , pagkakaroon ng asawa, o maaring pagkawala ng trabaho o pakikipag hiwalay sa asawa at iba pang problema na kinakaharap sa buhay.Sinasabi na iilan lamang ito sa sinasabing pinakadahilan ng pagkakaroon ng depression.

Ang pagkaroon ng anxiety ay maaring pagsimulan ng sakit na depression o kapag

mayroong kang depression ay makakaranas ka ng anxiety  vice versa.Sa isang pag-aaral social anxiety ay ang pinaka maaring pagmulan ng depression.Pinag-aralan ang relasyon ng bawat sintomas mula sa depressive disorder at social anxiety.Pinagtalunan ng mga eksperto na ang mga sintomas na maaring makuha sa isang disorder ay maaring maging tulay upang maglead sa isa pang disorder.Mayroong iba’t ibang klase ng anxiety nariyan ang Panic disorder ito ay nararanasan kasabay ng panic attacks sa hindi inaasahan na oras.Ang taong may panic disorder ay maaring mabuhay sa takot.Pagkakaroon ng phobia , o pagkakakroon takot sa isang bagay hindi lamang basta pagkatakot ngunit malala.Social anxiety disorder  o ang takot sa pakikisalamuha sa ibang tao.Ang takot na malayo sa isang mahal sa buhay tulad ng pamilya o separation anxiety , ang pagkakaroon ng takot sa iyong kalusugan o illness anxiety disorder at ang post-traumatic stress disorder ang trauma na nakukuha sa isang bagay na ayaw mo nang mangyari , ito ang mga taong naaksidente.

Ang sakit na depression ay maaring tumama sa kahit anong edad o kahit anong estado mo sa buhay.Maari ng magkaroong depression ang mga tao na nasa edad 18-25.halos 11.3% ng adults ay naireport na nakaranas ng major depression sa nakaraang taon.8.7% sa kababaihan at 5.3% sa kalalakihan.Sa isang national Survey on survey use andd heal,17.3 million na adults sa U.S o 7.1% ang nakakaranas ng ddepression, at halos 50% sa lahat ng tao ang nadadiagnose ng depression na dumadanas din ng anxiety.

Hindi lamang mga matatanda ang nakikitaan ng sintomas o maaring tamaan ng depression , prone din ang mga kabataan.Sinasabi na halos 11 na kabataan ang nakakaranas ng depression sa edad ng katorse(14 year-old).Kung titignan ang mga sintomas ay may pagkakatulad din ito sa mga nasa tamang edad na , may ilang pagkakaiba lamang tulad ng , mababang performance sa school o laging pag absent , feeling misunderstood at extremely sensitive , paggammit ng drugs st pag inom ng alak , pananakit sa sarili at ang pagkawala ng social interaction.Maaring magsimula ang depression sa murang edad o sa teenage years.Sinasabi na 3.1 million na kabataan na nasa edad 12-17 ang nakakaranas ng isang  major depressive episode sa mga dumaan na taon.2-3% edad 6-12 ang mayroong seryosong depression.20% sa adolescent na babae ang nakakaranas ng major depressive episode,6.8% sa adolescent na lalaki.71% ng adolescent ang nakaranas ng major depressive episode  at nakaranas ng severe empairment.60% ng mga bata at adolescent ang hindi nakakakuha ng kahit anong treatment, at 19% lamang ang nagkaroon ng pagkakataon makipakita sa isang propesyonal o doktor at 2% lamang nagagamot mula sa treatment.Ang mga nasabi pang ibang dahilan ay ang pagbabago sa pisikal na katawan at peer pressure.Maari silang makitaan ng sintomas kung saan lumalayo sa pamilya , nahihirapan sa mga gawain sa school, at ang pagiging restlessness tuladd ng hindi mapakali.Para naman sa mga bata na edad 3-17 nakikitaan sila ng sintomas na pag-iyak , low energy , clinginess,defiant behavior o ang kagustuhan ng isang bata na laging nasusunod at vocal outburst.Mahirap para sa isang bata ang magsabi ng kanyang nararamdaman dahilan para hindi malaman ng magulana na mayroon na palang depression ang kanilang anak.

Sinasabing ang depression ay nagkakaroon din ng economic impact pamilya , mga organisayon, sa society.Maari netong pababain ang educational attainment , mapababa ang earning potential at taasan ang rate ng mga unemployment.Halos 210.5 million dollars ang nagagastos dahil sa depression, 48-50% ay dahil sa mga trabahador na hindi pumapasok at bumababa ang performance sa work dahil sa depression.4 to 47% ang nagagasto dahil sa medical expenses, kasama na ang outpatient at inpatient treatment o ang gastos sa pagpapagamot.

Nagagamot ang depression , ngunit halos kalahati lamang ang nadadiagnose at nabibigyan ng treatment kada taon.Ang mga humihingi ng tulong para sa treatment ay kailangan pang maghintay ng buwan o maaring taon pa bago makakuha ng tulong at mabigyan ng pansin dahil dito ay kaunti lamang nagagamot.Sinasabi sa pag-aaral na maari itong magamot sa pamamagitan ng talk therapy at pag inom ng ilang gamot.Halos isa sa limang tao ang nakakarecive ng treament consistent gamit na din ang current practice guidlines.6% ng tao ang nagagamot at 35% ang walang natatanggap na treatment.

Kapag nagamot ang sakit na ito , may posibilidad na bumalik at maaaring mas malala pa.Maaring bumalik ito dahil sa stressful life event na nangyayari pagkatapos ng treatment.Incomplete recovery sa naunang episode , nararanasan ito kapag hindi nakarecieve ng full treatment ang isang pasyente.Stopping treatment Early o ang pagtigil sa treatment na nakukuha tumatagal ng anim na buwan ang treatment o mas matagal pa at ang medical conition, tulad ng diabeties , obesity , at heart disease ang maaring maging dahilan ng pagbalik ng sakit na depression.

Kung patuloy ang pagtanggap ng treatment ng pasyente at makainom ng sapat na gamot, matapos ang anim na buwan maaring mawala na ng tuluyan ang sakit.Mindfulness based Therapies ay maaring makatulong sa isang tao upang maintindihan ng pasyente ang mga negative thoughts at maihandle nila ito ng maayos.Sinabi sa isang pag-aaral na ang paggawa neto ng tatlong beses sa isang linngo ay maaring makabawas sa depression ng 50% sa loob ng isang taon.Educating friends and family, ang pagsasabi sa kaibigan o pamilya ay isang sign ng paghingi ng tulong at maaring maagapan ulit ang sakit at ang pinakahuli ay ang pag prepare sa pagbabalik neto.Kung inaasahan ng pasyente ang maaring pagbalik ng sakit ay mapaghahandaan niya ito at alam na niya ang kaniyang gagawin.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8
Source 9

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Large hadron collider

Trade off hypothesis