Delubyo

Reading Time: 9 minutes

Topics

Topic Requested by:

Ano nga bang meron sa kanta ni Unique salonga? talaga nga namang napakaunique ng taong ito at least dito satin sa pilipinas kasi isipin mo ba anman nag release ng ambient music na kanta or to be specific avant garde genre na kanta tapos tayong mga pinoy sasabihin nating malasatanista na ung kanta. My friends, hindi iyon satanista, that is an artistic form of music na kakaunti lamang ang makakaintindi at makakagets.

Nasanay na kasi tayo sa mga kanta na may nakakakilig na lyrics o ung tipong mapapathrowback ka sa sakit na iyong naramdaman. Dito kasi sa avant garde genre medyo kakaiba, makakarinig ka ng magandang tunog tapos all of a sudden bigla na lang mababasag eardrum dahil biglang lakas ng bass. Yan ang avante garde, but first let us discuss kung ano ba ang meron sa music genre na ito.

Puro kayo delubyo delubyo, napakinggan nyo na ba ang buong album? Kung hindi pa, well brace yourself pag pinakinggan nyo dahil malalim ang meaning ng bawat kanta at instrumental nya sa album na ito.

Avant Garde:

Nuong early 20th century, nagsimulang mag isip ang ibang mga composers sa pag approach sa paggawa ng musika. May iba na sumunod lamang sa agos, merong iba na gustong maiba, gusto nyang maging unique salonga. Ito nga ay si Arnold Schoenberg. Si Arnold Schoenberg ay isang music composer nuong 1920 at naisip nya na ibahin ang kanyang technique sa pagcompose ng kanta. Ito ung kasikatan ng tunog ni Mozzart tapos bigla kang makakarinig ng halos ibang iba sa nakasanayan mo, sympre ang unang reaction ng tao ay hindi maganda, pangit which is natural. Kaya naman nuong tinugtog nya ang suite for piano Opus 25, maraming nagboo sa kanya. Dahil kung papakinggan nyo parang kahit ano na lang pindutin para makagawa ng tunog. Pero hindi, matalino si Schoenberg, in fact ang kanyang opus 25 ay ang tinatawg na 12 tone technique.

Dahil dito, nagkaroon ng idea ang ibang mga music composer na subukan ang yapak ni schoenberg. Fastforward tayo ng 1961. Ang bill evans trio ay gumawa ng jazz album na pinamagatang the village vanguard at kung papakingan ninyo parang wala rin sa tono diba?

Nuong 1969 naman ang 3 girl music group na pinangalanan nilang shaggs ay nagsimulang gumawa ng kanta na kaparehas ng nauna pero sa kanila ay mayroong lyrics at simula nga nuon marami na ring mga singers at composers ang sumunod sa yapak, anjan na nga ang the beatles na revolution 9. So alam na natin na hindi ito ang pinaka una. Ngayon pumunta naman tayo sa album.

Album:

Ang kantang ito ay bago para sa panlasa ng mga pinoy kaya madaming mga conspiracy ang nagsisilabasan, kesyo satanista daw si Unique, kesyo ito daw ay representasyon ng pagtakas nya sa korporasyon. Kagaya nga ng diniscuss ko kanina, hindi na ito bago, hindi na ito unique. Marahil para sa mga pinoy bago ito kasi di tayo sanay sa ganitong klase ng musika.

Ang buong album ni unique ay mayroong kakaibang tema kaya hindi naiiba ang delubyo dito. In fact ang kanyang kantang korporasyon ay instrumental lamang. Base sa titulo ng kanta, alam natin kung anong ibig sabihin ng kantang ito, sundan pa ng kantang dambuhala, dito makikita natin na ang pinupunto ng kanta again, dahil sa korporasyon na nasa number 1. Ang tinutukoy nya sa dambuhala ay ang mga naglalakihang kumpanya, at sya bilang artist ay hindi sila magkapantay kahit na sya ay sikat, eventually, ang pangalan ay mawawala pero ang korporasyon ay mananatili at hinding hindi ito mapapatumba kagaya ng binanggit sa kanta.

Ang kantang laman lupa ay nagpapahiwatig ng kawalan ng kumpyansa sa kanyang sarili. Ang mga lyrics na Katotohanan ayaw ko munang harapin, Gusto ko lang namang makalimutan ang Dala-dalang problema kahit pansamantala! Nakakatakot ang lyrics na ito sa totoo lang, ganito kasi ung mga taong may depression, gustong kalimutan ang problema kahit panandalian at eksaktong eksakto sa meaning. Seriously, kakaiba ang kantang ito. Habang pinapakinggan ko ang kanta, ang tumatatak sa isip ko ay isang taong magbibigti sorry for the word. Verse 1 ay ang pagiisip nyang magpatiwakal. Verse 2 hinanda nya ang lubid at upuan, Verse 3 ang tinatawag na life flashing before your eyes. Verse 4 ay ang unti unting pagkalagot ng kanyang hininga.

Sa tingin ko ang buong album ni unique is all about himself. Ito ay interpretasyon ko lamang. Ang kantang Mga katulad mo ay tungkol sa mga bashers nya sa kanyang kanta o ang mga taong minamaliit sya. Habang ang Pahinga ay tungkol muli sa isang korporasyon, leader o boss na kung saan gustong ipabago ang kanyang way ng pagkanta at kitang kita natin ito sa verse 1 “Di mo makikita ang Nais mong puntahan Tuwing sila’y pinagbibigyan” at ang huwag ka sanang magagalit ay tungkol sa pakiusap nya na sundin ang gusto nya at kita naman sya sa per chorus ng kanta.

Marami pa nga akong nabasa na ang album na ito is all about psychedelia. Kayo ano sa tingin ninyo?

Delubyo:

Now we go to the satanic part. Hindi joke lang. Kagaya nga ng nabanggit ko kanina, isa itong music genre na tinatawag na avant garde, hindi ito satanic song kaya itigil mo yang kakaconspirashit mo na satanista ung tao. Okay so ang interpretasyon ko sa kanta, teka matatawag ba itong kanta?

Ang delubyo as the name suggests ay tungkol sa mga hindi magandang pangyayari na kinakaharap natin ngayon. Maririnig natin ang mga bata, mga nagiiyakan, parang nasa school, merong magina na nagsosorry ang anak at pinapababa sa kung ano man un. May balita tayong naririnig na tipikal na naririnig natin sa mga bahay, at sa reverse music may maririnig tayong kanta ng oldies na kanta na sinasalamin naman ang mga matatanda na nakikinig dito tapos nito maririnig natin ang pag type ng keyboard na sinasalamin ang mga kabataan ngayon. Meron din itong mga papuri sa panginoon at tayo bilang christian country ay dito kumukuha ng lakas sa panahon ng delubyo.

Eksaktong eksakto naman na nararanasan natin sa panahon ngayon. Sa tingin ko rin ang delubyo ay may mga parts ng ibang kanta. Ang laman lupa na kanta ay maririnig sa delubyo kung saan sinasabi ng isang mtandang babae assuming na nanay sa kanyang anak na bumaba, marahil ito nga ung kanina sinabi ko na magpapatiwakal at naririnig natin na nagsorry ang dalaga. O di naman kaya ung sa may umpisa ng kanta kung saan maririnig na parang nawawalan ng hininga ang lalaki. Now this could just be a conincidence pero un ung napansin ko.

At ang mga babaeng tumatawa naman ay sa part ng kantang mga katulad mo na kanta kung saan tinatawanan o yung tipong minamaliit sya. May maririnig din na tunog ng parang baril at iba pa.

You see, may iba’t ibang klase ng pagbibigay ng depinisyon sa kanta. Mayroong sa lyrics kagaya nga ng nabanggit natin ung lamang lupa at iba pa, meron ding instrumental, ung korporasyon na maipaparamdam sayo ng composer kahit na walang salitang binibitawan at meron ding katulad nito, ang avant garde kung saan imbes na gumawa ng mga lyrics tungkol sa mga pag-araw arawa na nararanasan ng mga tao, delubyo man o hindi, ginamit nya ang kanyang creativity at pinagsamasama ito in just one mp3.

Oo hindi kaaya-aya sa pandinig natin lalo na’t may naririnig tayong unpleasant sounds, ito nga yung umiiyak at mga baril at iba pa kaya hindi natin naappreciate ang kinompose na tunog dahil wala tayong idea. Thats reality whether we like it or not.

Kumbaga sinasabi mo sa grade 1 ng 100×100, dahil wala syang idea sa multiplication table hindi nya pa masasagot ang tanong. Ganun ang karamihan sa atin, wala tayong idea sa kung anong klase ang kantang ito until some of us explains it at duon natin naiintindihan ang kanta.

Sabi nga ni Nico David, na maaring inspirasyon ni unique si John Lennon at ang delubyo ay kabaligtaran ng kantang imagine. It could be, pero para sa akin, ito ang artistic representation ni unique sa mga nangyayari sa mundo. No lyrics, no beautiful music. Just reality.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit Mahilig tayo sa Fastfood?

Different type of display panel – COMPLETED