Delikado ba ang Keto Diet?

Reading Time: 9 minutes

Malamang nakita nyo na ito sa mga facebook timeline ninyo. Kesyo papayat daw, magggym pero lalamon naman. Parang ako. Pero merong in na in ngayon sa mga timeline. Ang Keto Diet. Ano ba ang keto keto na yan. Saan yan nagmula at anoa ng side effect ng Keto. Alam nyo ba na ang keto diet ay intendned para sa mga taong may epelipsy? I bet ang iba sa inyo hindi ito alam. Tara mga boss, tuklasin natin ang Keto Diet.

Origins:

Ang Keto o Ketogenic Diet ay mattrace back nuong 1920 kung saan dineveloped at ginamit ito ng mga doktor para makontrol ang seizures ng eplipsy sa kanilang mga pasyente. Subalit ito ay inabandona nuong umosbong ang anticonvulsan drugs dahil mas nakakontrol nito ang pagatake ng eplipsy sa mga pasyente.

Ang keto diet ay mayroong nutritonal plan na msotly ay mayroong high-fat, adequate-protein, low-carbohydrate. Ang diet na ito ay pinipwersa ang ating katawan na sunugin ang mga fats imbes na ang mga carbohydrates.

Keto Diet:

Ok nadiscuss na natin ang origins pero ano ba ang keto diet, basically mga boss ang diet na ito ay nagrerelease ng ketones sa ating mga bloodstream. Karamihan sa mga cells natin ay mas gusto ang blood sugar na galing naman sa mga carbohydrates at ito ang main source ng ating enerhiya.

Kapang wala o kakaunti ang blood sugar mula sa ating kinakain, ang ating katawan ay gagamitin ang stored fat at ibrebreak down ito para gawing molecules at ito ang magiging ketone bodies. Ang proseso na ito ay tinawag na ketosis.

Kapag naasa ketosis, karamihan sa ating mga cells ay gagamitin ang ketone bodies para maggenerate ng energy hanggang sa kumain muli tayo ng carbohydrates.

Ang pagshishift sa paggamit ng glucose papuntang pagbreakdown ng mga stored fat as a source of energy ay kadalasang nangyayari ng 2 hanggang 4 na araw na pagkain ng carbohydrates ng nasa 20 to 50 grams lamang.

Dahil nga walang carbohydrates, ang keto diet ay mayaman sa protein at fats. Kadalasan ang kinakain ng isang taong nagkeketo diet ay kumakain ng karne, itlog, sausages, isda, mani, butter, at mga gulay na mayaman sa fiber.

Dahil na din sa pagkarestrikto ng diet na ito, maraming mga nahihirapan na sundan ito.

Benefits:

Keto Diet works, lalo na sa sa mga batang mayroong eplipsy. Nagiging mas madalang ang pagatake ng mga eplipsy. Kadalasan kasing effective pa ng gamot.

Ang insulin ay isang hormone na ginagamit o tinatabi ang sugar bilang energy. Ang Ketogenic diet ay mas mabilis sinusunog o ginagamit ang energy na ito kaya’t hindi na kinakailangan itabi ng ating katawan. Ibig sabihin mas kakaunti ang insulin na kinakailangan at ginagawa ng ating katawan. Kapag mas mababa ang insulin posible itong magprotekta sa mga cancerl cells o pabagalin ang pagkalat nito, again posible. This is not proven, kailangan pa ng more research para dito but still its an idea or a possiblity.

Yes more fat ang keto diet pero ito ung tinatawg na good cholesterol. Ito ay posibleng nalilink din sa pagkakaroon ng lower levels of insulin kaya’t ang katawan natin ay  nagpproduce ng less cholesterol. Which means pag less cholesterol, less ang high blood, mas titigas ang mga arteries, less heart failure o iba pang mga kondisyon.

Para sa mga hindi binayayaan ng kutis putaragis, alam nyo ba na ang carbohydrates ay mayroon ding effect dito? Hindi lang yan, ang pagbaba ng insulin ay posibleng makapag patigil din ng mga acne breakouts. Gayunpaman, hindi pa conclusive ang epekto nito sa acne at kailangan pa ng more research.

Kapag lowcarbs ibig sabihin low blood sugar levels. Kapag ang ating katawan ay sinunog o ginamit ang fat para sa ating energy, gumagawa ito ng ketones kagaya nga ng nabanggit kanina. Nakakatulong din ito sa diabetes pero depende yan mga boss, halimbawa meron kang type 1 diabetes, kapag mas maraming ketones sa iyong dugo, ito ay may negative effect at mas magkakaroon ka pa ng sakit kaya’t kailangan ng intervention ng doctor para sa eksakto at tamang diet.

Nakakatulong din ito sa Polycystic ovary syndrome, kung saan ang ovaries ng mga babae ay mas malaki kumpara sa normal at mas maliit ang fluid sacs nito o ung humahawak sa mga ovary eggs. Ang mataas na insulin ang dahilan nito at dahil nga ang keto diets ay pinapababa ang insulin sa ating katawan, ito ay nakakatulog sa sakit na ito.

Side Effects:

Kapag binigla mo ang iyong katawan na magswitch sa pagsunog ng carbohydrates papuntang pagsunog ng fats, makakaranas ka ng side effects sa iyong katawan dahil ito ay bagong proseso at nagaadjust pa ang iyong katawan. Mararanasan mo ito sa 2 araw at kayang tumaggal hanggang 5 araw.

Posibleng makaranas ka ng sakit ng ulo, pagkapagod, ang mga muscle spasms, at pagpalpitate ng puso.

Para maiwasan ang ganitong side effects, wag agad agad magsswitch sa keto diet, kailangan ihanda mo ang iyong katawan sa pamamagitan ng paunti unting pagbabawa ng carbs sa mga kinakain mo. Sympre mas mabagal ang makikita mong effect but still mas konti ang side effect.

Maraming mga eksperto ang hindi sumasangayon na gawin ito in a long term. In fact ang mga eksperto ay naniniwala na kapag tumigil ang isang indibidwal sa kanyang keto diet, babalik ng mabilis ang taba nito at mas marami pa.

Ang back and forth fluctuations na ito ay nagcocontribute sa eaiting dsiorder o mas lalo pa nitong papalaain nag pagkain ng isang tao. Hindi lang yan, dahil nga wala ng muscle mass para masunog ang mga calories bago mag keto diet, pag bumalik ang isang indibidwal, mahihirapan na itong matunawan ng pagkain at ito ang magpapadagdag lalo ng timbang.

Mainstream:

Simula nuong dinevelop ito ang keto diet ay hindi natin kilala, ang nakakaalam lamang nito ay ang mga nag-aaral dito at ang mga pasyente na nagtatake nito. So anong nagbago?

Ang TV show na dateline ang nagreintroduce nito sa mga amerikano. Nuong October 1994, isa sa mga episode ng nasabing palabas ang tumalakay sa kaso ni Charlie. Isang 2 taong gulang na may severe epilepsy. Inapply kay Charlie ang keto diet at umunti ang pagataki ng kanyang sakit.

Naging malakas na impact ito para sa mga nanonood at maraming nagkaroon ng intenrest dito dahil sa episode na yon. Nagbukas ito ng opportunidad sa ibang mga hospital para gamitin ang food treatment sa ibang mga pasyenteng may eplipsy.

Pero sympre alam naman natin na hindi lang sa mayroong epilepsy naging sikat ang keto diet. Kung ang keto ay para lamang sa may taong epilepsy malamang kakaunti lang ang nagiging interesado.

Kaya naging interesado ang iba pa dito ay dahil sa potential nitong makapagpayat. Walang eksaktong taon kung  kailan ito inabsorbed bilang weight loss solution.

So ano ang verdict? Keto diet works pero mga boss, as much as possible kelangan ninyo ng nutritionist o doctor to guide you, or else mas lalo lang kayong tataba kapag tumigil kayo dito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

1977 tv broadcast interuption by vrillon

Vatican Archives