Dark Web Roots

Reading Time: 12 minutes

TRANSCRIPT:

Marami sa inyo alam ang dark web at ang mga antas nito. Ang iba sa inyo alam kung papaano ito nagsimula at ang impact nito sa atin ngayon. Subalit hindi naman parepareho, may iba sa inyo na ngayon lang ito narinig at may iba na inaakala na kailan lang ito nagsimula. Pero ang dak web ay matagal ng buhay, nuong nagsimula pa lang ang internet meron ng dark web.

Kagaya ng mga computers, tao, hayop, ang dark web ay buhay, ito ay nagbabago. Sa panahon natin walang nakakaalam kung ano ang eksaktong mga laman nito. Pero alam natin na ito ay may tinatagong lihim.

Ang salitang cryptocurrenct at dark o deep web ay talaga namang nakakauha ng atensyon. Ang iba dito para mapalaganap ang impormasyon patungkol dito, pero kadalasan ang iba sa atin ay hindi talaga alam kung ano ito. Ang dark web ay isang pintuan na punong puno ng mysterio at kapag sinubukan mo itong halughugin, malalaman mong bawat sulok nito ay papunta sa kakaibang mundo.

#1 Simula

Nuong October 29 1969 isang istyudyante sa UCLA ang nagpadala ng kauna unahang computer to computer message. Ang kayang ginamit para maipadala ang mensaheng ito ay tinawag na “ARPANET”

Ang Arpanet ang stepping stone ng kilala na nating internet sa ngayon. Siguro matatawag mo itong lolo o ninuno ng internet. Dahil na din dito, hindi nagtagal ay gumawa ang ibang tao na tianwag na “darknets” o “unlisted”. Ito ang mga lihim na networks na gumagamit ng ARPANET Framework.

#2 Unang benta

Hindi lang darknet ang tinulungan ng arpanet, ito rin ang pioneer ng kilala nating buy and sell sa ngayon. Pero ang unang online purchase ay hindi libro, video game o gamit, ito ay marijuana.

Nuong early 1970, ang estyudyante ng standford, isa sa mga miyembro na tumulong magdevelop ng arpanet ag ginawa ang pagbebenta ng drugs. Nuong mga panahong yon maliit pa ang bentahan. Ginagamit ng mga estyudyante ang internet para hindi sila mahuli ng mga awtoridad.

#3 Data havens

Nuong 1980, ang mga tao nahihirapan magtago ng kanilang sensitibong mga impormasyon. Ang internet nuon ay bukas sa lahat kaya naman madaling makita ang mga impormasyon na ito. Para makatakas sa ganitong sistema, ang ibang mga users at gumawa ng tinatawag na “data havens” kung saan malaya nilang malalagay ang kanilang mga sensitibong impormasyon at hindi ito makikita ng awtoridad. S

Karamihan ng mga data havens na ito ay matatagpuan sa isla ng carribbean. Specifically sa anguilla. Dahil ang haven na ito ay nakahiwalay sa mga pangunahing bansa, ang batas dito ay iba rin kaya ang ibang mga tao ay nakakaligtas sa mga parusa.

#4 Peer 2 Peer

Nuong kalagitnaan ng 1990’s, ang compression at algorithm ay talaga namang gumanda. Dahil dito ang internet ay nakakapagpadala na ng mga files. Ang mga users pupwedeng magpadala ng kanilang mp3 o iba pang format ng walang kahirap hirap. Ang mga pangunahing site na naghohost ng mga ganitong serbisyo ay nanatili sa surfaced web, kagaya ng napster, limewire, frostwire at marami pang iba.

Subalit hindi ito naayon sa batas. Nuong naisabatas ang piracy, halos karamihan sa mga ito ay lumubog sa ilalim ng dark web para matakasan ang mga legal cases. Ngayon, mayiilan-ilan pa ring mga website na nagoofer ng mga ganitong services.

#5 Freenet
Nuong taong 2000, isang irish software developer na nagngangalang Ian Clarke ang nagrelease ng web browser at tinawag nya itong Freenet. Ang freenet ay parte ng kanyang college thesis.

Iba ang freenet kumpara sa mga normal na browser. Ang freenet ay pinapayagan ang user na magbrowse sa internet ng complete anonymity, ibig sabihin hindi mattrace ang iyong sites na mga vinisit, ang iyong passwords, ang iyong identiy.

Hindi lang yan, ang freenet ay nag indexed din ng mga website na makikita lamang sa dark web. Hindi mo na kailangan ng extra browser pa, ang freenet ay kayang iaccess ang dark web. Binibigay nito ang lahat ng access sa users, mapaillegal o sensitive content. Nuong nalaman ito ng federal government, ginamit nila ito upang hanapin ang parehong nilalaman at isara ito.

#6 Dark net Island

Taong 2000, Si Ryan Lackey at Sean hastings ay nagdesisyon na gumawa ng sarili nilang data haven. Nagtayo sila ng data haven sa sealand, Isang lumang sea fort sa baybayin ng british coast na ginamit nuong world war 2.

Ang kanilang plano ay gumawa ng mga servers sa paanan ng nasabing sea fort kung saan malayo ito sa mga mata ng awtoridad. Tinawag nila ang kanilang kumpanya na HavenCo.

May rules din sila sa pagstore ng content kaya naman hindi lahat pwede itong gamitin. Subalit hindi nagtagumpay ang kanilang plano at nalugi sila.

#7 TOR

Nuong 90’s isang branch ng US Naval Research ang nakadevelop ng isang bagong browser. Ang browser na ito ay kayang itago ang iyong IP address. Ginamit ito ng awtoridad para pasukin ang dark web at hindi magbigay ng alarma sa iba pang sumisisid dito. Subalit hindi rin nagtagal ay nalaman ito ng madla kaya nawalan ng silbi ang layunin ng nasabing browser.

Kaya naman nuong September 20 2002, nireleased ang The Onion Router o TOR publicly. Ang balitang ito ay agad pinutakti ng mga taong gustong lusungin ang dark web, ang iba ay para lamang sa kuryusidad habang ang iba naman ay para sa illegal n gawain. Kung tutuusin para itong sampal sa awtoridad dahil sila ang nagdevelop pero ginagamit sa illegal na paraan.

#8 DRM

Nuong November 18 2002 sa isang pangunahing security conference, apat na engineer ng microsoft ang nagsabing imposibleng maprotektahan nila ang mga copyrighted content. Nireleased din nila ang kanilang findings na may titulong “The Darknet and the Future of content distribution”

Ayon sa kanilang teyorya, habang ang teknolohiya ay nag iimporoved, ang impormasyon ay mabilis at madali ng maipakalap. Kapag ang isang piraso ng impormasyon na ito ay nahulog sa dark web, imposible na itong mapigil pa.

Sa kasamaang palad, nuong mga panahon na yon tinanggal sila sa trabaho gayunpaman, ang kanilang statement ay nagkatotoo.

#9 Evolution
Nuong 2005, Ang wired, isang tech magazine ang naglabas ng napakaimpluwensyang artikulo patungkol sa deep web. Dahil na din sa bilis ng internet at mas matataas na storage, kalahating milliong pelikula ang nadodownload kada araw. Hindi lang pelikula, kasama na ang mga games at mga softwares kagaya ng microsoft office.

Ayon sa pagaaral na ginawa ng bussiness software alliance, ang mga kumpanya sa buong mundo ay nalugi ng halos 34 billion us dollars sa pirata nuong 2005.

#10 Cryptocurrency
Ang unang paglitaw ng bitcoin ay naitala nuong 2008. Kung saan si Satoshi Nakamoto ay naglabas ng isang dokumento patungkol sa bitcoin.

Ilang buwan makalipas nito, January 3 2009, ang unang bitcoin ay pumasok sa merkado. Hindi ito ang unang cryptocurrency, may mga nauna pa bago ang bitcoin pero lahat iyon ay pumalya dahil wala itong seguridad.

Bago pa dumating ang bitcoin, ang cryptocurrency nuon ay kayang makopya ang iyong pera at magastos ito kung saan pwede. Ang bitcoin ay iba, dahil untraceable ito at imposibleng maduplicate. Kaya naman mabilis itong lumubog sa dark web at ito na nga ang naging standard currency kapag may bibilhin o magbabayad ka duon.

#11 SilkRoad

Nuong June 1 2011, isang artikulo mula sa gawker ang nagpakilala sa website na Silk Road. Ang Silkroad ay isang online shop kung saan kinacater nito ang mga ibat ibang klase ng droga. Ayon sa artikulo, bago ka makapasok dito kailangan mong gumamit ng TOR at may laman ang iyong bitcoin.

Ang expose na ito ay sumabog na parang bulkan, maraming mga users ang agad na binisita ang site at dahil dito, tumaas ang value ng bitcoin sa merkado. Pero sympre, ang mga awtoridad din ay nalaman ito at tinutukan ang silk road.

October 1, 2013 ang daanan papuntang silk road ay tuluyan ng giniba. Ang mga awtoridad ay iniresto si Ross Ulbricht na syang gumawa ng nasabing site. Subalit ang pag-arestong ito ay kakaunti lang ang impact sa mga drug related websites. Sa loob ng isang buwan, nireleased ang Silk Road version 2.0 kapalit ng naunang site subalit giniba din ito ng awtoridad nuong 2014.

#12 Deep Web vs Dark Web

Nuong Late 2000 at early 2010, maraming sumulat ng artikulo patungkol sa pagkakaiba ng deep web at dark web. Kung saan ang deepweb ay ang parte ng internet na hindi basta basta makikita ng search engine kagaya ng google, kailangan meron kang direct link nito. Habang ang dark web naman ay ang mga specific sites na umiiwas sa mata ng mga awtoridad.

Ang mga gumagamit ng dark web ay gusto ang anonymity dahil na din sa nature nito. Dito makakaaccess ka ng hitman, drugs, terrorista, sex slaves na hindi ka mangangamba na merong nakatingin sa ginagawa mo.

#13 Kingpin
Nuong August 2013, inaresto ng irish pulis si Eric Eoin Marques na kinalala ng FBI na pinakamalaking facilitator ng child porn sa mundo. Matapos ang pagkaaresto nito, maraming lugar sa dark web ang mga namatay, indikasyon na maraming koneksyon si Marques sa dark web. Ang pagkakahuli na ito ay naging indikasyon na ang mga awtoridad ay nakahanap ng paraan para matrace ang mga taong gumagamit ng TOR.

#14 Terrorist
Ilang araw matapos mahuli ni Marques nuong 2013, ang mga komunikasyon ng terorista na alqaeda ay napasakamay ng US intelligence officers. Dahil dito, ang US pansamantalang pinasara ang 22 embassies at consulates sa middle east at northern africa.

Ang mga terrorista ay gumagamit ng sophistikadong bersyon ng dark web. Nuong 2013, napagalaman ng mga awtoridad na ang mga atake ay kinokoordinate ng mga ito sa pamamagitan ng dark web.

#15 Crime
Nuong 2016 isang pagaaral ang ginawa ng Kings College London at pinangalan itong Cryptolitki and the darknet. Ayon sa pag-aaral ang darknet ay ginagamit kadalasan sa mga illegal na gawain. Nakadiskubre ang mga ito ng 5,205 TOR websites at naclassify nila ang nilalaman ng 2,723 sa mga ito. 57% dito ay nagbbibigay ng serbisyong illegal.

Ito ay ang mga pagpapautang, mga baril, pekeng pera, ninakaw na mga credit cards, drugs prescription, illegal drugs, hacking, killer for hire, sex slave at marami pang iba.

Nuong 2016 ang united nations office on drugs and crime ay naglabas ng world drug report kung saan karamihan sa mga drug users ay nagsasabing nabili nila ang kanilang droga sa dark web.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Naghihingalo na daw ang earth gaano kaya katagal tayong mabubuhay dito?

Gaano kadelikado ang Dark Web?