Dante’s Purgatory

Reading Time: 11 minutes

First things first, ano ba ang purgatoryo? may iba nagsasabi na dito ang mga ligaw na kaluluwa, may iba naman nagsasabi na dito ang mga kaluluwa ng mga masasamang tao na gumamit ng kapangyarihan ng demonyo, ang mga bampira, werewolves at iba pa. Yes sa mga nanoood ng supernatural un ang tinutukoy ko, kung saan ayon dito habang buhay naglalaban laban ang mga halimaw sa lugar na ito. Pero hindi yan ang purgatoryo ni dante. Ayon sa explanasyon ng literature ni dante, ang purgatoryo ay ang lugar kung saan ang mga kaluluwa ay hindi tinanggap sa impyerno pero hindi rin sila makakaakyat basta basta sa langit, in short, kailangan nila ng repentance para maging karapatdapat sila sa langit.

Quick info mga boss, kung ang hell my circles, ang purgatory sa literature ni dante ay isang mataas na bundok at meron itong 7 ledges. Kagaya ng circles of hell, ang bawat ledge ay nagrerepresenta ng 1 sa 7 deadly sins. Clarification po ulit mga boss, we will view the 7 deadly sins as dante view it.

Overview:

 

Kung sa inferno si Dante ay isa lamang spectator o tagamasid, sa purgatorio ay iba, kailangan nyang magparticipate. Kaya naman nuond dumatin sila sa gates of proper, ang anghel na nagbabatay duon ay nilagyan si dante ng 7 letrang P sa kanyang noo. Ang bawat isang P ay nagrerepresenta ng cardinal sins o ang 7 deadly sins. Kapag si dante ay nakita ang ibig sabihin ng bawat terrace at naintindihan ito at naireflect nya sa kanyang sarili, sya ay makakapunta sa susunod na terrace at ang P ay mabubura hanggang sa makapunta na sya sa pinakatuktok papunta ng langit. Ang mga kaluluwang nagsisisi ay hindi rin nakakapaglakbay sa gabi kaya tuwing umaga lang pwedeng maglakbay sila dante.

Antepurgatory:

Ang pinakamababang parte ng purgatoryo ay ang antepurgatory kung saan ang mga taong naririto ay huli na bago pa sila magsisi. Dito kailangan nilang maghintay bago sila makapasok sa purgatorio. May dalawang stage ito, ang una ay ang stubborness kung saan ang mga kaluluwang naririto ay mananatili ng 30 times longer dahil sa kanilang stubborness o matigas ang kanilang ulo sa pagsunod sa utos ng panginoon. Ang pangalawang stage ay ang repentance, dito napunta ang mga namatay na mga pabayang hari nuong sila ay namumuno pa. Dito rin napupunta ang mga taong namatay ng pagkasama subalit bago pa malagutan ng hininga ay nakahingi sila ng tawad.

First Terrace: Pride

Sa lugar na ito ang mga mapangmataas na mga kaluluwa ang namamalagi. Dito rin nakita nila dante at virgil ang mga magagandang iskulptura na nagpapahayag ng pagkukumbaba, ang kabaligtaran ng pagkamataas o pride. Dito nakita nila ang eskulptura ng birheng maria at ni emperor trajan kung saan ayon sa medieval legend, tinigil nito ang kanyang paglalakbay para lamang magkaroon ng katarungan ang mgamahihirap.

Dito rin nila nakita ang mga mapangmataas na kaluluwa kung saan ang mga ito ay may bitbit na malalaking bato. Dahil sa kanilang pangmamataas, ang bato na kanilang dala-dala ang syang nagpapakuba sa kanila. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi nila makita ang mga magagandang eskulptura. Kailangan nilang bitbitin ang mabibigat na bato para ang kanilang mga kasalanan ay mawala.

Sa lugar na ito nakita nila ang mga taong mapangmataas dahil sa kanilang lahi, mapangmataas dahil sa kanilang mga achievements at mapangmataas dahil mas nangingibabaw sila sa karamihan.

Second Terrace: Envy

Ang sakit ng karamihan sa ating mga tao. Aminin man natin o hindi minsan nakakaramdam tayo ng inggit. May mga inggit na to the next level, ung tipong sa sobrang inggit mo gusto mong masira ang taong un para maging parehas na lang kayo. Nuong pumasok na sila dante sa second terrace agad nilang narinig ang mga bulungan ng mga tao, dito narinig nila ang mga halimbawa ng mga kagandahang loob, ang kabaligtaran ng inggit at habang naglalakad sila nakakarinig din sila ng mga bulungan patungkol sa pagkainggit.

Sa lugar na ito ang mga kaluluwa ay nakasuot ng penitential grey cloak at ang kanilang mga mata ay nakatahi gamit gamit ang alembre.

Third Terrace: Wrath

Nuong umakyat na sila dante, dito nila nakita ang kaluluwang nagsisisi dahil sa kanilang mga galit. Ang lugar na ito ay punong puno ng itim na usok kung saan ito ang manifestation ng galit ng mga kaluluwa at ito ang bumubulag at nagpapalabo sa kanilang kaisipan nuong sila ay nabubuhay pa. Isa itong simbulismo kung tutuusin dahil nga alam natin na kapag galit ang tao sinasabi natin na “your mind is clouded” o wala sa tamang hulog o pagiisip dahil nangingibabaw nga ang galit. Kaya akmang akma ang usok sa lugar na to na nasisilbing harang sa kanilang daraanan.

Fourth terrace: Sloth

Sa terrace na ipinaliwanag ni Vergil ang istraktura ng purgatoryo dahil ang mga susunod na terrace ay patungkol sa pagmamahal. Dito napupunta ang mga kaluluwang gusto ng mga mabubuting bagay pero tamad  naman silang ipalaganap ito. Ang mga kaluluwa dito ay tumatakbo ng mabilis, habang sumisigaw ng mga halimbawa ng pagkasigasig sa panginoon. Sila ay tumatakbo ng walang hinto, araw o gabi, patuloy sila sa kanilang pagtakbo. Ito ang kanilang repentance.

Fifth terrace: Avarice

First things first, ano ba ang avarice? Para sa mga hindi pamilyar, ito mga boss ang Greed, specifically, katakawan sa materyal na bagay. Ang mga kaluluwa dito ay nakadapa sa lupa. Ang kanilang mga mukha ay dikit lang dito. Dito sinsimbolo na ang mga kaluluwang naririto ay nakain ng kanilang pagkagusto sa earthly things o materyal na bagay at hindi pinahalagahan ang panginoon.

Nuong papaalis na sila dante, biglang nagkaroon ng pagyanig at nakita nila si Statius, isang roman poet. Ipinaliwanig nito na ang pagyanig ay indikasyon na ang isang kaluluwa ay handa ng umalis sa purgatoryo papuntang langit at sya nga ang may dahilan nito.

Sixth terrace: Gluttony

Dito ang mga kaluluwang matatakaw hindi lang sa pagkain, kasama na dito ang inumin at mga body comforts o mga bagay. Dahil dito ang mga kaluluwa dito ay laging gutom at nauuhaw kahit na mayroong puno sa gitna ng mga ito. Hindi nila ito makuha dahil ang puno ay sobrang taas at imposibleng maakyat. Habang ang tubig naman na dumadaloy ay nasa taas ng puno at nahaharangan ang nasa baba nito. Ang mga kaluluwa dito ay halos mga kalansay na, ang mga mata ay nanlalaim at ang mga balat ay hapit na hapit na sa kanilang mga katawan dahil sa sobrang gutom.

Ang mga kaluluwa ay naamoy ang masarap na mansanas at naririnig ang tubig subalit wala silang magawa. Ito ang parte ng kanilang penitence. Dahil sa pagkamatakaw nuong nabubuhay pa, mas dinoble ang parusa dito.

Dito narinig din nila dante ang mga boses patungkol sa temperance o self restraint, ang kabaligtaran ng gluttony. Dito rin nagtaka si dante kung papaano naging halos kalansay ang isang kaluluwa. Dito pinaliwanag ni Statius ang relasyon ng katawan sa kaluluwa.

Seventh terrace: Lust

Ang huli sa deadly sins. Sa lugar na ito may naglalagablab na apoy. Ang lust ang nagsisilbing apoy sa lugar na ito. May dalawang klase ng kaluluwa dito, ang stationary o ung nakatigil at ang mga naglalakad. Ang mga naglalakad ay ang mga kaluluwa na gumawa ng unnatural acts of lust at ang stationary naman ay ang mga kaluluwang sobra sa lust.

Kailangan dumaan ni dante dito para makaakyat subalit natatakot sya. Pinaliwanagan sya ni Vergil na ang apoy na ito ay hindi basta basta apoy, ito ay spiritual fire. Hindi nya kailangang mangamba at hindi masusunog ang kanyang katawan. Sinabi rin nito na si Beatrice ay naghihintay sa kanya sa Earthly Paradise. Napapayag si Dante at dito nya nga napatunayan na hindi nga nasunog ang kanyang katawan pero ramdam na ramdam nya ang init nito.

Mga boss hinid ko na ididiscuss nag earthly paradise pero just an overview, ang earthly paradise sa libro ni dante was also known as the garden of eden. Dito nya nakita ang kanyang pinakamamahal na si beatrice, dito rin sya humingi ng tawad at nabura ang kanyang mga kasalanan. Sadly si Vergil ay hindi kasama dito dahil ang may hawak kay vergil ay ang impyerno. Hindi na diniscuss pa kung saan napunta si vergil pero ayon sa mga suhestiyon, posibleng sa limbo bumalik si vergil.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo ba ang ahas sa robinson?

Ang paglamon ng bituin sa kapwa nito