Creation of cosmos

Reading Time: 9 minutes

Marami sa atin nakakilala sa mga norse god, especially kay thor, loki at odin. Pero papaano nga ba sila nabuo? Saan sila nagmula? Kagaya ba sila ni eba’t adan na finorm sa clay o parang coco krunch lang na poof odin, poof, thor, poof loki? Marahil ang iba sa inyo first time maririnig ang creation story. Sit tight mga boss, let us begin the story of creation sa norse mythology.

Steam of Creation:

Ayon sa kwento ng norse. Nuong simula, merong 2 realm, ang nifelheim na nasa hilagang bahagi ng great void na tinatawag ding Ginnungagap . Ang Ginnungagap ay isang gap, isang bottomless abyss na nagsisilbing pagitan ng dalawamg realms.

Ang nifelheim ay madilim at malamig na lugar. Ito ay nababalutan ng hamog at dahil dito tiantawag din itong mist home o mist world. Sa nagyeyelong kapaligiran ng nifelheim, merong isang balon o sibol na tinatawg na hvergelmir kung saan ito ang pinaka simula ng lahat ng malalamig na ilog.

Ang malamig na ilog ay dumadaloy sa Ginnungagap  kung saan ang mga tubig ay magyeyelo. Ayon sa norse mythology, ito ang dahilan kung bakit malamig sa norte at ang ilog na patuloy sa pagdaloy ay malamig sa buong taon, regardless kung ano pang season ito. Pinaniniwalaan din na ang hvergelmir ay ang lugar kung saan ang lahat ng nilalang ay nagmula at eventually dito rin sila babalik sa kanilang kamatayan.

Ang sibol na ito ay maraming ahas at dito rin nakatira ang isang mabangis na nilalang at ito nga si nidhogg.

Sa timog na bahagi naman ng Ginnungagap matatagpuan ang napakainit na lugar na tinatawg na muspelheim. Sa lugar na ito ang mga lava ay patuloy sa pagagos at dumadaloy habggang Ginnungagap.

Sa sentro ng Gininggap nagtagpo ang yelo ng nifelheim at ang apoy ng muspelheim. At dito na nga nabuo ang unang nilalang. Ito ay si Ymir, isang higante.

The First Creatures:

Si Ymir ay hermaprodite, at kayang magreproduce asexually. Habang si Ymir ay natutulog, ang pawis nito mula sa kanyang kilikili, literally kili kili mga boss, ang nagbigay buhay sa isang lalaki at babaeng higante, at mula nama sa pawis nito sa kanyang paa ang ikatlong higante. Sila ang mga kauna unahang frost giants.

Sa patuloy na pagdaloy ng apoy at yelo ng dalawang realm, nabuo muli ang isa pang nilalang, si audumbla. Si audumbla ay isang higanteng baka. Dont ask me why or how pero yan ang nakalagay s norse mythology.

Ang bakang ito ang nagbigay nourishment sa mga sinaunang higante. Ang great cow ay laging dinidilaan ang mga asin na nabubuo mula sa yelo sa Ginnungagap para sa nourishment nito na syang pinapainom nya sa mga higante. Sa kakadila ng baka, isang buhok ang nabuo sa yelo, dinilaan nya ito ng dinilaan hanggang sa isang ulo na ng tao ang lumitaw. Sa mga lumipas na araw nagpatuloy ang baka sa pagdila ng mga salt ice hanggang sa ikatlong araw, ang isang buong katawan ng tao ay lumitaw. Ito ang kaunaunahang lalaki na tinawag na buri at sya ang kaunaunahang aesir gods.

Si Buri ay naging katipan ang frost giant na si Bestla at nagkaroon sila ng 3 anak. Ito ay sina Odin, vili at ve.

Murderers:

Ang mga magkakapatid na sina Odin, Vili at ve ay nababahala na mas marami ang mga frost giants kumpara sa kanila, ang mga aesir. Napag-alaamn nila na si Ymir ay patuloy sa pagbibigay buhay ng mga bagong higante at para mapigilan ang pagoutnumber sa kanila, kinakailangan nilang patayin si Ymir.

Kaya nagisip ang 3 at nagkaroon ng idea. Papaslangin nila si Ymir sa kalagitnaan ng tulog nito. At nangyari nga ang kanilang plano, nuong natulog na si ymir, ang 3 ay agad na inate ang higante. Lumabag si Ymir pero wala rin syang nagawa.

Itoo ang kaunaunahang pagpaslang sa universe at ito ay ginawa ng mga diyos. Hindi ito kasalanan katulad ng nangyari kay cain at abel, bagkus ito ay tinitingnan ng mga norse na mabuti at isang sagradong gawain. Hindi naman sa sinasabing pumatay ng pumatay, ang mga norse ay lama idistinguish ang lawful at unlawful killing. Sa kaso ni Ymir at ng 3 diyos, lawful ang ginawa nila dahil malamang kung hindi ito ginawa ng 3 diyos, walang norse mythology at maooverrun lang sila ng mga higante.

Creation of the Realms:

Ang walang buhay na katawan ni Ymir ay dinala nila sa sentro ng Ginnungagap at si Odin, Vili at Ve ay ginawa ang mundo.

Mula sa dugo ni Ymir, ang mga dagat ay binuo. Mula naman sa balat at mga buto ng higante, binuo ang mga bulubundukin.

Ginawa nila ang mga bata mula sa ngipin nito at ang buhok naman ay ginawa nilang mga damo at puno.

Ang pilikmata ni Ymir ang naging barrier sa mundo kung saan ang mga tao ay magiging ligtas mula sa mga higante.

Hinagis nila ang utak nito at dito nabuo ang mga ulap. Sa alapaap naman, ang mga sparks ng muspelheim ay kinuha nila at binato sa kalangitan na syang naging bituin.

Sa lambak ng Iðavöllr, tinayo nila ang asgard kung saan malayo ito sa mga higante at mga tao.

Habang ginagawa ito ng 3 magkakapatid, napansin nila na merong mga uod na lumabas sa patay na katawan ni Ymir. Ang mga uod na ito ay ang naging mga dwarfs. Kinausap nila ang mga uod o ung mga dwards at sinabing hawakan ang langit dahil nangangamba silang malaglag ito.

Ang 4 na dwaves ay sumunod naman ito ay sina Nordi, Vestri, Sundri at Austri, sila ang humahawak sa North, West, South at East. Habang ang ibang mga dwarves ay gumawa ng bahay sa nidavellir kung saan ito ay nasa ilalim ng mga bato at kweba.

Sun and Moon:

Isang frost giant na nagkaroon ng dalawang anak at sa sobrang ganda ng mga ito, sila ay nagliliwanag. Dahil dito, tinawag nila ang anak na lalaki na mani o moon at ang anak na babae naman ay si sol o sun. Ang mga batang ito ay ang pride ng mga jotnar o uing mga higante dahil sa sobrang ganda at liwanag ng mga ito.

Naiinis ang mga aesir gods dito at sinabing mga arogante ang mga jotnar. Dahil dito, kinuha nila ang dalawang anak ng higante at nilagay sa kalangitan. Ang dalawang higante ay nakasakay sa chariots kung saan ito ay patuloy na naglalakbay.

Para patuloy silang gumalaw, ang mga aesir gods ay pinahabol ang mga ito sa dalawang nilalang. Si Skoll at si Hati. Ang dalawang ito ay mga wolves at patuloy nilang hinahabol ang dalawa para makain ito.

Kada buwan si Hati aay nakakagat si Mani o ung moon subalit matapos ang ilang araw ay makakatakas ito at babalik muli ang nakagat na parte. Ito ang dahilan ng faces of the moon sa norse. Isang hudyat ng simula na ang ragnarok kapag naabutan na nila at nakain ito ng buo.

First Human:

Naglalakad ang 3 aesir gods nuon, casual lang waking along the beach, ng meron silang makitang dalawang troso. Ang isang troso ay mula sa ash tree habang ang isa naman ay mula sa Elm Tree.

Mula sa 2 troso na ito, ginawa ng mga aesir gods ang unang tao. Ang troso ng Ash tree ay naging lalaki at pinaganalan na Ask, habang ang troso ng Elm tree ay naging babae at tinawag na Embla.

Ang 3 diyos ay binigyan sila ng buhay. Si Odin ang nagbigay ng spirit and life, si Ve naman ang movement, mind at intelligence habang si Vili ay ang shape, speech feelings at ang five sense.

Napagdesisyunan nilang tatlo na ang mga tao ay ilalagay nila sa midgard.

Sa norse, ang mundo ay isang battleground ng mga diyos ang higante kung saan ito ay halos pantay lamang. Ang mga tao ay nasa gitna ng labanan. Matatapos lamang ito pagdumating ang ragnarok kung saan lahat ay mwawasak at ang matitira na lang ang ay ang bagong Ginnungagap.

Mga boss salamat sa panonood. Sana ay may bago kayong natutunan sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Freemason Part 1 – “Origins” – Totoo ba si Hiram Abiff o isang kwento lang?

Masonic Symbols, Satanist (Occultist) at Clean Meaning