Corona Virus Hoax, Fake News and Conspiracy

Reading Time: 32 minutes

Topics

Muli nanaman tayong nagbabalik sa Corona Virus.Ang pag-uusapan natin ngayon ay ang mga kumakalat na conspiracy, misinformation at mga hoaxes.

Update muna tayo kung ano na ba ang nangyayari.So, nito lamang January 31 nagdeklara na nang global health emergency ang World Health Organization dahil sa kumakalat na Corona Virus. Ayon sa chief nito na Tedros Adhamom Ghebreyesus


“The main reason for this declaration is not what is happening in China but what is happening in other countries,”

Ang buong bansa ng China ay nakalockdown dahil sa kumakalat na virus na ito, at halos wala ka nang makita na naglalakad sa kanilang kalsada. Ang lugar ng Shanghai na mayroong halos 24million na katao ay hiindi na halos lumabas. Makikita sa ilang mga video ang mga lagay ng mga tao na nakatira sa ilang lugar ng china.

Makikita ang mga tindahan na sarado, isang malinis na daan, walang taxi, walang train at ang mga nakadorm sa ilang unibersidad ay kailangang dumaan sa isang temperature checking sa tuwing sila ay lalabas at sa tuwing sila ay papasok.

Makikita sa isang video ang pag shutdown o panandaliang pagsasara ng kanilang Campus dahilan upang magsara din ang canteen ng mga nito at mapilitang bumili sa ilang tindahan na bukas ang mga ito.

Nitong January 31 din ay naireport na ang halos sampung libo na ang nakitaan ng sintomas patungkol sa virus na ito. Hindi ito sa buong mundo ngunit sa bansa lamang ng China, at halos 258 na katao na ang napapabalitang namamatay. Kung isasama ang buong kaso sa buong mundo, estimated nasa more than 12,000 na ang mga taong nakakaranas nito.

Ngunit ayon sa World Health Organization ang mga taong nsas labas ng China na nakakaranas ng virus na ito ay wala pang napapabalitaan na nasawi ang buhay. Well atleast that’s a good news.

So , pag-usapan natin kung ano ba ang tingin ng ibang tao patungkol sa virus na ito na hanggang ngayon ay hindi pa nahahanapan ng lunas ng mga eksperto.

Misinformation:

Unahin natin ang mga naglalabasan na MALI patungkol sa virus na ito. Nito lamang January 25, 2020 kumalat sa internet o sa Facebook to be beact ang isang mensahe para sa mga tao. Ang nakalagay dito ay (virus is not bacterial infection hence cannot be treated by antibiotics)

“The prevention method now is to keep your throat moist, do not let your throat dry up. Thus do not hold your thirst because once your membrane in your throat is dried, the virus will invade into your body within 10 mins. “

“Everytime you feel your throat is dry, do not wait, keep water in hand. Do not drink plenty at one time as it does not help; instead, continue to keep throat moist.”

Isa pang kataga upang mas lalong paniwalaan ito ng mga nakakarami ay ang nakalagay na “DOH Health Bulletin to the Public”

Ang mensahe na ito ay hindi lamang sa Pilipinas kumalat maging sa iba pang bahagi ng mundo, tulad na lamang sa Canada, at sa India. Ngunit kung tayo ay magsesearch patungkol sa mga report o hindi naman mismo sa ilang interview na mula sa mga eksperto at doktor na pinag-aaralan ang virus na ito, mali ang impormasyon na it dahil hindi ito kumakalat sa panunuyo ng lalamunan ng isang tao.

Hindi maririnig sa balita na kailangan ay panatilihin lamang na basa ang lalamunan ng isang tao at siya ay maari nang hindi matamaan ng sakit na ito. Ang isang pinaka magandang gawin ay ang pananatili nating malinis sa lahat ng bagay.

But wait theres more, hindi lamang ito ang mga naglilitawan na pekeng impormasyon, laman na nang Twitter, instagram, Facebook at maging ang Youtube ang ilang mga balita, video, claims patungkol sa mga nangyayari sa buong mundo at sa loob ng China.

Isang balita mula sa kinikilalang Hal turner Show ang nagsabi na halos 112,00 na ang mga taong namamatay mula sa virus na ito. Ang mga naka quaratine upang macheck at malaman kung positive ba o negative ang mga ito ay nasa 23million na katao, at hindi lang yan. Ayon pa sa website na ito ay nasa 2.8 million na ang apektado ng nasabing Virus.

Nakalagay pa ang mga katagang

“China is completely out of control,and is killing THOUSANDS everyday”.

dahilan upang kung sino man ang makabasa nito ay paniguradong magpapanick.

Well, kung titignan at makikinig tayo sa ibang report patungkol dito, ang tao na nakalock down sa Shanghai, Beijing, Wuhan at sa iba pang bahagi ng China ay aabot sa halos 60million. Ang mga taong ito ay hindi hinahahayaan na makalabas sa kanilang bansa at pumunta sa ibang lugar.

Kung tayo pa ay magbabasa ng ibang report, halos 259 pa lang naman ang napapatay ng virus na sana ay huwag nang madagdagan pa. Ang infected naman ay aabot na sa hanngang 12,000 na katao sa buong mundo, o sa china ay aabot sa 11,800

Patuloy pa din ang pagoobserba sa mga taong ito hanggang sa oras na ito.

Isang tweet mula sa [email protected] ang gumimbal din sa mga ilang nakabasa nito, ayon sa post nito ay laganap na sa China ang mga taong namamatay na lamang sa daan at isinama pa nito ang pagsasabi “Daw” ng World Health Organization na

“Each country is on its own”

Kung makikinig tayo sa bawat balita na nailabas ng WHO, o ibang interview sa director nito ay wala naman itong nabanggit na mga ganitong kataga.

Ayon sa Tweet ni Jordan Sather ay mayroon nang mga pag-aaral parungkol sa virus na ito noong 2015 at inaprubahan noong taong 2018. Well yes, it’s true na mayroong ngang pag-aral patungkol sa corona virus ngunit hindi sa NOVEL CORONA virus.
Ngunit kung ating maalala, ay isang Corona virus ay hindi lamang isang uri ng Virus ngunit ito ay mayroong iba’t ibang uri. Tulad na lamang ng avian corona virus o ang virus na nakikita sa mga ibon. Ang pag-aaral ay para lamang sa Corona na tumatama sa iba’t ibang ibon. Sana clear tayo ditto, Let me reiterate the information, totoo na noon pa nagaaral sa corona virus dahil nuon pa kilala na itong virus na ito. To put it simply, ibang kamaganak ng corona virus ang tumatama sa tao ngayon. Hindi ito ung nagparalan at naaprubahan nuong 2018.

Isa naman picture at isang caption ang inilabas ng 9Gag, 9gag, my favorite, ito ung facebook ko, well lumalayo na tayo sa topic ito ay larawan ng dalawang bata na nakalagay sa caption ay “Parents abandones sick kids at airport and Flew away amid ourbreak. Well, hindi pa ito naiillalabas ng mga media at hindi pa ito napapatunayan hanggang ngayon.

Lumabas naman sa isang site ang patungkol sa Federal Emergency Management Agency o FEMA na ito ay nais na humingi sa gobyerno ng isang martial law upang mas lalo pang mabantayan ang pagkalat ng virus. Ngunit ayon sa isang interview nang isa sa press secretary nang FEMA na si Lizzie Litzow, ang mga ito ay hindi nagsabi o nagsuggest ng isang martial law.

Ayon naman sa isa pang tweeter user na Breaking 911, naireport nito na mayroon nang 23 katao sa United states ang kumpirmado sa virus na ito, ngunit ayon naman sa CNN ay pito pa lamang ang mga taong nakukumpiramang pasyente na positibo sa virus.

Isang tweet naman patungkol sa Cannabis o sa isang droga ang ipinost ni Peter Jonathan [email protected] Ayon sa taong ito ay makakatulong ang isang marijuana dahil it ay mayroong antiviral medicines at ito ay nakakapag boost ng immune system ng isang tao. Ito ay hindi pa aprubado ng eksperto ni hindi pa din napapagaralan ang koneksyon ng cannabis sa corona virus. Kaya’t wag magpapaniwala basta basta baka mamaya bumili ka na agad dahil Nakita mon a nakakatulong kuno.

Ayon naman mismo sa gobyerno ng India, makakatulong ang tinatawag na homeopathy o paggamit ng halamang gamut. Ito ay maaring makatulong upang maiwasan ang pagkabit ng virus sa katawan ng isang tao.

Again, NO VACCINE OR MEDECINE na direct mismo na magpapagaling mula sa Novel corona virus as of now. Although meron ng mga developing news sa vaccine hindi pa ito narerelease sa publiko.

Ang pinaka huli ay ang paggamit ng Air purifiers upang mapatay ang nakakatakot na virus, ngunit sadly, hindi rin ito makakatulong.

Isang video pa ang kumakalat sa Facebook na patungkol sa pasyente na pinaniniwalaan na positibo sa virus ang ginagamot sa isang ospital. Ayon sa caption ay

“Korona virus, very new deadly form of virus, china is suffering, may come to India immediately, Team ForChange NGO is requesting to everyone to avoid any form of cold drinks, ice creams, koolfee, etc, any type of preserved foods, milkshake, rough ice, ice colas, milk sweets older then 48 hours, for at least 90 days from today.”

Iba’t ibang video pa ang mga nasilbasan katulad na lamang ng ilang pasyente na tinatanggalan ng uod sa kanilang labi at maging sa iba pang bahagi ng kanilang katawan at iniuugnay ito sa corona virus which is wala silang connection kahit ano. Ang tinanggal sa pasyente ay isang botfly at hindi si corona virus, wala pong uod ang virus na ito.


Lahat ng nabanggit ko ay mga misinformation na kalat na kalay sa social media. Please lang kapag may Nakita kayo sa mga nabanggit ko sa social media, do the right thing at sabihin nyo na wag silang magpakalat ng fake news dahil hindi ito nakakatulong sa atin.

The Photo:

Isa ding larawan na ipinost sa facebook ang kumakalat at patuloy na shinashare ng ilang tao. Ang larawan ay mula sa isang account na nagngangalang Yed Felistinesia, ayon sa kanyang caption


“Satellite photo in China More people are dying, the antidote has not been discovered, no soldiers from any troops who are able to prevent this virus is this a punishment..?”

Ang litrato na nakalagay dito ay mga taong nagkalat at nakahiga sa daan ng isang lugar. So, kung nakita mo man ito, hindi ito mula sa China. Ito ay isang art project na naganap noong 2014 upang alalahanin ang mga biktima sa Nazi’s Katzbac concentration camp sa Frankfurt.

Ayon sa Reuters kung saan isa sa nagpublished ng tunay na litrato noong March 24, 2014,


“People lay down in a pedestrian zone as part of an art project in remembrance of the 528 victims of the Katzbach Nazi concentration camp, in Frankfurt, March 24, 2014. “


Please wag nyo nang ishare sa social media kapag Nakita nyo ang litratong ito.

Bleach and Salt Water:

Lumalaganap na din sa social media ang mga bagay na maaring gawin tulad na lamang ng pagmumumog ng isang tubig na mayroon asin. Ang paalala na ito ay mula kay Zhong Nanshan na isang scientist mula sa National Health Commission na isa din sa tumulongna gumamot sa mga pasyente noong lumaganap ang Severe Acute Respiratory Syndrome o SARS sa China at Hongkong noon.

Ayon sa kanyang post sa social media

“I suggest everyone rinse his/her throat with diluted saline water before going to hospitals or other public areas, and rinse again upon returning home. Since virus or bacteria lurks in the pharynx after first entering through the nasal cavity, diluted saline water can kill the bacteria right away so as to prevent infection.”

Dagdag pa nito, noong lumaganap ang SARS ay ito ang ipinagawa niya sa mga tinuturuan niyang studyante at ni isa dito ay walang namatay. Dahil dito ay kumalat na din ito sa iba’t ibang site at malamang sa iba pang tao sa labas ng social media. Ngunit ito ay kaagad na sinagot ng isang ospital sa China ang Hospital of Guangzhou Medical University,ayon sa Weibo( isang sikat na media site sa China)


“Saline helps clean the mouth and throat, and is helpful for curing pharyngitis. However, the new coronavirus invades the respiratory tract, which cannot be cleaned by mouth rinsing. While our understanding of the disease is still evolving, the best advice we can give people right now is to do things like wash their hands frequently, practice good respiratory hygiene”


So wag nyong ubusin ang asin kakamumog.

Ang isa pa sa lumabas ay ang isa sa pinaka nakakatakot kong nabasa, ito ay galing lang naman sa isang samahan na tinatawag na QAnon. Ito ang pagpupursigi sa mga tao ng uminom ng isang Bleach. Oo Bleach, like what? kahit si google ay sasabihin na mali ang pananaw na ito. So, alam natin na isang bleach ay nakakapatay ng mga Fungi, bacteria , at mga viruses sa ating bahay na hindi natin nakikita. Pero it should not enter our body.

Kung iinumin ito ng isang tao, una magsusuka lang naman ito, hindi lamang basta suka ngunit dugo ang isusuka nito. Pagkatapos ay kaya nitong lusawin hindi lamang ang lalamunan mo ngunit pati ang mga laman loob sa iyong katawan. So oo, mapapatay nga nito ang Novel Coronavirus pero mapapatay ka rin nito. You know why ito ang pinakanakakatakot? Dahil may mga tao na posibleng subukan ito with little dosage. Alam naman natin ang internet marami ng guillible na mga tao ngayon. Pero sana walang gumawa nito hindi lang sa atin, pati na rin sa ibang bansa.

Food Contamination:

Ito hindi sa atin pero its worth mentioning dahil who knows baka gawan din ito ng post tapos baguhin ang mga details para magmukhang totoo. Laganap na sa Sydney, Australia ang isang Facebook post patungkol sa iba pang kontaminadong mga pagkain na nagmula mismo sa mga katabing bayan ng Wuhan. Ayon sa post


“As the disease is starting to spread in the greater Sydney region. I would like to warn wholesale shops and buyers on the risk of buying contiminated products.”
-wuxhang rice
-xiaozhan rice
-fortune cookies
-nongsshim onion rings
– Mi Goreng noodles
-peach ice tea (Lipton)
-yakult milk drink
-Chinese red bull (traces may also be held in normal red bull)
-wagyu beef

Ayon sa posts na ito galing daw ito kuno sa new southwhales health which is a hoax dahil hindi nagpalabas ng ganuong statement ang kanilang gobyerno. So again, kung may Makita kayong posts na pinagbabawalan tayo kuno tungkol sa mga products nay an, please please, verify nyo muna kung galing talaga sa DOH bago nyo ishare.

Bat:

Dahil nga ang isang corona virus ay nakukuha sa isang hayop, isa namang video mula sa isang sikat na Chinese internet celebrity ang lumabas at nagkalat sa social media. Ang video ay mula sa isla ng Palau at ang pagkain niya ng isang paniki. Ipinapakita niya na ang pagkain ng paniki ay masarap. Ang video ay kanyang ipinost nong 2016, ngunit muling lumaganap ngayong 2020 at umani ng madaming reaksyon.

Ayon sa internet celebrity na ito, wala siyang ideya sa kung anong mayroon sa pagkain ng isang paniki, o kung ano mang virus ang maari nitong madala sa isang tao. Wala itong kaalam alam na ang isang paniki ang isa sa pinaka main source ng corona virus.

Umani ng maraming backlash ang nasabing babae. Pero just to be clear, hindi sya ang dahilan kung bakit kumalat ang novel corona virus. Malas nya lang at naposts nya sa social media ang ganun at nagging sentro ng atensyon ngayong may bagong virus na naman.

Hindi pa dito natatapos ang mga maling paniniwala patungkol sa kung paano nakukuha ang isang Corona virus. Nito lamang January 26,2020 kumalat ang isang post nanaman sa facebook na ang virus na ito ay isnag uri ng rabies. Ayon sa post

“Sa ngayon po ang coronavirus ay galing sa bat ay isang uri ng rabbies.. na nakakain ng tao.. ganon din ang pagkain ng aso sa china na may rabbies din ang kumain ng bat at aso ay delikado ito ay nagiging matapang na rabies at sa pagkain nila ng insekto tulad ng lamok na may dengue at pag pinagsanib itodengue at rabbies ito ay nagiging mutan… ang coronavirus ay isang uri ng rabies… “

Corona virus is not rabies. Hindi ko alam bakit pinapakalat nito na rabies ang corona virus. Hindi po. Magkaiba ang atake ng rabies at corona virus. Kaya wag kayong magpapaniwala na rabies kuno ang corona virus.

Social Media and Responses:

Kung tayo man ay makakakita ng mga na nagsisilabasan sa kahit anong site ng social media ay huwag kaagad maniwala. Ang mga impormasyon na kanilang ikinikalat ay maaring mali ang sources na pinagkuhanan.

Maaring gawa lamang ito ng taong gusto kumita o di naman kaya ay takutin ang mga tao. Dahil ang mga bagay na ito ay kadalasan na nakikita sa loob ng Facebook, dahilan upang maraming makakita at mdali itong kumalat sa iba. Ayon sa New york post, pinagpaplanuhan ng FACEBOOK na tanggalin ang mga nagkalat na maling impormasyon, theories, at mga conspiracy patungkol sa virus. Ayon nga sa HEad of health ng Facebook na si Kang-Xing Jin

“Our global network of third-party fact-checkers are continuing their work reviewing content and debunking false claims that are spreading related to the coronavirus. We will also start to remove content with false claims or conspiracy theories that have been flagged by leading global health organizations and local health authorities that could cause harm to people who believe them. “

Ito ay mula sa isang blog na inilabas niya nito lamang January 30,2020.

Ayon din sa iba pang samahan na humahawak sa mga malalaking social media sites ay gagawa din ng paraan upang maiwasan ang pagpopost ng mga tao na ang pag-inom ng bleach ay maaring makaligtas sa mga tao.

Wake up, hindi ka maiiligtas ng Bleach mas papadaliin nito ang buhay mo.

Ang pag-aaral kung saan nga ba nakuha ang isang viurus na ito ay patuloy pa din na inaalam ng mga eksperto hanggang ngayon. Maraming nagsasabing mula daw sa ahas, ang iba sa paniki pero my friends, wala pang konklusibong sagot kung saan ito galing. Similarities pa lang ang sinasabi ng ilang mga eksperto, hindi porket similar eh dun na un.
Ang gamot ay hindi pa din nagagawa. Although may mga news na nasa process na ng pagdevelop ng cure ditto. Sana lang maipasa na agad. Dahil nagsisimula sa isang simpleng sakit ang corona, ang mga eksperto ay una nitong ginagamot upang hindi lumala ang kanilang pakiramdam.

Uulitin ko lamang, ginagamot ng mga doktor ang ilang mga nararamdaman ng mga pasyente tulad na lamang ng ubo, sipon ,pagsakit ng ulo. Ngunit ang gamot para sa pagpatay mismo sa Novel Corona Virus ay wala pa hanngang ngayon.

So, tapos na tayo sa mga maling impormasyon patungkol sa sakit na ito at sa mga maaring gawin upang makaligtas ang isa tao .Ang hindi pa masagot na tanong ngayon ay patuloy na pinagpipiyestahan ng mga conspiracists na nagiging dahilan upang maituro sa isang bagay ang tunay na pinagmulan ng mga nito.

5G:

Unahin na natin ang 5G network na laganap sa bayan ng Wuhan sa China. Alam naman natin na ang China ang isa sa pinak advance at nangunguna pagdating sa mga bagong teknolohiya.

Sa bayan ng Wuhan, limang lugar ang pinatayuan ng gobyerno upang magkaroon ng 5G connection. So, masasabi natin na napapalibutan ng 5G network ang buong bayan ng Wuhan. Noong October taong 2019, ang mga telecoms company sa China ay nagpahayag na magpapalaganap nang mga phone service na gumagamit ng 5G network.

Ngunit dahil hindi pa naman napapatunayan ng mga eksperto ang m ga maaring gawin ng 5G sa katawan ng isang tao, o mga balita na ito ay nakasira na nang immune sysytem ng isang tao. Ito ay magsisilbi pa din na isang teorya.
Pero just to be clear ang radiation ay nakakasira hindi nakakagawa. Kung meron mang itong epekto sa tao, ito ay sisirain ang katawan nito mga cells o kung ano pa pero hindi nito kayang magproduce ng virus o bacteria. Please be advise sa conspiracy na ito.

Bill Gates Created it:

So, sino si Bill Gates? para sa mga hindi nakakakilala ditto, ito lang naman ang former CEO ng Microsoft. Ayon sa isang samahan kung saan sumusuporta sa presidente ng America na si Donal Trump o ang QAnon movement kasama na ang anti-vax community.

Ayon sa mga ito ay pakana ni Bill Gates ang nangyayari ngayon sa China. Ayon sa mga sabi-sabi ng mga naniniwala dito ay maaring ginawa ni Bill Gates ang virus mula sa kanyang nonprofit organization’s funding sa Pirbright Institute na nasa UK.

So, ang institute na ito ay nag-aaral patungkol sa iba’t ibang sakit, virus at iba pang inpeksyon na tumatama sa mga farm animal. Ang mga sakit na ito na kanilang pinaniniwalaan na maaring makaapekto sa iba pang hayop at maging sa mga tao. So, ayon mismo sa institusyon na ito, nagkaroon sila ng pag-aaral kung paano mapahina ang isang strain ng isang Corona virus, at maari itong gamitin bilang isang vaccine upang hindi na makapanghawa pa sa iba pang mga hayop.

Ngunit ang vaccine na ito ay hindi gumagana kung ituturok sa isang tao na apektado ng bagong corona virus.

May mga ilang conspiracists na naniniwala na ang dinevelop talaga ng grupo ni billgates ay hindi vaccine bagkus ang new strain na ito kuno. So kung totoo nga na ito ay dahil sap ag-aaral ni bill gates, bakit sa china lumaganap? Isa pa, kinakalimutan natin na ang isang klase ng corona virus ay sa china rin lumaganap, so sa china lang nila pinapadala ang viruses? Bakit hindi sa Russia? Bakit hindi sa india? Kung dami lang ng tao ang paguusapan, madami din ang india.

Sobrang labo ng conspiracy na ito, isa pa itong qanon ito ung nagsabi na ang paginom ng bleach ay makakaptay ng corona virus, kung un pa nga lang suicidal na ang gusto, tapos may mga taong naniniwala sa ganitong impormasyon. Hay naku. Check the credibility of a source bago kayo maniwala. Hindi masamang maniwala sa conspiracy, masama kung para kang tupan a sunod ng sunod na hindi man lang nagiisip kung tama ba ang conspiracy o mali.

Bioweapon:

Syempre hindi mawawala ang mga teorya hindi lamang nagkalat s loob ng internet ngunit laman na din ng iba’t ibang palabas na napapanuod ng mga tao. Ayon sa iba, naniniwala ang mga ito na ang virus ay mula mismo sa China, ngunit ito ay ginawa at basta na lamang pinalaganap sa mga tao.

Ayon sa ilang report, isang Israeli biological warfare analyst ang nagsabing mayroong isang laboratoryo sa Wuhan na pinaniniwalaan na hawak ng gobyerno ng China upang gumawa ng mga biological weapons program. Ito ay si Dany Shoham, na isang former Israeli military intelligence, na minsan nang pinag-aralan ang Chinese biological warfare. Isang tao na humahawak ng isang doctorate sa mundo nang medical microbiology.

Dahil ang lahat ng bagay ay kailangan ng pruweba, lumabas muli ang isang report mula noong nakaraang 2015. Ang report ay patungkol sa pagpapakita mismo ng China ng kanilang virus research laboratory na kinikilala bilang Wuhan Institute of Virology. Dahil dito, maraming mga tao ang naniniwala na dito mismo ginawa ang nakakatakot, nakakabahala at nakakamatay na COrona viryus.

Dagdag pa nito na ang institusyon na ito ay nakakabit din sa Beijing’s covert bio-weapons program.

“Certain laboratories in the institute have probably been engaged, in terms of research and development, in Chinese [biological weapons], at least collaterally, yet not as a principal facility of the Chinese BW alignment,”

Ngunit ayon naman sa China ay walang katotohanan ang mga bagay na isinisisi mismo sa kanila. Isa pa kung magogoogle search kayo, walang evidences na magbabackup sa claims na ito. Lahat ng ito ay purong sabi sabi lang, tsismis kung baga.

Actually ang bioweapon o biochem na ito ay hindi na bago, nuong sumabog ang balita tungkol sa sars, pinaghinalaan din ang china na ito ay isang biochemical weapon. Naayon binuhay na naman ng mga conspiracists ang topic porket galing na naman sa china.

China and Canada:

Hindi pa dito natatapos ang ilang mga akusasyon na ang virus na ito ay mula mismo sa mga eksperto na mula sa China.Ngunit hindi lamang sila mag-isa ngunit ito ay nakakuha ng tulong mula sa iba pang bansa, ang bansang Canada.

So, ang nagreport lang naman nito ay isang blogger na kinikilala bilang si Zero Hedge. Kilala ang taong ito bilang isang analysist at kilala din na nagpapalaganap ng maling impormasyon online. Sa kanya lang naman nagsimula ang isang balita na inilabas ng isang website na tinatawag na Great Game India.

Ayon kay Zero, ang virus ay gawa ng mga Chinese upang matignan kung ano ba ang magiging epekto ng ginawa nilang bioweapon. Ayon naman sa Great Game India

“Last year a mysterious shipment was caught smuggling Coronavirus from Canada. It was traced to Chinese agents working at a Canadian lab, Subsequent investigation by GreatGameIndia linked the agents to Chinese Biological Warfare Program from where the virus is suspected to have leaked causing the Wuhan Coronavirus outbreak.”

Dahil na din sa ginawa na pagpost ni Zero, ang kanyang twitter account ay tinanggal mula sa twiiter at madaming netizens ang nagulat sa nangyari dito.

So, ang Wuhan Laboratory ay 20 miles away lang naman sa palengke ng Wuhan na mismong pinagsimula ng virus.

Ayon sa Politifact, wala pang ebidensya patungkol sa bagay na ito. Ayon sa report ay mayroon isang Chinese scientist na under investigation pero ito ay dahil pumunta sya ng wuhan. Pero hold your horses, walang ebidensya na maglilink na ito ay nagbigay ng virus sa wuhan. Isa pa ang mga scientists na ito ay pinagaaralan ang MERS hindi ang novel coronavirus.

Although may mga naglalaro sa isip ng iba lalo na sa mga conspiracists, wala pang patunay na ito ay totoo at again, sino ba namang gagawa ng ganito sa sarili nyang bayan considering may pamilya sya. Isa pa, tinanggal ang mag-asawa pati ang mga estyudyante nito sa wuhan lab nuong July 2019. Sumabog ang virus nitong December 2019.

Other Country’s Racism:

Hindi lamang ang mga Chinese na mula sa China ang nakakaranas ng matinding Diskriminasyon mula sa iba pang bansa. Ang mga taong hindi umalis ng bansa mula at bago pa maganap ang virus ay nakakaranas ng matinding diskriminasyon sa kanilang bansang tinitirahan.

Ang mga tindahan ng mga pagkain na pagmamay-ari ng mg Chinese hindi lamang dito sa Pilipinas ngunit maging sa ibang bansa ay humihina dahil sa bansa nila nagmula ang Virus na kumakalat.

Hindi lamang ang isang Chinese ngunit maging ang ibang Asyano na napupunta sa North America.

Ang mga ito ang ilang mga maling impormasyon na nagakalat sa social media. Lahat tayo ay mayroong sariling paniniwala ngunit ang paghahanap ng ilang bagay upang mapatunayan ang mga ito ay isang bagay na magandang gawin para magkaroon ka mismo ng sariling pananaw na alam mong tama ito, at hindi mali.

Kung basta basta na lamang tayo sa sabi-sabi ng ibang tao at hindi maghahanap ng anumang ebidensya. Ang na ang mangyayri sa atin?

Ang mga katanungan tulad na lamang ng

Saan nga ba nagmula ang virus?
Mayroon bang gamot dito ?
Ilan na nga ba ang napapatay nito?
Ilan na ang apektado ?
Ano na ang kalagayan ng mga taga China?
Ano ang magagawa natin upang lubos na hindi pasukan ng virus na ito?
Ang gobyeno ba ng China ang may pakana ng Lahat ?
Ano ang dinadanas ng mga Chinese nationality sa ibang bansa ?

Mga boss, don’t hate. Hindi rin ginusto ng mga Chinese na magkasakit sila, hindi ginusto ng mga Chinese na magmula sa kanila ang virus. Oo dahil na din marahil sa kanilang kultura na kumakain ng mga fresh meat but put yourselves in their shoes, sabihin natin na isang tao ditto sa pinas nagkaroon ng corona virus at ditto nagmula, how would you feel? Tapos makikita nyo sa mga facebook posts na kulang na lang eh mamatay ang mga Chinese dahil sa mga masasakit na salita. Wag natin lahatin, oo may isang taong nagging sources o tulay para mapasa ito pero kung alam nyo un, do you think gagawin nya pa rin? Its an accident, an accident means hindi sinasadya kaya nga aksidente.

Sa mga facemasks na galing sa wuhan, marami akong nakikita nito, kesyo wag tanggapin kas inga galing sa wuhan. Ang corona virus ay virus hence the name. Ang virus ay kailangan ng isang living organism para mabuhay, ang facemask at ang carton, living organism ba yan? Definitely no. Alam ko paranoid kayo pero hindi po nabubuhay ang virus sa non living organisms.

Another thing I want to address, marami akong nakitang mga posts ng mga Chinese na namimigay ng mga face masks at maraming mga utak monggo na sinasabing gusto tayong mahawa ng mga Chinese secretly dahil ang mga facemasks ay carrier. Nasaan ba ang utak ninyo at ganyan kayo magisip? Masakit para sa mga ibang Chinese at pinoy ang makabasa ng ganyang katwiran sa social media. Ginagawan ka na ng mabuting loob pero ikaw tong si gago hindi mo nakikita yon at ang nakikita mo ay pagttraydor. Kung ganyan ang isip mo, wag mong lahatin. Sarilihin mo na lang.

Hindi ko sinasabing yakapin nyo ang Chinese, ako mismo pabor ako nuon pa na iban ang mga Chinese temporary kasi nga prevention is better than cure. Pero ung mga Chinese na nandirito, they don’t deserve to be treated like that. Hindi din naman nila ginusto un. Kaya nga sila na mismo ang nageextend ng helping hand kasi alam nila na sa bansa nila nagmula ang virus na kumakalat, they don’t want it but theres nothing they can do about it. Kaya nga pinapakita nila na ang kabutihang asal.

Kung pinagmalupitan ka ng Chinese o may nakaaway kang Chinese at ditto ka kumukuha ng sama ng loob, wag mong lahatin. They are people too and they don’t deserve to be treated like shit.

Sources

Sources

  1. https://edition.cnn.com/asia/live-news/coronavirus-outbreak-02-01-20-intl-hnk/index.html
  2. https://www.bbc.com/news/world-51318246
  3. https://www.politifact.com/facebook-fact-checks/article/2020/jan/24/fact-checking-hoaxes-and-conspiracies-about-corona/
  4. https://www.buzzfeednews.com/article/janelytvynenko/coronavirus-disinformation-spread?bftwnews&utm_term=4ldqpgc#4ldqpgchttps://www.altnews.in/video-of-parasite-removal-from-a-persons-lip-falsely-linked-with-coronavirus/
  5. https://factcheck.afp.com/2014-photo-people-participating-art-project-frankfurt-germany
  6. https://www.thedailybeast.com/qanon-conspiracy-theorists-magic-cure-for-coronavirus-is-drinking-lethal-bleach
  7. https://factcheck.afp.com/saline-solution-kills-china-coronavirus-experts-refute-online-rumour
  8. https://edition.cnn.com/asia/live-news/coronavirus-outbreak-02-01-20-intl-hnk/index.html
  9. https://www.washingtonpost.com/world/coronavirus-china-latest-updates/2020/01/27/3634db9a-40a7-11ea-aa6a-083d01b3ed18_story.html
  10. https://factcheck.afp.com/china-coronavirus-australian-authorities-refute-hoax-about-contaminated-foods-and-locations
  11. https://www.scmp.com/news/china/society/article/3047683/sorry-about-tasty-bat-chinese-online-host-apologises-travel-show
  12. https://factcheck.afp.com/philippine-health-chief-dismisses-ridiculous-hoax-novel-coronavirus-type-rabies
  13. https://about.fb.com/news/2020/01/coronavirus/?mod=article_inline
  14. https://nypost.com/2020/01/31/facebook-to-remove-posts-spreading-coronavirus-conspiracy-theories/
  15. https://fullfact.org/online/wuhan-5g-coronavirus/
  16. https://www.forbes.com/sites/dawnchmielewski/2020/01/28/tiktok-used-to-spread-misinformation-about-the-coronavirus/#6a64466d16d6
  17. https://www.washingtontimes.com/news/2020/jan/26/coronavirus-link-china-biowarfare-program-possible/
  18. https://www.politifact.com/facebook-fact-checks/statements/2020/jan/28/blog-posting/websites-spin-conspiracy-theory-about-coronavirus-/
  19. https://web.archive.org/web/20200127162644/
  20. https://www.zerohedge.com/geopolitical/did-china-steal-coronavirus-canada-and-weaponize-it?fbclid=IwAR2LSgPr1-apkrpZYqIeVmWAPJkL990exp7zilE9g4qDXTwiHoD2Nai08H8
  21. https://www.politifact.com/facebook-fact-checks/statements/2020/jan/28/blog-posting/websites-spin-conspiracy-theory-about-coronavirus-/
  22. https://www.aljazeera.com/ajimpact/coronavirus-disrupt-india-smartphone-production-200130201710771.html
  23. https://thehill.com/changing-america/respect/diversity-inclusion/480749-the-coronavirus-is-causing-an-outbreak-in-anti

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

ANU ANG SKY CREMATION?

Zombie Deer Disease