Chupacabra posibleng totoo?

Reading Time: 10 minutes

Sa previous video na establish natin ang simula ng chupacabra. Although posible nga na nainfluence lang ito ng pelikulang species, maraming naniniwala na isa itong totoong nilalang. Katulad na lang ng Bigfoot, nagsimula nuong naipublish sa media ang foot prints, duon lang kumalat ang balita at naparami ang sightings. Ganito rin ang nangyari sa chupacabra. Sa case naman ng chupacabra, nabigyan ito ng attensyon sa popular na talkshow na christina kung saan tinalakay ang atake ng chupacabra nuong March 1996, dagdagan pa ng mga prank calls at mistaken identiy you’ll have the full blown identity of cryptid.

So sabihin na nating peke nga ang chupacabra, papaano maeexplain ang atake nito at ano ang mga pinadalang mga sample ng mga taong nakapatay kuno ng chupacabra?

Galis:

Maraming nagsasabi na nakapatay sila ng chupacabra at ang iba naniniwala talaga na nakapatay sila kaya’t pinapadala nila ito sa mga eksperto bilang patunay.

Ang resulta ay hindi kaaya aya para sa mga pseudoscientist pero kahit papaano ito ay nagbigay ng kakaunting liwanag sa kung anong dahilan ng mga pag atake dahil halos lahat ng mga pinadalang specimen kundi mga coyotes, mga wild dogs o hinid naman kaya mga racoons. Bulalord tingin mo sa mga tao na napatay ng hayop hindi alam ang pagkakaiba ng mga yan?

Well mga boss, yes, lalo na’t kung ito ay halos kakaibang itsura. What i am saying mga boss is, nakakita na ba kayo ng galisin na aso? Yung tipong walang balahibo na parang gremilins na ang itsura. That mga boss is a regular misidentification ng chupacabra.

You see mga boss, nuong pinagaralan ng mga eksperto ang mga specimen na pinadala sa kanila. Isa ang evident dito, well besides hindi ito chupacabra. Lahat ng specimen ay affected ng isang parasite na tinatawag na sarcoptes scabiei canis na syang dahilan ng galis.

Ang parasite na ito ay dahil sa maliit na insekto na naghuhukay sa balat ng apektadong hayop at nagkakaroon ng allergic reaction. Ang reaction nito ay kadalasan malala to the point na nagiiba ang itsura ng isang hayop dahil sa naglagas na ang mga balahibo at the same time sa sobrang pangangati, minsan kinakagat na nila ito.

Ang resulta nito, ang mga farmers at ibang mga tao na nakakita ng ganitong nilalang ay inaakala na ito ay ang chupacabra at sa takot na atakihin ang kanilang mga alaga, pinapatay nila ito.

Blood:

Okay sige bulalord, sabihin natin na isa nga itong galising aso o racoon, papaano mo maeexplain ang pagkawala ng dugo? Wag mong sabihing gawa gawa lang ito ng mga tao, andaming reports tungkol dito.

For sure, ganyan ang mga umaandar sa mga utak ng ilang mga naniniwala sa chupacabra. I just want to be clear mga boss, hindi lahat ng alleged victim ng chupacabra ay naexamine ng mga eksperto so babase lang tayo sa mga naexamine nila.

Ayon sa mga eksperto, nuong dinala ang mga patay na hayop para maexamine, nakita nila na meron pa rin itong mga dugo, hindi sya talagang hinigop o nawala. Totoong nagkaroon ng blood loss pero hindi ung naubos talaga kagaya ng kiniclaim sa mga reports.

Nuong ineksamin ito ng mga eksperto, nakita nila ang senyales ng lividity. Word of the day natin yan mga boss, ang lividity ay ang posisyon ng pagkamatay ng isang nilalang kung saan ang mga dugo nito ay naiipon sa lowest point ng katawan at mas lumalapot dahil nga wala ng nagpupump para dumaloy ang dugo sa mga ugat at dahil liquid, bumababa ito. Dahil dito nagkakaroon ng ilusyon na nawalan ng dugo ang hayop where in ang talagang nangyari ay naipon ito hanggang sa natuyo dahil na din sa lapot nito.

Kapag nakita na ng mga tao ang patay na hayop, usually ilang oras na ang nakalipas at dahil dito ang dugo ay bumababa na at lumalapot. Kaya’t kapag hiniwa ang nasabing nilalang, walang makikitang dugo dito na para bang hinigop at hindi ito ang ineexpect nating mga tao kaya’t kung ano ano ng naglalaro sa ating isipan.

Bite Marks:

I admit, sinubukan kong maghanap ng isang nilalang na posibleng mayroong tatlong bite marks pero wala ako nakita at dahil dito, isa ito sa pinakamalakas na ebidensya na totoo ang chupacabra dahil kahit saan tayo magtingin, walang hayop na may ganitong bitemars, believe me mga boss, naghanap ako. Pero baka nga meron, baka di ko nakita.

Pero ang dalawang bite marks ay kaparehas ng bitemark ng isang mabangis na aso at mga coyotes kaya’t sila pa rin ang nasa listahan. Ayon sa iba ito daw ay posibleng deformed teeth dahil nga sa severe cases ng galis.

Pero ayon naman sa ibang mga skeptics, kung totoo ang chupacabra, hindi ito basta basta mabubuhay lamang sa sa dugo, it will need meat. Oo merong mga vampire bat na sa dugo lang nabubuhay pero iba ang nutrients na kinakailangan ng paniki at full grown animal epsecially a land animal. Pero merong isang posibleng candidate at ito ay nuong sinaunang panahon pa.

Death Bat:

We go back mga boss, sa ancient years. Kung saan hindi pa uso ang internet. Ang mayan civilization ay naging dominante sa central america at southern mexico, 1300 taon na ang nakakaraan.

Ayon sa Mayan Mythology, ang nilalang na ito ay kilala sa waag na Camazotz o Death bat at ito ay inilawaran kwento ng mga mayans, 3 kwento to be exact. Ayon sa kwento, ang nilalang na ito ay isang paniki at mayroong mukha ng isang lizard, ang hirap tagalugin ng lizard, well hindi naman mahirap, ksai sa atin ang tagalog nito ay butiki, imagine nyo ang itsura nun diba.

So let’s stick with lizard. Ayan nawala na naman ako, tong butiki kasi. May mukha ng lizard at mayroong 2 kamay at nagiging estatwa tuwing umaga. Sounds familiar ba mga boss? Well ito ay halos katulad ng mga gargoyles. Ayon sa kwento, ang nilalang na ito ay nabubuhay tuwing gabi at maghahanap ng kanyang mabibiktima para makahigop ng dugo.

Possible True Victims:

Nito lamang 2018 ang 8 tupa ay natagpuang patay sa bayan ng matveevtsy sa easter ukrain Ternopil Oblast region.

Ayon sa may ari ng tupahan, nuong umaga nakita nya ang 8 tupa na magkakahiwalay na para bang pinatay sila isa isa. Ito ang nakakagulat dito mga boss, remember kanina sinabi ko ang lividity? well hindi sya nagapply dito.

ISang vet na mayroong 40 years experience ang tumingin sa mga napatay na tupa at dito nya natagpuan na mayroong mga butas sa paa at leeg, take note hindi 3 bite marks ha regular bite marks, ung tipong dalawang pangil, kaya lang ang kakaiba dito ay wala talagang dugo ang mga nasabing tupa. Eto pa, ang puso ng mga tupa ay wala ring mga dugo na parang sobrang lakas ng higop nito na pati ang mga dugo sa puso ay nawala.

Meron namang foot prints at base sa foot prints, isa itong canine. Pero mga boss, imposible na maging wolf ito dahil ang wolf o kahit anong carnivore ay kinakain ang mga laman ng kanilang biktima.

Hati ang reaksyon dito, may mga ibang nagsasabi na hindi ito local predator dahil kung ito ay local, hindi lang 8 ang bibiktimahin nito. Habang ang iba naman nagsasabi na isa itong fake event, para sa fame, habang ang iba naman naniniwala na isa itong kulto kung saan kinuha lang nila ang dugo at binalik muli sa kulungan. Whatever the case is, hindi pa rin ito malinaw.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Salem Witch Trials

Kapre