Christmas Tree Origins

Reading Time: 11 minutes

Hindi ba kayo nagtataka kung saan nagsimula ang tradisyon ng paglalagay ng christmas tree? Alam natin na hindi pilipino ang nagsimula nito, sa katunayan ito ay pinasa lamang sa atin nuong sinakop ang pilipinas. Pero, san nga ba nagsimula ito at anong konekta nito sa pasko? Anong konekta nito kay kristo?

Ancient History:

Bago pa mabuo ang kristiyanismo, ang mga halaman at puno na nanantiling berde sa buong taon ay may mahalagang kahulugan sa mga sinaunang tao lalo na kapag nanitili ang mga ito ng berde kahit na winter pa. Sa northeren hemisphere ang pinakamatagal na gabi ay bumabagsak sa deceember 21 o 22 at tinatawag itong winter solstice. Maraming mga sinaunang tao ang naniniwala na ang araw ay isang diyos at kapag dumarating ang winter ito ay nanghihina at nagkakasakit.

Ang mga evergreen trees ang nagpapaalala sa kanila na ang mga halaman ay tutubo muli kagaya ng araw na gagaling at sisikat muli.

Ang mga sinaunang egyptians nuon ay sinasamba ang diyos ng araw na nagngangalang RA. Si Ra ay may ulo ng isang ibon at nakasuot ng isang disk na parang araw sa kanyang korona. Sa panahon ng solstice kung saan pinaniniwalaan na si Ra ay nagisisimula ng magrecover mula sa kanyang sakit, ang mga egyptians nuon ay pinupuno ang kanilang bahay ng mga green plam na sumisimbolo na nanalo ang kanilang diyos sa kamatayan.

Ang mga sinaunang Romans naman ay ipinagdiriwang ang araw ng solstice at tinawag itong saturnalia. Ginagawa nila ito para magbigay galang kay Saturn, ang kanilang diyos ng agrikultura. Alam ng mga Romans na ang ibig sabihin ng solstice ay magiging masagana na naman ang kanilang ani, ang mga bukid at mga orchards ay magiging maberde ulit at mamumunga. Kaya naman ang mga ito ay nagdedecorate ng kanilang mga bahay at templo. Nilalagyan nila ito ng mga evergreens.

Sa northern Europe naman kung saan matatagpuan ang mga misteryosong mga druids, ang mga pari ng sinaunang celts ay dinedecorate din ang kanilang mga templo ng evergreen bilang simbolo ng everlasting life.

Ang mga vikings naman ng scandinavia ay pinaniniwalaan na ang mga evergreen ay mga espesyal na halaman ng kanilang diyos ng araw na si Balder.

Ang mga Christian Cults naman ay kinukunsidera na isang santo si eba at adan at ipinagdiriwang nila ito sa pasko. Nuong 16th Century, hindi na iba ang makakita ng isang grupo na nagpapalabas sa gitna ng kalsada, at ang kanilang performance ay tungkol kay adan at eba, ang istorya ng paglikha. Ang Garden of Eden ay sinisimbolo ng isang tinawag na “paradise tree” na mayroong nakabitin na mga bunga. Nakita ito ng mga clergy at binan ang ganitong practice. Kaya naman ang iba ay nagkolekta na lang ng mga evergreen trees at dinala sa kanilang bahay ng pasikreto.

Ang mga evergreen trees na ito na tinatawag nuon na paradise tree ay tinatali sa loob ng bahay. Dito ang mga pamilya ay magisisindi ng kandila sa bawat miyembro nito.

Ayan mga boss, oo nagsimula ang christmas tree bilang pagan traditions. Pero sa opinyon ko hindi naman ibig sabihin ay ineencourage natin ang pagan traditions sa pagtatayo ng ating christmas tree. Para sa akin, ang importante ay kung anong nasa puso mo, kung anong pinaniniwalaan mo hindi yung history ng isang bagay.

Symbolism:

Since natapos na natin ang history ng christmas tree, pumunta naman tayo sa simbolismo. Dito mga boss masasagot ang katanungan ninyo kung papaano naiugnay ang christmas tree sa kristiyanismo. Kung tutuusin maraming kwento sa kung papaano naiugnay ang evergreen sa kristianismo pero isa lang ang ididscuss ko mga boss.

Ang istorya na ito ay patungkol sa isang monghe mula sa grup ni st. benedict na si St. Boniface. Isa syang misyonaryo na kilala sa gawa nya sa Germany. Panahon ng winter Solstice nuon, nakita nya ang isang grupo ng mga pagan na sinasamba ang isang malaking oak tree. Nangimbal sya sa nakita nya dahil isa itong kalapastanganan sa diyos. Nakita ni Sy. Boniface ang isang itak at pinagtataga nya ang puno, habang ginagawa nya ito, sinisigaw nya sa grupo na tingnan ang kapangyarihan ng kanyang panginoon laban sa kanila. Ang oak tree ay sagrado sa kanila dahil ito ang puno ng kanilang diyos na si Thor. Hinhinitay ng mga pagans na tamaan sya ng kidlat pero hindi ito nangyari.

Ayon sa alamat, nuong naputol ang puno, ilang araw matapos nito ay tumubo ang isang fir tree. Mga boss gusto ko lang iclarify na ang fir tree ay same genus ng evergreen.

Maraming naniniwala na isa itong mirakulo, marami ding nagsasabi na tinaniman lang ito ng fir kaya tumubo ito dito.

Ang Fir mga boss ay pinaniniwalaan simbolo ng pagmamahal ng panginoon.

Dahil sa pagtubo ng fir sa isang oak tree, pinakita nito na mas malakas ang kapangyarihan ng panginoon kumpara sa mga pagan gods kaya maraming naconvert na pagans ng sumunod na taon. At ang karamihan sa mga ito ay nagsabit ng mga dekorasyon sa puno.

Rejections:

Nuong dumating ang 16th century sa germany, dito na kumalat ang christmas tree. Ang mga devout na kristiano ay dinadala ang kanilang mga christmas tree sa loob ng bahay at nilalagyan ito ng kandila. Pero ang mga Puritans nuong 17th century ay iniuugnay ang christmas tree sa pagan symbol. Mga boss sa mga hindi nakakaalam ang puritans ay mga English protestants nuong era na un, ang layunin nila ay ipurify ang simbahan ng england sa catholic practices.

Sa katunayan, pinagmumulta ng mga ito ang makikita nilang nagdadala ng christmas tree sa kanilang bahay. Gustong tanggalin ng mga puritans ang paniniwalang ito dahil nga ang layunin nila ay linisin ang simbahan ng england sa katolisismo, san ba nagsimula ang simbolo ng christmas tree? Oo mga boss, ang katolisismo ang nagattached ng kristianismo sa christmas tree.

Hindi nagtagumpay ang mga puritans dahil sa dami ng mga german at irish settlers nuon at hindi na nila napigilan pa ang paglago ng tradisyon.

Widespread:

Pinaniniwalaan na si Martin ang nagpasimula ng Christmast tree tradition. Ayon sa kwento, isang gabi, late ng umuwi si Luther at naglalakad ito sa kakahuyan ng napatingala sya at nakita nya ang kagandahan ng bituin na natatakpan ng fir tree. Para maishare ang experience na ito ay pinutol nya ang puno at dinala sa bahay. Dito nilagyan nya ng malilit na candila ang mga sanga para magsimbulong bituin na nakita nya.

Nuong 1846 Sina Queen Victoria at Prince Albert ay iginuhit sa London News, isang newspaper, kung saan nakatayo ang mga ito sa isang christmas tree. Si Prince albert ay dinecorate ang christmas tree. Dahil na din sa pagmamahal ng mga tao kay queen victoria, ginawa na rin nilang tradisyon ang paglalagay ng christmas tree at ornaments dito.

May mga nagsasabi din na ang talagang nagpalaganap ng christmas tree ay hindi sina queen victoria, bagkus ito ay si queen charlotte na asawa ni George the third. Si Charlotte ay isang german at lumaki na sincelebrate ang christmas ng may christmas tree at ito nga ay dahil kay Martin Luther. Nuong pumunta ito sa england, dinala nya ang tradisyon at tinayo ang kaunaunahang english christmas tree sa windsor palace nuong december taong 1800. Nuong nakita ito ng mga upper class families, kinuha na din nila ang tradisyon.

Mga boss ang pinagkaiba ng kwento ng 3 ay sa 2 kung saan si Martin Luther at queen charlotte ay mga kwento lamang, walang patunay na nangyari ito, ibig kong sabihin mga boss hindi katulad ng kala queen victoria kung saan nilabas pa ito sa mga dyaryo. Kaya pinaniniwalaan na sila queen victoria ang nagpalaganap ng christmas tree sa modernong taon.

Kandila:

Kagaya nga ng naunang tradisyon, ang mga christmas-tree ay nilalagyan ng kandila which is sa panahon natin maling desisyon kasi mas madali itong makakasunog. Nuong 1885 isang hospital sa chicago ang nasunog dahil sa kandila sa may christmas tree. Ilang taon matapos ang sunod sunod na sunog, ang mga insurance companies ay nagtayo ng batas nuong 1908 na pinagbabawalan ang paggamit ng kandila sa mga christmas tree. Pero marami pa rin ang hindi sumunod dito.

Christmas Lights:

Nuong inimbento ni Thoomas Edison ang light bulb, sinabit nya ito sa kanyang office at nuong 1882, si Edward Johnson na katrabaho ni edison ay nagsabit ng 80 lights na may kulay pula, puti at asul at sinabit nya ito sa kanyag puno sa new yotk.

Nuong 1890, ang kumpanya ni Thomas Edison ay nag offer ng lighting service para sa pasko. Nuong 1900 naman nagoffer ang mga ito ng mga bumbilya na pwede mong rentahan kasama ang kanilang lighting system para gamitin sa pasko.

Ang electric tree lights ay nakilala sa US nuong 1895 kung saan si President Grover ay dinecorate ang puno ng white house at nagustuhan ito ng kanyang mga anak.

Ang first commercially available electric string of lights kung saan kayang kaya ng masa ay inadvertised nuong 1903 kung saan meron itong 24 lights.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Krampus

Ano nga ba ang dahilan ng St Elmos Fire?