Chinese new year

Reading Time: 12 minutes

Ang new year para sa karamihan sa atin ay sinicelebrate ng January at isang gabi at isang araw lang ito. ibig kong sabihin ang new year sincelebrate ng karamihan satin ng december 31 hanggang pumatak ang january 1, matapos ang ilang oras magmomove on na tayo. Pero iba ang traditional chinese new year, sa katunayan, sinicelebrate ito ng 2 linggo.

Nuong unang panahon, ang holiday ay mayroong malapit na koneksyon sa mga buddhist, taoist at iba pang mga religious practices pero habang tumatagal ang panahon, nawawala na ang religious theme nito. Well may iba pa rin na nagdadasal, ang iba bumabase pa rin sa lumang tradisyon habang ang makabagong henerasyon naman, nanonood sa telebisyon.

Ang selebrasyong ito ay nagsimula nuong 14th century B.C. at konektado sa chinese agricultural cycle. Ang mga sinaunang magsasakang chinese ay nagsisimulang magtanim kapag tumuntong na ang chinese new year. Ang huling araw naman ng taon ang pangongolekta ng mga landlord.

Bago pa naimbento ang mga paputok, ang mga sinaunang chinese ay nagpapaputok sa pamamagitin ng mga buho o kawayan kung saan magsisiga ang mga ito at itatapon ang mga buho o kawayan sa apoy. Para sa mga hindi pa nakakaexperience nito, ang mga punong kahoy ay gagawa ng tunog na parang pumuputok altho hindi ganuon kalakas.

Mythology:

Sa chinese mythology merong isang halimaw na nakatira sa ilalim ng tubig sa buong taon. Ito ay si nian. Sa loob ng isang taon nasa ilalim lang ito ng tubig subalit kapag dumating ang New year o spring festival, si nian ay aakyat sa lupa at kakainin ang mga alagang hayop, pananim at kahit na mga tao. Paborito rin nito ang mga bata. Dahil dito ang mga tao ay natatakot kay nian at nakatira sa mga kabundukan, malayo sa dagat dahil sa takot ng mga ito.

Isang gabi ng spring festival, lahat ng mga tao ay naghahanda na para umalis dahil nga lalabas na naman si nian. Isang matandang pulubi ang pumunta sa lugar at nanghingi ng tulong para matulugan subalit walang tumulong sa kanya pwera na lang sa isang matandang babae. Binigyan sya nito ng pagkain at sinabing lumayo kay nian.

Ngumiti lang ang matandang pulubi at sinabing pag sya ay pinahintulutang matulog sa bahay ng isang gabi, papaalisn nya si Nian. Nagtaka ang babae at kinumbinsi pa rin nitong pumunta sa kabundukan kasama nila. Ngumiti lang ang matandang pulubi at ang matandang babae naman ay tumakbo na para pumumunta sa kabundukan. Ang paligid ay naging ghost town. Ang natira na lang ay ang matandang pulubi.

Nuong pumatak na ang hating gabi, si nian agad na umangat mula sa tubig at pumunta sa bayan. Napahinto ito ng makita nya ang pulang papel na nakadikit sa pintuan at lahat ng kandila ay nakasindi sa bahay habang ang matandang pulubi naman ay nakasuot ng pula at tumatawa sa kanya. Si nian agad na lumipad papalayo at ang narinig na lang nito ay ang putukan.

Kinaumagahan ang mga tao ay nagsibalikan at nagulat sila dahil walang nawasak. Sinabi ng matandang babae ang patungkol sa pulubi. Dito nalaman nila an si Nian ay takot sa kulay pula, paputok at liwanag.

May mga ibang kwento naman na nagsasabing hinimok ng pulubi ang mga taong bayan na magingay gamit ang mga drums, gongs at pagsusunog ng mga kawayan at buho. Nuong sumugod na si nian, natakot ito sa ingay at nagtatakbo hanggang sa mapagod ito. Dito pinatay ng mga taong bayan si nian nuong hindi na ito makakilos.

Alam nyo mga boss, may katulad ito sa ating mythology, ang bakunawa. Ang bakunawa ay isa ring sea monster na takot din sa ingay, pero itong sea monster natin ay lumalabas para kainin ang buwan. Malaking malaki ang similarities ng kwento ni nian sa ating bakunawa. Malamang ito ay isang version ng isa sa kanila. Sino man ang nauna sa kanila, un ay hindi ko masasagot dahil ang dalawang kwento ay mythological lamang.

Spring Festival:

Siguro yung iba alam nyo na ang spring festival at chinese new year ay iisa. Pero kakaunti lang ang may alam sa atin kung ano ang kwento sa likod nito.

Nuong 1912 ang bagong tayo na chinew republic ay pinamumunuan ng nationalist party. Pinangalanan ng mga ito ang holiday na Spring Festival para ang mga ibang chinese ay maging accustomed sa pagcecelebrate ng new year kagaya ng westen countries. Pero sympre maraming tumaliwas dito.

1949 ang mga komunista ang pumalit sa pamumuno. Ang selebrasyon ng new year ay iniuugnay sa relihiyon at hindi nababagay sa paniniwala ng isang atheist china. Sailalim ng chinese communist party, ang chinese new year ay hindi ipinagdiwang ng ilang taon.

Nuong dumating ang late 1980 ang china ay nagsisimula ng maging maluwag. Ang Spring Festival ay naging matagumpay na negosyo. 2 taon matapos nito, ang china central television ay naghohost ng annual new year gala kung saan ito ay tinetelevised sa buong bansa.

Zodiac History:

Of course pag sinabing chinese new year, hindi mawawala ang chinese zodiacs. Pero mga boss, kung inaakala nyong magdidiscuss ako patungkol sa mga swerte at malas, nagkakamali po kayo. Wala po dito sa video nato ang ganung impormasyon.

Ang chinese zodiac ay isang sistema kung saan ginagamit ito para maidentify ang taon ng kanilang kapanganakan. Magkaiba ang zodiac ng western at chinese. Ang western zodiacs katulad ng capricorn, sagitarrius, pisces at iba pa ay tumutugma sa buwan ng kapanganakan. Habang ang chinese zodiac naman katulad ng ox, monkey, dragon at iba ay tumutugma sa taon ng kapanganakan.

So in a sense, meron tayong month and year zodiac signs, i wonder kung merong day zodiacs.

Bakit nga ba 12 ang zodiac signs, we know sa western it corresponds sa months which is 12 kaya sakto. Pero sa chinese zodiac, parang hindi ata pwede ang 12 sa years hindi ba? Well mga boss, let me answer my own question. Ayon sa pag-aaral ng mga eksperto, ang number ng hayop ay base sa pagkakula sa astronomical calendar. Dito binibilang nila kung ilang beses nagkakaroon ng full moon sa isang taon at naniniwala sila na ang number 12 ay number to communicate god’s will. Hence merong 12 hayop sa chinese zodiac.

Ang chinese zodiac ay unang lumitaw nuong 5th century B.C sa tinatawag na Zhan Guo Period. Walang nakakaalam kung kailan sila nagsimula pero ang mga ito ay inidentify nuong Han Dynasty 206 B.C hanggang 9 A.D. Nuong Zhou Dynasty naging popular ang paggamit ng zodiac bilang identipikasyon kung kailan ang taon ng kapanganakan na hanggang sa ngayon ay giangamit pa rin natin.

New Year:

Pero teka, bakit nga ba paiba iba ang araw ng chinese new year? Sa western at mostly accepted new year ay january 1st lagi. Bakit iba ang chinese new year? i hear you ask.

Well mga boss remember na diniscuss ko ang Calendar origins? ang lunar at solar calendar? Na ang solar calendar ay ang rotation ng ating mundo sa araw habang ang lunar calendar naman ang rotation ng buwan sa ating mundo. Ang chinese calendar ay gumagamit ng tinatawag na lunisolar calendar. Bulalord, anong iibig mong sabihin sa lunisolar calendar? i hear you ask. Well, as the word says, luni comes from lunar and solar, self explenatory na yan. In short pinagsamang solar at lunar.

Para maging klaro the third, ang chinese calendar ay mainly lunar calendar subalit bumabase rin sila sa solar year. May dalawang klase ng lunisolar, ang una ay bumabase sa tropical year kung saan ito ay tumitingin sa mga seasons. Ang isa naman ay ang sidereal year, at ito ay bumabase sa constellation ng full moon. Ayan mga boss, malinaw na tayo sa lunisolar calendar ha.

Pero bulalord, hindi ba ang lunar caledar ay kulang ng araw at magiging kulang sa buwan hanggamg aabot ng taon? Well thats true, pero merong workaround jan mga boss. Hindi ba sa atin meron tayong tinatawag na leap year. Ang leap year nangyayari para umakma ang  rotation ng mundo sa araw at hindi mabago ang mga seasons. Ganun din ang lunisolar calendar, subalit ang mga ito ay hindi lang isang araw. Kasi ang isang taon ng chinese calendar ay mayroon lamang 354 days compared sa widely used calendar na 365 days. 11 days ang difference nila hindi ba? Para umakma ang chinese calendar sa gregorian calendar, ang mga ito ay nagdadagdag ng leap month. yes boss, isang buwan na additional. Nilalagay nila ito every 3 years para umakma din sa seasons.

Kagaya nga ng sinasabi ko kanina, ang chinese calendar ay lunisolar at sila ay bumabase sa tropical year. Kaya kung mapapansin ninyo ang chinese new year ay tuwing late january o first 3 weeks ng february. Bakit nga ba? Ang chinese calendar ay bumabase sa seasons, binabase nila ito sa winter solstice at ang winter solstice ay pumpatak ng 11th month sa chinese calendar. Ang chineese new year usually nangyayari sa second new moon matapos ang winter solstice. So kung titingnan natin ang calendar, igoogle natin ang new moon 2019, makikita natin na ang 2 new moon ay february 4. Pero bulalord february 5 ang chinese new year hindi february 4, get your facts straight! easy mga boss, remember, hindi lahat tayo pareparehas ng oras. Usually ang ginagamit sa timezones ay UTC which is  -0,  ang oras natin ang GMT +8. Well para mas madali punta tayo ng world time buddy, february 5ht sa atin at tingnan tin ang nasa baba ng UTC, 4pm. So kung mapapansin ninyo, technically, it is still february 4th, 4pm base sa pinakitang image kanina. Ayan ha malinaw sana ang timezones issue natin.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mermaids

Bakit mabilis tayong maniwala sa Conspiracy?