Carnotaurus

Reading Time: 10 minutes

Akala nyo ba trex lang ang mayroong maliliit na kamay? nagkakamali kayo mga boss. Meroin pang mas liliit dyan, ito ay ang Carnotaurus. Sabihin na nating kung mag weight lifting ang dalawang carnivour dinos na ito ang mananalo ay ang trex, ganun ka liit ang kamay nito. Sa katunayan, sa sobrang liit, aakalain mong joke ang dinosaur na ito. Nakakatawa man ang itsura nya dahil sa liit ng kamay, ang dino na ito ay isa sa mga apex predator. Tara mga boss, simulan na natin ang pagtuklas sa carnotaurus.

Name:

Ang dinosaur na ito ay tinatawag na carnotaurus. Ito ay isang theropod dinosaur na naniraha sa south america nuong late cretaceous period. Ang kilalang species ay isa pa lang, ang carnotaurus sastrei. Ang pangalan nito ay mula sa latin carnis na ang ibig sabihin flesh at taurus naman ibig sabihin bull, now pag pinagsama natin ang dalawa, ang pangalan nito sa latin ay man-eating bull. Pero bakit nga ba un ang pinangalan dito? Kasi mga boss ito ay ang diet nya which is meat at ang bull like horns nito which we will delve into later. Ang sastrei naman mga boss ay mula sa may ari ng ranch kung saan natagpuan ang fossil nito na si angel sastrei.

Discovery:

Nuong 1984 isang expedition ang pinangunahan ng kilalang paelontologist na si Jose Bonaparte. Dito natagpuan nila ang kauna-unahang specimen na very well preserved at halos kumpletong fossil ng carnotaurus mula sa isang argentinean fossil bed. So pause muna, ano ba ang fossil beds? Ang fossil beds mga boss ay ang layer ng fossils na nakapreserved sa sedimentary rocks. Dahil sa nakita nitong dalawang sungay, agad pumasok sa isip ni Jose ang toro kaya pinagalanan nya itong carnotaurus. Sa katunayan mga boss, may iilan lang dinos na pinangalan mula sa isang mammal. Isa na nga dito ang carnotaurus at ang isa naman ay ang hippodraco o horse dragon.

Dahil na din sa pagkawell preserved ng fossils nito, nagkaroon ng pagkakataon ang mga eksperto na malaman ang skin o balat ng carnotaurus. Surprisingly, sila ay more scaly o reptilian like. Medyo kakaiba ito dahil nuong late creataceous period, karamihan ng mga theropods ay may mga balahibo kahit na ang hatchilings ng mga trex pinaniniwalaang may balahibo rin. Gayun paman, hindi pa conclusive ang isang evidence, kailangan pa nilang makakita ng iba pang fossil remains para malaman talaga kung sila ba ay reptilian o minsan ding ngkaroon ng balahibo.

Apex Predator:

Ang carnotaurus ay nabuhay late creataceous period, same time ng Tyranonosaurus rex. Kagaya ng ibang dinos, nag extinct ito dahil sa KT extinction. Kahit na sabay nabuhay ang TREX at carnotaurus magkaiba naman sila ng lokasyon. Ang dino na ito ay nanirahan sa south america na nuon ay tinatawag na patagonia.

Ang patagonia ay walang malalaking theropods, may mga carnivourous dinos pero mga maliliit lamang ito at mga nasa ilang daang pinds lamang. Kaya sa lugar na ito ang apex predator ay ang carnotaurus. Fun fact mga boss, 30 million years bago nag evolved ang carnotaurus, isang higantaing theropod ang minsan ding naghari dito, ang giganotosaurus.

Ito ay may laki ng 26 hanggang 30 feet at may bigat na umaabot sa 1.3 tons. Ang mga mata nito ay forward facing hindi kagaya ng ibang dinos na lateral kaya naniniwala ang ilang mga researchers na meron itong partial binocular vision.

Horns:

Dahil sa sungay nito mas more menacing o mas nakakatakot ang itsura nito kumpara sa trex. Ang sungay nito ay nakalagay sa itaas ng kanyang mga mata, honestly mga boss nuong una kong nakita ang dino na ito sa tv akala ko kilay lang un na nakaangat o buto. Ngayon ko lang din nalaman na sungay pala ito, well the more you know. May mga dinos na may sungay pero ang carnotaurus lang ang theropod na nabuhay na may sungay nuong era na un.

Ayon sa mga eksperto, ang sungay ay mayroong 6 inches pero naniniwala ang mga eksperto na mas malaki pa ito at ang kanilang mga sungay ay gawa mula sa keratin. Yes yan ung mga nasa commercials, in fact meron kayo nyan sa ulo  nyo. Ang mga buhok nyo boss gawa sa keratin yan.

Pinaniniwalaan na ang mga lalaking carnotaurus lang ang merong mga sungay at ginagamit ito bilang pag wstablish ng teretory, superiority, at mating rights para sa mga nasasakupan nitong babaeng carnotaurus.

Nuong 2009 nagkaroon ng analysis patungkol sa bungo ng carnotaurus at dito nalaman ng mga eksperto na hindi nito kaya ang rapid at repeated frontal attack dahil ang bungo nito ay mababasag. Kaya nagkaroon ng hypothesis ang mga eksperto na ang kanilang mga sungay ay hindi ginagamit primarily sa pakikipaglaban, bagkus gingamit ito sa pagtulak o pagbangga sa kanilang kalaban, of course hindi paulit ulit dahil nga hindi kakayanin ng kanilang bungo.

Hands:

Of course di makukumpleto ang ating lists kung wala ang mga kamay nito. Pero honestly sa panahon natin ngayon, nakakatawa talaga ang mga kamay nito sobrang liliit, naaalala ko tuloy yung kamay ni deadpool na bagong tubo. Fun fact mga boss, ang carnotaurus ang may hawak sa pinakamaliit na forearms sa buong history ng mga dinosaur. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa mga eksperto kung para saan ang gamit ng maliliit na kamay nito at bakit nag evolve ng mas maliit na kamay.

Legs:

Kahit na maliit ang kamay nito, bumawi naman ito sa paa. Sa katunayan, sa panahon na nabubuhay ito, sya ang may hawak sa pinakamabilis na predator. Ang kanyang mga paa ay malalakas kaya kayang kaya tumakbo ng mabilisan, ang problema lang, mabilis din itong mapagod.

Ayon sa analysis na ginawan ng mga eksperto, mayroon itong malalakas na muscles na tiantawag na caudofemoralis. Ang bawat piraso ng muscle nito sa kanyang thighs ay may bigat na umaabot sa 300 pounds. Isama pa natin ang shape ng buntot nito, kaya naman kayang kaya nitong tumakbo ng mabilis.

Bite force:

Ito ay may mahahabang ngipin at hindi ito ganuon katigas kagaya ng sa trex. Mayroon itong 16 teeth sa bawat side ng upper jaw at 15 teeth naman sa bawat side ng lower jaw.

Ang carnotaurus ay hindi katulad ng trex pagdating sa biteforce sa katunayan, halos wala pa ito sa kalingkingan ng trex. Dahil dito, pinaniniwalaan na ang mga carnotaurus ay kumakakin ng maliliit na hayop lamang at kadalasan nilulunok ito ng buo. May iba namang theorya na nagsasabing halos katumbas ito ng modern day american alligator pag dating sa bite force. Base sa data na ito, posibleng ang isang grupo ng carnotaurus ay makapatay ng titanosaurs. Ang fossil na natagpuan ay kasama ang mga ahas, mammals, crocodiles, pagong at mgamarine reptiles, ang kakaiba dito ay wala ng iba pang natagpuan na dinosaur fossils maliban sa carnotaurus. Base sa data na ito, 2 lang ang naiisip na paliwanag ng mga eksperto. Ang carnotaurus ang apex predator sa ecosystem na napapaligiran nito, walang pinipiling pagkain ang carnotaurus.

Gayunpaman, hindi porket walang nakitang malapit na fossil ng ibang dino, ibig sabihin na sya lang ang dinosaur sa lugar na yon. It only takes a matter of time bago matuklasan ang iba pang dinosaurs. Hindi rin naman kasi madaling maghanap ng dinosaur fossils, ilang million taon na din kasi ang lumipas simula nuong huling paglalakad nila dito sa mundo.

Ang well preserved fossil nito ay matatagpuan sa Natural History Museum of Los Angeles County.

Ayan mga boss ang impormasyon patungkol sa carnotaurus, sana ay may nakuha kayong bagong impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Norse Mythology – Hel

Papaanong nadikubre ang Bucegi mountain?