Black Panther

Reading Time: 8 minutes

Alam nyo ba na ang kanilang black fur ay dahil sa genetic mutation na tinatawag na melanism? Yes mga boss, at ito ay normal sa mga big cats actually kahit din sa mga pusa normal ang mga ito. Ang mga panthers ay threatened species na din ibig sabihin declining na ang kanilang mga offspring o mas umuunti habang tumatagal ang panahon.

Ang mga black panthers ay kayang tumalon ng almost 20 feet. Sa gabon, ang black panther ang kanilang pambansang hayop.

Name:

Ang panther ay miyembro ng mga big cats o panthera. Ito ay karaniwang makikita sa africa, america at some parts ng asia. When we say black panther, hindi ito seperate species, ito ay distinction lamang ng mga black coloured feline ng panthera o ung mga bigcats pero most commonly used ito sa leopards at jaguars. So in a sense ang black jaguar at black leopard can also be called black panther.

Sa katunayan ang panther ay ang 2 types na binanggit ko, ang leopard o panthera parus, ang jaguars o panthera onca. So lahat ng black coated cats na ipapanganak ng 3 specie na yan is called black panther. Pero bulalord diba ang cougar ay panther din? Well mga boss technically ang cougar is not a panther, ito lang ang pangalan na binigay sa kanya, sa katunayan tinatawag din itong mountain lion or puma. Ang cougar ay pusa na nasa family ng felinae o ung mga pusa na hindi kaya mag roar, bagkus ang kaya lang nito ay mag purr. Yes ang mga cougars ay hindi nagroroar.

So hopefully clear tayo sa distinction ng black panther at cougar ha.

Kahit na ang black panther ay hindi seperate species, ang population nito ay decreasing na din dahil sa declining numbers ng leopards at jaguars.

Mutation:

Ang melanism ay ang pagdevelop ng dark colored pigment sa skin o appendeges. Mas common ang melanism sa pusa sa katunayan over 6% ng population ay nagkakaroon ng melanism. Sa jaguars ang melanism ay nangyayari sa dominant gene, halimbawa ang black jaguar ay kayang magproduce ng black or spotted cubs habang ang spotted jaguars naman ay hindi kayang magproduce ng black cubs, ang pwede lang ay ang spotted cubs.

Mayroon ding mas rare na mutation ang nagaganap, ang kabaligtaran ng melanism, ang albinism. Yes mga boss they exists. Altho exteremly rare, ang mga ito ay albino counterparts ng 3 big cats.

Ang mga black panthers ay less fertile din o mahirap magbuntis at pinaniniwalaan din na ito ay mas agrisibo at unpredictable din.

Behaviour:

Kagaya ng mga pusa, ang mga panther ay mga agile animals din sa case ng black panther, bihira lang itong makita ng mga tao. Sa katunayan binansagan ang mga ito na ghost of the forest dahil na din sa stealth features nito. Ang kanilang dark brown to black fur ang nagbibigay ng extra camouflage sa kanila na halos mahihirapan kang makita ito lalo na si gitna ng dilim.

Ang mga panthers ay solitary animals, pag sinabing solitary mga boss, ito ung mga loner. Dahil dito, mas active sila pag gabi at pag umaga kadalasang makikita sa mga taas ng puno at natutulog. Ang mga panthers ay magigiling din umakyat, hindi lang yan mayroon din itong matatalas na paningin. Kaya nilang makita ang kanilang hinahunting ng hindi nito nalalaman na tinatarget na pala sila.

Ang mga ito ay sobrang lakas at nakakatakot dahil ang mga ito ay napaka agresibo. Mga teritorial din sila lalo na ang mga lalaki.

Ang mga panthers specifically mga jaguars ay mga swimmers sa katunayan mas mahilig itong lumangoy sa tubig at kadalasan naghuhunting malapit sa mga tubig.

Reproduction:

Kagaya nga ng sinabi ko, 2 lang ang kinukunsidera na true panthers ng siyensya, ang leopards at jaguars at ang mga ito ay closely related din kahit na magkalayo ang kanilang mga tinitirahan. Oops clarification lang, Totoo na 2 lang ang true panthers pero may mga ibang hayop na tinatawag din panther katulad ng cougars, tigers, pumas, lynxes at bobcats.

Ang mga jaguars at leopards ay kadalasang nanganganak ng 2 hanggang 4 na cubs at ang gestation period nito ay umaabot ng 3 months. When i say gestation mga boss, ito ung time na pinagbubuntis ng isang nilalang.

Ang mga anak ng mga panthers ay pinapanganak ng bulag at hindi nila binubuksan ang kanilang mga mata hanggat dumating ang 2 weeks. Dahil dito mas vulnerable sila sa mga predators lalo na pag ang kanilang nanay ay humanap ng pagkain. Say nakaligtas sila ng hagupit ng kalikasan, after a few months, sasama na ito sa paghahanap ng pagkain ng kanyang nanay. Kadalasan hindi ito umaalis sa kanyang nanay hanggat di ito umaabot ng 2 taon. Ang mga matatandang black panthers ay kayang umabot ng 7-8 feet ang haba at may bigat na 100-250 ounds.

Ang mga panthers ay kayang mabuhay ng 12 taon sa wild at sa captivity naman ay umaabot ng 20 years.

Diet:

Obviously alam natin na ang mga panthers ay mga carnivorous. Kadalasan nagtatago ito sa dilim ng gabi na syang tumutulong sa paghuuhunting nito. Mas madalas itong naghuhunt sa lupa, nagtatago sa mga matataas na damo. Minsan makikita din sila sa mga taas ng puno kung saan hinihintay ang kanilang pagkain at bigla itong tatalon at sasagpangin. Ang diet ng mga panthers ay depende sa lugar nito pero kadalasan ito ay mga medium to large herbivores kagaya ng usa, babayo ramo, tapir at antelope. Pag ang pagkain ay mailap naghuhunt din sila ng mga ibon at rabbit.

Predators:

Kahit na sila ay mga large cats, hindi sila ang nasa taas ng foodchain. Kadalasan sila ay nagiging pagkain ng kapwa nila pusa kagaya ng leyon. Pati ang mga hyenas ay hinahunting din sila pero sympre ang main predators nila, well you guess it, tayong mga tao. Ang kanilang laman ay binebenta at ang kanilang mga balat ay ginagamit bilang mga accessories o damit, kadalasan din ginagawa silang mga display ng mga hunters kaya ang kanilang conservation ay threatened na o paliit na ng paliit ang mga ito at sympre if we do nothing about it, eventually amg eextinct din sila.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit nakakabuo tayo ng demonic messages sa kanta? -Backmasking-

Ano nga ba ang paradoxes ng timetravel?