Black Knight Sattelite, Isang Alien o isang thermal cover?

Reading Time: 14 minutes

Mayroong mahigit 3,000 satellites na gumagana ngayon na gawa ng mga tao na nagoorbit sa ating mundoNuong 1957, nagpadala ang sovient union ng pinakaunang artificial satellite sa labas ng ating kalawakan. Maraming bansa ang sinubukang gumawa ng mga satellites, at ngayon, ang mga satellites na ito ay ginagamit para sa navigation, exploration at ginagamit din sa pakikipag komunikasyon. Ngunit, sa video na ito, ididisscuss natin ang isang satellite na puno ng misteryo, ito ang tinatawag na Black Knight Satellite. Marami ang nag-sasabi na ito raw ay mula at gawa ng mga aliens. Ano nga ba ang totoo sa Black Knight Satellite?
Ayon sa Black Knight satellite conspiracy theory meron isang spacecraft malapit sa polar-orbit ng Earth na galing sa mga extraterrestrial o sa madaling salita aliens, at ang NASA ay kino-cover up ang existence at ang pinag mulan nito. Dahil rito marami ang mga sumulpot na mga kwento tungkol sa black knight satellite. Ayon sa isang litrato na nakuhanan mula sa isang misyon na tinatawag na STS-88 ang black knight satellite ay isa lamang space debris o sa madaling salita isang naiwang parte mula sa isang bagay. Ayon naman sa space journalist na si James Oberg ito raw ay debris ng isang thermal blanket na kinumpirmang nawala sa isang misyon. Para sa hindi pamilyar, ang thermal blanket ay ginagamit upang hindi mabawasan ang thermal o init ng katawan ng isang tao. Dagdag pa, isang astronaut ang naka iwan ng thermal blanket sa space.

History

Ayon sa mga UFO conspiracists, ang Black Knight satellite ay naka orbit sa Earth mahigit 13,000 taon na. Dahil sa mga nag jumble na mga kwento ng iba’t ibang tao tungkol dito, nag karoon ng mga science observation na hindi naman nakabase sa tunay na science, maraming mga authors ang nag promote ng mga mala imahinasyong akda at dahil sa mga larawan nagkaroon ng iba’t ibang interpretasyon ang mga tao. Kung baga sinuot nila ang kanilang tin foil hat at boom. Conspiracy.

Dahil na rin sa mga kwento tungkol sa mga extraterrestrial myths na narinig noong 1899 mula sa radio experiments ni Nikola Tesla at sa mahabang mga echoes na narinig ng isang amateur operator na si Jorgen Hals sa Oslo, Norway noong 1928..
Noong 1954, sinabi ni Donald Keyhoe, isang UFO researcher, sa newspapers na ang United States Air Force ay nag report na may natagpuan silang dalawang satellite na nag oorbit sa Earth. Sa mga panahong iyon, walang bansa ang may teknolohiya para makapag launch ng satellite. Ayon sa mga skeptics si Keyhoe ay nag propromote ng isang UFO book nuong mga panahong iyon, at ang mga news stories na mula sa kaniya ay isang “tongue-in-check” at walang intension upang seryosohin.
Noong 1963, ang astronaut na si Gordon Cooper ay dapat mag rereport ng isang UFO sightings habang nasa 15th orbit siya sa Mercury 9, nakumpirma ito sa pamamagitan sa pag track sa kaniyang station. Pero wala raw ebidensya na nangyari ito. Maging ang NASA at walang dokumento tungkol sa report ni Cooper.
Noong 1973, ang Scottish author na si Duncan Lunan ay inalisa at pinag-aralan ang mahabang pagka delay ng radio echoes na nareceive ng Hals at hinihinalang posibleng ang mga radio echoes na ito ay galing sa mga aliens na naka locate sa orbit na naka palibot sa buwan ng ating mundo. Ayon sa kanya ang mga materyales para sa eksplorasyon ay nag mula sa isang planeta sa solar system ng star na Epsilon Bootis.
Minention ni Philip K. Dick, isang science fiction author ng nobelang VALIS o Vast Active Living Intelligence System noong 1981 na ang Space debris photographed noong 1998 mula sa STS-88 mission ay nag bigay ng pruweba na isa itong Black Knight Satellite. Ang space journalist na si James Oberg ay ki-nonsider naman ito bilang isang thermal blanket na napatunayang nawala habang isinasagawa ang EVA o misyon ni Jerry L. Ross at James H. Newman.

Tesla

Sa pagpasok ng 20th century ang misteryosong scientist na si Nikola Tesla ay nagsasabing nakatanggap sya ng kakaibang mensahe. Si Tesla ay kakalipat lamang sa Colorado springs at nag tayo ng isang malaking magnifying transmitter para mapagpatuloy ang kanyang imbestigasyon tungkol sa wireless distribution of electricity. Hindi nagtagal ay nakatanggap siya ng mga misteryosong signals mula sa kanyang magnifying transmitter kung saan ang mga signals na ito ay pinaniniwalaang galing sa outer space. So bakit galling sa outerspace? Meron kasi itong impulse o ung parang tibok na tinatawag.
Hindi inaaasahan ni Tesla na makakatanggap sya ng kakaibang signal. Matapos nyang pag-aralan ito at mapatunayan na hindi ito natural phenomena, naniniwala si Tesla na ito ay mula sa isang intelligent life form sa ibang mundo.
Sa panahon natin ngayon, marami na tayong kagamitan at ang ibang eksperto ay naniniwala na ang natanggap ni tesla na signal ay mula sa mga pulsars. Para sa mga hindi pamilyar,ito mga boss ay ang mga umiikot na neutron stars na naglalabas ng radio waves. Gayunpaman, hindi pa rin konklusibo sa kung ano talaga ang naoobserbahan ni Tesla.

Sa parehas na panahon, si Guglielmo Marconi na isang Italian radio pioneering, ay kasalukuyang nag e-experiment gamit ang radyo para matransmit ang mga morse code signals. Ilang taon matapos ng kanyang pageeksperimento, ang kanyang norse code messages ay muling bumalik sa kanya.

Ang mga discoveries na ito ay nag dulot ng malaking kaguluhan sa panahon ngayon, dahil kumalat din ang usap-usapan na may mga aliens mula sa Mars na sinusubukang maka contact ng tao mula sa planetang Earth. Gayunpaman, ang mga kakaibang signals na ito ay dinisregard dahil sa mga curious scientific notes.

Signals

Noong 1927, si Jorgen Hals, isang civil engineer sa Oslo, ay gumagamit ng commercial radio receiver upang mapakinggan ang mga maiikling transmissions mula sa isang istasyon sa Eindhoven kung saan may napansin siyang kakaibang bagay.
Ang nakakagulat ay kung bakit ang mga signals ay bumabalik sa kanya. Ang mga echoes na ito ay may iba’t ibang interval, minsan 2 segundo minsan naman umaabot ng 15 segundo. Na discover ni Hals ang tinatawag na LDEs o Long Delayed Echoes.
Naintriga ang mga scientist tungkol sa LDEs, Kaya’t noong 1928 hanggang 1930, isang malaking eksperimento ang isinagawa sa phenomenon ito. Ang mga echoes ay tunay at totoo, subalit walang nakakaalam sa kung anong dahilan nito.
Pinatuloy ang eksperimento sa France at sa United Kingdom noong 1930s at wala pa ring idea ang mga eksperto dito. Magpasahanggang ngayon, walang nakaka alam kung ano ang rason kung bakit may LDEs, although may mga kakaunting scientists na naniniwalang ang sagot dito ay mas mahalaga pa sa natural origins.
Pero maari nga bang ang ispekulasyon ni Tesla noong 1899 ay tama? Meron nga kaya talagang intelligence life mula sa ibang mundo at ito nasa likod ng mga echoes? Ang mga echoes na ito ay mga mensahe nga ba mula sa mga aliens?

Alien Civilization

Ang bagay na ito ay patuloy na nakikita pa rin, ngunit ito ay unpredictable. Dapat ay wala na ito at hindi na dapat nakikita pa dahil sa tagal ng panahon.
Ang pinaka nakaka inytrigang ideya ay mula sa Stanford space scientist na si Ronald Bracewell at ang kanyang theorya sa na posibleng isang alien civilization ay makipagusap sa ating mundo.
Ayon kay Bracewell ang alien civilization ay posibleng magpadala ng mga probes sa universe para maghanap ng mga planetang posibleng magevolve sa intelligent life. Ang probe ay matutulog at magoorbit sa planetang iyon hanggang ang sibilisasyon sa planeta na kanyang sinusubaybayan ay maging advance na para makapagpadala ng radio signals at ang radio signals na ito ay ibabalik ng probe sa planeta.
Ang isang Scottish science writer at isang amateur astronomer na si Duncan Lunan ay nag desisyong bumalik at muling I- examine ang mga data na naproduced ng LDE experiments noong 1928.
Ayon kay Lunan ang natagpuan niya ay sobrang nakaka mangha. Si lunan ay naniniwala na ang mga random delays na naobserbahan nuong 19258 ay may kaugnayan dito. Minapa niya ang mga ito sa isang graph at nagulat siya sa kanyang nadiskubre dahil nag form ito ng isang pattern ng isang constellation.
Ang ang costellation na ito ay ang Bootes, ito ay matatagpuan sa northern sky at maraming mga maliliwanag na bituin dito.
Ang alien civilization nga ba talaga ay sinubukang makipag communicate sa planetang Earth?

Thermal Cover:

Ayon sa NASA, ang mga litrato na pakalat kalat sa internet ay isang thermal cover na nabitawan nuong nag spacewalk sa ISS. Kinakailangan balutan ng thermal covers ang 4 na trunnion pins. Ang mga astronaut ay nalitratuhan pa ito at ito ay publicly available sa NASA webpage pero tinanggal di nila ito at nireupload ang bagong imahe na mayroong mga description.
Malamang karamihan sa inyo naniniwala naniniwala na isa itong alien space craft, the evidences are there diba? Ang kwento ni Tesla, ang LDE’s at ang theory ani Lunan, well lahat yan pinanghahawakan ng mga conspiracist .

Connecting the Dots:

So magsimula muna tayo kay Tesla, totoo na nakapick up sya ng signal nuong 1899 at totoo na galling ito sa kalawakan. Sinubukan naman ni Tesla na ipaliwanag ito sa kanyang makakaya subalit dahil sa kakulangan sa gamit nagging palaisipan ito sa kanya pero sa panahon natin ngayon, alam natin na ang nadetect ni Tesla ay mga pulsars lamang. So scratch na natin sa lists ang kwento ni Tesla, malayo ito sa black knight.

Ang sumunod ay ang LDE radio reflections, Well, isang misteryo pa rin ang LDE hanggang sa ngayon. Sa panaon natin ngayon merong 5 probably explanations at karamihan dito ay dahil sa epekto ng ating ionosphere. Sadly walang alien. Pero, kung sakali man na meron ngang alien satellite na pumasok sa ating orbit at nirecord ang ating transmission at binalik ito, well magiging parehas ang epekto nito kagaya ng LDE radio reflections.
Pero nuong ginawa ni Lunan ang translation ng kanyang LDE nuong 1973 wala sa isip nito ang black knight o kahit anong kakaibang bagay sa ating orbit. Sa katunayan, naniniwala si Lunan na ito ay dumaan sa orbit ng buwan. So ang LDE ay hindi rin black knight kaya tanggalin din natin sa listahan yan.

Nuong 1960 ang time magazine ay nagpalabas ng balita na mayroong kakaibang bagay na palutang luting. Pero nakumpirma ito na parte ng discoverer VIII.
That leaves us sa STS 88. Ang nawalang thermal cover ay silver sa isang side at sa kabila naman ay lulay itim. Nuong ito ay naglayag sa kalawakan, nagkaroon ito ng kakaibang hugis at ito ay nalitratuhan ng mga astronauts. Para sa kanila, alam nila na ito ay isang thermal cover lamang pero para sa mata ng mga conspiracist, nagsisinunganling ang NASA.

So it means na ang mga conspiracist ay pinagdugtong dugtong ang mga bagay bagay na hindi naman talaga dapat magkakakadugtong and voila, meron na kayong conspiracy.
Whether you believe on this or not, nasa inyo yan mga boss and I respect your opinion and belief. I do believe na hindi lang tayo ang life form sa napakalawak na kalawakan na ito pero regarding this topic, I dont. This is bulalord and I officially do not believe in black satellite conspiracy.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

11 points

Leave a Reply

Loading…

0

Mga Urban legends ng mga video games

Sino Si Kamatayan?