Bigfoot, isang alien o isang lemur-human hybrid?

Reading Time: 11 minutes

Marami ng lumabas na teorya tungkol sa bigfoot, anjan na ang isa itong ground sloth, nagtatago daw sila sa ilalim ng lupa para di makita, meron daw itong kapangyarihan at sila daw ay mga troll. Mga boss i just wanted to be clear na hindi po it conclusive. Ito po ay mga theories lamang, hindi pa po napapatunayan.

Biblical Theory:

Alam naman natin kung anong nangyari sa kwento ni Cain at abel sa bibliya hindi ba. Ang diyos sinumpa si cain, matapos nito hindi na nagdelve in pa kung anong nangyari sa kanya. Ayon sa tula ng beowulf, si cain ay nagkaroon ng anak pero dahil sa sumpa hindi ito isang tao kundi isang halimaw. Naniniwala ang ibang mga tao na ang bigfoot ay isang descendant ni Cain. Sinumpa ng diyos na maging kakaiba kumpara sa mgatao at naging mga halimaw nga ito.

Ang mormons ay may kwento din dito. Ito ay ang kwento ni Apostle David W. Patten. 1835 nuon at si patten ay naglalakad sa tenesse road ng may biglang lumitaw na matangkad at mabalahibong lalaki mula sa kakahuyan. Eventually nagkaroon ng komunikasyon ang dalawa kung saan nagusap ang mga ito tungkol sa espiritwal. Naniniwala si Patten na ang nilalang na ito ay si Cain mismo.

May iba namang nagsasabi na ang bigfoot daw ay parte ng nephilim.

Other Creatures Theory:

May mga naniniwala na ang bigfoot ay trolls, hindi yang mga nagcocomment ng kung ano ano sa comment section, ibang troll un. We are talking about the creature itself mga boss.

Tha only problem on this theory ay ang trolls nageexists lang sa scandinavian folklore. To accept this theory, kailangan mong maniwala na sila ay totoo at nageexists din sa ibang lugar. Ayon sa teoryang ito, ang mga trolls ay 90 percent mental at 10 percent physical, ibig sabihin they mostly exists in our imagination.

Ngayon if we put it in reality, ang mga trolls ay nag eexists on two realms. Dito sa mundo natin, and the other to the world unknown. Ito rin ang nakikitang dahilan kung bakit malalabo ang nakukuhang litrato dahil ang mga trolls is not physically connected dito sa atin.

Another evidence is the lack of evidence. Ang gulo no? Well to put it simply, ang isang mabalahibong nilalang kagaya ng bigfoot ay hindi pa rin nakukuhanan ng DNA. Remember makakakuha tayo ng DNA sa hairstrand pa lang, so bakit nga ba? Dito papasok ang troll theory mga boss, you see ang mga troll kagaya ng inexplain ko exists between 2 realms so therefore pwede itong mawala anytime at kasama na dito ang mga hairstrands. Ito rin ang nakikitang dahilan ng kung bakit bigla na lamang nawawala ang mga bigfoot kapag sinusubukan nila itong sundan.

Another theory is the sloth theory mga boss. May ibang nagsasabi na ang bigfoot ay isa lamang malaking sloth o ground sloth. Most of the times, ang theory ay sinusubukan iprove based on evidence, well iba ang theory na ito. Dahil kumuha ito sa lack of evidence. Malabo ba?

Halimbawa, ang mga sloth ay nagdidigest ng pagkain nila ng sobrang tagal, ito ang nakikitang dahilan kung bakit hindi madalas magpakita ang bigfoot dahil nga sobrang tagal matunaw ng kanilang pagkain, parang sloth.

Ang isa pang dahilan kung papaano nabuo ang sloth theory ay dahil sa infamous patterson gimlin film, kung saan nakakita sila ng bigfoot at kung titingnan ninyong mabuti, sobrang bagl nito maglakad na parang isang sloth.

One of the most interesting and out of the world theory ay ang lemur-human hybrid. Takte nakakita na ba kayo ng lemur? Ayan mga boss, ayan ang lemur. Okay okay, lets get into the juicy details.

Si Melba ketchum na isang veterinarian sa texas ay bigfoot enthusiast. Humanap sya ng mga kaparehas nya ng paniniwala at sila ay nagpunta sa kabundukan, kadalasan kumukuha sila ng mga buhok, dugo, dura at balat na medyo kakaiba. Pero sympre suntok sa buwan ang paghahanap ng ebidensya dito dahil wala talaga silang nakitang bigfoot, basta kinuha lang nila ang mga nakikita nila at pag-aaralan.

Si Ketchum ay nagconduct ng DNA analysis sa kanilang nakuha and charan, to their surprise meron silang nakitang kakaiba, ang mitochondrial DNA ay mula sa tao, pero ang nuclear DNA ay mula sa hindi pa kilalang hominid. Dahil dito, gumawa ng theorya si ketchum. Ayon sa kanya, 15,000 years ago, ang extinct na ngayon na giant lemur ay nakipagtalik sa isang babaeng tao at ang resulta ay ang bigfoot. Pero sympre, ang theoryang ito ay kinundena ng scientific community dahil ang kanyang result ay mula sa totoong tao.

Abilities Theory:

Ang bigfoot parang predator, well not the features. Sali ay malalaki, mga bipedal and most of all, isang imahinasyon. Meron din silang cloaking abilities, yes mga boss. Ayon sa theoryang ito ang bigfoot ay kayang maging invisible.

Ayon sa mga conspiracy theorist, ang bigfoot ay mabibilis at sa sobrang bilis nito kaya nitong ipavibrate ang kanyang katawan na syang nagpapadistort ng mga liwanag dito at sila ay nagiging invisible. Ang iba naman sinasabi na ang kanilang mga balahibo ay mga translucent na parang isang salamin.

Ayon naman kay Linda Jo Martin, isang self proclaimed telepath, ang bigfoot daw ay mga psychics. Naniniwala si Martin na kayang mapick up ng bigfoot ang mga vibes ng mga taong naglalakad sa teritoryo nito. Kapag nakaramdam ito na may camera man o scientist, ang bigfoot ay hindi magpapakita.  Ito rin ang dahilan kung bakit pinupursigi ni Martin na magdala ng isang psychic sa mga bigfoot expedition. Sa tulong ng ESP, masasabi nito na hindi nila gustong saktan ang nilalang pero sympre alam naman na natin kung ano talagang dahilan dito.

Pero hindi lang si martin ang nagsabi na ang bigfoot ay mga psychics. Isang artikulo mula sa huffington posts ang nagkwento tungkol sa karanasan ni Connie Willis, Ayon dito, nagising sya ng umaga sa kanialng camping trip at nasense nya na merong 2 bigfoot sa labas ng kanyang tent. Ito ang dahilan kung bakit ka pumunta dito, yan ang sinabi ng bigfoot sa kanyang isipan. Pero si Connie ay natakot kaya hindi nya binuksan ang tent. Eventually ang dalawang bigfoot ay bigla na lang nawala.

Ayon naman kay Kewaunee Lapseritis, ang naglathala ng psychic sasquatch, ay naniniwala na ang mga bigfoot ay kayang maglabas masok sa iba’t ibang dimensyon. Kung kinakailangan nitong tumakas, pupunta lang ito sa susunod na realm. ayon pa sa kanya, ang totoong layunin ng bigfoot ay pangalagaan ang kalikasan dito sa ating mundo at ginagamit lamang nito ang kanyang telepathic power para warningan o sabihan tayong mga tao na sinisira na natin ang planeta.

Extinction Theory:

Alam naman natin ang nangyari sa black plague hindi ba? Well may mga naniniwala na ganito din ang sinapit ng mga bigfoot.

Ayon sa theorya, may mga komunidad ang bigfoot nuon. Subalit nuong dumating ang mga tao ay kasama nito ang mga kakaibang sakit. Dahil nga bagong sakit ito, ang immune system ng mga bigfoot ay hindi ito nalabanan at unti unti silang naubos. May mga teorya din na sinakop natin ang kanilang mga lugar at napilitan magtago ang iilang natira sa kanila sa mga kabundukan.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit walang masydong nakikitang bigfoot ang mga tao, albeit may mga kwento but still walang proof. Ang mga bigfoot ay nagtatago sa mga kweba at lalabas lamang ito kapag nagugutom. Dahil na din sa tagal nito sa madilim na lugar, ang mga mata nito ay nag adapt na kaya naman hindi na ito nahihirapang makakita sa dilim.

Ayon sa theorya, ang kanilang mga maya ay posibleng mayroong tapetum lucidum, isang reflective layer sa retina para makakita ang mga hayop sa gabi, also kasama dito ang lemurs.

Aliens Theory:

Sympre hindi mawawala ang alien theory pagdating sa bigfoot. Isipin nyo naman kasi, napakahirap makita ng bigfoot na yan. Si Dr. Franklin Ruehl ay naniniwala na ang Bigfoot ay isang extraterrestrial na paminsan minsang bumibisita sa atiun.

Pero iba ang paniniwala ni Lyle Vann dito. Ayon sa kanya nakita na nya ang bigfoot at least 31 times at hindi pa kasama dito ang nakita nya ang pinuno nito. You see mga boss, itong si vann, naniniwala na ang mga aliens ay kailangan ng ginto at mga iba pang metal para maging power ng kanilang spacecraft. Dahil nga mahirap para sa mga ito ang magmina dito sa atin, inuutusan nila ang mga bigfoot na gawin ito para sa kanila.

Ayon naman kay Jesse Denson ang bigfoot ay isa lamang robot na dinevelop ng mga aliens. Kapag bumibisita sila sa mundo, sinusuot nila ang mga robot na ito para makapaglakad sa mga kagubatan. Kadalasan kinokontrol ang mga ito gamit ang mga utak. Pero sympre kung gagawa na lang sila ng robot, bakit hindi pa tao, bakit bigfoot pa hindi ba? Mga boss, again, these are all theories, ibig sabihin ito po ay mga haka haka hanggat walang patunay o ebidensya na ito ay totoo, mananatili lang itong theorya. Next video natin mga boss, debunking bigfoot, kung bakit imposibleng totoo ito.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8
Source 9
Source 10
Source 11
Source 12
Source 13
Source 14
Source 15

 

 

 

 

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit mahilig ang tao sa alak?

Panaginip – COMPLETED