Bakit tinatawag na malas ang araw ng Friday the 13th?

Reading Time: 8 minutes

Bakit ba takot na takot tayo sa friday the 13th, Alam naman na natin na ang 13 ay isa sa mga malas na numero. Pero alam nyo ba na mayroong phobia specifically for number 13? ang fear of the number 13 ay tinatawag na triskaidekaphobia or much more specific, ang feat of friday the 13th, ang paraskevidekatriaphobia.

Pero bakit friday? I mean pwede namang monday, tuesday, wednesday, bakit friday pa? Before i start mga boss, i would like to put out a disclaimer. This video was made to give out information on the said topic. This is not created to plant a seed nor indoctrinate you. You as the viewers will be judge on how you perceived the said information.

Tara mga boss let us dive into this superstition.

Number 13 History:

Tayong mga tao ay iniuugnay ang mga certain numbers na mayroong spiritual meaning kagaya ng number 7, ang tinatawag na lucky number. Malamang narinig nyo na din ang number 23 o hindi naman kaya ang number 11.

Meron din namang mga numero na naiuugnay sa kadiliman, ito nga ang devil’s number 666 o ang devils hour o witching hour, ang 3am. Pero ang number 13 ang pinaka popular at pinakakinatatakutan. Malamang nakapunta ka na sa mga gusali, pumasok sa elevator at pagtingin mo, walang 13th floor.

Ang idea na ang pang 13th araw ng buwan na tinuturing na isang malas ay nagsimula sa sinaunang greece nuong 700BC nuong ginawa ni Hesiod ang almanac na tinawag na Works and Days. Dito pinaalalahanan nya ang isang magsasaka na iwasan ang ika 13 araw ng waxing month para sa pagaani.

Pero mas nakilala ang number 13 na malas sa bibliya. Siguro naman lahat kayo pamilyar kay hesu kristo at ang kanyang 12 disipilo diba? Nangyari ito nuong last supper, kung saan lahat ng kanyang disipulo ay nagsamasama at sila ay 13. Ang pang 13 disipulo ay si Judas at alam naman natin kung anong nangyari sa istorya na ito.

Pumunta naman tayo sa norse, parehas na story din ng last supper at dito naman si loki ang sumira ng dinner party sa valhala at sya rin ang 13th guest.

Dito naiuugnay si Loki at Judas bilang 13th guest, at kinukunsidera na masama. Ang number 13 ay kinukunsidera na malas sa katunayan may paniniwala pa na kapag ang ang mga grupo ng tao ay nagsamasama at ang pang labing tatlong tao ay dumating, isa sa mga ito ay mamamatay ng taong iyon.

Over the centuries, mas lalong kinatakutan ang number 13. Nuong dumating ang 19th century, ang mga gusali na ginagawa ay hindi nilalagyan ng 13th floor. Pinaniniwalaang ito rin ang dahilan kung bakit binuo ang 13th clubs, para sa mga hindi pamilyar mga boss, ang 13th clubs ay isang grupo ng mga kalalakihan na ginawa para labanan o idebunk ang mga kamalasan at pamahiin na tinaninim ni Judas at Loki sa mga tao. Kasama sa 13 clubs ang 5 president na Chester Arthur, Grover Cleveland, Benjamin Harrison, William McKinley at Theodore Roosevelt.

Hindi kasama si Franklin D. Roosevelt dahil ayon sa biographer na si John Gunther, si Franklin ay superstitious pagdating sa Friday the 13th, sa katunayan ayaw na ayaw nito ng friday the 13th at kung kaya hindi ito aalis ng biyernes kahit na hindi pa friday the 13th at hindi rin gusto ni franklin na umupo sa ika labing 13 upuan sa isang dinner.

Bad Friday History:

So alam na natin kung papaano nagsimula ang unlucky 13, pero papaano ito naiugnay sa biyernes? Pinakilala sa atin ito ni Chaucer sa kanyang librong Canterbury tales, ayon sa kanya ang biyernes ay araw ng kamalasan pero hindi na nya pinaliwanag pa ito. Para sa mga hindi pamilyar si Geoffrey Chaucer mga boss ay isang engish poet at nilathala nya ang canterbury tales nuong 1387 hanggang sa kmatayan nito ng 1400.

Fast forward 200 years later. Ang playwright na si Robert Greene ay tinawag ang friday-face na ang ibig sabihin ay malungkot o distress. Pero katulad ni Chaucer, walang masyadong context din dito pero at this point tumatatak na sa ating history na ang friday ay isang malas na araw. Nuong 1963 sa kanyang palabas na a match at midnight, inilarawan ni William Rowley ang “plague of friday mornings” kung saan ito ang piunakamalas na araw sa buong linggo.  20 years matapos nito, si Richard Flecknoe na isang english dramatisist ang nagsabing “Now Friday came, you old wives say, Of all the week’s the unluckiest day.”

Dumating naman ang 1898, ang dictionary of phrase and fable ang naglathala na ang biyernese ay isang “unlucky day” sa spain.

Combining the two:

Okay so alam na natin ang history ng friday at ng 13th pero papaanong nagsimula ang friday the 13th? We go back mga boss nuong 20th century. Pinaniniwalaan nuon na ang friday the 13th ay isang malas na araw dahil nuong friday the 13th, taong 1307, niraid ang mga knights templar at naubos ang mga ito. Oo nga pala mga boss, konting advertisement lang, sa mga hindi pa po nakakapanood, gumawa po ako ng freemasons video at duon diniscuss ko po ang knights templar history. Kapag may free time pa at di nyo pa napapanood, take a look on it mga boss. Back to topic na.

Nuong 19th century puro mga references lang ang dalawa, pero nuong dumating ang 20th century, dito na nabuo ang paniniwala o pamahiin. Pinakilala at piangtibay ito ni Thomas Lawson nuong 1907 sa kanyang librong Friday, the thirteeth. Si Lawson ay isang kilalang stock market promoter. It took only a year at kinagat na ito ng mainstream media. Nuong March 14 1908 ang new york times ay naglathala ng balita na isang senador ang kinalaban ang kapalaran at pinakilala ang ika 13 public building bills sa senado nuong malas na araw. Ang senador na si Owen ay binalewala ang Friday the 13th, ayon sa New York times.

Simula na gnuon nagumpisa na ang pamahiin at nuong dumating na tayo sa 1980, sinimulan na ang Friday the 13th movie franchise kung saan mas pinapagtibay ang paniniwala dito. Hindi lang pinanganak si Jason Vorhees ng Friday the 13th, ang events din ay inaakma sa araw ng kamalasan. Sa katunayan, ang friday the 13th ay mayroong 12 pelikula ang lumabas ng eksaktong friday the 13th.

So totoo ba na malas ang friday the 13th? Well, there is no scientific evidence na malas ito, its just superstition o pamahiin. Next video mga boss ang mga events na nangyari ng friday the 13th.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang kwento sa likod ng Gloomy Sunday?

Ang secret project ng CIA – MKULTRA –