Bakit nakakabuo tayo ng demonic messages sa kanta? -Backmasking-

Reading Time: 18 minutes

Ang Back masking ay isang recording technique mula pa noong 1960’s. Ang mga salitang maririnig kapag binackmask ang isang tunog ay malinaw ngunit hindi ito maiintindihan. Sa pagbackmasked ng isang kanta o tunog, kailangan itong iikot ng mano mano gamit ang isang reel to reel tape o ang katulad ng isang cassette, na kung saan maaring tanggalin at pakinggan ng pabliktad.

Gamit ang magnetic tape, ang tape ay kailangan ibaliktad muli upang maibalik sa cassette na lalagyanan neto. Noon ay nahihirapan ang ilan sa pag reverse gamit ang compact disk o CD ngunit ang mga digital audio editors na lumaganap noong 1980’s ay nakagawa ng madaling paraan para sa  pagpabilktad sa isang tunog gamit ang mga digital sources.

Ayon sa mga conspiracist karamihan ng mga kanta kapag binaliktad mo ang playback, maririnig mo ang totoong mensahe nito at ito ay mula kay taning. Totoo nga ba ito?

History

Nuong 1877, ang inventor na si Thomas Edison ay napansin na ang isang musika ay mayroong reverse sounding “novel and sweet but although different” at noong 1950’s ang avant-garde musicians ay sinabing nagpasimula na maglagay ng reverse audio sa kanilang kanta kung saan ang kinalabasan ay hindi kaaya-ayang sa tenga kung papakinggan. Noong 1966 ang bandang The beatles ay sinabi na gumamit din ng ganitong paraan sa kanilang album na revolver , ang mga kanta nilang  Rain”  at  “Tomorrow Never Knows” ay may nilalaman na backward message at patuloy nila itong ginamit hanggang sa iba pa nilang album.Noong 1970’s ay dumami pa ang mga bandang gumamit ng backmasking sa maga kanta nila na karamihan ay mga rockband at dahil dito , ang mga fundamentalist Christian ay nagsimulang nagprotesta.Sinasabi nila na ang mga tagong mensahe ay maaring makaapekto sa subconcious mind ng  mga kabataan o sa mga tao na nakikinig dito,sinasabi din nila na ito ay paraan ng demonyo upang makontrol ang isip ng kabataan.

Noong early 20th century , marami ang naghihinala na maaring makontrol ang utak ng isang tao gamit ang stimuli o conditioning o mas kilala sa tawag na pag brainwash na pinagtuunan ng matinding pansin noong WWII at Cold War.

Purpose:

Ang backmasking ay isang paraan upang upang malaman ang natatagong mensahe sa isang kanta.Noong 1980’s madaming grupo ang natatakot na baka ginagamit ni satan ang musika upang makapag imluwensya sa mga kabataan, maraming tao lalo na sa US ang nagsasabing mayroong mga satanic cults ang gumagawa ng subliminally message sa mga mga kantang rock at heavy metal records.Sinasabi na nagsimula ito noong naipalabas ang movie na The Exorsist noong 1973 kung saan ang salita ng isang naposses na biktima ay nirecord at pinakinggan ng pabaliktad at nainitindihan ito sa salitang english.

Sinasabi na ang paggamit ng backmasking ay para malaman ang mga subliminal message,noong 1982 si jacod Aranza ay nagsulat ng libro na pinamagatan niyang “Backward Masking Unmasked” dito ipinaliwanag niya kung paano ang backmasking ay kayang buksan ang subconcious mind ng isang tao napapasng masasamang bagay na ginagamit ng demonyo.The subconscious mind is being successfully affected by the repetition of beat and lyrics being affected through a subliminal message” (Mills, 1981).

Magagamit din ito upang maintindihan maintindihan upang gustong iparating ng isang mensahe tulad na lamang ng kanta ni Frank Zappa na “Hot Poop” na galing sa album na “We’re Only in It for the Money”  nong 1968 , sinabi na ginamitan niya ng backmask ang kaniyang kanta upang masabi ang mga katagang  “Better look around before you say you don’t care…/ Shut your f….king mouth ’bout the length of my hair…/ How would you survive / If you were alive / Shitty little person? ” kung saan sinensored ng Verve Records sa isa niyang kanta na  “Mother People” .

Maari din itong gamitin upang maihatid ang mga kalokohan na bagay katulad na lamang noong 1966 sa single ng bandang Napoleon XIV ‘s “They’re Coming to take me Away Ha-Haaa!” .Ang pink floyds na naglagay ng backmasked message sa kanta nilang “Empty Spaces” noong 1979 na nagsabing ““Congratulations. You have just discovered the secret message. Please send your answer to Old Pink, care of the Funny Farm, Chalfont…/Roger! Carolyne’s on the phone! /Okay.”.Ang album ng The Fugees “The Score” Ginamitan ito ng backmasked upang maitago ang mga mura mula sa salitang ” “ish”, na kapag binackmask ay “Shit” ang kalalabasan mula noon ay ginamit na ang “ish” ng madaming tao.

Controversies:

Noong 1990 , ang bandang Judas Priest ay sinis sa ilang pagpapakamatay na nangyari dahil sa kanilang kanta na ““Better by You, Better than Me” kung saan patungkol sa suicide at kung babaliktarin daw ay maririnig ang salitang “Do it” kung saan sinasabi na nag udyok sa mga biktima na mapakamatay.Ayon sa isang biktima”“We had been programmed. I knew I was going to do it. I was afraid. I didn’t want to die. It’s just as if I had no choice” na coma ito ng tatlong taon at namatay din.

Madaming banda ang sinasabing may mga demonic message ang kanilang kanta , nariyan ang Led Zeppelin stairway to heaven na kung papakinggan sa normal na paraan ay

“If there’s a bustle in your hedgerow, don’t be alarmed now

It’s just a spring clean for the May queen

Yes, there are two paths you can go by, but in the long run

There’s still time to change the road you’re on”

Ngunit kapag binaliktad ay ,

“Oh here’s to my sweet Satan.

The one whose little path would make me sad, whose power is Satan.

He will give those with him 666.

There was a little tool shed where he made us suffer, sad Satan.”

Sinabi ng banda na isa lamang itong coincidence at walang katotohanan na sinadya nila ito.Ang kanta ng The Eagles – “Hotel California” , ang line na

“in the middle of the night, just to hear them say,” kung saan maririnig na

“Yes, Satan organized his own religion.” & “Yeah, Satan hears this, he had me believe in him.” kapag binaliktad.

Ang bandang Electric Light Orchestra’s sa kanilang kanta na  Eldorado ang linya na

“I’ll sail away on a voyage of no return to see if eternal life is meant to be,” ay may kahulugan na

 “He is the nasty one. Christ, you’re infernal. It is said we’re dead men. Everyone who has the mark will live.” at ang isa na pinaka sikat ay ang kanta ni Justin bieber na Baby na ang paulit ulit na  “baby, baby, baby, oh.” ay may ibig sabihin na

 “Acknowledge my lord, lord. He’s here. I’m the evil one. Satanic new world, new world, new world. I want it. Let me in, let me in, yay war. Let me in, let me in, let me in, yay war.” at ang kanta ng Owl city na Fireflies kung saan may mensahe na nakapaloob

 “Space, a hoax. This earth turns and I helped it. Reptilian university. Swear to God, this drags me in. More evil than feels it. See y’all, reveal not know me.”

Sinabi na hindi lamang mga Pop at Rock music ang mayroong Backmasking , sinabing ang isang christian song may tinatagong mensahe.Ang kantang I Can Only Imagine na kung saan kapag ito daw ay binaliktad ay puro pangugutya sa Diyos at ipa.Sa likod ng mga lirikong,

“Surrounded by your glory

What will my heart feel

Will I dance for you Jesus

Or in awe of You be still”

ay mayroong natatagong ,

“Imagine that I’m the, and Only God.

We’ve made sure we’ll verve with the error of Satan.”

Kung papakinggan ang iba pang liriko ng kanta, puro pambabastos patungkol sa Diyos na iisipin mo na hindi mo na lamang ito napakingan.

Sa isang kanta na sumikat noong 1971 na “Peace like River” ni Jimmy Swaggart.Ang lyrics na  “Sins are all gone, yes they are” at kapag binaliktad ay “Hail Satan”

Why did they put it :

Kung ang mga banda na gunamit ng pag baskmasked ang tatanungin ng kanilang dahilan , sila ay may iba’t ibang opinyon tulad na lamang ng The Beatles ayon kay John Lennon sa isa nilang interview noong lumabas ang kanilang album na Rubber Soul  “We’d done the main thing at EMI and the habit was then to take the songs home and see what you thought a little extra gimmick or what the guitar piece would be. So I got home about five in the morning, stoned out of my head, I staggered up to my tape recorder and I put it on, but it came out backwards, and I was in a trance in the earphones, what is it – what is it? It’s too much, you know, and I really wanted the whole song backwards almost, and that was it. So we tagged it on the end.” para sa  banda ay isa lamang itong pandandag sa entertainment para sa kanilang taga pakinig.

Marahil ay isa din ito sa mg adahilan ng iba pang artista na gumagawa ng kanta at nilalagyan nila ito ng reverse message.Sabihin na nting pandagdag kasikatan ang kanilang ginagawa,

Sa isang kanta ng bandang “Ash” sa kanilang album na evil eye , ayon sa kanila ay nilagyan nila ito ng secret message ngumit hindi masama.Ngunit ayon sa mga nakin sa kanilang kanta at binalliktto ay mayroon itong mensahe na, “She’s giving me the evil eye, suck Satan’s cock.”

Ang banda na The B-52’s sa isa nilang kanta ay mayroong secret message na,

“I buried my parakeet in the backyard.

 Oh no, you’re playing the record backwards.

 Watch out, you might ruin your needle.”

Ayon saa kanila, inilagay nila ito para maging panloko sa mga  backmasking controversy.

Science:

Noong 1981 ,isang grupo ng mga volunteer ang hinati-hati sa tatlo upang makinig sa isang voiceclip o soundclip.Ang unang kalahati sa grupo ay sinabihan na mayroon silang maririnig na salita sa kanilang papakingggan, at ang sumunod na grupo ay binigyan ng salita at sinabing iyon ang knailang maririnig.Ang huling grupo ay walang kaalam-alam sa kanilang mapapakinggan.Matapos mapakinggan ng lahat ay tinanong kung ano ang kanilang narinig,ang unang grupo ay nakapagsulat ng ilang salita at ang iba sa unang grupo ay naisulat ang buong sinasabi ng kanta.Ang karamihan sa pangalawang grupo ay sinabing narinig nila ang salitang ibinigay sa kanila, at sa huli na hindi alam ang kanilang napakinggan ay nakarinig daw ng iyak ng hayop at kakaibang  tunog na sa science movie lamang maririnig.

Ang ipinakinig sa grupo ay ang kanta ng Queens na “Another One Bites The Dust” na kapag binaliktad at binackmask ay maririnig ang salitang “It’s fun to smoke marijuana.”.

Sinasabing sa loob ng mga nagdaan na panahon at utak ng tao ay nadevelop na sa paraan kung saan binibigyan ng halaga ang lahat ng bagay na kanilang naririnig, kahit na ito ay hindi magandang pakinggan.Gamit ang teknolohiya naging madali at mabilis ang paraan ng pakikipag usap, ngunit mas pinagtutuunan pa din ng pansin ng ating utak ang mga napapakinggan na salita.

Kung ipapakinig sa isang tao ang isang backmask audio , sa una ay wala itong maiintindihan ngunit nagsisimula na ang utak na intindihin ito sa ibang paraan.Top-Down ang tawag sa paraan ng utak kung saan iniisa isa neto ang bawat tunog na napakinggan at gamit ang mga hints at iba pang information malalaman ng ating utak kung ano ang sinasabi ng tunog na napakinggan.

Tulad ng isang grupo na nasabihan kung ano ang kanilang maririnig , ang kanilang utak ay automatic na naintindihan ang gustong sabihin ng ingay na narinig at magbibigay ng bagong kahulugan sa salitang kanilang narinig, at ito ay magsisilbing imformation upang intindihin ang isang tunog sa bagong paraan.

Reverse Speech Theory:

Ang teorya na ito ang isa sa tinitignan kung paano nagagawa ang backmasking.Ayon David John Oates ang taong nakadiskubre sa theory na ito ay nagagawa ng ating utak na makagawa ng isang salita na mayroong dalawang ibig sabihin , pakinggan man ito ng pabaliktad o hindi.

Debunk:

Para sa mga taong Skeptic o ang mga tao na hindi naniniwala kung sila ay may makikitang magandang ebidensya.Kung ang mga taong ito ang tatanungin patungkol sa mga Satanic message na nakukuha sa mga kantang pinaparatangan na mayroong itong “MENSAHE PARA SA DEMONYO”, tinatawanan lamang nila ito.

Ayon sa isang site ( Skeptoid ) , ang phenomenon na tinatawg na Pareidolia.Ito ay isang perceptual phenomenon kung  saan ang utak natin ay nakakahanap o nakakaintindi ng isang salita sa isang tunog.Isa itong kakayahan ng ating utak na makakilala at makaintindi ng isang salita at isang sulat.Dahil nga sa natural itong nagagawa ng ating utak , sa bawat maririnig nating tunog ay na halos wala naman talagang ibig sabihin ay mismong utak natin ang nagbibigay ng interpretasyon dito.Maari nating sabihin na “Mukhang aswang si Ana” kahit hindi natin isama ang pangalan ni ana ay maiintindihan kung ano ang gustong iparating neto.Hindi hinahayaan ng utak natin na tayo ay magkamali sa pag-intindi.Ngunit minsan ay ang isang sanga ay napagkakamalan natin na ahas ngunit hindi tayo sigurado, ito ang pareidolia.

Para sa mga Skeptic na tao , hindi sapat ang reverse speech theory upang maipaliwanag ang mga naririnig nilang mensahe pabaliktad.Hindi naman sa hindi nila ito tinatanggap na paliwanga ngunit para sa kanila ang mga tao na naniniwala sa Reverse Speech theory ay kulang sa Critical Thingking Skills.

Ang paraan ng ating pagsasalita ay isang paraan upang mailabas ang gustong sabihin  ng ating utak, at hindi tayo maaring magkamali dahil bago mo pa sabihin ay naisip na ng iyong utak kung tama ba ito o mali.Ang kakulnagn para sa mga naniniwala sa Reverse speech theroy ay isang kasiguraduhan , lubos na pag intindi at isang ebidensya ng phenomenon na pareidolia an kung saan kailangan natin intindihin ng mabuti ang mga salita sa galing sa isang walang kwentang tunog.

Dito maiintindihan natin ang mga satanic message na sinasabing nakapaloob sa isang kanta, sa mga EVP o electronic voice phenomena na ginagamit ng mag paranormal Expert.Halimbawa na lamang ang isang sikat na clip kung saan ang isang miyembro ng “The Doors” na si Jim morrison sa isang linya nang kanilang kanta na”Break On Through” sa linyang  “Tresures there” na kung pakikinggan mo ng panandalian at maiintinihan ang salitang

“I am Satan”.Ngunit kung pakikinggan mo ito ng paulit ulit at iintindihin ay lalabas ang linyang “Sata-Schnigel”.

Isang magandang halimbawa ang mga pakulo ng mga pinoy na “Misheard lyrics” ng mga kpop songs, mga naiintindihan nating salita mula sa salita ng ibang bansa.Dahil sa sobrang talino ng utak ng tao ay naririnig nito ang sariling pangalan kahit na sa mataong lugar at maingay.                           

So kung naniniwala ka na gawa ng demonyo ang backmasked ay para sa mga skeptic person ay tinatakot mo lamang ang iyong sarili.Ang utak ng tao minsan ay nagbibigay ng maling interpretasyon sa mga at minsan ay hinahayaan na lamang ito.Madalas ay hindi na nila iniintindi ang isang bagay at kung ang paniniwala dito ay ito na din ang kanilang paniniwalaan, so ang tanong.Isa ka ba sa mga taong ito ?

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7
Source 8
Source 9

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit may alon ang dagat – COMPLETED

Anu nga ba ang mga Anunnaki?