Bakit Malabong Maging tatay ni Hitler si Rizal

Reading Time: 11 minutes

Panigurado maraming magcocomment dito sa video na ito, open tayo sa mga critics mga boss pero close tayo sa mga bashers. Be constructive po sa comment. It shows your personality.

Legend:
Ayon sa internet, si Adolf Hitler at si Dr. Jose Rizal ay may pagkakaperaha, personalidad at intelektwal. Dahil dito si Hitler di umano ay anak ni Rizal. Dagdag pa dito ang ibang impormasyon kung saan inuugnay ito kay rizal, isa na nga dito ang kanyang kaarawan.


Dr. Jose Rizal:

Si Jose Rizal ay isang Filipino polymath, patriot at higit sa lahat bayani ng ating bansa.

Isa syang doctor, isang opthalmologist. Sa katunayan, ginamot nya ang mata ng kanyang nanay. Isa rin syang scientist at nakadiskubre ng mga species ng mga hayop. Dahil dito pinangalanan ang mga ito hango sa kanya. Ito ay ang Draco Rizali na isang flying lizard, Ranchophorus rizali, isang palaka, spatholmes rizali na isang fungus beetle at apogonia rizali na isang salagubang.

Isa rin syang multi lingual. KAya nyang magsalita ng spanish, english, German, Japanese at iba pa.

Adolf Hitler:
Si Adolf Hitler ay pinanganak nuong April 20 1889, ibig sabihin piangbuntis sya ng August 1888. Isa syang German politician at leader ng Nazi Party.

Naging Chancellor sya ng Germany nuong 1933 hanggang 1945 at naging diktador nuong 1934 hanggang 1945 ng nazi germany. Sya ang sentro ng World War 2 sa Europe at ang Holocaust.

Ang kanyang mga magulang ay sina Alois Hitler at Klara Polzl. Sya ang pang 4 na anak sa anim na magkakapatid. Ang kanyang mga kapatid ay sina Gustv, ida at Otto na namatay nuong bata pa. 3 taon lamang sya nuong ang pamilya nya ay lumipat sa passau germany.

Hitler Facts:
#1.
Si Adolf hitler ay pinagananak nuong April 20 1889 kaya kung bibilangin natin ang buwan ng pagbubuntis, nasa buwan ng august 1888 sya nabuo.

#2
Ang pangalan ng nanay ni Hitler ay Klara Polz at minsan syang naging maid sa Vienna.

#3
Kinukunsidira ni Hitler na ang bayan ng linz sa austria ay ang kanyang bayang sinilangan.

#4
Ang kanyang nakakatandang kapatid ay si Gustav na pinanganak nuong May 17 1885 habang ang kanyang ate naman na si ida ay 1886 kung saan binawian ang mga ito ng buhay bago pa sya ipanganak.

#5
Ang Bavaria ang kinukunsiderang pundasyon ng nazism

#6
Ang nazi ay nakuha ang japan bilang kaalyado. Sinubukan nilang patunayan na ang mga japanese ay mga aryans upang gawin ang mga ito na miyembro ng master race. Ang aryans ay mararangal.

Rizal Facts:

#1
Nuong Fbruary 1, 1886 umalis si Rizal mula sa paris patungong Germany. Pumunta ito sa Heidelber, Whilhelmsfeld, munich sa bavaria. Nuong August 9 1886 umalis ito papuntang Leipzig at binisita ang mga bayan sa germany. August 14 ng makariting si Rizal sa Leipzig. nuong dumating ang oktubre, pumunta sya sa dresden at pagkatapos sa berlin.

#2
Sa berlin natapos ni rizal ang noli me tangere kung saan pinangalanan nya ang isa sa kanyang karakter na Maria Clara.

#3
Nuong May 11 1887, sinumulan ni rizal ang kanyang grand tour sa europa. Pumunta sya sa dresden, teschen, prague at pagkatapos sa brunn kung saan nawala nya ang isang diamond stickpin at sa viena naman kung saan nakuha nya ang diamond stickpin na natagpuan ng isang maid na nanatili sa hotel ng brunn nuon sa austria.

#4
Nuong May 24 1887 umalis sya sa biyena, sumakay sya sa riverboat para makita ang danube river. Dito sa bangkang ito nakita ni rizal ang paper napkin sa unang pagkakataon. Natapos ang kanyang paglalakbay at nanatili sa linz.

#5
Mula sa Linz pumunta sya sa Munich kung saan sinubukan ni hitler patalsikin ang gobyerno nuong 1923 at sa nuremberg kung saan ginagamap ang mga war crime trials at mga nazi part rallies. Binisita rin nya ang iba pang bayan sa germany.

#6
Si Rizal ay nasa German Empire Mula February 1886 hanggang sa pumunta ito ng switzerland nuong June 1887.

#7
Bumalik si Rizal sa Europe nuong May 24 1888 hanggang October 18 1891. Pumunta sya ng London, Paris, Brussles, Madrid, Biarritz at Ghent. Si Rizal ay nasa europa nuong si hitler ay nabuo at ipinanganak.

#8
Si Rizal nagkaroon ng affair sa isang Japanese na babae nuong bumisita ito sa japan nuong 1888. Si Seiko Usui nagkaanak ng isang babae ilang taon matapos nito makipagkita kay rizal. Si Yuriko ay anak ng isang foreigner at nuong tumanda ito ay nakapangasawa ng japanese politician.

Series of events:

#1
May 11 1887, pumunta si rizal sa brunn at nawala nya ang diamond stick pin at nuong pumunta ito sa vienna isang maid ang nagbalik nito sa kanya na sya ring tumuloy nuon sa brunn.
+
Si Klara Polzl na nanay ni hitler ay naging isang maid sa viena
=
Si Hitler ay pinanganak nuong 1887 nuong dumalaw si Rizal a linz o sa iba pang mga bayan kagaya ng brunn. Tingin nyo pano nawala ni rizal ang diamon stickpin at sino ang maid na nagsaulit nito nuong nasa vienna na sya?

#2
Nuong May 1887, ayon sa kanyang kasama na si Maximo Viola, si rizal ay nagkaroon ng one night stand sa isang austrian woman.
+
Ang kanyang nakakatandang kapatid ay si Gustav na pinanganak nuong May 17 1885 habang ang kanyang ate naman na si ida ay 1886 kung saan binawian ang mga ito ng buhay bago pa sya ipanganak.
=
Ang mga nakatatandang kapatid ni hitler ay gawa gawa lamang para maitago na pinagbubuntis sya nito.

#3
Nuong May 24 1887 umalis sya sa biyena, sumakay sya sa riverboat para makita ang danube river. Dito sa bangkang ito nakita ni rizal ang paper napkin sa unang pagkakataon. Natapos ang kanyang paglalakbay at nanatili sa linz.
+
Kinukunsidira ni Hitler na ang bayan ng linz sa austria ay ang kanyang bayang sinilangan.
=
Ang affair ni Klara kay Rizal ay sumesentro sa Linz, kaya naman ang pamilya ni Klara ay lumipat dito. Kaya naman si Hitler ay gustong gusto ang bayan ng linz.

#4
Si Rizal nagkaroon ng affair sa isang Japanese na babae nuong bumisita ito sa japan nuong 1888. Si Seiko Usui nagkaanak ng isang babae ilang taon matapos nito makipagkita kay rizal. Si Yuriko ay anak ng isang foreigner at nuong tumanda ito ay nakapangasawa ng japanese politician.
+
Ang nazi ay nakuha ang japan bilang kaalyado. Sinubukan nilang patunayan na ang mga japanese ay mga aryans upang gawin ang mga ito na miyembro ng master race. Ang aryans ay mararangal.
=
Ang anak ni Seiko ay hindi talaga anak ng forigner na si Alfred Charlton. Isa lang itong panakip butas. Ang katotoohanan ay anak ito ni Rizal at alam ni hitler na si Yuriko ay kanyang half sister kaya naman napasok sila sa axis powers. Ito rin ang dahilan kung bakit sinakop ng hapon ang pilipinas. Sinabi ni Yuriko kay hirohito na gusto ni hitler na sakupin ng kanyang kaalyado ang pilipinas.

#5
Si Jose Rizal ay nanatili ng matagal na panahon sa Germany. Dito nya pinublish ang kanyang unang libri na noli me tangere kaya naman nagkaroon talaga ng impact si Rizal sa bansang ito.
+
Ang Bavaria ang kinukunsiderang pundasyon ng nazism
=
Ang rason kung bakit gustong maging diktador ni Hitler sa germany ay sa kadahilanang ang kanyang ama ay mayroong magagandang ala-ala dito.

Verdict:
#1

Si Adolf hitler ay pinagbuntis nuong 1888 at pinanganak nuong April 20 1889.
Si Klara at si Jose Rizal ay walang koneksyon sa isa’t isa. Hindi rin sila magkaibigan.
Inassumed lang ng author na ang diamond stickpin ay natagpuan ni Klara dahil isa nga itong Maid. Oo isa syang maid pero hindi sya nagttrabaho sa hotel na tinulugan ni rizal. Kinuha sya bilang maid ni Alois Hitler nuong 1876. Kaya ang maid na nakakita at nagbalik ng diamond stickpin kay rizal ay hindi si Klara.

#2
Pinaniniwalaang cover up lang ang mga kapatid ni Hitler. Pero sa katunayan, ang mga ito ay totoong mga bata. Nuong taglamig nuong 1887 hanggang 1888, nagkaroon ng sakit ang mga ito na tinatawag na diphtheria. Ang Diphteria ay dahil sa infection na hinaharanagan ang likod ng lalamunan na syang dahilan ng paghirap sa paghinga, pagkaparalisa at worst, pagkamatay. Ang dalawang nakatatandang kapatid ni Hitler ay hindi nakaligtas sa sakit na ito.

#3
Pinaniniwalaan na sa Linz nagkaroon ng affair si Rizal kay Klara kaya naman ito ang nilagay ni hitler na bayang sinilangan. Pero sa totoo, kaya nilagay ni hitler ang linz dahil dito ang kanyang mga kapatid at nanay tumira. Mga masasayang memorya ng kanyang pamilya at nuong bata pa siya.

#4
Di umano si Yuriko ay anak ni rizal. Wala itong katotohanan. Dahil nuong 1888 umalis si rizal at ito ang huling pagkakataon na nagkita sila ni Seiko. Matapos ang 9 na taon si rizal ay namatay at naging martyr. Si Seiko ay pinakasalan si Alfred Charlton na isang British Chemestry teacher sa eskwalahan ng tokyo. Si Charlton ay namatay nuong 1915 at naiwan si Seiko at Yuriko.

Isang matibay na dahilan kung bakit hindi posibleng maging anak ni rizal si hitler ay dahil na din si hiter ay pinagnanak ng April 20 1889 kaya nga kung bibilangin natin nasa pagitan ng august sya ginawa. Well, asan ba si rizal nuong august? Nasa London sya, simula July 1888 hanggang September 1888.

Ayan mga boss, ang connection ni adolf hitler kay rizal ay hanggang urban legend lamang. Malayong maging anak ni rizal si hitler base na rin sa timeline ng pagbisita nito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

10 points

Leave a Reply

Loading…

0

Mga Sinumpang Gamit

Frilled Shark