Babaguhin ang mars at gagawing earth 2.0? kaya ba?

Reading Time: 20 minutes

Isa na sa pinaka usapin ng mga scientist sa panahon ngayon ay ang tinatawag na “Earth’s Destruction”.Ayon sa isang astrophysicist na si Jillian Scudder, “The predictions for what exactly will happen to Earth as the Sun brightens over the next billion years are pretty uncertain”. Kahit na sinabi niya ito , nangangamba pa din ang taong ito na malapit na ang mawasak ang mundo.

Ayon sa pag-aaral , ang buhay ng araw ay nanggagaling sa hydrogem atoms na tinutunaw upang maging helium atoms.Ito ay patuloy na nangyayari sa pinaka gitnang bahagi ng araw o mas kilala sa tawag na core.Halos 600 million tonnes ng hydrogen ang natutunaw neto kada sugundo.

Ang patuloy na pagadaloy ng helium sa core ng araw , ito ay unti-unting lulubog.Dahil dito , nagkakaroon ng mabilis na nuclear fusion reaction,ibig sabihin lamang ay nagbubutga ang araw ng mas maraming enerhiya.Ayon din sa pag-aaral , mas lumiliwanag ang araw ng halos 10% sa loob ng matagal na panahon, let’s just say na every billion years.

Ayon kay Scudder ,”The general gist is that the increasing heat from the sun will cause more water to evaporate off the surface, and be held in the atmosphere instead. The water then acts as a greenhouse gas, which traps more incoming heat, which speeds up the evaporation.”

Sa kada 10% na lalong pagliwanag ng araw , ay lalo itong umiinit sa loob ng bilyon ng  taon.So pinaniniwalaan ng mag eksperto na 3.5 billion years magmula sa araw ngayon , halos 40% pa ang ililiwanag ng araw na magiging dahilan ng pagkalusaw ng mundo.Matutunaw lahat dahil sa sobrang init na dala ng araw, at lahat ng lugar sa ating mundo ay mainit at matutuyo at mamatay at mas malala, maaring ang mundong kinagagalawan natin ay matutulad sa pangalawang planeta na malapit sa araw.

Ang senaryong ito ay isa pa lamang sa tinitiganan na dahilan upang mawasak at mawalan ng buhay ang ating mundo.Dahil hindi papayag ang mga tao na basta na lamang mamatay kasabay ng pagkamatay ng mundo , sila ay nakaisip paraan upang maka survive kung sakaling mangyari ang kinakatakutan na mangyari.

Ano nga ba ang naisip n aparaan ng mga eksperto ? , ito ang paglipat natin sa ibang planeta.Wait , hindi lang tayo basta lilipat sa isang mundo.Lilipat tayo sa mundo na gagawin mismo ng tao.

Planet Mars:

Ang pang-apat na planeta sa ating solar sysytem.Ayon sa pag-aaag planetang ito ay mailalarawan bilang”Dusty ,Cold , Desert World” ngunit hindi lamang yan.Ang mars ay mayroon lamang napakanipis na atmosphere.Ayon sa NASA mas manipis ito ng halos isang daan na beses sa atmosphere ng Earth.Ang atmosphere sa Mars ay binubuo ng 95.32% ng Carbon Dioxide , 2.7% ng Nitrogen , 1.6% Argon , 0.13% ng oxygen, 0.08% ng Carbon monoxide.Mayroon din itong kaunting tubig, nitrogen oxide, neon,hydrogen-deuterium-oxygen, krypton at xenon.

Nagkakaroon din ng iba’t ibang klima sa Planetang ito, ang ice caps, water vapor  at ang storm dust.Dahil  sa layo neto sa araw , ang planetang ito ay mas malamig kumpara sa ating planeta.Ang average temparature nito ay nasa -80 degrees Fahrenheit(-60 degrees celsius), ngunit nagbabago ang temperature mula minus 195 fahrenheit( minus 125 celsius ) tuwing taglamig na bababa sa 70 Fahrenheit(20 celsius) sa tuwing sasapit ang tanghanli sa lugar na malapit sa equator neto.

Ayon din sa pag-aaral ay nagkakaroon din ng Snow sa Mars.Ang tinawatawag na martian Snowflakes ay mula sa carbon dioxide imbes na mula sa tubig.Mula sa maliit na particle na ito , pinagmumulan ito ng fog o hamog imbis na bumagsak ang mga snow mula sa itaas.Ang  north at south polar regions ng Mars ay napapalibutan ng yelo, ngunit hindi ito yelo na nagmula sa tubig ngunit mula sa Carbon Dioxide.

Pinaniniwalaan ng mga eksperto na nagtataglay ang planetang ito ng malaking bahagi ng karagatan.Ang malaking bahagi ng tubig na ito ang pinagmumulan ng buhay sa planeta noong matagal na panahon at natuyo na lamang.Dahil dito pinaniniwalaan ng mga researcher na ang tubig sa mars ay nasa ilalim lamanng , at ito nag nagsisilbing source of life ng kung ano man ang nabubuhay sa mundong ito.

Lumalabas sa pag-aaral ng mga eksperto na makikita ang malaking parte ng tubig na naging yelo na makikita sa ibabaw na parte ng planetang Mars.

Core of the Earth:

Ang core ng isang planeta ay ang nagbibigay ng impormasyon kung paano nabubuo at lumlaki ang isnag planeta.Noong nabuo ang core , nabubuo din ang ilang thermal at compositional features na nagpapagalaw sa mga maaring manyring pagbabago sa mismong core ng isang planeta.Nariyan ang pagbabago ng mantle , crust , at atmosphere.

Ang solid-metal inner core ng ating mundo ( Earth) ay isa sa pinakamahalagang bagay.Tumutulong ito sa pagpapataas ng magnetic field na prumorotekta sa atin sa space radiation.

Ang inner core ng ating mundo ay isang mainit na bilog, mayroong itong radius na halos 1,220 kilometres(758 miles).Ang temparature neto ay nasa 5,200 celsius(9,393 Fahrenheit) , at ang naibibigay na pressure neto ay nasa 3.6 million atmosphere.

Kung titignan naman ang outer core ng ating mundo  mayroong itong radius 2,200 kilometers (1,367 miles) na halos binubuo ng liquid iron at mga nickel.Ang NiFe(Nickel + Iron) alloy ng outer core ay pinaniniwalaang umiinit ng halos 4500 hanngang 5500 celsius(8,132° hanggang 9,932° Fahrenheit).

Ang liquid metal ng outer core ay mayroong mababang velocity dahilan upang mabilis na masira at mabilis matunaw.Ang pinaka maiinit na parte ng core ay ang tinatawag na Bullen discontinuity na ang init ay umaanbot ng  6,000° Celsius (10,800° Fahrenheit), na halos kasing init ng ibabaw na bahagi ng araw.

Ayon sa isang chemist na si malcolm sargeant, kung wala ang molten nickel/iron ng core, hindi tayo magkakaroon ng magnetic field na kung nagbibigay panangga sa solar winds at coronal mass ejections (CMEs).

Kungg walang nagpapainit sa ating mundo , sabihin na nating ang mundo natin ay magiging isang malaking ice refrigarator.

Ang magnetic field ng Earth ay nabubuo sa pag-ikot ng outer core.Ang magnetism na nagagawa nito ay halos 50 times na mas malakas kumpara sa surface neto.

Mahalaga para sa planeta natin ang magnetic field.Kahit sabihin na stable ito,ito ay nagbabago pabigla bigla.Habang gumagalaw ang liquid na gawa ng outer core, mababago nito ang kinalalagyan na lokasyon ng magnetic North at south poles.Ang magnetic ng North pole ay gumagalaw sa bilis ng 64 kilometers (40 mile) kada taon.

Core of the Mars:

Ang Core ng palnetang Mars ay mayroong Radius na 1600–1810 km ayon sa pag-aaral noong 2006.Halos kalahati lamang ng radius kung ikukumpara sa earth, at ang planetary radius ng mars ay kalahati lamang din ng ating mundo na mayroong 3389.5 km.

Kung titignan ang magnetic fields na mayroon ang Planet Mars, wala itong inner dynamo upang makagawa ng isang ” Major global magnetic field:”.

Ang magnetosphere ay isang uri ng shield na naglalayong sumangga sa kahit naong charged particles na galing sa planet surface.Dahil nga ang mga particles ay galing sa solar wind galing sa solar sysytem ay normal na mayroong electrical charged, at ang magnetosphere ang nagiging shield mula sa kahit anong solar wind.

Ayon sa pag-aaral sa planetang ito , matagal na wala itong volvanic eruption.Ang mantle na makikita sa ilalim ng crust ay patay at hindi gumagana.Ang mga bumubuo dito ay mostly silicon , oxygen , iron at magnesium.Ayon sa pag-aaral ay pinaniniwalaan na ito ay palaging malambot.Ang nipis nito ay nasa 770 hanggang 1.170 miles(1,240 to 1,880 km) ayon sa NASA.

Ang core ng mars ay solid.Binubuo ito ng iron , nickel at sulfur.Hindi ito gumagalaw dahilan upang magkulang sa magnetic field ang planetang ito.Mayroong itong paiba- ibang field lines na kung saan tinatawag ng mga scientist na “”Christmas Lights.”.Dahil sa kakulangan ng magnetic field , maaring maging isang malaking pritohan ang planetang ito , kumpara sa earth.

Attempting to go to MARS:

Magmula noong 1960 , iba’t ibang bagay na ang dinala sa labas ng mundo upang ipadala sa planetang mars.Upang mas makilala ito lalo , at upang mas mapag-aralan ito.

Noong 1965 , apat na space agencies ang maayos na nakapunta sa Mars.Ang NASA , ang soviet union space program , ang European Space Agency at ang Indian Space research organization.

Ang first satellite na ipinadala sa spce ay noong 1957 mula sa Soviet union’s sputnik.Makalipas ang tatlong taon , gusto ng mga ito na puntahan ang mars upang tignan kung ano ang mayroon sa planetang ito.Ngunit hindi ito naging madali para sa kanila.Mula noong october 10 , 1960 hanggang november 5, 1964.Sa loob ng apat na taon palaging nasisira ang mag bagay na kanilang gagamitin hindi pa man ito nakakarating sa orbit ng earth.Ang iba nagkakaroong ng problema sa baterya , sa solar panels.Ang iba ay nawawalan ng koneksyon dahil sa sobrang layo neto sa earth.

Ngunnit noong November 28 ,1964, inilaunched ang Mariner’s 4 ng NASA.Ito ay tagumpay na nakapunta sa mars noong july 14, 1965, ay nakapag padala sa earth ng halos 21 na litrato mula sa pulang planeta na ito pabalik sa ationg mundo.

Noong 1969 , nagpadala muli ang NASA ng dalawa pa na pinangalanang Mariner 6 at 7.Ang dalawang ito ay matagumpay din na nakapagbigay ng litrato.Ang lahat ng spacecraft na ipinadala ay napunta sa side ng mars kung saan mukha itong moon dahil sa mga cratered signs neto.Dito ay nagkaroong ng false impression ang mga astronomer na ang mars ay maihahatunlad sa moon.

at ilang attempt pa ang ginawa ng ibang grupo upang makakuha ng impormasyon sa mars ngunit karamihan ay hindi maganda ang kinalabasan.Mula noong march 27,1969 hanggang May 10 , 1971 laging “failed during its attempted launch”.Ngunit hindi it naging hadlang sa mag nagtatakang makapunta kahit sa orbit lamang ng pulang mundo.

Noong 1971 , sa maraming failed mission ng Soviet union.Tagumpay na nakapunta sa mars ang kanilang Mars 2 orbiter na inilauched noong may 19,1971 na dumating sa mars noong November 2 sa parehas na taon.Ngunit ang kanilang Mars l2 lander ay nag crashed noong ito ay nasa surface na ng palneta at hindi na gumana pa.Noong May 28. 1971 nag launched ulit nag grupong ito ng Mars 3 isang lander at orbiter at tagumpay na nakapunta sa planeta noiong December 3, ngunit ang lander ay gumana lamang ng ilang segundo pagkalapag neto at nagloko.Hindi na ito gumana pa, ngunit ang orbiter ay patuloy na gumana.

Noong 1990’s , tinangka ng NASA na puntahan at pag-aralan pa mabuti ang planetang ito.Noong september 25 , 1992 inilauched ang isang spacecraft ngunit bago pa  ito makarating sa orbit ng mars noong august 21,1993 ito ay na.Nawalan ito ng communication na pinaniniwalaan na dahil sa pagkawala ng fuel dahilan upang mawalan at mag crashed ito.

Nanghinayang ang mag taong nasa likod nito dahil sa kanilang gastos na halos nasa $813 million.Mas mahal pa sa kanilang nagastos kumpara sa mga nauna nilang i launch na spacecraft.

Ang (Mars Atmosphere and Volatile EvolutioN) o ang MAVEN ng NASA ay inilauched noong november 2013 at tagumpay na nakalampas sa orbit ng planeta noong September 21 , 2014 at patuloy na nag oobserba sa mga pagbabago na nangyayari sa Mars at kung bakit numipis ng numipis ang atmosphere ng planetang ito.

Nagkapagpadala na din ang NASA ng Mars insight noong 2018 , at matagumpay itong lumapag noong November.Ngayong 2019 , isang lander ang ginagawa upang maging gamit sa pag-aaral ng interior ng palnetang ito.

Elon Musk Project:

Ang taong ito ay gumawa lang naman ng isang multibillion-dollar Starship rocket.Ayon sa kanya , ito ang magdadala sa mga tao papunta sa planetang Mars.Ayon sa TEch insider senior correspondent na si dave mosher, ipinagawa ni Elon ang bagay na ito dahil sa kagustuhan niyang makapagpadala ng mag tinuturing niyang halaman sa mars upang makapamuhay ang mga ito at makapgbigay ng inspirasyon sa ibang tao na mag space travel.Ayon kay dave , layunin ni Musk na dalhin ang human race sa mars , at mula dito ay magsisimula muli ng panibagong buhay.Kumbaga earth 2.0 at ang starhip na kanyang ginagawa ang magiging susi upang magawa ito.

Nais ni elon na makapag padala ng halos isang daan na tao at 150 tons ng cargo sa nasabing planeta, na sa tingin niya ay maaring mangyari sa taong 2050.( Buhay pa kaya sya noon ?)

Terraforming:

So sa paglalarawan sa mars bilang isang planeta na maaring pumatay ng tao pagkalapag pa lamang neto , paano tayo mabubuhay dito ?

Ang terraform ay isang paaran upang baguhin ang isang planeta.Ayon sa mga eksperto, ang malamig na planetang ito ay magagawa nating painitin.Hindi gamit ang isang nuclear bomb , ngunit gamit ang global warming at iba’t ibang factory na makakapag painit sa lugar.Ayon sa pag-aaral  hundreds years magmula sa taon ngayon, nag mars ay magiging kapareha na nang ating mundo; ang planet Earth.

Magkakaroon ng tatlong major interlaced na pagbabago.Ang pagbuo ng magnetosphere, atmosphere at pagpapataas ng temperatura.Dahil nga ang atmosphere ng mars ay sobrang nipis at mayroong napaka babang surface pressure.

Ngunit hindi ito madaling gawin at pag-isipan.Mayroong ilang paraan na naiisip ang mga sayantipiko.

Ang paglalagay ng Ammomnia sa atmosphere ng mars.Ang isang malaking amount ng ammonia ay makikita na palutang lutang lamang sa orbng mga minor planets , sa outer solar system.Importing Hydrocarbons, na kung saan less dense ito kumpara sa ammonia dahilan upang mawala ito sa space kung ipakawala , ngunit ang bagay na ito ay mas mabilis ang rate kumpara sa ammonia.

Ang mga flourine-based compounds tulad na lamang ng  sulphur hexafluoride at perfluorocarbons ay pinaniniwalaan na masisira neto ang ozone layer once na maging chlorine-based ang mga ito.

Ang paggamit ng orbital mirrors na maaring ilagay sa orbit ng mars , upang madagdagan ang insolation na nakukuha neto.Gamit nag manipis na mirror na ito , ang sunlight at diretsong pupunta sa surface ng ng mars at magdadagdag s temperature.

Ang pag babawas ng albedo sa surface ng mars ay pinaniniwalaan na mas magandang gamitin upang madagdagan ang liwanag na galing sa araw upang makapag maibigay sa planeta upang iabsorb at gawing init.Magagawa ito sa paraang pagkakalat ng dark dust na mula sa buwan(moon) ng mars ( Phobos at Deimos ) na kung saan , ang dalawang moon na ito ang pinaniniwalaang “Blackest bodies” na bagay sa solar system.

Ang pagbabawas albedo reduction ay isang normal na nangyayri sa tuwing nagkakroon ng dust storm sa mars.Dahil dito , matatakpan ang buong planeta ng ilang linggo, at hindi lamang neto tataasan ang albedo ngunit mahaharangan din neto ang  liwanag na nanggagaling sa araw bago pa ito makaabot sa surface ng planeta.

Patuloy pa din ang pag-uusap kung paano mapapainit ang planetang ito, marahil nga pagdaan ng panahon ay magawa na nila ito at makakalipat na ang mga tao dito.

How Long:

Ayon sa mga ginawang pagpapadala ng mga bagay-bagay sa pulang planeta na ito.Maaari makapunta ang tao sa loob ng anim na buwan , at anim na buwan din ang kailangan upang

bumalik sa planetang Earth.( Goku , tulong !! )

So is it possible :

So kung titignan kung possible pa ang lahat ng pinag-iisip ng mga eksperto , na gagawin nilang bagong mundo ang pulang planeta na ito.Ayon sa NASA’s principal invistagator ng  Mars Atmosphere and Volatile Evolution o MAVEN spacecraft , Bruce Jakosky :” “is not possible using present-day technology.” so there , you get the answer.Ayon sa mga ito , kailangan nang ipatigil ni Elon musk ang plinaplano niyang “Startship” upang maging sasakayan, at ang ideya netong gamitang ng nuclear ang polar ice caps ng Mars.

Ang pagpapalabas ng CO2 ay hindi sapat upang makagawa ng greenhouse effect, ayon pa sa headline ng isang magazine na Nature Astronomy paper “Sorry, Elon. There’s Not Enough CO2 to Terraform Mars.”

Nagkaroong ng sagutan ang dalawa dahil lamang sa nasabing reforming ng planetang mars.

Ang sagot ni Elon kay Jakosky , “There’s a massive amount of CO2 on Mars adsorbed into soil that’d be released upon heating,”  “With enough energy via artificial or natural (sun) fusion, you can terraform almost any large, rocky body.”

Isinama pa ni Elon ang isang research na ginawa ng isang Ekperto na si Chris Mckay na pinamagatanga “Technological Requirements for Terraforming Mars.”

Ayon sa kay mckay “If Mars has lost 75 percent of its atmospheric CO2 to space, then barely any of it has been stored in the ground near enough to the surface for humans to be able to mobilize it.”

Hanggang ngayon ay nagtatalo pa din ang mga ito kung kaya nga ba ng tao , gumawa ng bagong mundo.Kung saan ang bagong mundo na ito ay safe ba , o siguradong mabubuhay ang isang tao ng mahabang panahon.

Marahil ay madami pang pag-aaral at pag eeksperemanto ang kailangang gawin upang makapagtanim ng ikakabuhay sa mars.Kailangan munang unahin ng mga scientist na dagdagan pa ang init sa lugar upang hindi naman mamatay sa lamig ang sino mang pumunta dito.

Ngunit kung magagawa man nila ang mga ito, malamang ay sa matagl pa na panahon.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6
Source 7

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Bakit mas matangos ang ilong ng nasa malalamig na klima?

Bakit naimbento ang pera?