Aswang Sa Bulacan

Reading Time: 7 minutes

Hindi na lingid sa ating mga kaalaman ang aswang. Sa katunayan 99% ng filipino ay alam ang salitang aswang at kung anong klaseng nilalang ito. Pero sa panahon ngayon masyado nang mordernized. Nuon kakaunti lang ang mga ilaw kaya naman madaling gumuwa ng krimen ngayon halos lahat ng kabahayan ay may ilaw na. Ang pag usbong ng liwanag sa gabi ang syang nagpabagal ng pagkalat ng balita tungkol sa aswang.

Nagpabagal, hindi nagpapigil. Dahil hanggang sa sa ngayon may maririnig pa rin tayong balita tungkol sa aswang. Katulad nuong Oktubre taong 2012.

Ang barangay balubad bulacan ay talagang nabalot sa takot. Ilan sa mga hayop dito ay patay na. Hindi yan ang nakakapangilabot, kundi nung checkupin nila ang mga biik, ang dugo nito di umano ay para bang sinipsip. Dahil dito kumalat ang balita tungkol sa aswang.

FOLKLORE:

 

sang araw may isang dayo ang napadpad sa Bulakan na may tagong kaanyuhan. Siya’y isang aswang na nag-aanyong tao. Siya’y nagpakilala sa mga taga-Bulakan na mayroon siyang hinahanap na kamag-anakan. Bagamat isang aswang ay kanyang pinagsumikapang mamuhay bilang isang normal na tao. Dahil sa habag sa kanya ng mga taga-Bulakan, may isang pamilya ang naghandog sa kanya ng lupang maaari niyang sakahin. Siya’y nagsumikap sa buhay bilang magsasaka at tuwing araw ng Linggo at araw ng palengke siya’y laging nasa kabayanan upang ipagbili ang kanyang mga ani. Sa kaluub-luoban ng kanyang pagkatao ay naglalaban ang kanyang tunay na kaanyuhan at ang kanyang pagnanais na maging tao. Hanggang sa isang araw sa pamilihang bayan ay hindi na niya napigilan ang sarili. Bigla na lamang niyang sinunggaban ang isang nagdadalang-tao. Kanyang winakwak ang tiyan ng naturang babae at kinain ang sanggol nito. Nagpulasan ang mga taumbayan na nakasaksi sa naturang kababalaghan hanggang sa siya’y tinugis na ng mga kalalakihan.

Nagawa siyang maitaboy ng mga taga-kabayanan patungo sa kulasihan sa baybay-dagat at dahil sa tinamong sugat ay nanghina ang aswang. May isang relihiyoso naman ang nakaisip na magdala ng estampa na may larawan ni San Nicolas de Tolentino. Kanya itong tinutok sa aswang hanggang sa ito’y tuluyan nang mamatay. Sa kasiyahan ng taumbayan ay kanilang ginawang pintakasi ng bagong barangay ang poong San Nicolas de Tolentino at tinaglay nito ang pangalan ng naturang santo.

TRUE STORY:

4 na baboy ang natagpuan na pagmamay-ari ni Mat Tansinin. Di umano ang mga baboy ay wala ng buhay at ito ay may mga kalmot at kagat sa buong katawan nito. Ang baboy kakaunti na lang din ang dugo na para bang sinipsip ito ng kung ano man.

May nagreport din sa unang araw ng sinasabing aswang attacks na 24 na bibi ang namatay at matapos ang isang linggo, 12 bibi at anim na manok naman ang kinain nito.

Ayon sa report, tanggal ang mga bituka ng mga hayop. Hindi rin umano tumahol ang kanilang alagang aso nuong mga oras na nilalapa ng aswang o kung ano man nilalang ang kanilang mga alaga.

Ayon naman kay Ason, isang residente sa lugar. Bago mangyari ang pagatake, nakakita sya ng isang malaking aso na pagala gala sa kanilang barangay. Matapos ang atake, nakita nya naman ang isang malaking pusa.

Ayon naman kay Dr. Ramirez, hindi totoo na ang aswang ang may gawa ng pagkamatay ng mga alagang hayop. Ayon sa dr. Pinalaki lang ang kwento dahil sa tsismis para narin takutin ang mga tao at wag ng lumabas ng gabi lalo na’t nalalapit na ang halalan.

Ang mga eksperto sinasabing hindi aswang ang pumatay sa mga ito kundi isang wild animal. Pero ang mga ibang tao sa bulacan pati na rin mga paranormal experts naniniwala na gawa ito ng asawang.

Strategy:

Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ang aswang para panakot. Sa katunayan ginamit ito ng mga amerikano nuong dekada 50 at 60 sa pampanga.

Nuong panahon na un may tiantawg na Huk Rebellion. Dahil nga rebellion, kinakailangang magkita ang mga miyembro nito ng palihim at kadalasan nga tuwing gabi.

Ang mga amerikano napag-alaman ito kaya gumawa sila ng istorya ukol dito. Nuong nakahuli sila ng 2 Huk members, pinatay nila ito at binutasan ng dalawa sa leeg na para bang kagat ng isang pangil.

Matapos nito ay kumalat na nga ang kwento tungkol sa aswang at maraming mga tao ang natakot lumabas ng gabi.

Conclusion:

Karaniwan ng ginagamit na panakot hindi lang sa tuwing eleksyon o rebellion ang aswang, kahit tayo nuong bata pa ito rin ang panakot sa atin. Kaya nga habang tayo ay lumalaki padami ng padami ang nalalaman nating kwento tungkol  sa mga aswang.

Sila nga ba ay totoo? o kathang isip lamang? Mga tsismis na dinagdagan ng kwento?

Malamang marami sa inyo ang magsasabing na experience ko na o kaya naman narinig ko na, o di naman kaya nakita ko sa malayo isang ganito isang ganyan.

Ako personally naniniwala ako sa aswang. Naniniwala ako sa ebolusyon at hindi lahat tayo ay pare parehas. Katulad ng mga sirena at syokoy may mga naniniwala na parte din sila ng ebolusyon, sila ang mga ninuno natin na hindi na nakaalis ng tubig.

Sa milyong milyong taon ang nakalipas, napakarami ng ebolusyon ang nangyari sa atin. Nagsimula tayo sa pagiging isda hanggang sa naging daga at naging primate kaya hindi rin imposible na ang aswang ay isang parte ng ating ebolusyon.

Naniniwala din ako na posibleng sila ay demonyo o binigyan ng kapangyarihan ng demonyo. Ano’t ano pa man, sa aking personal na opinion, pagala-gala lang sila. Nagmamatyag, naghihintay ng tamang pagkakataon.

Kayo mga boss naniniwala ba kayo sa aswang?

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Time Warp? Santiago Airlines Flight 513

Zone of Silence, isang totoong phenomena at hindi gawa ng alien?