Area 51 – The History

Reading Time: 17 minutes

Ilang dekada na din nanatili ang Area 51 na siang sikreto. Dineny ang existance ng US Government hanggang sa dumating ang June 2013. Oo hindi pa ganun kadami ang impormasyon pero at least nabigyan tayo ng liwanag. Ito ay dahil kay Jeffrey T. Richelson, isang researcher sa washington DC National Security Archive. Kung saan napasakamay nito ang mga classified documents patungkol sa development ng U-2 at oxcart, para sa hindi pamilyar mga boss, ang U-2 at OXCART ay mga surveillance aircraft nuong 1950 at 1960.

Hindi lang yan, ang dokumento ay nagrereference din sa Area 51 at kung bakit ito napili bilang testing area. Sa dokumentong ito nakalagay din ang exact location ng nasabing area 51.

Dahil sa ebidensya na pinakita at dahil na din sa Freedom of Information Act inamin ng US Government ang existence ng base sa unang pagkakataon. Isa itong hakbang pero masasabi nating isang maliit lamang dahil ang inamin lang ng US ay ang existance nito. Pero ang mga rumors o mga kwento kwento patungkol sa Area 51 ay isa pa ring misteryo.

Isa na nga dito ang mga UFO, na dito dinala ang mga aircraft ng mga UFO na nagccrash at dito rin nirereversed engineering ang mga technology ng mga ito. Pero isa sa mga popular ay ang fake moon landing na nangyari nuong 1969 kung saan maraming naniniwala na dito lang ito ginawa at hindi talaga nakapunta ang tao sa buwan.

Sobrang sikreto ng lugar na ito, kakaunti lamang ang mga taong nakakatindi at malayang nakakapasok dito habang marami sa atin ang gustong malaman kung anong meron dito. Tara mga boss, tuklasin natin ang Area 51.

History:

Before we start mga boss, let us find out what exactly occurred sa lugar na ito.
Nuong World War 2, ang army air corps ay gumawa ng mga runways sa nevada kasama na nga dito ang maliit na runway sa groom lake. Ang spot na yon ay pinangalanan nilang Army Air Corps Gunnery School. Subalit nuong 1940 ay inabandona ang nasabing runways.

Nuong early 1950’s ang CIA ay nakipag partner sa isang korporasyon, it aoy ang lockheed. Ang kanilang goal ay makapag develop ng high altitude aircraft para magamit sa surveillance missions. So Clarence Johnson ng lockheed ang namuno sa proyekto at nagtayo sya ng departamento ng mga engineers at test pilots at sila ay nakilala bilang skunk works. Ang skung workds department ay sobrang masikreto sa kanilang mga proyekto.

Ang CIA at si Johnson ay naiintindihan na very crucial ang kanilang secrecy. Dahil dito kinailangan ni Johnson na makahanap ng lokasyon para masimulan ang nasabing proyekto. Gusto nya ang lokasyon na malayo sa mata ng publiko, isang remote site na hindi malalaman ng iba pero gusto nya rin na medyo malapit sa major city para kung sakaling kailanganin ng gamit ay hindi mahirap ang pagkuha dito. Ang site ay kailangan malalapagan ng aircraft at hindi dinaraanan ng mga commercial at military flights. Ayon sa kanya kailangan din na malaki ito para makapagtayo ng bahay sa mga empleyado at military forces.

5 taon matapos nito, Pumunta si Johson sa nevada kasama si col. Osmond Ritland para makanap ng magandang location para maitayo nya ang base of operations. Si Ritland ay nagtrain sa Army Air Corps Gunnery School at sinabi nya ang lokasyon na ito kay johnson. Napagdesisyunan ni Johnson na ito ang ideal na lokasyon para sa kanyang proyekto.

Name:

Bakit nga ba tinawag itong area 51? bakit hindi area 52? o hindi naman kaya airforce o ibang pangalan na mas related sa aircraft? Alam nyo ba mga boss na minsan itong tinawag na paradise ranch? Oo mga boss, tinawag itong paradise ranch para maencourage ang mga workers na magtrabaho at manatili sa lugar nayon. Ayon naman sa CIA official history ng U2 Project, ang lugar na ito ay “the new facility in the middle of nowhere”. Eventually ang Paradise Ranch ay tinawag na “the ranch” at binansagan ding Site 2. Pero bulalord asan ang area 51 name jan i hear you ask. Wait lang… Relaks lang mga boss.

Ang area 51 ay pinaniniwalaang mula sa AEC o Atomaic Energy Commision. You see mga boss, ang lugar ng area 51 ay dating nuclear testing site. Para mas mabilis macommunicate kung saan ang eksatong area na pagtetestingan ng bomba. Kaya ang buong mapa ng test site ay binagyan ng kanya kanyang area code. Gumamit ang Atomic energy commision ng numbers 1-30. Pero boss 1-30 lang, wala namang 51 o 50 i hear you say again. Yes boss 1-30 initially, Pero dahil nga out of grid na ang kasunod na area, nilapatan ito ng area 51. May mga nagsasabi din na dahil malapit ang area 15, binaligtad lang ang number kaya ginawang area 51 ang katabing grid nito. So mga boss, hindi ito dahil sa bumagsak dito ang 51st saucer o dito natagpuan ang 51st saucer, sadyang nakapangalan lang talaga ang area by grid.

Pero alam nyo ba na merong area 52? yes mga boss, though, contrary to the popular belief, ang area 52 ay hindi alien testing site o kung ano man ang nasa isip ng ibang theorist jan, ang area 52 mga boss ay ang testing site ng tonopah, in fact ayan kitang kita nyo sa screen ang tonopah test range at ang nakalagay dito ay area 52. So mga boss sana clear na tayo sa area 52 at ang dahilan kung bakit ang pangalan nito ay area 51.

Security Secrecy:

Obviously ang base ay highly classified. Napakaganda ng lokasyon na ito dahil sobrang remote nito at lahat ng nasasakupan ay nasa ilalim ng isang radar. Sa sobrang sekreto nito, ang US government ay nirestrict ang mga malalapit na borders para wala talagang makakita dito ng malapitan.

Ang mga nagttrabaho sa Area 51, wether military man ito o isang civilian ay kailangan pumirma sa isang oath na lahat ng makikita at mangyayari sa area 51 ay kanilang isesekreto. Ang buildings din sa area 51 ay walang mga bintana, dahil dito hindi nakikita ng mga nagttrabaho sa area 51 ang nasa labas at mas nakakapagfocus sila sa trabaho nila.

May mgapagkakataon na ang dalawang team ay magsasama subalit ang dalawang team na ito ay walang idea sa kung ano ang project ng bawat isa. Kapag nag tetest naman silang mga experimental aircraft, ang mga officials ay pinapapasok ang mga empleyadong hindi naman kasama sa testing at pwede lang silang makalabas kapag ang aircraft ay nakalapag na at nakapasok na sa hangar.

Location:

Asan nga ba ang area 51? Pag pumunta kayo ng google earth pag tinype ninyon ang area 51, good luck kung mahanap ninyo ito agad. Well ang exact location ng area 51 ay 37.24804 latitude at -115.800155 longitude. Ang daming numbers diba, basta ipaste nyo na lang sa google earth yan pag sa google maps nyo lang kasi nilagay, purong black lang makikita nyo.

Kagaya nga ng sinabi ko kanina, ang area 51 ay naging tago sa publiko ng ilang dekada. Sa katunayan ang mga satellite imagery sa lugar na iyon ay laging binbura ng mga US government. Nuong 1973 ang skylabd astronauts ay hindi sinasadyang nalitratuhan ang airfield. Dahil na nga din sa isa itong government secrets, ang mga CIA ay nagawang i censor ang litrato at napigilan ito na makita ng publiko nuon.

Nuong 2000 naman, nalitratuhan din ito ng soviet orbital probe. Napasakamay at naipublish ito ng Federation of American Scientist. Hindi na ito napigilan pa ng US Government lalo na’t sumisikat na nuon ang google earth, talaga namang out of control na ang lokasyon ng area 41.

Ang base na to mga boss ay may laking 36,000 hectares. Dito makikita rin ang hangar, guard shack, ilang mga radar antenna, housing facilities, runaways at mga iilang bahay na nakatayo. Ang ibang mga buildings dito ay tinatawag na scoot and hide, ito mga boss ay para mabilis nilang matakpan ang mga aircraft na ayaw nilang ipakita lalo na kapagdadaan ang sattelites. Ganuon sila ka sekreto mga boss, imaginine nyo na lang ang effort ng US para maitago ito.

May mga sabi sabi na ang nasa itaas na nakikita natin ay ang upper base pa lang at wala pa ito sa kalingkingan ng kung anong nasa ilalim. May mga theorya na sa ilalim nito ay isang napakalaking underground base na pupwede kang maligaw dahil sa sobrang laki.

May iba pang bali balita na meron daw itong 40 levels at meron ding underground rail ways papunta sa salos alamos, white sands at los angeles para sa mabilis na pagbbyahe. Pero merong mga ibang hindi naniniwala dito, dahil na din para maachieve ang ganitong underground base ay kailangan ng maraming labor force at ang mga nahuhukay sa ilalim ng lupa ay kailangan itambak sa itaas isa pa kailangan din nito ng sandamakmak na materyales.

Gayunpaman, wala pa ring nakakaalam ng totoo na nabunyag sa publiko. Ang mga pangyayari sa area 51 ay talagang nakaconceal parin hanggang sa ngayon.

Aircrafts:

Hindi na nga lingid sa ating kaalaman na ang area 51 ay para sa pagtesting ng mga experimental aircrafts. Ito mga boss ang ilan sa mga projects na na declassified nuong 2013 at naging available sa publiko.

U2 Spy plane:
Si Lockheed ay nakipagtulungan sa CIA para makapag develop ng isang aircraft na kayang lumipad ng pagkataastaas. Sa katunayan ang U2 ay kayang lumipad ng 70,000 feet. Para sa comparisson mga boss, ang mga normal air lines ay nasa 10,000 feet lamang.

Nuong 1960 ang USSR ay napabagsak ang U2. Dahil dito ang US government ay nagdevelop ng successor ng U2, ang Suntan. Ang suntan ay may bilis na kayang umabot ng Mach 2.5. Subalit ito ay gumagamit ng hydrogen fuel, isang malking downfall ng successor dahil ang hydrogen fuel ay napakamahal kaya kinansela ng gobyerno ang nasabing project.

A-12 OXCART:
Nuong early 1960, isang surveillance aircraft prototype na mayroong katawan ng isang makinang na titanium. Ayon sa 2009 Los Angeles Times Article, ang aircraft ay may bilis ng Mach 3. Dahil dito maraming commercial piloys ang inakalang isa itong alien spacecraft dahil na din sa bilis nito.

SR-71 Blackbird:
Ang aircraft na ito ay mula sa A-12 at ito rin ang successor ng U-2. Ang mga aircraft na ito ay may bilis ng Mach 3 at kayang umakyat ng 90,000 feet.

Tacit Blue and Have Blue
Ang dalawang aircraft na ito ang kaunaunahang successful attempt na makagawa ng stealth aircraft. Ang tacit blue ay parang hugis ng isang killer whale, kaya naman binansagan itong shamu. Fun fact mga boss, sa mga hindi nakakaalam si shamu po ay isang killerwhale na lumalabas sa mga shows sa seaworld san diego nuong mid late 1960. Ito ay dinesign para lumipad ng baba dahil ito ay isang reconnaissance vehicle.

Habang ang have blue naman ay isang prototype para sa F117-A stealth fighter. Ang have blue ay unang dumating sa area 51 nuong 1977. Ito ay nanatiling sikreto

Bird of prey:
Ang bird of prey ay isang single seat expermiental aircraft. Meron itong radar evading shape at dinevelop ito nuong 1992 hanggang 1999. Pinangalanan itong bird of prey dahil na din sa distinctive gull shaped wings nito. Sa katunayan meron itong wingspan na 23 feet at may haba na 47 feet. Fun fact mga boss, simula nuong 1996, meron na itong 38 secret test flights. Take note mga boss nuong mga panahong iyon ay hindi pa open sa public ang rea 51 kaya naman ang ibang mga nakakakita dito ay inaakalang isa itong UFO.

Ang bird of prey ay isang successful project subalit isa lang ang ginawa ng US na bird of prey dahil na din sa mahal ng pagkakagawa nito.

Yan mga boss ang confirmed. Pumunta naman tayo sa mga rumored secret air crafts.

TR-3A Black Manta:
Ang TR-3A Black Manta ay isa sa mga nababalitang secret project na naganap sa area 51. Marami ng kwento patungkol dito pero walang nakakaalam kung ito ba ay totoo o hindi. May mga reported sigthings patungkol sa isang misteryosong aircraft na hugis tatsulok na lumilipad sa antelope valley. Ang proyektong ito ay pinaniniwalaan kasama sa tinatawag na black project. Para sa mga hindi nakakaalam, ang black project mga boss ay isang highly classified military defense ng US.

Aurora:
Sa mga nakapaglaro ng generals zero hour or command and conquer generals, malamang pamilyar na kayo sa aircraft na aurora. Pero mga boss ang aurora ay isang highly classified na pinaniniwalaang parte rin ng black project. When i say pinaniniwalaan boss, ang US government ay hindi pa rin ito inaamin. Ang kwento patungkol sa aurora ay sumambulat sa publiko nuong march 1990 kung saan nag release ng balita ang Aviation Week and Space technology magazone, at napapaloob dito ang salitang aurora at kasama ito sa 1985 US budget na nagkakahalaga ng 455 million dollars para sa black aircraft production.

Brilliant Buzzard or Mothership:
Ang black star ay isa sa mga rumored project sa area 51. Ang aircraft na ito ay malaki. Pinaniniwalaan na ito ay may daladalang mas maliit na aircraft at ang maliit na aircraft ay isang UAV o unmanned aerial vehicle, in short drone type ang controls nito.

Blackstar:
Nuong 2006 ang Aviation week and space technology ay nagpalabas ng report na ang US military ay pinondohan ang development and testing of small orbital space plane nuong 1990. Ito ay isa ring highly classified aircraft kaya ang US government ay tikom pa rin ang bibig patungkol dito.

Ano pa nga ba ang ibang projects na ginagawa ng area 51 ngayon? Marahil sila ay nakafocus sa unmanned vehicle technology, sa mga stealth techs at mga iba pang advance technology. Pero dahil nga ang publiko ay nagcacatch up na sa technology, mas nagiging maingat ang area 51 sa pagcoconduct ng mga tests.

Maraming theorya patungkol sa mga proyekto na posibleng nagaganap sa area 51. Dahil nga ang mga ginawang prototypes aircrafts ay para sa surveillance, ayon sa mga theorists, posibleng ang area 51 ay nagdedevelop ng aircraft specifically designed para maneurtralize ang ground targets. Posible din na gumagawa sila ng mga aircraft na sobrang bilis kaya nitong madeploy ng minuto lang sa kahit saang parte ng mundo. May mga rumors din na nagdedeveop ang mga ito ng mga alien o advance technology such as cloaking, proton beams at anti gravity. Pero sympre hanggang teorya lang tayo for now, without the confirmation of US, mananatiling hanggang teorya lang ang mga ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Totoo bang nakakasapi ang demonyo o espirito gamit ang ouija board at Sino si Zozo?

Ang halimaw na kumain kay odin – FENRIR