Area 51 Mysteries

Reading Time: 14 minutes

Ang area 51 ay sobrang misteryoso, dahil dito, maraming nalilink na mga ufo conspiracy theories, kesyo nagdedevelop daw ang mga us government ng mga alien tech o hindi naman kaya nakakuha sila ng alien at pinagaaralan, pero totoo nga ba ang mga balitang ito?

Sa mga hindi nakapanood, gumawa po ako ng area 51 history, sa mga hindi nakapanood, panuorin nyo po muna un para may idea kayo kung ano talaga ang area 51, paano ito nabuo at bakit area 51 ang tawag dito.

Maraming naniniwala na ang alien spaceship na nag crashed sa Roswell ay sinecure ng gobyerno at pinadala ang mga wreckage nito sa Area 51 para ma examine at mapag-aralan. Ang iba naman naniniwala na mayroon itong underground levels at tunnels na syang nagkokonekta sa mga secret sites. Dito rin matatagpuan ang mga warehouse na punong puno ng alien tech at mga ibang alien specimens.

May mga iba ring tiheory na ang mga namamahala dito ay mga aliens at ang kanilang main goal ay makagawa ng human-alien hybrid dahil ang mga alien pinaniniwalaan na hindi makapagreproduce. Ang gobyerno pati na rin ang airforce ay dinedeny ang existance ng UFO sa area 51 pero gayunpaman mas lalo lang pinagtibay nito ang mga conspiracy theories dahil naniwala ang mga theorist na ginagawa lahat ng gobyerno para hindi sumiwalat ang sikreto.

So ngayon mga boss, lumubog naman tayo sa rabbit hole ng area 51. Ang mga misteryo nito.

Flying Saucer:

Alam natin ang UFO ibig sabihin ay unidentified. Pero ang iba sa inyo pamilyar din sa tawag na flying saucer hindi ba? Saan nga ba galing ang salitang flying saucer? Listen well mga boss dahil dito nyo malalaman sa mga hindi pa nakakaalam kung papaano naging flying saucers ang mga ufo.

Nuong June 24 1947, si Kennth Arnold ay nagreport na mayroon syang nakitang 9 na bagay na lumilipad sa himpapawid at ito ay naka V formation. Nakita nya ito habang nakasakay sya sa kanyang private plane. Ayon sa kanya, ang mga bagay na ito daw ay lumilipad na parang isang saucer. Dagdag pa nya, ito ung parang pag hinagis o pinalipad mo ang isang saucer sa tubig ay tatalon ito o magboubounce.

Inakala ni Arnold na isa lamang itong test flights ng mga military aircraft subalit kinumpirma ng militart na hindi sila nag conduct ng test flight nuong mga panahon na yon. Hindi lang yan, may isa ring sibilyan na nasa mt. adams ang nagpatotoo sa statement ni Arnold na sya rin ay nakita ang sinasabing flying saucers. At mga boss, dito na nga nagsimula ang salitang flying saucer.

Roswell:

Isang buwan matapos ang nakita ni Arnold, Isang unidentified aircraft ang nagcrash sa rancho malapit sa roswell. Ang Roswell Army Army airfield ay nag issue ng pres release mula kay General William Blanchard. Ayon dito, nakarecover sila ng unidentified object o UFO. Subalit binawi agad ito ng army at sinabing hindi ito flying disc bagkus isa lamang weather balloon. Subalit ang statemeng ay nasa publiko na at marami na ring nag publish na ito nga ay ufo. Dineny na ito ng gobyerno hanggang sa namatay na ang issue.

Ilang taon matapos nito, nuong 1970, si Stanton T. Friendman na isang nuclear physicist ay nagsulat ng libro patungkol dito, ayon sa kanya ang crash ay isang resulta ng extraterrestrial activity.

Nuong 1990’s naman, ayon sa declassified documents, ang narecover nila sa Roswell ay isang weather baloon. Ang baloon na ito ay ginamit sa isang surveiallance program na tinawag na Project Mogul. Ang weather balloon ay isa lamang kwento para macover up ang secret project. Pero sympre, ang mga ufo believers naniniwala na ang spy balloon ay totoong isang cover up pero ito ay cover up para sa alien aircraft na talagang bumagsak sa roswell.

Reverse Engineering:

Matagal ding nanahimik ang Area 51 patungkol sa UFO claims hanggang sa dumating ang late 1980 kung saan si Robert Lazar ay nagpainterview sa las vegas TV at sinabing sya ay nagttrabaho sa isang misteryosong site na tinatawag na S-4, ang site na ito ay malapit sa area 51. Ayon sa kanya ang trabaho nila ay mag reverse engineer ng mga flying saucers na narecover ng mga US mula sa crashed site.

Naging matunog ang interview na ito dahil na din sa pamosong Area 51. Subalit hindi rin nagtagal ay nalaman na ang kwento ay gawa gawa lamang, hindi sya talagang trabahador ng area 51 at pati ang kanyang buong katauhan ay isa lamang kwento. Sinabi nya na sya ay grumaduate sa MIT at Caltech pero nuong vinerify ito hindi naman sya grumadate dito.

May sagot si Lazar dito, ayon sa kanya dahil sa expose na kanyang siniwalat, ang gobyerno sinusubukang burahin lahat ng ebidensya pati na rin ang kanyang pagkatao para nga naman sabihin ng mga mamamayan na isa itong sinungaling at gusto lang nito ng fame. Nito lamang 2013, isang writer ang sumubok na kontakin sya para sa nalalapit na 25th anniversarry ng kanyang alegasyon pero tumangi na si Lazar dito at sinabing ayaw nya ng mainvolve sa mga UFO topics.

MJ-12:

Totoo na marami talagang consiparacy theories ang bumabalot sa area 51 pero meron ding iilan ilan na naniniwala na ang area 51 ay pinamamahalaan ng isang grupo at ang grupo na ito ay gustong itayo ang New World Order.

Ang mga UFO issue at mga reverse engineering theories ay isa lamang taktika para malayo ang publiko sa totoong layunin ng grupo na namamahala sa area 51.

Ayon sa mga theorya, tinatawag silang MJ-12, minsan tinatawad din ng Majestic o Majic 12. Ang grupo na ito ayon sa theorya ay mga makakapangyarihang nilalang, when i say makapangyarihan, ibig sabihin may position sila sa gobyerno. Ayon kay William L Moore, isang UFOlogist, nakadiskubre sya ng mga dokumento na mula sa MJ-12. Ang mga dokumento na ito ay may pirma ng presidente. Pero maraming mga skeptics ang agad na bumatikos dito dahil ayon sa kanilang pagiimbestiga, ang signatures na ginamit ay mga fake signatures at ginaya lamang. Habang ang mga UFO conspiracy theorist naman ay naniniwalang ito ay totoo at ang mga tao ay bulag sa katotohanan o hindi naman kaya ay nagttrabaho para sa gobyerno.

May mga theorist naman na naniniwala na ang MJ-12 documents ay mga peke, pero ito ay official na peke. What i mean mga boss ay pinalaganap ito ng gobyerno para dagdag pampagulo sa mga tao sa totoong layunin ng area 51. Dito na gumugulo ang lahat boss kaya magpasa hanggang ngayon ay talagang napakamisteryoso ng area 51 dahil bawat grupo ay sinusubukang idisprove ang bawat isa.

May iba naman nagsasabi na hindi lang sa area 51 matatagpuan ang mga aliens, in fact posibleng kasama natin sila. Ayon sa teorya, ang US government ay nakipagdeal sa mga aliens at pinayagan itong makapag abduct ng mga tao, karaniwan pinag-aaralan at ang iba naman sinasabing tayo raw ay pagkain ng mga aliens.

Autopsies:

Naniniwala ang mga conspiracy theorist na isa sa mga totoong function ng area 51 ay para maihold ang mga aliens na kanilang napapasakamay. Ang pagkakaiba lang nito hindi sila nakasuot ng mga orange jumpsuit. Ayon sa expose ni lazar, nuong naglalakad sya sa hallway ng S-4, napatingin ito sa maliit na bintana at dito nakita nya ang isang maliit na grey alien kasama ang dalawang lalaking nakasuot ng white coat.

Isa pang whistleblower na nagngangalang victor ang nagsabing isa rin syang trabahador ng area 51. Nuong 1997 nainterview sya sa isang radio at sinabing nakawitness sya ng alien interrogation.

Nuong mid 1990 naman, nagulantang ang publiko dahil narealease ang isang 17 minute black and white film kung saan pinapakita dito ang isang grupo ng mga tao na nakasuot ng white lab coat at dinadisect ang isang bangkay ng alien. Ang footage na ito ay naiere sa telebisyon sa ibat ibang bansa. Pero hindi lahat naniwala, may ibang nagsasabi na ang mga scientist o ung mga tao na nagddissect ay maysadong magaslaw sa kanilang surgical tools, halatang hindi talaga sila sanay sa pagdadisect. Ilang taon matapos nito, ang producer ay nagrelease ng  documentary sequel kung saan inamin nila na ito ay isang fake lamang. Pero ayon sa kanila, ang naunang autopsy ay totoo, pinalitan lang nila sa sequel dahil na din sa kalumaan nito.

Pero hindi lang yan ang alleged autopsy, meron ding lumabas nuong 2012, Alein from Area 51: The Alien Autopsy Footage revealed. Pero kagaya din nang nauna, ang black and white footage autopsy shot ay isang spychological experiement at aaminin na isa nga itong fake pati na rin ang explanation dito. Subalit si Ray Santilli na isang co producer ay may ibang naisip, ibinenta nya ang kanilang pelikula sa buong mundo at sinabing ito ay isang genuine shot nuong 1947 ng roswell incident.

Hindi pa natapos jan ang mga alleged autopsy, 2014, isa na namang partially disected alien na may taas na 4 foot ang lumitaw. Pero hold on tight dito mga boss. Kasi ito ay may posibleng katotohanan. Ang litrato ay pinadala kay Tom Carey para maiverify kung ito nga ay genuine at kung ito ay nuong 1947 talaga kinuha. Take this mga boss, ang kodak historians ay nagsabing ang film ay confirmed na 1947 ang date. Dinala nila ang film sa official historian ng KodaK sa Rochester New York at kinumpirma nga nito na ang film ay dated 1947. Ayon pa sa historian, hindi ito madaling iphotoshop katulad sa panahon ngayon at ang litrato dito ay totoong kinuha. Regardless kung ito ba ay totoong alien o isang staged muli, ang film ay kumpirmadong authentic at hindi na alter in any way.

Moon Landing:

Of course hindi ito mawawala sa conspiracy ng area 51. Ayon kay Bill Kaysong na isang consiparacy theorist, Napagalaman ng NASA nuong late 1960 na imposibleng ipadala ang mga astronaut sa buwan dahil na din sa possible lethal radiation. Kaya imbes na ipaalam ito sa publiko, ang mga officials ay bumuo ng isang staged hoax. Totoo na ang rocket ay talagang nag launch off, subalit ang mga apollo 11 crew ay pasikretong trinansfer sa isang military aircraft at dinala nga sa area 51. Ilang araw matapos nito, si Neil Armstrong at si Buzz Aldrin ay umakting na sila ay nasa buwan. Hindi pa natatapos jan, ang mga astronauts daw ay brinainwash para sa kanilang full cooperation.

Pero ano nga ba ang mga dahilan ng mga theorist bakit nasabi nilang staged ang moon landing?

Ang pinakapopular na dahilan ay ang crosshairs, ang iba dito ay para bang nasa likod ng mga images na para bang pinaste lamang. Ayon pa sa mga theorist, ang mga litrato mula sa moon landing ay malilinaw considering na hindi pa ganun kaganda ang camera nuon. Isa pang debatable para sa mga theorist ay walang kahit anong bituin sa kalawakan. Pag andito tayo sa earth hindi ba kitang kita natin ang mga bituin, ang iba napipicturan pa pero ang moon landing walang mga bituin. Ito daw ay marahil kapag nilagay ng NASA ang mga bituin sa litrato malalaman ng mga astronomers kung talaga bang ito ay kuha mula sa buwan o dito sa mundo natin. Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit ang iba ay naniniwala na ang moon landing ay hoax. Hindi na ko magdedelve pa dito sa topic na to kasi pwede pa nating maging topic ito sa susunod na mga videos at mas mag deep dive pa sa mga reasons at patunay.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Ano ang Dahilan ng pag kakaroon ng Bioluminescent Waves

Dahil walang makitang darkmatter?