April Fools’ Origins

Reading Time: 7 minutes

Saan nga ba nagsimula ang april fools day? bakit ito tinawag na april fools? Isa itong kakaibang unofficial holiday, bakit kakaiba? isipin nyo na lang, ang araw na ito ay para sa mga pranksters parang araw ni Loki. May mga mild pranks para sa mga pamilya at mayroong mga pranks na talagang over the boundaries. Pero dito satin sa pinas hindi naman ito masyadong kilala sa totoo lang. Mas kilala ito sa amerika, dito sa atin mas kilala ang easter sunday at lenten season. Pero dahil nga April fools ngayon, tuklasin natin kung saan ito nagsimula.

Possible Origins:

Sa totoo lang ang origins ng April Fools ay medyo malabo i mean yuing pinakaugat nito. Pero isa sa pinakakilalang kwento ay dated back nuong 16th century. Taong 1582, ang France nuon ay inadopt ang Gregorian Calendar kung saan ang new year ay pinaliran na mula end of march papuintang January 1.

Ayon sa mga kwento nagkaroon ng confusion dito at pinagpatuloy pa rin ang pagcecelebrate ng new year ng end of march hanggang april 1st imbes na January 1st. Tinawag itong poisson d’ avril o April fish dahil na din sa pagcecelbrate ng maling araw. Ang celebration na ito ay pinagpatuloy sa europe at ginanap kada taon.

May iba naman na naniniwala kaya ito tinawag na araw ng mga pranks ay dahil sa pagdating ng spring kung saan niloloko o pinaprank ng kalikasan ang tao kung saan pabago bago ito ng panahon. Ayon naman sa The country diary of garden lore, ito daw ang pagcecelebrate sa pinadala ni noah na uwak kung saan ito ay hindi na bumalik.

Gayunpaman, ang selebrasyon na ito ay kumalat na sa buong mundo at mas lalong lumalaganap dahil na din sa pagsabog ng internet.

Ayon naman sa libro ni Geoffrey Chauchers na pinamagatang The Centerbury tales na pinublish nuong 1392, dito makikita ang isang reference kung saan nilagay ang march 32. Ayon naman sa ibang medievalists isa lamang itong misprint at hindi sinasadya.

Superstitions:

May mga paniniwala din pag dumaraing ang april fools day. Ayon sa mga paniniwala, ang pranking period o ung pagjojoke ay mayroong expiration date at ang expiration date nito ay hanggang tanghaling tapat lamang ng april 1st. Kapag nagprank ka at lampas na ng tanghaling tapat, ang prank mo ay babali sayo o kaya ikaw ay magkakaroon ng bad luck. Ayon naman sa iba ang mga taong nagpprank na hindi marunong tumanggap o hindi goodsport ay magkakaroon din ng badluck. Pero hindi naman lahat bad luck ang pamahiin, may mga pamahiin din na kapag ikaw ay prinank ng magandang babae, posibleng kayo ay magkatuluyan o hindi naman kaya mas magiging matibay ang inyong pagkakaibigan.

Other Countries:

Ang ancient Romans nuon ay sinecelebrate ang festival ng March 25th at tinatawag na Hilaria. Sa Hindu naman tiantawag itong Holi o festival of colors kung saan ang mga indiano ay nagtatapon ng mga colord powder at tuiubig sa isat isa. Habang sa Jewish tiantawg itong Purim. Ang mga nagcecelebrate dito ay nagsusuot ng mga costume, mayroon ding mga carnivals at sympre ang pranks.

Sa scotland tinatawag ang april fool na april gowk. Isa itong emblem para sa mga taong madaling maniwala. Ang prank na ito ay kadalasang tumatagal hanggang april 2 na tinatawag na tailie day kung saan ang mga magkakaibigay ay naglalagay ng papel sa likod na may nakalagay na “kick me”. Sa england naman tiantawag itong gob, gawby o gobby. Sa brazil tinataw itong dia da mentira o lie day.

Famous Pranks:

Isa sa mga kilalang pranks ay ginawa ng BBC nuong April 1 1957 sa BBC Panorama at nagreport na masaganang spaghetti harvest ng taong yon dahil na din sa magandang panahon at pagkawala ng salot na tinawag na spaghetti weevil. Sa katunayan, nagstaged pa sila para dito dahil nilagay nila ang mga spaghetti strands sa puno at pinipitas ang pasta. Dahil dito, maraming viewers ang tumawag sa network sa kung papaano magkakaroon ng puno na namumunga ng spaghetti strands.

Sa BBC muli, nuong April 1 1976 ang british astronomer at radip presenter na si patrick moore ay nag announced na magkakaroon ng rare alignment ng pluto at Jupiter at mangyayari ito ng 9:47 ng umaga kung saan ang epekto nito ay manunullify ang epekto ng gravity o hindi makakaramdam ng bigat ang mga tao. Eksaktong 9:47 sinabi ni Moore na tumalon. Isang minuto matapos nito, ang BBC ay nakatanggap ng sandamakmak na tawag at sinabing totoo nga at naramdaman nga nila na nawala ang epekto ng gravity.

Of course hindi mawawala ang internet pranks,. taong 1996 nagkaroon ng announcement kung saan lahat ng computer na connected sa world wide web o internet ay kailangan idisconnect at ireconnect para sa tinatawag na Internet Cleaning day.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Nasaan ang Antimatter?

Bakit tumitilaok ang tandang (rooster)?