Antas ng impyerno (Dante’s Inferno – Divine Comedy)

Reading Time: 14 minutes

Mga boss panigurado alam nyo na ang tungkol sa impyerno. Ang iba sa inyo malamang narinig na ang divine comedy. Sa mga hindi pa, isa itong tula na sinulat ni dante nuong 1320 kung saan tumutukoy ito sa kung anong maari nating asahan sa impyerno. Ayon sa tula, ang impyerno di umano ay mayroong 9 levels o circles, dito nahahati ang mga makasalanang tao. Dito mapupunta ang iyong kaluluwa depende sa bigat ng iyong kasalanan. Bawat level ay may naghihintay na masaklap na parusa. Ako sa totoo lang mga boss, hindi ko to alam nuong una, nalaman ko lang ito nuong naglaro ako ng “dante’s inferno” sa PS3. Sa mga nakakaalam, saan ninyo unang nalaman ang tungkol sa circles of hell?

Limbo

Ang limbo ang first circle o level of hell. Ayon kay dante, hindi ganun kalala ang limbo, meron itong mga bahay, may kapatagan at malinis. Mayroon katahimikan pero gayunpaman, ang hangin nababalot ng kalungkutan. Sapagkat ang mga kaluluwa na narito ay hindi gumawa ng matinding krimen, nandito sila dahil hindi sila naniniwala sa panginoo. Naririto rin ang mga taong hindi nabawtismohan. Ito ang lugar ng kawalan ng komunikasyon at pagmamahal mula sa panginoon.

Lust

Ang 2nd circle ay para sa mga taong nagkasala sa laman. Ang mga kaluluwa na nananatili dito ay mas binigyan ng importansya ang pagkahayok sa laman imbes na mahalin ang panginoo. Ang mga kaluluwang ito ay pinarurusahan sa pamamagitan ng pagikot sa isang makapal at madilim na ulap kung saan tinatangay sila ng hangin at paikot ikot sa kawalan.

Gluttony

Kung alam nyo ang 7 deadly sins, alam nyo na ang gluttony ay isa sa mga ito. Ang gluttony ay ang pagkamatakaw, pagkuha ng labis. Hindi lang ito tungkol sa pagkain mga boss, pwede ring sa bagay. Ayon kay dante, ang lugar na ito ay punong puno ng basura, kagaya ng mga taong matatakaw hindi pinapahalagahan ang bawat bigay ng panginoon. Ang lugar na ito ay umuulan ng napakalamig at napakasangsang ng amoy sa lugar na ito. Ang mga kaluluwa ay nababalot ng yelo at nanginginig sa lamig.

Greed

Alam nyo naman na siguro kung ano ang ibig sabihin ng greed. Ang fourth circle ay nahahati sa dalawang grupo. Ang nagtatago at nagwawaldas ng kayamanan kung saan tinatago o winawaldas lang nila ito para sa kanilang sarili nuong nabubuhay pa sila. Ang mga kaluluwang ito ay nagdadala ng kani kanilang bato, bawat bato ay representasyon ng kanilang naipon o nawaldas na yaman. Bawat panig nagsisigawan, bakit magtatago at ang kabila naman sumisigaw ng bakit magwaaldas.

Wrath

Dito matatagpuan ang river of styx. Ang ilog na ito ay nababalot ng makapal na hamog at ang ilog ay mabaho. Ang tubig nito ay hanggang tuhod lamang. Ang mga galit, malungkot at depressed na mga kaluluwa ang naninirahan sa antas na ito. Ang mga kaluluwang ito ay balot ng galit at poot kaya naman bawat isa ay kanilang inaatake at minsan inaatake din ang kanilang sarili. Dito rin nakita ni dante ang mga ilang bula na nabubuo, ito ang mga kaluluwa ng mga taong depressed at hindi natanggap si hesu kristo bago pa sila pumanaw.

Heresy

Dito makikita ang bayan ng Dis kung saan matatagpuan ang mga Arch-heritics. Ang lungsod ng Dis ay binubuo ng malaking pader ng bakal at nasusunog na mga libingan. Mayroon ding isang malaking puting marmol na museo na may mga tabla kung saan nakakulong ang mga hindi nananampalataya. Dito nakasulat ang kanilang pangalan, kapanganakan at araw ng kamatayan. Dito maririnig ang mga pagsususmamo, pagmumura, pagiyak at pagsigaw sa ilalim ng museyo.

Violence

Ang antas na ito ay nahahati sa 3 lupon ayon sa uri ng karahasan na kanilang ginawa.
Ang ilong ng Phlegethon. Dito makikita ang mga mamatay tao partikular ang mga taong kumitil ng buhay dahil sa masamang hangarin. Hindi lang karahasan para sa kanilang sarili kundi pati ang ginawa nilang paghihirap sa ibang tao. Ang ilog ng phlegethon ay mayroong kumukulong dugo. Ang paglubog ng isang kaluluwa sa ilog na ito ay depende sa nagawa nyang kasalanan, merong hanggang tuhod at meron naman hanggang leeg. Dito rin mapupunta ang mga taong masaya kapag nakakasakit sila ng tao.

Ayon kay dante, sa lugar na ito ay may maliit na isla kung saan ang nakatayo dito ay ang mga kaluluwa ng mga opisyales na nagpalaya ng kriminal o hindi naman kaya ang pumatay ng isang tao pero ito ay nasa katwiran naman. Ang mga ito ang nagbabantay sa isla para hindi makaakyat ang mga kaluluwang naluluto sa ilog. Kahit na hindi sila napapahirapan, hindi pa rin sila masaya o panatag.

Ang sumunod na lupon ay ang mga kaluluwang nagpakamatay. Ang mga kaluluwa ng mga ito ay nakatali sa puno na puno ng tinik at may maitim na dahon. Ang mga harpies na syang tagapangasiwa sa lugar na ito ay kinakain ang mga nasabing puno. Pag ang mga nilalang na ito ay kinagat ang isang puno, ito ay dudugo at dito lang makakapagsalita ang kaluluwa na nakapaloob sa punong ito.

Ito ang parusa sa mga taong nagpapakamatay. Winasak nila ang kanilang katawan nuong sila ay nabubuhay pa kaya sa lugar na ito tinanggalan sila ng karapatan na maging tao at tinaggal din ang kakayahan na ipahayag ang kanilang nararamdaman. Mabibigyan lang sila ng pagkakataon makapagsalita kapag sila ay kinain ng mga nilalang na nagbabantay dito. Dito rin ang mga kaluluwa ng mga mayayamang tao kung saan winasak ang kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsusugal. Ang mga kaluluwang ito ay habang buhay na hahabulin ng mga aso sa kagubatan.

Ang pangatlong lupon, dito ang mga kaluluwang gumawa ng violence against god. Ito ang mga kaluluwa ng mga kalapastanganan, mga sodomita, at mga nagpapautang at kumukuha ng malalaking interest. Ang mga lumapastangan sa pangalan ng panginoon ay nakaunat na nakahubad. Ang kanilang mukha ay nakapaitaas sa lupa at ang naglalagablab na ulan ang syang sumusunog dito.

Ang mga sodomites naman ay patuloy na naglilibot sa mainit na buhangin, nakahubad din ang mga ito at nakasquat.

Ang mga nagpapautang naman na may malaking interest ay nakaupo sa mainit na buhangin at tago ang pagkakilanlan ng mga ito. Sa kanilang leeg makikita ang ilang mga bag. Hindi kagaya ng 2 nauna, ang mga ito ay nakasuot ng magagandang damit subalit ito rin ang nagsisimbolo na masyado silang naging gahaman sa material na bagay at nawala ang kanilang pakakilanlan.

Fraud

Ang antas na ito ay para sa mga taong mapanlinlang sa kanilang buhay, na nagkanulo sa mga taong nagtitiwala sa kanila. Ang antas na ito ay nahahati sa 10 lugar depende sa uri ng pandaraya at pagtataksil na ginawa nuong nabubuhay pa.

Ang unang lugar ay ang mga kaluluwa ng mga nang-aakit, panderers, pimps at kahit na ang mga movie producers at emotinal rapists ay matatagpuan din dito. Ang mga kaluluwa na ito ay hinahatulan upang maglakad nang walang hanggan kasabay ang hagupit ng latigo ng isang demonyo.

Ang pangalawang lugar ay ang mga kaluluwa ng mga advertisers at mga taong nagsinungaling para lang makapambola nuong nabubuhay pa sila. Ang parusa sa mga kaluluwang it ay sa tuwing magsasalita sila, ang dumi o jebs ay lalabas sa bibig ng mga ito.

Ang pangatlong lugar ay ang mga taong dumungis sa mga banal na bagay. Kung saan nagbebenta o bumibili ang mga ito ng banal na bagay o mga bagay na merong koneksyon sa panginoon. Ang mga kaluluwang ito ay pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpasok sa butas ng nakabaligtad at pupunuin ang butas ng langis. Ang apoy ay mangagaling sa kanilang paa.

Ang pangapat na lugar ay ang mga lugar ng manghuhula, mangkukulam at iba pang gumagamit ng mahika. Ang parusa sa mga ito ay ang mga leeg nito ay naka360 o nakabaliktad.

Ang pang limang lugar ay ang mga kaluluwa ng mga taong ninakawan ang mga nagtiwala sa kanila at ang mga kumukuha ng pera at hindi ginagamit sa maayos na paraan. Ang mga kaluluwang ito ay nakalubog sa kumukulong tubig. Takot ang mga ito na iangat ang kanilang ulo kaya nakalubog lang sila at tinitiis ang sakit dahil kapag inangat nila ang kanilang ulo ang mga demonyo ay nagaabang para tusukin o kalmutin ang mga ito.

Ang pang anim na lugar ay ang mga hipokrito o ang Mga mapagkunwari. Ang parusa para sa mga kaluluwang ito ay magsusuot sila ng mabibigat na balabal na may makakapal na tingga at meron silang hood na tinatakpan ang kanilang mga mata. Dahil sa bigat sobrang sakit ng nararamdaman nila. Kailangan nilang maglakad ng paulit ulit kapag sila ay huminto ang balabal nila ay mas lalong iinit.

Ang pang pitong lugar ay para sa mga magnanakaw. Ang mga kaluluwa na ito ay mga nakahubad at inaatake ng mga ahas, kapag sila ay natuklaw ng ahas masusunog ang mga ito at magiging abo, makaraan ang ilang minuto babalik muli sa dati at tutuklawin na naman ng ahas. May mga pagkakataon din na ang kaluluwa ay magiging ahas kaya naman habang buhay ang dalawa maghahabulan.

Dito matatagpuan ang mga kaluluwa ngg Maling Mga Tagapayo, Ang lugar na ito ay sobrang liwanag, lahat naglalagablab ang apoy. Ang mga apoy na ito ang nagsisilbing mga kaluluwa. Dito masusunog sila ng habang buhay.

Dito matatagpuan ang mga kaluluwa ng mga naghahasik ng sigalot, iskandalo at schism. Dito paulit ulit silang hinahati ng isang demonyo. Matapos mahati ng demonyo ang kanilang katawan ang mga kaluluwa ay mapipilitang hanapin at dalhin ang kanilang kaluluwa sa demonyo pagkatapos ay mabubbuo muli at hahatiin ulit ito ng demonyo.

Ang huling lugar sa antas na ito ay ang mga sinungaling. Ang mga kaluluwa dito ay dinapuan ng lahat ng klase ng sakit, rabis, leprosy at iba pa at kailangan nilang lumakad subalit dahil sa mga sakit na nasa kanilang kaluluwa ay nahihirapan ang mga ito.

Treachery

Ito ang pinakahuling antas ng impyerno ayon kay dante. Dito nananatili ang mga kaluluwa ng mga traydor, dito rin matatagpuan si satanas. Ayon kay dante ang lugar na ito ay tinatawag na cocytus at ang mga ilog dito ay nagyeyelo, wala kang mararamdaman na kahit anong init, lahat ng nasa paligid ay puro yelo. Ang hangin ay malamig din, mas lalo itong lumalamig dahil ang papak ni satanas ay kanyang pinapagaspas.

Si taning ay may tatlong mukha at ito ay may kanya kanyang kulay, pula, dilaw at itim. Bawat mukha may nginunguya itong traydor. Ang pulang mukha paulit ulit nginugnuya ang traydor na si judas, ang itim naman si marcus brutus at ang dialaw ay si caius cassius longinus.

——

Ang video na ito ay depiksyon ni dante tungkol sa kung ano ang impyerno. Hindi ibig sabihin ganito ang impyerno, wala pang nakakaalam kung anong klase ang impyerno o kung meron man dahil wala pang nakakabalik mula dito bukod kay hesu kristo. Isa lamang itong representasyon.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Mga Martir na Namatay ng Napakasakit

Ano ba ang soul selling?