Anong klaseng Empath ka?

Reading Time: 7 minutes

Sa previous video diniscuss natin na posibleng totoo ang empath, pwedeng ikaw, pwedeng ang kaklase mo o ang jowa mo. Alam nyo ba na merong iba’t ibang klase ng mga empath? Yes mga boss, although mga boss i wanted to be clear po sa video ha, ang types of empath is just for classification, ang empath ay still not proven yet if we are talking scientifically. Pero spiritually at sa pseudoscience proven na ang empath. Sana po maging clear tayo dito.

Andami kong nakitang types of emapth, merong 6 merong 9, 10 at meron pang 15 types. Pero mag stick tayo sa mga major types lang.

Emotional Type:

From the word emotion, ang emotional empaths ay nakakasense at nakakaabsorb ng mga emosyon at enerhiya ng ibang mga tao at nararamdaman din nila ito. Unang tingin pa lang nila malalaman nila agad ang totoong saloobin nga tao, kung ito ba ay malungkot, depressed, masaya o nagttrip lang. Ang empath ay matatanggap ang nararamdaman ng isang tao kahit hindi nya pa ito tinatanong.

Physical Type:

Ang mga physical empath ay makakaramdam ng mga sakit ng isang tao na nasa kanilang presensya, karamihan sa mga physical empath ay nararamdaman nila ang sakit ng isang tao kahit ayaw nila, ito ay sa kadahilanang hindi pa sila aware o hindi pa nattrain ang kanilang abilidad. Yes mga boss, ayon sa aking pagreresearch pwede kang magkaroon ng invisible shield para mablock ang mga ganitong sakit o emosyon.

Halimbawa, nasa isang elevator ka, biglang sumakit ang ulo mo, considering na emapth ka ha, unknowingly, meron kang kasama sa elevator na masakit din ang ulo. Kapag hapong hapo naman ang kasamahan mo sa trabaho, ganito rin ang mararamdaman mo.

Intuitive or Claircognizant:

Kung ikaw ay isang claircognizant o intuitive emapth, makakuha ka ng impormasyon sa ibang tao sa pamamagitan lamang ng pagiging malapit dito, when i say malapit mga boss hindi ung liligawan mo. Distansya ang tinutukoy natin dito. Hindi pagibig. #Walangforever

Sa isang tingin lang marami ka ng malalaman sa isang tao, malalaman mo kung sila ba ay nagsisinungaling dahil mararamdaman mo ang intensyon sa likod ng kanilang sinasabi. Yung tipong sasabihin ang bait mong kaibigan tapos deep inside halos durugin na pagkatao mo, ung mga gaung klase, malalaman mo agad kung iaw ay isang claircognizant empath.

Some say mga boss it takes only skill para malaman ito, habang ang iba naman kahit walang skill ay nagagawa ito ng walang kahirap hirap. Therefore mga boss, we can assume na pwede itong matutunan pero pwede rin itong maging gifted ability.

Animal empaths:

Nuong nabasa nyo ang animal empath panigurado ang unang pumasok sa inyong isip ay ang dog whisperer. Yes mga boss, ang animal emopaths ay ang mga taong malakas ang abilidad na maramdaman ang isang hayop at maintindihan ito. Meron pa nga tayong cat whisperer at horse whisperer. Pero ung mga pumipito jan sa kantong madilim, ibang whisper yun, careless whisper ang tawag dun.

Ang mga animal empath ay hindi lang malapit sa kanilang mga alagang hayop, pati ang ibang hayop ay malapit din sa kanila, sa katunayan, ang ibang mga animal empath ay mas prefer ang makasama ang kanilang mga alagang hayop kesa sa kanilang mga barkada.

Plant Empath:

Naranasan nyo na bang magtanim mga boss? Ako nung elementary days, piangtatanim kami tapos may toka kaming mga halaman na didiligan at aalagaan. Dagdag grades din un nuon lalo na kapag ang halaman mo ay nabuhay. Turns out sa akin patay ang halaman ko. Tamang dilig at fertilizers naman pero wala talaga.

Turns out mga boss na merong mga tao na merong magic pagdating sa pagtatanim. When i say magic, sila ung kapag nagtanim 90% mabubuhay ang kanilang tinanim 10% sympre pag di inalagaan ng maayos mamatay pa rin.

Nonetheless ang mga may ganitong kakayahan ay tinatawag na plant empath, hindi ung mga vegitarian ha. Kung isa kang plant empath, may mataas na posibilidad na guston mong napapaligiran ng mga halaman. Hindi dahil maganda silang dekorasyon kundi dahil you feel safe at mas nagpaparelax sayo.

Environmental / Geomantic Empath:

Ang Environmentanl empath ay tinatawg din na geomantic. Sila mga boss ung mayroong attunement sa physical landscape. Halimbawa, pumunta ka sa isang lugar, maayos naman ang lugar maaliwalas pero sa di malamang dahilan hindi ka komprtable sa lugar na yon. That may boss is a sign na isa kang geomantic empath, o isa ka lang talagang introvert at ayaw mo lang talagang lumabas ng personal space mo alin sa dalawa.

Pero joking aside mga boss, ang isang geomantic empath ay kadalasang mayroong deep connection sa mga partikular na lugar. Ito rin ung mga parte na pag pumunta ka sa isang lugar mararamdaman mo ang nangyari sa lugar na yon, kalungkutan, pagkasawi, masasayang kaganapan, lahat un machachannel back ng isang empath.

Karamihan ng mga geomantic empath ay mga environmentalists din kung saan nasasaaktan ang mga ito kapag may punong napuputol lalo na’t dahil sa mga illegal loggers. Kagaya ng plant empath ang mga geomantic empath ay kadalasan gusto rin ng mga halaman bilang dekorasyon.

Spiritual Empaths:

As the words states, spiritual, ibig sabihin to the world unknown ang connection ng mga spiritual empaths. Sila ang nagsisilbing mediu,. Nakakaconnect sila sa mga patay o iba pang mga spiritual beings mula sa kanilang paniniwala. Kaparehas ito ng emotional empaths mga boss, ang pinagkaiba lang nila well, mas malakas ang attunement ng spiritual empaths sa spirit world kumpara sa physical world.

Heyoka:

And there’s this. Lahat may empath sounding sa huli tapos etong last natin heyoka. Ano ba ang heyoka?

Ang mga heyoka mga boss ay mula sa native american word na ang meaning ay sacred clown o fool. Ang mga heyoka ay kadalasan nagpapatawa para magamot ang sakit na nararamdaman ng isang tao. Kadalasan din nagiging salamin sila at pinapakita sa tao ang nararamdaman nito.

Ibang iba ang empath na ito, dahil naiintindihan nila na para maipakita sa ibang tao ang kanilang nararamdaman, kadalasan pinapakita nila ang opossite nito.

Ang heyoka ay tinatawag din na pain eater dahil sa kakayahan nitong makaabsorbed ng negative energies.

Kayo mga boss tingin nyo ba empath kayo?

Source 1
Source 2

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

My way killer song – Urban Legend

Maria Labo – Urban Legend