Ano nga ba ang paradoxes ng timetravel?

Reading Time: 9 minutes

Part 3 ng time travel mga boss, ang mga paradox. Sa mga kapapanood pa lang at hindi napanood ang fermi paradox, ang paradox mga boss ay statemeng that contradicts itself. Halimbawa ang statement na ito ay false, totoo na sinabi ko ang statement ay false pero sinabi ko rin na false ang statement, ang gulo no? Pero mas naipaliwanag ko yan sa fermi paradox kaya sa mga hindi pa nakakapanood, pause this video at panuorin nyo po muna un. Anyway let us start mga boss.

Predistination paradox:

Let us begin with the word predistination, ito mga boss ay hango sa salitang griyego na proorizo, proorizo ha hindi chorizo.  Pro meaning before at orizon meaning determine. Mas nakilala natin ang predistination paradox sa star trek. So ano ba ang ibig sabihin ng predistination paradox?

Ito mga boss ang isang sitwasyon kung saan ang isang time traveler ay pumunta sa nakaraan na nagcause ng event at sinubukan nya itong pigilin. It could be the death of the time traveler o ang kamatayan ng mahal nya sa buhay. Not knowingly, na ang kanyang pagtravel ay ang cause ng nasabing event.  Ang paradox na ito ay nagsasabi na ang mga pangyayari ay nakalatag na at kung sino man ang susubok na baguhin ito ay mattrap sa endless loop. Medyo magulo ba boss? Isa pang example, halimbawa namatay ang mahal mo sa buhay dahil sa hit and run, dahil dito gumawa ka ng time machine para magtravel back sa past, nuong nasa past ka na sumakay ka ng isang kotse at nagmamadaling pumunta sa lugar kung saan ang pangyayari, unknowingly, dahil sa kamamadali mo, hindi mo napansin ang isang taong tumatawid at nasagasaan mo ito, only to find out na ito ang pinakamamahal mo. So in a sense, ang pagtravel mo sa past ang naging dahilan ng pagkamatay ng mahal mo sa buhay.

Kung naguluhan kayo mga boss panuorin nyo ang predistination. Napakaganda ng movie na yon, well kailangan mong maging focus para maintindihan ang movie. That itself is an example of a predestination paradox. So hindi ko na iispoil pa, try to watch it mga boss pag medyo naguluhan kayo sa example ko.

Bootstrap Paradox:

Ang bootstrap paradox ay naging popular dahil kay Robert A heinlein sa kanyang libro by his bootstraps nuong 1941 kung san ito ay naglalathala ng kwento ni bob wilson at ang time travel paradox na encounter nya nuong gumamit sya ng time portal.

Isang halimbawa ng bootstrap paradox ay halimbara, isang time traveler ang bumalik sa past at nakipagusap kay einstein. Dito nalaman ni einstein ang patungkol sa theory of relativity. Dahil nga mula ito sa time traveler, klinaim ni einstein na sarili nya itong gawa at ang theory ay naging popular na at sinama na sa pag-aaral sa eskwelahan, decades after decades after decades hanggang sa dumating ang panahon ng time travel. Kung saan ang time travel nagkaroon ng curiousity at bumalik sa past para tanungin si einstein kung saan nagmula ang theory. Hindi natin pwedeng sabihin na galing ito sa time traveler dahil nalaman nya lang ito kay einstein, hindi rin natin pwedeng sabihin kay einstein dahil nalaman nya lang din ito sa time traveler, so it comes to the point na, sino o saan nag originate talaga ang theorya?

Grandfather Paradox:

As the word says, ito ay patungkol sa lolo o grandfather. Halimbawa, gusto mong patayin ang iyong lolo dahil gumawa sya ng isang dynasty o isang pagkakamali na naging dahilan kung bakit naging apocalyptic ang mundo. Dahil dito, gusto mong bumalik sa past para kitilin ang buhay ng iyong lolo para hindi na mangyari pa ang apocalypse. Naisip mo na kailangan mo syang mapatay bago pa sila magkita ng iyong lola at kapag nangyari yon, ikaw at ang iyong buong angkan ay maglalaho sa mundo. Merong 2 posibleng scenario ayon sa mga theoretical physicists.

Ang una ay ang time line protection hypothesis. Say nakabalik ka na sa past, dala dala mo ang isang baril at tinutok mo sa ulo ng iyong lolo, kinalabit ang gatilyo subalit hindi pumutok ang baril, pinagbabaril mo ng paulit ulit subalit ang mga ito ay hindi pumuputok. Dahil dito tinapon mo ang baril at kumuha ng isang matulis na bagay, subalit hindi namatay ang iyong lolo bagkus nasugatan lamang ito, sinubukan mo ang lahat ng paraan subalit hindi mo talaga makitil ang buhay ng iyong lolo hanggang sa dumating ang mga pulis at hinabol ka.

Ayon sa hypothesis na ito, may certain rules ang time line kung saan hindi ka makakakitil ng buhay kahit anong paraan pa ang gawin mo. Think of it as an invisible shield at ang pwede lang mapatay ay ikaw.

Ang pangalawa ay ang mutiverse hypothesis. Nasa past ka na, tinutok mo ang baril sa ulo ng lolo mo at pinutok. Tapos na, patay na ang lolo mo, mababago na ang time line, hindi na mangyayari ang apocalypse. Subalit ikaw ay hind naglaho, kaya bumalik ka sa present, pero hindi ka nageexist sa timeline na yon. Lahat ng patungkol sayo ay nabura, kasama na ang iyong pamilya, kaibigan, bahay, lupa alahas, lahat. Ayon sa mga siyentipiko, ikaw ay nakapasok na sa isang alternate timeline kung saan hindi ka nageexist o parallel universe.

Hitler Paradox:

Ito ay halos kaperahas ng grandfather paradox kung saan gusto mong pigilan ang iyong lolo para maputol ang isang napakasamang kaganapan. Sa grandfather paradox case, ikaw lamang at ang pamilya mo ang mabubura. In the case of hitler paradox, mas marami ang maapektuhan. Dahil si hitler ay pinag-aral sa school, diniscuss ang history nito ay ang mga actions nya nuong sya ay nabubuhay pa. In short, halos lahat ng tao kilala si hitler at ang iba ay may matinding impact dito.

Say bumalik ka sa past at pinatay si hitler. Lahat ng pinag-aralan ay mawawala, lahat ng patungkol kay hitler sa future ay maglalaho. At ang paradox ay ikaw mismo na nagtravel back dahil kay hitler ay wala ng rason para bumalik pa muli sa past.

Polchinski’s Paradox:

Ang paradox na ito ay prinoposed ni Joseph Polchinski. Halimbawa ang isang billiard ball ay pumasok sa isang worm hole at nagtravel sa past at nagcollide sa younger self nito at dahil dito ang younger billiard ball ay hindi na nakapasok sa wormhole. Nuong prinopose ni Joseph ang scneariong ito, isa sa mga naisip nya ay ang novikovs self consistency principle kung saan sinasabi nito na ang time travel ay posible pero ang time pardox ay hindi pwedeng mangyari.

Isa sa mga solution dito ay ang timeline protection hypothesis kung saan nuong tumama ang billiard ball sa younger version nito, instead na mapigilan, nagbago lang ang traction nito at eventually nakapasok pa rin sa worm hole. Indicating na ang mga pangyayari ay nakalatag na at kahit anong pigil ng isang time traveler, hindi ito mangyayari. Thus preserving the consistency of history.

Ayan mga boss for now. Ang last part natin ay patungkol sa mga cases ng time travel. Ang mga taong galing daw sa future o sa ibang lugar. Sana may natutunan kayong bagong impormasyon sa video na ito.

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Black Panther

Mga kwento ng time travel Part 1