Ano nga ba ang dahilan ng St Elmos Fire?

Reading Time: 9 minutes

Maraming mga tao ang hindi nakakaranas ng phenomena na ito, ang santelmo. Isa  itong klase ng plasma na umiilaw at kadalasang nakikita tuwing masama ang panahon. Mayroong electric discharge sa hangin at ang mga dulo ng mga bagay katulad na lamang ng nasa barko ay nakakagawa ng apoy dahil dito. Kadalasan sila ay kulay blue o hindi naman kaya violet dahil ito sa nitrogen at oxygen sa ating atmosphere pero papaano ba ito naging st. elmo?

Ang alamat ni St. Elmo:

Si Erasmus ng formia o ermo ay nabuhay nuong 3rd century sa italy sa ilalim ng mga romano. Isa syang bishop sa isang simbahan. Si erasmus ay isang martyr at pinaniniwalaang ang mga anghel ang nagministro dito. Nuong panahon na ito ay tinutugis pa ang kristianismo.

Si erasmus ay nagtago sa mt. libanus ng 7 taon bag bumalik sa syudad. Sinabi sa kanyan ng anghel na bumalik na ito pero hindi sinabi kung bakit kailangan nyang bumalik.

Ang mga kawal nuon ay dinala sya kay diocletian, isang roman emperor na hinahatulan ang mga kristiano. Sympre si ermo bilang isang kristiano ay pinatorture nito. Tinapon sya sa kulungan. Di rin nagtagal nakatakas si erasmus sa tulong ng isang anghel.

Pumunta si erasmus sa lycia na ngayon ay kilala natin bilang turkey kung saan pinagaling nya ang anak ng isang napakaimportanteng nilalang. Maraming mga tao ang nagpabawtismo dahil sa mirakulong ito. Ang western roman emperor na si maximian ay inaresto si erasmus at inutusan ito na pumunta sa isang templo na merong rebulto at inutusan na sambahin ang rebulto.

Si erasmus ay hindi naging tahimik sa kanyang pananampalataya, habang papunta sila sa templo, ang rebulto ay nalaglag at nawasak. Ang emperor ay naghatol na matorture si erasmus muli.

Si erasmus ay napagaling ng anghel mula sa pagkakatoture nito. Dahil sa gumaling si erasmus, inutos muli ng emperor na itorture ito. Si erasmus ay bingubog at pagkatapos ay sinilaban ng buhay. Amazingly, siya ay hindi pa rin namatay. Dahil sa kakaibang pangyayari, inutusan na lang ni maximian na ikulong ito at hayaang mamatay sa gutom. Pero sympre si erasmus ay nakatas pa rin.

At some point, si erasmus ay nakilala bilang ermo o elmo kung saan nangangaral ito sa mga mandaragat. Isang bagyo ang tumama sa barko na sinasakyan ni erasmus, nakidlatan si erasmus habang nagngangaral pero hindi ito nagpatigil sa kanya, derederecho pa rin sya. Naniwala ang mga mandaragat na ang dasal at paniniwala ni erasmus ang nagligtas sa kanila. Nakakita sila ng mga hugis bilog na liwanag sa may dulo ng kanilang barko o ung mastheads. Simula nuon tinawag na nila itong st. elmo’s fire.

Si erasmus ay nahuli muli sa illyrcum na ngayon ay kilala natin sa tawag na croatia. Dito tinorture muli sya bago namatay. Ayon sa isang kwento, hiniwa ang kanyang sikmura at kinuha ang mga bituka nito at saka binalat sa kanya.

Si erasmus ay kinukunsidera na patron ng mga mandaragat dahil na din sa kwento na nakapalibot dito.

Corona Discharge:

Altho ang ating malilikot na utak ay sinasabi na ito ay esperitu o kaluluwa, hindi mga boss. Aynon sa siyensya itong phenomenon na ito ay isang corona discharge o point discharge.

Karaniwan itong nangyayari sa dulo ng mga conductive surface kapag merong thunderstorms. Kadalasan itong makikita sa taas ng mga simbahan kung saan meron itong patusok na nagsisilbing lingting rods, sa dulo ng pakpak ng eroplano, sa matutulis na dulo ng mga damo at kahit na sa sungay ng mga hayop.

Ang corona discharge ay nangyayari kung ang electrical field ay mas malakas kesa sa resistance nito. Ang electric field sa case ng st. elmo’s fiore ay ang atmosphere kapag may thunderstorm at ang resistance naman ay ang conductive rods o ung mga pointy rods.

Ionization:

Ang kidlat ay gumagawa ng electrically charged atmosphere at merong charge difference sa mga ulap at sa baba nito. At ito ang ito ang nagiging dahilan ng pagbabago sa voltage o electrical pressure.

Sa gitna ng ulap at ng lupa nagkakaroon ng pagbabagoo sa mga atoms. Ang mga electrons ay lumalayo sa mga protons at ito ang gumagawa ng environment kung saan ang mga electrons ay malayang nakakagalaw. In short nagiging good conductor ang ating hangin.

Ang electrons ay patuloy na lumalayo sa kanilang positive charged counter part ang mga protons at ito ang tinatawag na ionization at ang plasma ay isa lamang ionized air.

Pointy objects:

So ang tanong eh, bakit sa mga pointed objects kadalasan itong nakikita, bakit hindi sa clouds o sa ibang lugar?

Kapag ang voltage ay masyado ng tumaas usually nasa mga 30,000 volts per centimeter ng space, ang charged object ay magdidischarge ng kanyang electrical energy. So anong konek ntio?

Ang dahilan kung bakit ang apo’y ni st.elmo ay kadasalang nakikita sa nmga pointed objects ay sa kadahilanag ang mga matutulis na bagay ay mas nagdidischarge sa lower voltage level. So in a laymans term, ang mga electrons ay patuloy na pupunta sa dulo ng matulis na bagay at magdidischarge at mabbubunggo ang mga conductive plasma sa plaigid at naeexcite ang mga air molecules dito na syang dahilan ng pagliwanag nito.

Sa kaso ng apoy ni santelmo, patuloy ang pagdiskarga kadasalan umaabot ng ilang minuto at ito ang nagiging sanhi ng patay sindi na ilaw nito na para bang tumitibok na puso. Ang susunod na tanong ay bakit kadasalan blue, bakit hindi pula o hindi naman kaya yellow?

Apoy na di nasusunog:

Contrary to the popular belief, ang santelmo ay hindi orange, dilaw o pula. Ito ay kulay blue. Ang ating atmosphere ay mostly nitrogen at oxygen molecules. Kapag ang mga molecules na ito ay naexcite, sila ay maglalabas ng violet o blue light. Ito ang dahilan kung bakit nakikita natin kadalasan ay blue, well ako personally, hindi ko pa naeexperience makakita nito.

Ang dahilan naman ng pagpulsate nito o ung pagpatay sindi ay dahil ang mga air molecules ay mabis na naeexcite dahil sa mas mataas na energy at babalik mo sa state nito at magbuburst out na naman. Ito ang blue fire na hindi nasusunog dahil sila ay mga liwanag lamang.

Kung ang ating atmosphere ay puno ng neon gas then ang apoy ni santelmo ay magiging kulay pula o kahel imbes na asul

Pop culture:

Maraming mga sinaunang manunulat ang nagkwento tungkol sa santelmo kagaya nila william shakespeare at herman melville to name a few.

Nuong 1985, isang pelikula at kanta ang lumbas na may parehas na title. Ang pelikula na ito ay tinawag na worst movie of all time pero ang kanya ay naging popular sa us, canada at uk. Ang komiks na the adventures of tintin ay nireferenced din ang santelmo santelmo.

Mga boss i just want to be clear. Ang santelmo po ay ibang iba sa ball of lightning. Ang ball of lightning ay kayang maglakbay sa hangin na parang lumulutang. Ang apoy ni santelmo ay hindi po, nasa isang lugar lang ito.

Source 1
Source 2
Source 3
Source 4
Source 5
Source 6

Report

Final Boss

Written by bulalordyt

Approved CommentRequestsReactionsVotedWebsite VisitYoutube BadgeFacebook BadgeAnniversary

What do you think?

Leave a Reply

Loading…

0

Christmas Tree Origins

Hinihypnotize natin ang ating sarili araw araw?